You are on page 1of 6

WASTONG DIIN, TONO,

INTONASYON
• Sa pagbigkas ng mga salita at pahayag, mahalagang malaman ang
pagkakaiba ng diin, tono, at intonasyon.Ang mga salita ay binibigkas nang
may wastong diin upang matukoy ang kahulugan nito lalo na kung ito ay
may kaparehong baybay.

Halimbawa : sama –paghahalo ng isang bagay; pagsabay ;pakikilahok


• Sama- anumang mali o di kanais-nais.

Tono- nagpapahayag ng damdamin ng nagsasalita.


Intonasyon-tumutukoy naman sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng pagsasalita.
• Basahin ang usapan
Anak ka ba ni Isko? Opo,Tatay ko po si Iskong
Salamangkero.

Matagal na ba kayo rito? Hindi po. Bago pa lang kami.

Saan ba kayo nakatira? Sa Calamba, Laguna.Malapit po


kami sa Rizal Shrine.

Talaga bang mahusay magmadyik Aba, opo! Sikat na sikat po ang


ang Tatay mo ? tatay ko dahil sa pagmamadyik.

Ang pagtaas at pagbaba ng tono ng boses sa pagsasalita ay


tinatawag na intonasyon.Mahalagang tama ang intonasyon sa
pagsasalita upang madaling maunawaaan ng kausap ang ideyang
iyong ipinararating at maiwasan ang di pagkakaintindihan.
• Basahin ang sumusunod nang may wastong diin.
1. Pulang suklay ang gamit niya sa kanyang buhok.
2. Maraming pula ang mga kapitbahy ni Isko sa kanyang anak.
Nagkaroon ng pagbabago sa kahulugan ng salita dahil sa magkaibang diin.

Paano mo babasahin ang mga sumusunod na mga pangungusap ?


Anak,magluto ka,masama ang pakiramdam ko.
Kayo ang magluto! May ginagawa ako.
Mabuti pang wala akong anak na tulad mong tamad at lapastangan.
Kaylangan ang tamang tono ng pagsasalita upang maipahayag ang tindi ng damadamin.
• Basahin nang may wastong intonasyon ang mga tanong.
1. Gusto mo bang sumama sa bayan?
Saan-saan pupunta sa bayan ?
2.Bakit umiiyak si Ruby ?
Umiiyak nga ba si Ruby ?
3.May sakit ba si Mang Kanor ?
Ano ang naging sakit niya ?
4.Kailan ang kaarawan ni Rosa ?
Pupunta ba tayo sa kanyang kaarawan ?
5.May parating bang bagyo ?
Bakit malakas ang ihip ng hangin?
Basahin nang may wastong tono ang mga pahayag at gtukuyin
ang damdaming nakapaloob dito.
1. Sana dito na lang nagtatrabaho si mDaddy para lagi natin
siyang kasama.
2.Totoo! Padadalhan niya ako ng iphone.
3.Wala pa ang kapatid mo. Ano kaya ang nangyari sa kanya?
4.Bilisan mo, aaabutan tayo ng mga humahabol sa atin.
5.Sa wakas, magkikita kaming muli ng aking matalik na
kaibigan.

You might also like