You are on page 1of 11

MGA BUNGA NG

KORAPSYON
Isa sa bunga ng korapsyon ang kawalan ng
oportunidad ng mga ordinaryong mamamayan
na magkaroon ng espasyo sa iba’t ibang sangay
ng pamahalaan. Halimbawa, kahit na may mga
kinatawan ang mga grupong marginalized sa
pamamagitan ng mga partylist kontrolado padin
ng mga dinastiyang elite ang kongreso dahil
mayorya ng mga kongresista ay mula sa
mayayamang dinastiya.
Pangalawang bunga
Ang pangalawang bunga ng korapsyon
ang pagliit ng pondo na maaaring
magamit ng pamahalaan para sa mga
serbisyong panlipunan gaya ng pabahay,
edukasyon, transportasyon at
kalusugan. Malaking halaga ng badget
ang napupunta sa korapsyon na
tinatayang umaabot sa 200 bilyong piso
kada taon ayon sa world bank.
Bunga rin ng korapsyon ang kawalan ng
tunay na mga partido politikal sa
bansa. Sa halip na mga propesyonal at
ideolohikal na partidong may
magkakaibang paninindigan sa iba’t
ibang mahahalagang isyu, mga
personalitikong partido ang
nangingibabaw sa bansa, mga
partidong kontrolado at pinopondohan
ng mamamayang dinastiya.
Sa pangkalahatan, ang pagtamlay ng
suporta ng mga mamamayan sa
gobyerno at pagtamlay ng kanilang
partisipasyon sa halalan at iba pang
prosesong politikal ay epekto narin
ng monopolyo ng mga dinastiya sa
kapangyarihang politikal.
MGA SOLUSYON SA
KORAPSYON
Sa ganitong diwa, ang pagsasagawa
ng mga repormang politikal gaya ng
konstitusyonal na probisyon na na
nagbabawal sa mga dinastiyang
politikal at mga batas na
magpapatibay pa sa representasyon
ng mga grupong margallized ay dapat
isagawa.
Ayon sa ARTICLE II SECTION 26 NG
PHILIPPINE CONSTITUTION; “The
state shall guarantee equal access to
opportunities for public service and
prohibit political dynasties as maybe
defined by law”.
Noong 2011, isinampa na sa kongreso
ang House bill 3314 o pagbabawal sa
political dynasties na kinabibilangan
ng mga partidong Women’s partylist,
Anak pawis, kabataan at ACT
teacher.
Noong 2001 pa unang naipasabatas
ang anti political dynasty bill ang bayan
muna. Sa kasalukuyan nakalusot na sa
lebel ng komite sa kongresyo ang
katulad ng panukalang batas
(konsolidadong house bills 172, 837,
2991 na iniakda rin ng nasasabing
partido at ng tatlo pang kongresista. Sa
senado ay naka file naman ang senate
bill 2649 ni Senador Miriam Defensor-
Santiago
Bukod sa mga institusyonal na
pagsisikhay na maisabatas ang isang
Anti- dynasty bill, ang pagsuporta sa
mga grupo ng mga ordinaryong
mamamayan na lumalahok sa
politika, gaya ng mga partido ay
epektibong paraan din ng
pagpapahina sa mga dinastiyang
politikal.
Ang pagsasagawa ng voter’s
education forum sa panahon ng
eleksyon at pagkatapos nito ay
makakatulong din sa pagppalakas ng
partisipasyon ng mga mamamayan sa
politika, na makakapagpahina naman
sa kapangyarihan ng mga dinastiya.

You might also like