You are on page 1of 2

Ianne Gwen M.

Toledo BSA1

Filipino: Wika ng Karunungan Tungo sa Kaunlaran


ni Kathleen Tiu

Wikang Filipino, wika ng bawat Pilipino. Ikaw, ako, tayo.. iisa. Sa mundong pilit kang

binabago.

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura. Ito ang basehan na ginagamit

ng lahat ng antas ng tao sa lipunang kinagagalawan. Ito ang bumubuklod sa mamamayang

Pilipino sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Sa pagsisimula ng paggamit ng mga Pilipino ng wikang Tagalog sa unang panahon,

binuhay nito ang sibilisasyon. Nagkaisa ang mga Pilipino sa mas ikabubuti ng ating bansa.

Nagkaintindihan ang bawat pangkat dahil sa pagkakaroon ng isang wika na naiintindihan ng

lahat. Mas mabilis ang naging daan para sa transportasyon at komunikasyon na nagbigay daan

para mas dumami ang ideya at opinyon.

Pinagkaisa nito ang mga nakasanayang tradisyon. Nagbigay daan ito sa mas positibong

pagbabago at naibahagi ang iba’t ibang kultura at paniniwala. At higit sa lahat, napanatili nito

ang pagkakaisa ng bawat Pilipino kahit na may iba’t-ibang paniniwala.

Ang wikang Filipino ang ginagamit natin tungo sa pambansang kaunlaran. Wikang ating

kasangkapan sa pagkakaunawaan at pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino saan mang panig

ng Pilipinas.
Talaga ngang wala ng ibang magmamahal sa Wikang Filipino, kundi tayo ring mga

Pilipino, kaya’t halina’t pagyabungin natin ang isa sa mga pinaka-iingatang yaman ng ating

bansa Ang wikang Filipino. Wika Mo, Wika ko, at Wikang nating Lahat.

Maraming Salamat! Nawa’y mamutawi sa ating mga puso ang pagiging tunay na

mamamayan ng bansang Pilipinas. Muli, Maraming Salamat.

Mula sa: https://pinoycollection.com/talumpati-tungkol-sa-wika/#Filipino-Wika-ng-Karunungan-


Tungo-sa-Kaunlaran

You might also like