Professional Documents
Culture Documents
Pokus din nito ang pag-aaral ng iba’t ibang proseso ng pagiisip o proseso ng pagkakamit at
pagbubuo ng mga kaalaman. Ayon kay Gonzales (1992), ang semantika ay proseso ng pag-iisip,
kognisyon at konseptwalisasyon. Sinasabing ang mga ito’y magkaugnay sa pag-uuri’t pagpapahayag ng
karanasan ng tao sa daigdig sa pamamagitan ng wika. Idinagdag pa niya, ang semantika ay itinuturing na
sentrong daluyan ng iba’t ibang larangan ng isipan at disiplina ng pag-aaral, tulad ng linggwistika,
pilosopiya at sikolohiya. Ang linggwistika ay pag-unawa sa wika at mga wika. Sinasabing ito rin ay
masiyensyang paraan ng pag-aaral ng mga katangian at kalikasan ng wika. (Santiago, 1993).
Ayon naman kay Lachica, ang linggwistika ay itinuturing na maagham na pag-aaral ng wika o
lenggwahe. Ang pilosopiya naman ay nangangahulugan ng pag-unawa kung paano nalalaman ng isang
tao ang kanyang nasasaisip, gayundin ang tuntunin ng tamang pag-iisip at ng ebalwasyon/pagtataya ng
katotohanan o kabulaan; maaari rin itong pundamental na paniniwala, simulain at mga ideya ng isang
nilalang. Samantalang ang sikolohiya ay nangangahulugan naman ng pag-unawa sa isipan.
Ayon kay Marquez (2010) nakapokus ang semantika sa pagbibigay kahulugan sa mga salita,
parirala o pangungusap.
Dapat nating tandaan na ang wikang katutubo, bernakular o unang wika ng isang bayan ay
naiimpluwensiyahan ng mga dayuhang wika kaya naman lumalago ang bokabularyo nito. Ito’y
nagpapatunay lamang na totoong dinamiko ang wika.
Nagkaroon ng pagbabago ang wika sa iba’t ibang panahon. Ang mga katuturang ibinibigay
ngayon sa isang salita ay maaaring lumago, lumawak, maiba sa isang henerasyon o partikular na
panahon. Ating isinasaalang-alang ang pagiging nasyonal o pambansa, kadalisayan at pana-panahong
gamit bilang “batis” ng kawastuan sa pagbibigay ng kahulugan ng salita.
1. Konotasyon
Sinasabing ang mga ito’y implayd (implied) o “suggested meaning “kasama ng lahat ng
emosyonal, pabor o hindi na tono ng walang katiyakan at kaiba sa tunay na kahulugan. May mga
pangyayari na sa pagpapakahulugang konotasyon, may ilang gulo o sigalot itong nililikha
sapagkat maaaring iba ang gustong “palitawing kahulugan” kaysa sa tunay na kahulugan ng
salita. Minsan sa unawa natin, kapag sinabing baboy (pig), daga (rat), ahas(snake), pagong
(turtle), tuta (puppy) ang tao ay may hindi paborableng bagay na ibig sabihin ito kaya hindi
matatanggap ng pinatutungkulan.
Makukuha rin ang kahulugan batay sa pagpapahiwatig ng isang salita o parirala at iba
pa. Pahiwatig na kahulugan o kahulugang di-litaw ang isinasaad nito. Malalaman din ang
kahulugan nito batay sa pagkakagamit nito sa pangungusap.
Halimbawa:
2. Denotasyon
Halimbawa: