Professional Documents
Culture Documents
Henry Gleason
- Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
Bernales et al.(2002)
- Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-
berbal.
Mangahis et al.(2005)
- May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan.Ito ang midyum na ginagamit sa
maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Constantino at Zafra (2000)
- Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makapag-usap ang isang grupo ng mga tao.
Bienvenido Lumbera (2007)
- Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan natin..
Charles Darwin
- Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng pagsusulat.
KATANGIAN NG WIKA
Sinasalitang Tunog
Pinipili at Isinasaayos
Arbitraryo
Why do those
Katangi-tangi o unique languages Is there
have different any pattern
Kahit kambal ay hindi names to call to name a
magkamukha. that thing?
Ginagamit
Patay na wika
Minorya
Penomenang
Sosyal
Nakabatay sa Kultura
Dinamiko o Nagbabago
Dulot ng agham at
teknolohiya buhay
Pantao
Likas sa tao
Makapangyarihan
ILOCANO
Kilala rin sa tawag na Iloko. Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Hilagang Luzon. Gamit sa Rehiyon 1 at
2.
- Ading- nakababatang kapatid na babae o lalaki
- Apang-lolo o lola
- Apang lakay-lolo
- Apang baket- lola
- Baro- boy
- Mangan-kumain
- Awan – wala
- Naimas-masarap
- Nataraki – cute
- Nataengan- matanda
- (nag)guapo – gwapo
- Padi- pari
- How are You – Kumusta Ka?
- Good Day – Naimbag nga Adlaw!
- I Love You. – Ay-Ayaten Ka.
- Goodbye. – Agpakadaakon.
PANGASINENSE
Nasasailalim sa sangay ng Malayo-Polynesian ng pamilya ng mga wikang Austronesian. Sinasalita ng higit pa sa 2
milyon ng mga taga- Pangasinan at kapansin-pansing may mga Amerikanong may kanunununuang Pangasinan
- Ngaran- pangalan
- Duga- tama o totoo
- Balo- bago
- Daan-luma
- Maong- mabuti
- Maoges- masama
- Palandey – bundok
- Asewek- usok
- Alagey- tayo
- Yorong- upo
- Tikyab- lipad
- Yes- on
- No – Andi
- Good mornimg – Masanto’s ya kabwasan
- Good evening – Masantos ya labi
- What’s your name?- Anto’y ngaran mo?
- I Love You – Inaro Taka
BICOLANO
Pangunahing wika ng mga naninirahan sa Timog-Silangang Luzon. Ginagamit ang wikang ito bilang midyum
sa pagtuturo sa paaralan, sa pagpapahayag ng salita sa Diyos at sa iba pang okasyon.
KAPAMPANGAN
Wikang sinasalita sa Pampanga, Tarlac at Bataan. Gayundin sa ilang parte ng Bulacan, Nueva Ecija at sa mga
Aeta ng Zambales.
- Sinulat ku – I wrote
- Dintang ya. – He or she arrived.
- Sabian me kaku.– Tell it to me
- Ninu ing minaus keka? – Sinong tumawag sa’yo?
- Mamasa la. -Sila ay nagbabasa
- Kaluguran daka – I love you.
- Buri Daka! – I like you!
- Edaka buring mawala. – I don’t want to lose you.
- Nanu ini? – what’s this?
- Apu- lola
- Atchi – eldest sister
- Koya- eldest brother
- Susi – key
- Pansit- noodles
- Buisit- bad luck
HILIGAYNON
Tumutukoy sa wika na may kaugnayan sa Negros Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na
Ilokano. Ginagamit din sa mga grupo ng isla sa Panay at Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at mga parye
ng Mindanao.
1934
Nagkaroon ng Kumbensyong Konstitusyonal kung saan isa sa mainitang tinalakay at pinagtalunan ang pagpili ng
wikang pagbabatayan ng wikang pambansa.
1935
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa pagpapatibay at pagpapaunlad ng isang wikang pambansa na
ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa kapuluan.
1936
Itinatag ang tanggapan ng Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na binibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga
pag-aaral sa lahat ng mga sinasalitang wika sa kapuluan.
Gagawa sila ng komparatibong pag-aaral sa mga wika ng Pilipinas at magrekomenda ng wikang pinakamagaling
na magiging batayan ng isang pambansang wika.
1937
Hinirang ni Pang. Quezon ang Kalupunan ng Surian ng Wikang Pambansa mula sa iba’t ibang rehiyon at
kumatawan sa ilang pangunahing wika ng Pilipinas.
Abril 1, 1940
• Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 – Pagpapalimbag ng Diksiyonaryong Tagalog-Ingles at ng Balarila
ng Wikang Pambansa para magamit sa mga paaralan sa buong kapuluan.
Hulyo 4, 1946
Batas Komonwelt Blg. 570 – Ang wikang opisyal sa Pilipinas ay Tagalog at Ingles.
Pebrero 1956
Nirebisa ang salin sa Pilipino ng Panatang Makabayan at ipinagamit ito sa paaralan.
Ang paggamit ng wikang PILIPINO ay isang hakbang tungo sa pag-aalis ng rehiyonalismo at nagbubunga ng
pagsasabansa ng dating panrehiyon o diyalekto.
Ito ay makapagbibigay ng pambansang pagkakakilanlan.
1972
Saligang Batas ng 1972 (Artikulo XV, Seksyon 2 at 3). Ang Batasang Pambansa ay magsasagawa ng mga
hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na paggamit ng pambansang wikang tatawaging Pilipino at hannga’t di
binabago ang batas, ang Ingles at Pilipino ang mananatiling mga opisyal na wika ng Pilipinas.
Mayo 1973
Resolusyon Blg.73. Ang nagluwal sa Patakarang Edukasyong Bilingwal.
Mayo 1973
Ang Patakarang Bilinggwal ay ang paggamit ng Ingles at Pilipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga tiyak na
aralin at bilang hiwalay na asignatura sa kurikulum mula unang baiting ng mahabang paaralan hanggang kolehiyo
s alahat ng paaralan.
1987
Pinagtibay ang implementasyon ng paggamit ng Filipino, bilang pambansang wika, gaya ng isinasaad sa
Konstitusyong 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6). Äng wikang pambansa ng Pilipinas ay FILIPINO, samantalang
nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang wika.
Nagsagawa ng reporma sa alpabeto at sa mga tuntunin ng ortograpiyang Filipino. Ito ay pinamagatang Äng
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.”
1991
Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
1997
Nilagdaan ni Pang. Fidel V Ramos ang Proklamasyon Blg. 1041. Itoý nagpapahayag ng taunang pagdiriwang
tuwing Agosto 1-31 bilang Buwan ng Wikang Pambansa.
2012
Kautusang Pangkagawaran (DepEd Order) Blg.16, s 2012 -
Ipinalabas ang patnubay sa implementasyon ng Mother Tongue Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
2012
Ang MTB-MLE ay naglalayong malinang ang kakayahang pangkognitibo, pangwika, at kamalayang pansosyo-
kultural ng mga mag-aaral simula unang baiting.
WIKANG PAMBANSA:
Isang wikang magiging daan ng pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng kaunlaran ng isang bansa. Kinikilalang
midyum ng komunikasyon sa isang bansa. Batay sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV Seksyon 6: Ang
Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino.
WIKANG PANTURO:
Ito ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. Bilang opisyal na wika, ito ang ginagamit na wikang
panturo ng Pilipinas.
Filipino
Ingles
Mother Tongue-Based (MTB)
-Ayon kay DepEd Secretary Bro. Armin Luistro, FSC “Ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan sa mga
unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at
makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural.”
WIKANG OPISYAL:
Itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ito ay ginagamit sa opisyal na komunikasyon
ng estado sa kanyang mga mamamayan at ibang bansa sa daigdig. Isinaad sa Konstitusyon ng 1973, Artikulo XV, Sek.3:
“Hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, ang Ingles at Filipino ang magiging opisyal na wika.”