You are on page 1of 22

Thoth Nabu

Sarasvati
Ano nga ba ang
teorya?
Teorya
 Ang teorya ay isang bagay na iminungkahi
bilang isang makatwirang paliwanag para sa
mga katotohanan,kalagayan o isang
kaganapan.
MGA TEORYA NG PINAGMULAN
NG WIKA
Teoryang Bow-wow
 Ipinaliliwanag ng teoryang ito na ang wika ay
maaring nag mula pangongopya o panggagaya ng
tao sa mga tunog ng kalikasan na kanyang
naririnig. Ang mga taong namuhay noong
sinaunang panahon ay mayroong
napakalimitadong bilang ng mga salitang
nagagamit. Ang mga bagay sa kapaligiran ay
nabigyan ng turing ayon sa mga tunog na
nalilikha ng mga ito.
Teoryang Pooh-pooh
Tinutumbok ng teoryang ito na ang pagkatuto ng
tao sa pagsasalita ay bunga ng hindi sinasadyang
pagbulalas dulot ng matinding emosyon gaya ng
pagkagalak,sakit,pagkagulat,takot at iba pa. Sa
bawat emosyon na ating nararamdaman ay
mayroong naibubulalas mula sa ating mga bibig.
Teoryang Yo-he-ho
Ang mga nag pakilala ng teoryang ito ay inilantad
na ang pagkatuto sa pagsasalita ay bunga ng mga
pwersang pisikal.kapag ang tao ay may
ginagawang aktibidad na nangangailangan ng
higit na pwersa ay nakalilikha ng tunog ang tao
gaya na lamang kapag may binubuhat at kapag
dumurumi at umiiri.
Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay
Pinaniniwalaan ng teoryang ito na ang wika ay
dulot ng mga ritwal na karaniwang isinasagawa ng
mga sinaunang tao. Sa maraming gawain noon ng
tao, ang ritwal ay may malaking papel at
gampanin. Sa pagsasagawa ng mga ito ay may mga
inuusal na tunog na kalauna’y nagbago at
nabigyan ng bagong kahulugan.
Teoryang Ta-ta
Pinaliliwanag naman ng teoryang ito na ang
pagkatuto sa paglikha ng tunog ay dulot ng mga
kumpas at galaw ng kamay ng tao. Ang mga
kumpas na ito ay sinasabing naging batayan sa
galaw ng dila nasiyang dahilan upang matuto ang
tao na lumikha ng tunog at magsalita. Ang
pangalan ng teoryang ito ay ibinase sa salitang
Pranses na ta-ta na ang ibig sabihin ay paalam.
Ang pag kaway sa taong paalis ay gaya rin sa galaw
ng dila kapag binibigkas ang salitang ito.
Teoryang Ding-dong
Mayroon itong pagkakahalintulad sa teoryang
bow-wow na sinasabi na ang kapaligiran at mga
bagay na likas at likha ng tao ay may mga taglay na
tunog. Ito ang ginamit na batayan ng mga
sinaunang tao na kalunan ay nagbago at nabigyan
ng bagong mga kahulugan. Ang mga ito ay
nagsisilbing pansamantalang kasagutan sa tanong
ng tao ukol sa kung paano ba nagkaroon ng wika.
. Mahirap tukuyin ang tiyak na pinagmulan
ng wika sapagkat ito ay tunay na komplikado at
dinamiko. Walang matibay na basehan ang
mga ito upang mapatunayan. Ang mga
teoryang ito ay patunay lamang na ang tao ay
uhaw sa karunungan at kaalaman kaya naman
nasusubok natin ang ating isip na bigyang
kasagutan ang mga tanong na gumugulo sa
atin.
Gampanin ng wika sa
komunikasyong pantao
A.Nagsisilbing kaluluwa ng komunikasyon ang
wika
 Sa paggamit ng wika sa parehong pasalita at pasulat man
na mga pamamaraan ay nagagawang mailantad ng tao ang
kanyang mga kaisipan at saloobin sa iba. Masasabi natin
na ito ay ang pangunahing kasangkapan ng tao sa
anumang gawaing pangkomunikatibo. mahirap para sa tao
na masagawa ng proseo ng komunikasyon sa kawalan ng
magagamit na wika. Nagagawa nating maunawaan at
maipaunawa sa iba ang mga mensaheng naipapadala at
natatanggap sa pamamagitan ng mahusay na paggamit
nito sapagkat binibigyang hugis nito ang nilalaman ng
ating isip at puso. Ang unawaan sa pagitan ng mga sangkot
ay mahalaga sa komunikasyon at ang wika ay pangunahing
nagagamit upang makamit ang layuning ito.
B. Instrumento ang wika sa pagpapalawak ng kaalaman
 Ang tao ay tunay na uhaw sa kaalaman. Maraming kaisipan at
kaalaman ang naihayag at naipasa na nakatulong sa tao upang
higit niyang maunawaan ang buhay at ang mga komplikadong
aspeto nito. Halimbawa. Ang mga tekstong pampanitikan mula pa
noong sinaunang panahon ay nagbigay sa atin ng pag unawa sa uri
ng buhay na mayroon ang ating mga ninuno nagawa ng wika na
maipaunawa sa atin ang kasaysayan ng tao at naingatan rin ang
mga kaalamang ito bagamat matagal nang naitala ang mga ito.
Ang mga imbensyon ay naipalaganap din gamit ang wika at
napanatiling buhay ang mga kaalamang ito bagamat yumao na
ang taong nakatuklas ng mga ito. Ang mga aklat na ating ng mga
taong sumulat ng mga ito. Ang balita at ulat na ating nakukuha sa
telebisyon.radio.at dyaryo ay pangunahing kanlong ng wika na
ginamit upang ikalat at ilaganap ang mga ito.ilan lamang ang mga
halimbawang ito sa mga patunay na susi ang wika sa pagwasak ng
tanikala ng kamangmangan.
C. Ang wika ay daan tungo sa pagkakaisa
 Nabanggit na sa tulang ng wika ay nagagawang makamit
ang unawaan sa pagitan ng mga tao na pangunahing
layunin ng komunikasyon. nagagawang buksan ng wika
ang isip ng tao at may kakayanan din itong buhayin ang
diwa ng pagkakaisa. Halimbawa. Si Rizal ay sumulat ng
kanyang mga nobela na gumising sa mga Pilipino satunay
na kalagayan ng bansa sa ilalim ng mga mananakop. Sa
panahon ng martial law sa pilipinas. Ginagamit ng tao ang
wika upang magkaisang wakasan ang pamahalaang
diktatoryal ni Marcos. Marami bring bahagi ng mundo ang
nakinabang sa kapangyarihan ng wika na mapagbuklod
ang tao tungo sa pagsasakatuparan ng mga makabuluhang
layunin.
Ang Tungkulin ng Wika ayon kay
M.A.K Halliday
 Ayon kay Chomsky. Ang wika ay ang pangunahing
bagay na siyang taglay ng tao na wala sa ibang nilalang
sa mundo. Sa madaling sabi, ito ang malaking
ipinagkaiba ng tao sa alinmang nilalang sa daigdig.ito
ay pinatunayan din ni Salzmann na nagsabi din na ang
tao ay may kakayanan ding maituro ang malawak na
saklaw na ito sa iba. Ang mga hayop ay may sistema rin
ng komunikasyon na ginagamit upang mabuhay
ngunit higit na mas organisado at sistematiko ang sa
tao at mas malawak ang saklaw ng wika sa
komunikasyong pantao.
 Sa pag aaral na isinagawa ni Halliday noong (1978)
inilahad niya ang mga tiyak na kategoryang
tumutukoy sa mga tungkulin ng wika. Ayon sa
kanyang pag aaral mayroong 7 tungkulin ang wika.
A. Interaksyonal => ang kategoryang ito ay isinasaad
ang tungkulin ng wika sa pagbuo at pagpapanatili ng
ugnayang panlipunan sa pagitan ng mga tao. Ilan sa mga
halimbawa nito ay ang
pangungumusta,pagbati,pagpapalitan ng biro,paghingi
ng tawad,pagsulat ng liham-pangkaibigan.
B. Instrumental=> Inihahayag ng kategoryang ito ang
tungkulin ng wika sa pagkamit ng mga naisin o upang
pangunahing matugunan ang mga
pangangailangan.Mapapansin ito kapag tayo ay
nakikiusap o naguutos.
C. Panregulatori=>Ayon sa kategoryang ito nagagamit din
ang wika upang manipulahin,kontrolin,at gabayan ang
kilos,galaw,at asal ng iba. Kung susuriin ilan sa mga
halimbawa nito ay ang pagbibigay panuto,direksyon,at
paalala o babala.
D. Pampersonal=>Sa bahaging ito nagagamit ang wika sa
paghahayag ng saloobin at damdamin sa pamamagitan ng
pagsulat ng liham sa patnugot at arawang tala o diary,pagsali
sa mga pormal o di-pormal na talakayan at maging paggawa
ng Facebook post o status.
E. Pang-imahinasyon=>Nagagamit ang wika sa pag
papahayag ng imahinasyon na nasa isip ng tao sa malikhain
at masining na paraan na makikitang higit sa mga akdang
pampanitikan,pelikula,at iba pang katulad ng likha.
F. Pang-impormatib => Ayon dito nagagamit ang wika upang
makapagpalaganap ng impormasyon,datos o kaalaman na
makikita sa paguulat,pagtuturo,pagsulat ng aklat,ulat,at
pamanahong papel.
G. Pang-Heuristiko=>Ang wika ay maaari ring gamitin sa
pagkalap ng datos o impormasyon sa pamamagitan ng
pagtatanong,pakikipanayam,pananaliksik,at sarbey.

Marami ding iskolar ang naghayag ng kanilang mga kaisipan


na may kinalaman sa gampanin ng wika sa pantaong
komunikasyon gaya nina Chrisitie,Enz,at Vukelich noong
(1997). Ayon sa kanilang pag-aaral, may tatlong malawak na
gampanin ang wika .
A. Ilantad at ihayag ang pangangailangan at kagustuhan:
Makuha ang nais na maganap o makamit,maisakatuparan ang
naisin,kontrolin o manipulahin ang sarili o ibang tao.
B. Makipag-ugnayan sa sarili at sa iba: Mag bahagi ng
impormasyon tungkol sa sarili o sa iba, Makihalobilo sa
iba,mag pahayag ng damdamin.
C. Lumikha,umunawa,at mapalawak ang kaalaman:
Matuto at makatuklas ng makabuluhang
impormasyon,magpalaganap ng kaalaman,magpanggap at
magpantasya.

You might also like