You are on page 1of 20

Wika ng Relihiyon

Kailangan ng wika upang maipaunawa ang relihiyon. Nagmula sa Sakramento (komunikasyon ng mananampalataya at ng Diyos) Verbalisasyon - ebanghelismo/ pagpapahayag ng nakasulat sa Bibliya Kerygma - pangangaral/ testimonya/ panawagan/ deklarasyon Doktrina/ Dogma - sistematikong pag-aaral at pagtuturo ng tungkol sa Diyos/ mga bagay na dapat paniwalaan

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Abstrakto Non-cognitive language Language of faith tumutukoy sa hindi nakikita, hindi nararanasan, hindi puwedeng patunayan

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Ang mga simpleng salita ay nagiiba at lumalawak ang kahulugan kapag ginamit sa konteksto ng relihiyon.
SALITA
pag-ibig paghihirap pagtitiis kaligtasan ligaya kayamanan

ORDINARYONG GAMIT
Limitadong pagmamahal ng tao Paghihirap ng tao sa buhay Pagtitiis ng tao sa mga kaganapan sa buhay Kaligtasan mula sa aksidente Pagiging masaya materyal

PANGRELIHIYON
Walang pasubaling pagmamahal ng Diyos Sakripisyo ni Hesus sa Krus Pagtitiis ni Hesus sa pagpapahirap sa kaniya Kaligtasang buhat ng paniniwala kay Hesus Pagiging masaya sa gitna ng kahirapan eternal

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Simbolikong wika - kinakapalooban ng talinhaga at mga bagay na hindi basta ,makita, maranasan, maramdaman o maunawaan Simbolo ng mga banal na bagay ng Sakramento ng relihiyon nagiging sagrado Ex. krus, banal na tubig, Biblia, altar, imahen, bandila, insenso, kandila, libingan, abito, rosayro

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Ginagamit upang makontrol ang mga nasasakupan Pinaniniwalaan dahil maaari itong makatulong sa personal at espirituwal na pangangailangan. Utos
Mahalin mo ang iyong Diyos ng higit sa lahat. Mangilin ka kung pista ng pangilin.

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Moral na pananaw
Huwag kang mangangalunya. Hindi ka dapat mandaya.

Katotohanan
Si Jesus ay isinilang sa Bethlehem. Tunay nang sinasabi ko, ako ang daan, buhay at katotohanan.

Impormasyon
Iboto natin ang mga taong may takot sa Diyos tulad nina Nangangailangan ang parokya natin ng ganitong halaga.

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Ginagamit upang makipag-ugnayan sa mga kasamahan sa relihiyon Ang mga salita ay nagbabago ng kahulugan upang lumapat sa sistema ng pagpapakahulugan at paniniwala ng indibidwal.

Mga Katangian ng Wika ng Relihiyon

Ultimate concern Nagiging pag-asa ng mga mananampalataya para sa kanilang pananampalataya ang mga salitang kanilang ginagamit o naririnig. Ex. mga dasal, mga awit

Wika ng Relihiyon Bilang Asersiyong Di-Kognitibo

Ipinagpapalagay na isa lamang paggigiit ang wika ng relihiyon ngunit itoy sinusunod ng mga mananampalataya. Itoy isang wikang hindi na pinag-iisipan ang kahulugan kung tama o hindi.

Wika ng Relihiyon Bilang Asersiyong Di-Kognitibo

Sa pamamagitan ng pag-iiba-iba ng mga gawain o ritwal ng bawat relihiyon, nakakabuo sila ngkanikanilang termino, simbolo, at senyas para sa pangunawa ng bawat kasapi nito. Hal. Mga salita ng Muslim: jihad, Moske, Koran Hal. Ibat ibang tawag sa Diyos: El Shaddai, Jehoval, Allah, Apo, atbp.

Papasok dito ang pagiging larong pangwika nito

Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika o Language Game

Ayon sa pananaw na ito, ang ibat ibang uring wika, maparelihiyon, mapa-agham o mapabatas ay pumapaloob sa kani-kanilang laro Larong pangwika set ng magkakaugnay na mga konsepto na may kinalaman sa ibat ibang konteksto ng porma ng buhay. Wika ng relihiyon: pagkakaroon ng ibat ibang register ng isang partikular na relihiyon.

Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika o Language Game

Wika ng relihiyon: pagkakaroon ng ibat ibang register ng isang partikular na relihiyon. Ang wika ng isang partikular na relihiyon ay maaaring hindi maunawaan ng kasapi ng ibang relihiyon.

Wika ng Relihiyon Bilang Larong Pangwika o Language Game

Hal. Kristiyano Diyos; Muslim Allah (at si Hesus ay isang propeta lamang) Katoliko Diyos (Ama, Anak, Espiritu Santo) INC ang Diyos ay iisa lamang

Pagkakaiba ng doktrina, paniniwalat Gawain pagkakaroon ng ibat ibang pagpapakahulugan Makikita din dito ang control ng wika sa mananampalataya

Wika ng Relihiyon Bilang Sensyas o Simbolo

Naiimpluwensiyahan, napaniniwala, at nakokontrol tayo ng wika ng relihiyon dahil sa katangian nitong senyas at simboliko. Ang mga ito ang nagiging instrumento para makapagpaisip, makapagpaalala at makagpapamuni sa pinagmulan ng kasaysayan ng kaligtasan.

Wika ng Relihiyon Bilang Sensyas o Simbolo

Nakakatulong sa biswal ng mga mananampalataya:


KULAY

Asul at puti: Birhen Maria Pula at Puti: Katauhan ni Hesus Berde: San Jose, asawa ni Maria

Wika ng Relihiyon Bilang Sensyas o Simbolo

Nakakatulong sa biswal ng mga mananampalataya


Nakakabuo ng sign statement Alpha-omega: simulat katapusan Isda: mula sa milagro ni Hesus ng pagpapakain ng isda at tinapay Susi: simbolo ng kapangyarihan ni San Pedro na ibinigay ni Hesus

Wika ng Relihiyon Bilang Kontrol

Hindi neutral ang wika ng relihiyon. May kapangyarihan ang wika upang kontrolin ang buhay ng isang mananampalataya. Hal. Pagpapahalaga sa mga imahen at kagamitang panrelihiyon Nagamit ng relihiyon ang wika upang makaimpluwensiya at kumontrol sa mananampalataya dahil sa pagiging ultimate concern nito, analohikal, dikognitibo, at laro.

Paglalagom
Wika (isang panlipunang penomenon) + Relihiyon (isang institusyong panlipunan) = Wika ng Relihiyon. Ang dalawang variable na ito ay may kakayahang bumuo ng isang realidad sa loob ng isang lipunan. Sa paggamit ng relihiyon sa wika, nagkakaroon ng involvement o pakikisangkot ang mga tao sa loob ng relihiyon.

You might also like