You are on page 1of 4

Ang Pagpapatupad ng Martial Law

Marami pa ring kababalaghan at katanungan ang bumabalot sa pagdedeklara ng Martial


Law ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Halina’t siyasatin natin kung ano ba ang nangyari
sa Pilipinas sa ilalim ng Batas Militar.Ang martial law o batas militar ay ang pansamantalang
pamamahala ng militar sa lahat ng gawain o aktibidad ng bansa lalo na kapag panahon ng giyera
o hindi kaya ay panahon ng emergency at/o malawakang kalamidad kung saan hindi umaandar
ang kalayaang sibil.

Apatnapu't anim na taon na ang nakalilipas mula nang pinirmahan ni dating Pangulong
Ferdinand Marcos ang Proclamation No. 1081. Napapailalim sa 1935 Constitution ang
proklamasyong ito kung saan binibigyan ang Pangulo, bilang isang Commander-in-Chief
(pinunong komander) ng lahat ng armadong pwersa sa Pilipinas, ng kapangyarihan na i-suspinde
ang pribilehiyo ng writ of habeas corpus sa ilalim ng martial law “upang maiwasan o mapigilan
ang karahasan, pagsalakay, insureksyon, o paghihimagsik, o anumang panganib na magbabanta
sa kaligtasan ng publiko.”Sa panahong ito, binigyan niya ng awtorisasyon ang militar na
arestuhin ang mga indibidwal na nagsasabwatan upang pabagsakin ang rehimeng Marcos.
Ipinataw niya rin ang curfew hours at mahigit na ipinagbawal ang pagtitipon, at ang sinuman na
lalabag dito ay maaaring arestuhin. Ipinasara niya rin ang kongreso, kinumpiska ang mga
pribadong kumpanya ng media at iba pang mga pampublikong pasilidad.
Idineklara ang Martial Law o Batas Militar dahil sa assassination plot laban kay dating
Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile, paglakas ng pwersa
ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga demonstrasyon laban sa
pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Hangad ng Martial Law na “iligtas ang
republika mula sa masasamang krimen at bumuo ng Bagong Lipunan”. Hangad ni Marcos na
baguhin ang lipunan sa pamamagitan ng Batas Militar. Nabago nga niya ang lipunan dahil takot
na ang mga Pilipino sa kanya. Malaki ang ipinagbago ng kalagayang pangkalusugan at
pangkalinisan – nawala ang mga basura sa daan at ang paligid ng mga tahanan ay naging malinis
at napanatiling malinis ng mga tao na rin. Nabawasan ang mga pasugalang ipinagbabawal lalo na
sa pangunahing lungsod ng Maynila. Napapaloob ang mga programa ng reporma ng pamahalaan
sa salitang “PLEDGES” na ang ibig sabihin ay: P-eace and Order (Kapayapaan at Kaayusan);
Land Reform (Reporma sa Lupa); Economic Development (Kaunlaran sa Kabuhayan);D
development of moral valuesGovernment Reforms (Mga Pagbabago sa Pamahalaan);
Educational Reforms (Mga Pagbabago sa Sistema ng Edukasyon); Social Services (Serbisyong
Panlipunan).Itinuturing na maganda ang programa ngunit ang mga repormang naipangako ay
hanggang sa papel lamang. Kung mayroon mang pagbabago at nangyari lamang sa mga unang
taon ng Bagong Lipunan.

Ang kanyang ‘Bagong Lipunan’ ay nabalot ng mga pangamba at takot dahil sa isang utos
niya lang, dapat sumunod at maniwala ang lahat o ipapapatay sila. Hatid niya ang bagong
Pilipinas na puno ng kaharasan at patayan. Nagkaroon ng kapayapaan at katahimikan sa mga
pook ng paaralan na dati-rati’y may ligalig at karahasan. Ngunit, subalit,datapwa’t marami pa rin
ang magandang naidulot ng pamamalakad ng diktadurya dahil ang mga proyektong pambayan ay
mabilis naipatutupad. May disiplina ang mga tao at kahit hatinggabi’y puwede kang maglakad sa
lansangan ng walang kinatatakutan basta’t meron kang curfew pass. Pangunahin sa lahat, mas
disiplinado ang Pilipino noong Martial Law kesa ngayon. Mas ginagalang (sabihin pa nating
kinatatakutan) ang mga Pulis noon kesa ngayon. Sa kabuuan mas tahimik at payapa ang
kalagayan ng bansa noon kesa ngayon dahil takot ang mga kriminal.

Sa katunayan na mas maraming naidulot na maganda ang pagdeklara ng Martial Law,


hindi pinakialaman ng Estados Unidos at iginalang nito ang pagiging independiente ng ating
bansa. Nakialam lamang sila ng mamatay si Ninoy Aquino at marahil dahil hindi nila kayang
kontrolin si Presidente Marcos sapagkat meron itong sariling prinsipyo at pag-iisip na pawang
nakatuon sa ikauunlad ng Pilipinas.Si Presidente Marcos ang tanging presidente ng Pilipinas na
MAS MARAMING nagawa para sa bayan kumpara sa mga naging Presidente ng bansa
pagkatapos niya.Oo, maaaring nagkaroon siya ng pagkakasala sa bayan dahil sa human rights
abuse. Pero hindi ito dapat maging dahilan para kalimutan natin ang mas maraming mabubuting
bagay na nagawa niya para sa bayan. Bakit? Meron bang Presidente na naging perpekto?? Hindi
ba't ito rin ang laging ibinabato ng mga komunista at ibang politiko sa mga naging Presidente
pagkatapos ni Marcos. Mayroon din namang masamang dulot ang martial law o batas militar
tulad na lamang ng karapatan ng bawat Pilipino ay nawala, gaya ng karapatan mag salita ng kung
ano man tungkol sa gobyerno, at karapatan na gumala ano man oras. Ang siguridad ay mas
hinigpitan.Ang batas na ito ay para sa kaligtasan ng lahat. Ngunit ang mga tao sa Pilipinas ay
nawawalan na ng tiwala kung ang kaligtasan ay syang makamtan, o sa halip maging biktima sila
ng karahasan at pag aabuso galing sa militar.Ang pagka wala ng tiwala ay na buo nuong panahon
ng na mamayapang dating pangulong Marcos. Sampong taon na pagdanas ng mga abuso at
karahasan na hindi na bigyan ng hustisya.Ang mga mamayan sa bansang Pilipinas ay nasasanay
nang gobyernong demokrasya. Tayo ay namumuhay na may taglay ng maraming karapatan.
Lalong lao na ang karapatan sa pagsasalita, na kung saan tayo ay na hubog sa pagiging bukas sa
pag tanggap ng komento at pag bigay komento.Tayo, ay nasasanay na pa galagala kahit anong
oras. At na sanay na ipanaglalaban ang ating mga karapatan.Ang mga kasanayan na ito at ang
kawalan ng tiwala sa gobyerno pagdating sa marshal law ang nag bigay hudyat ng masamang
epekto nito sa Pilipinas.Mas naging mabilis tayong umaksyon at nakikipaglaban na e tigil na ito.
Ang araw araw nating pamumuhay ay may halong pangamba, na kahit anong oras, tayo o ating
mga kamag anak na naman ang maging biktima ng abuso.At dahil sa bilis ng balita ngayon,
hanggang ibang bansa ay na ibalita tayo. Ito narin ay nag dudulot ng kahinaan sa turismo at
kalakalan sa Pilipinas. Isang rason na nag papabagsak ng ating ekonomiya.Ang martial law ay
nakakatulong sa pag puksa ng kasamaan, ngunit, minsan dito narin nagsisimula ang kaguluhan.

Sa panahon ni Presidente Marcos, ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa Asia.


Nakilalala rin ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa ibat-ibang proyekto na ginawa
niya.Tanungin natin ang ating sarili sangayon, sa nakalipas na halos 30 taon pagkatapos ng
EDSA kuno, ano ang kalagayan ng Pilipinas sa ngayon? Meron bang nabago sa buhay mo? Sino
ang nakinabang sa EDSA kuno? Ikaw ba na ordinaryong Pilipino o ang mga Pulitiko na sumakay
sa issue? Nasaan na ang mga lider ng EDSA kuno, hindi ba't sila-sila rin ang nagsisiraan at nag-
aaway sa ngayon? Katunayan lamang na ang isinulong noong EDSA kuno ay pansariling interes
lamang ng mga Pulitiko at hindi ng sambahayang Pilipino.

Oo, naging masaya (daw) ang mga Pilipino nang mawala si Presidente Marcos at naitatag
ang demokrasya sa bansa. Pero ang tanong, alam ba ng bawat isang Pilipino kung ano tunay na
kahulugan ng demokrasya at kung paano ito gagamitin ng wasto. Ang buong katotohan, hindi
natin (karamihan ng ordinaryong Pilipino) alam kung paano mamuhay sa ilalim ng isang
demokratikong bansa. Abusado ang karamihan sa mga pulitiko ngayon. At ang dahilan ng
pagpasok sa pulitika ng isang tao sa kasalukuyang sistema ng gobyerno ay hindi para magsilbi sa
bayan kundi para mangurakot! Mabibilang mo sa iyong daliri ang matitinong pulitiko. Ang
layunin lamang ng Batas Militar ay upang mapaigting ang siguridad ng mga tao laban sa mga
rebelyon o terorista. Nauunawaan ng Korte Suprema ang agam-agam ng mamamayan kaugnay
sa muling pag-iral ng martial law bunsod na rin ng naging kasaysayan ng bansa nuong panahon
ng batas militar ng Rehimeng Marcos.

Ayon sa desisyon ng hukuman, maging ang Korte Suprema ay hindi maaring balewalain
ang nangyari sa nakalipas. Pero giit ng Korte Suprema, hindi dapat masapawan ng mga malagim
na karanasan ng bansa ang kahalagahan ng pagdedeklara ng martial law. Ang martial law ay
kritikal at mahalaga sa pagsusulong ng kaligtasan ng publiko, sa pangangalaga ng soberanya at
sa ikasasalba ng bansa. Mahalaga rin ang batas militar para mapangalagaan ang Pilipinas mula sa
mga kalaban sa loob ng ating teritoryo, at maging sa mga kalaban na nagbabanta sa labas ng
ating bansa. Dahil dito, hindi dapat na maging masama ang pagtingin sa martial law nang dahil
lamang sa personal na pagkiling at walang batayang mga haka-haka. Dagdag pa ng Korte
Suprema, may mga inilatag namang tinatawag na safeguard ang kasalukuyang Saligang Batas
para maiwasan ang mga pag-abuso.
Sa ilalim ng Batas Militar, ang Pilipinas ay para bang nakasakay sa isang roller coaster,
dahil sa magulong sistema ng pamahalaan at lipunan. Maraming inosente ang namatay dahil sa
mga maling bintang at ang ating ipinagmamalaking sandatahan ay naging death machine ni
Marcos laban sa mga katunggali niya. Ang kanyang mga sinabi sa kanyang inagurasyon noong
1965, mga proyekto niyang nakatulong sa nakararami ay nabahiran na ng dungis dahil sa
kanyang pagdedeklara ng Proklamasyon Blg. 1081. Inihatid niya ang Pilipinas sa daang bagsak
ang ekonomiya, hati ang pananaw ng buong populasyon at mga giyera dahil sa iba’t-ibang
paniniwala. Nawalan ng pag-asa ang mga Pilipinong biktima ng Martial Law upang
makabangon. Ngunit sa matuwid na daan, ang bawat isa ay dapat maniwalang may pag-asa pa,
dahil tayo rin ang uukit ng maganda at bagong bukas. Tayo rin ang maghahatid sa ating mga
sarili sa matiwasay na bansa, tungo sa kaunlaran. Huwag na natin sayangin ang panahon at
ituwid natin ang kamalian, baguhin ang sistema at pag-isahin ang hangarin nating bagong
Pilipinas.

Mayroong maganda at masamang epekto ang martial law o batas militar sa mga Pilipino
at sa ating bansa. Ngunit, Subalit, Datapwa’t kung ako ang tatanungin kung sumasang-ayon ba
ako na ipatupad ang martial law o ang batas militar sa ating bansa, oo sumangsang-ayon ako
dahil sa batas na ito naging disiplinado ang mga tao o ang mga Pilipino. Nabasawan ang krimen
dahil sa pagpapairal ng oras ng curfew. Nakapagpasimula rin ng mga negosyo ang mga
mahihirap na Pilipino sa pamamagitan ng pagpapautang ng pamahalaan. Nailinis din ang
katiwalian sa pamahalaan. Tinanggal sa pwesto ang mga kawaning nagpapabaya sa tungkulin.
Maiiwasan ang mga kaguluhan kung saan ay sangkot ang mga kabataan. Gayundin, ang
pananatili ng kapayapaan na kailangang kailangan ng ating bansa. Para sa mga Pilipino na
nakakaranas ng karahasan, ang pagpapatupad ng batas na militar na ito ay nakatutulong upang
mapanatili ang kaayusan at mailayo sa kapahamakan na dulot ng masasamang loob. Sa tulong ng
batas militar na ito, napanatili ang kasaganahan sa buhay na siya namang hiling ng bawat
Pilipino. Ang martial law ay malaking tulong sa Mindanao dahil magkakaroon ang mga tao doon
ng kapayapaan laban sa mga teroristang nais sakupin ang kanilang lalawigan. Paliwanag ni
Presidential Communications Secretary Martin Andanar, sakaling mapalawig ang martial law sa
Mindanao ay hindi naman ito makaaapekto sa ekonomiya ng rehiyon dahil patuloy parin naman
ang pagpasok ng mga turista bukod sa iilang nagkansela ng kanilang mga biyahe dahil sa
inilabas na travel advisory ng kanilang mga bansa. Sinabi pa ni Andanar, mas mabuti pa nga na
may martial law dahil mas nababantayan ngayon ang seguridad ng mga negosyo mga residente at
turista dahil sa patuloy na pagtugis ng mga otoridad sa mga terorista at iba pang kalaban ng
estado.

Batis ng Impormasyon/Sanggunian

https://rmn.ph/kahalagahan-ng-martial-law-hindi-dapat-masapawan-ng-mapait-na-karanasan-sa-
nakaraan-ayon-sa-sc/

https://thefilipinoservant.wordpress.com/2011/09/21/ang-pilipinas-sa-ilalim-ng-martial-law/

https://www.facebook.com/chrgovph/posts/ang-martial-law-o-batas-militar-ay-ang-
pansamantalang-pamamahala-ng-militar-sa-l/1769503646499506/

https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2017/07/23/1720870/ang-problema-sa-
martial-law
TALUMPATI
TUNGKOL SA
PAGPAPATUPAD NG
MARTIAL LAW O
BATAS MILITAR

JAMITO, JOANNA MARIE C.


BSMA 2101
Tagapagturo: Bb. Capuli

You might also like