You are on page 1of 16

Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental

Ponemang Suprasegmental

Ito ang ponemang kinakatawan ng notasyon at iba pang simbolong may kahulugan.

Ito ay mahalaga para sa mabisang pakikipagtalastasan.

Nakatutulong ito upang maging mas maliwanag at maparating ang damdamin sa pagpapahayag.

1. Intonasyon, Tono, at Punto

 Ang intonasyon ay tumutukoy sa pagtaas at pagbaba na iniuukol sa

pagbigkas ng pantig sa salita na maaaring makapag-iba sa kahulugan ng

mga salita maging ang mga ito man ay magkapareho ng baybay.

 Ang tono ng pagsasalita ay nagpapahayag ng tindi ng damdamin

samantala ang punto naman ay rehiyonal na tunog o accent.

Halimbawa:

o Ang ganda ng tula? (nagtatanong / nagdududa)

o Ang ganda ng tula. (nagsasalaysay)

o Ang ganda ng tula! (nagpapahayag ng kasiyahan)

Kahalagahan:

 Sa pamamagitan ng tamang pagbigkas at tono ay naipahahayag ang

iba‟t ibang damdaming nakapaloob sa pangungusap.

 Maaaring makapagpahayag ng iba‟t ibang damdamin at makapagbigay

kahulugan o makapagpahina ng usapan.

2. Diin at Haba

 Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas na iniuukol ng nagsasalita sa

pantig ng salita samantala ang diin naman ay tumutukoy sa lakas ng

bigkas sa pantig ng salita.

Halimbawa:
o /BUhay/ - (life) Ang buhay ng tao at biyaya na bigay ng Panginoon.

o /buHAY/ - (alive) Ang bulaklak na sunflower ay buhay na buhay kaya

nakaaakit tingnan.

o /TUbo/ - (pipe) Malaki ang tubo ng tubig na ginagamit sa bahay ko.

o /tuBO/ - (sugar cane) Ang tubo ay ginagamit sa paggawa ng asukal.

Kahalagahan:

 Nagkakaroon ang salita ng iba pang kahulugan kahit pareho ang

baybay nito.

 Nagbabago ang kahulugan ng salita dahil sa diin.

3. Hinto o Antala

 Ito ay saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang

mensaheng ipinahahayag.

 Ang hinto ay paghahati ng salita na gumagamit ng sumusunod na mga

pananda tulad ng kuwit o comma ( , ) at pahilis o slash ( / ).

Halimbawa:

o Hindi maganda ang bagay na iyan.

(Sinasabing hindi maganda ang isang bagay.)

o Hindi, maganda ang bagay na iyan.

(Sinasabing ang isang bagay ay maganda.)

Kahalagahan:

 Mas nagiging malinaw ang mensaheng nais iparating sa kausap kapag

angkop ang paggamit ng hinto o antala.

 Nagbabago rin ang diwa ng pangungusap dahil sa hinto o antala.


Kahalagahan ng Ponemang Suprasegmental

1. Mahalagang bigkasin nang wasto ang mga ponemang suprasegmental

sa pakikipagtalastasan upang maging wasto ang baybay ng mga

salitang isinusulat at mas maintindihan ang kahulugan ng salitang

binibigkas.

2. Sa pakikipagtalastasan, matutukoy ang kahulugan, layunin, o

intensiyon ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng mga

ponemang suprasegmental.

Modyul 2

Katangian ng mga Kaalamang-Bayan

Ang pagkakaroon ng diwang makata ay likas sa ating mga ninuno. Ayon

kay Alejandro Abadilla, bawat kibot ng kanilang bibig ay may ibig sabihin at

katuturan. Ito ang ipinalalagay na pangunahing dahilan kung bakit nabuo ang

iba pang mga akdang patula tulad ng tulang panudyo, tugmang de gulong,

bugtong, palaisipan, at iba pang kaalamang-bayan.

Kaalamang-bayan

 Ito ay umiiral na kuwento, panitikan, paniniwala, ritwal, gawi, at tradisyon

ng mga mamamayan sa isang pamayanan o kalinangang nagpasalin-

salin sa iba‟t ibang lahi at pook dahil sa ito‟y bukambibig ng taumbayan.

Ilang halimbawa nito ay tulang / awiting panudyo, tugmang de gulong, at

palaisipan.

1. Tulang / Awiting Panudyo

 Ito ay isang uri ng akdang patulang kadalasan ang layunin ay manlibak,

manukso o mang-uyam. Ito ay kalimitang may himig na nagbibiro at kilala


rin sa tawag na “pagbibiro ng patula.”

 Sinasabi ito ng mga bata sa kapwa bata kapag nagsasama-sama.

Halimbawa:

a. Ako ay isang lalaking matapang

Huni ng tuko ay kinatatakutan.

b. Pedro Penduko, matakaw sa tuyo;

Nang ayaw maligo, kinuskos ng gugo.

c. Si Maria kong Dende

Nagtinda sa gabi

Nang hindi mabili

Umupo sa tabi.

2. Tugmang de Gulong

 Ito ay mga paalala o babalang kalimitang makikita sa mga pampublikong

sasakyan.

 Sa pamamagitan nito, malayang naiparating ang mensaheng may

kinalaman sa pagbibiyahe o paglalakbay ng mga pasahero.

 Maaaring ito ay nasa anyong salawikain, kasabihan, o maikling tula.

Halimbawa:

a. Ang „di magbayad mula sa kaniyang pinanggalingan ay „di

makabababa sa paroroonan.

b. Aanhin pa ang gasolina kung dyip ko ay sira na.

c. Ang „di magbayad, walang problema. Sa karma pa lang,

bayad ka na.

d. God knows Hudas not pay.

3. Palaisipan

 Layunin nitong pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga taong


nagtitipon-tipon sa isang lugar.

 Ito ay paboritong pampalipas oras ng ating mga ninuno.

Nangangahulugan lamang ito na ang mga sinaunang Pilipino ay sanay

mag-isip at kanilang ipinamana ito sa kanilang mga apo.

 Laganap pa rin ito hanggang sa kasalukuyang panahon sapagkat ito‟y

talaga namang nakapagpapatalas sa isipan. Ito ay hindi na lamang

pinag-uusapan at pinag-iisipan sa mga pagtitipon kundi maging sa

usapan sa Internet.

 Ito ay kadalasang nalikha bilang uri ng libangan, ngunit maaari rin

namang magmula sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

Halimbawa:

a. Sa isang kulungan ay may limang baboy si Mang Juan.

Lumundag ang isa. Ilan ang natira?

(Sagot: Lima pa rin kasi lumundag lang naman ang baboy

at hindi umalis.)

b. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano

nakuha ang bola nang „di man lamang nagalaw ang

sombrero.

(Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.)

c. Ano ang meron sa aso na meron din sa pusa, na wala sa

ibon, ngunit meron sa manok na dalawa sa buwaya, at

kabayo na tatlo sa palaka?

(Sagot: Titik A)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Pagkatapos, suriin kung

ito ay tulang panudyo, tugmang de gulong at palaisipan. Isulat ang

tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ay pagbibirong nasa anyong patulang sinasabi ng mga bata sa kapwa bata
kapag nagsasama-sama.

2. Uri ng akdang patulang kadalasang layunin ay manlibak, manukso o mang-

uyam.

3. Ito ay babala o paalalang kalimitang makikita sa pampublikong sasakyan.

4. Anyong patulang ang layunin ay pukawin at pasiglahin ang kaisipan ng mga

taong nagtitipon-tipon sa isang lugar.

5. Ito ay kadalasang nalilikha bilang uri ng libangan ngunit maaari rin namang

magmula sa seryosong matematikal at lohistikal na suliranin.

Paraan ng Pagbibigay-kahulugan ng Salita

Mga Paraan sa Pagbibigay ng Kahulugan

1. Pagbibigay-kahulugan ayon sa pagpapangkat

 Ito ay pagsasama-sama ng mga salitang magkatulad ang kahulugan.

Halimbawa:

o layunin, hangarin, naisin

Paliwanag:

 Ang salitang „layunin‟ ay maaari ring tawagin sa mga sumusunod na

salita: „hangarin‟ at „naisin‟ kung saan nangangahulugan itong

motibasyon upang makuha o makamit ang isang bagay.

2. Pagbibigay-kahulugan ayon sa konteksto ng pangungusap

 Ang kahulugan ng salita ay maunawaan ayon sa pagkagamit sa

pangungusap.

Halimbawa:

o Humahangos na nilapitan ni Mangita ang matandang nasaktan.

Paliwanag:
 Ang kahulugan ng salitang „humahangos‟ ay mabilis sapagkat ito ay

nagpapakita ng kilos ng pagmamadali.

3. Denotasyon

 Ito ay karaniwang kahulugan mula sa diksiyonaryo o salitang ginagamit

sa pangkaraniwan at simpleng pahayag.

Halimbawa:

o Ang bulaklak ay namumukadkad.

Paliwanag:

 Ang ibig sabihin ng „bulaklak‟ sa pangungusap ay bahagi ng halaman.

4. Konotasyon

 Ito ay may dalang ibang kahulugan o maaaring pansariling kahulugan ng

isang tao o pangkat na iba kaysa sa karaniwang kahulugan.

Halimbawa:

o Maraming magagandang bulaklak na anak si Ana.

Paliwanag:

 Ang ibig sabihin ng salitang „bulaklak‟ ay babae.

5. Kasingkahulugan

 Ito ay mga salitang nagbibigay ng magkatulad o magkaparehong

kahulugan ng isang salita.

Halimbawa:

o maganda – marikit

Paliwanag:

 Ang dalawang salita ay parehong naglalarawan ng kagandahan.

6. Kasalungat

 Ito ay kabaligtaran ng kasingkahulugan kung saan magkaiba ang


kahulugan ng salita.

Halimbawa:

o mataba – payat

Kahalagahan:

 Ang dalawang salita ay tumutukoy sa magkaibang hugis ng katawan.

Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Tula o Awiting Panudyo, Tugmang de Gulong, at Palaisipan

1. Panunudyo

 Patula ang pagkabuo nito. Ito ay binibigkas ng mga bata at

matatanda.

2. Tugmang de Gulong

 Ang paalala sa mga pasaherong maaaring matagpuan sa mga

pampublikong sasakyan tulad ng jeepney, bus, at traysikel.

 Nilalaman din nito ang mga uri ng pasahero, katangian ng drayber at

ang mga pang-araw-araw na sitwasyon sa pagbibiyahe,

pamamasada tulad ng hindi pagbabayad ng pasahe.

3. Palaisipan

 Ito ay humahamon sa manlalarong mag-isip upang malutas ang

suliraning inilahad.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na halimbawa.

Kilalanin kung anong uri ng kaalamang-bayan ito napabilang. Piliin ang

titik ng tamang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

a. Awit / Tulang Panudyo c. Palaisipan

b. Bugtong d. Tugmang de Gulong

1. Ako‟y tutula, mahabang-mahaba, ako‟y uupo, tapos na po.

2. Sa duklay ng isang sanga, limang ibon ang kumanta, lumipad ang isa. Ilan
ang natira?

3. Paano tatawa ang dalagang hindi makikita ang kaniyang ngipin?

4. Sa pagtaas ng gasolina, kaming mga drayber ay naghahabol ng hininga.

5. Si Anna ay napakaganda pero kung tumayo ay parang nakaupo.

6. May isang prinsesa, sa tore nakatira, balita sa kaharian ang pambihirang

ganda, bawal tumingala upang siya ay makita. Ano ang gagawin ng binatang

sumisinta?

7. Sitsit ay sa aso, katok ay sa pinto, sambitin ang “para”, sa tabi tayo‟y hihinto.

8. Mga pare, please lang kayo‟y tumabi, pagkat dala ko‟y sandatang walang

kinikilala – ang aking manibela.

9. Ikaw ay isang lalaking matapang, huni ng tuko ay kinatatakutan.

10.Tatay mong bulutong, puwede nang igatong, nanay mong maganda, puwede

mong ibenta.

Katangian at Elemento ng Mito, Alamat, Kuwentong-bayan, Maikling Kuwento mula sa Mindanao,


Kabisayaan, at Luzon

Ang kuwentong-bayan, maikling kuwento, alamat, at mito ay halos

may kaugnayan sa isa’t isa. Halos pareho lamang ang kanilang paksang

karaniwang tumatalakay sa kalikasan, pamahiin, relihiyon, paniniwala, at kultura

ng isang partikular na pangkat o lugar. Bagama’t halos magkatulad ay makikita

pa rin ang natatanging katangian ng bawat pasalindila ng panitikang ito.

Akdang Kahulugan Katangian


Pampanitikan
Mito Ito ay karaniwang 1. Ang mga tauhan ay mga
tumatalakay sa mga diyos at diyosa, bathala o
kuwentong may kinalaman diwata.
sa mga diyos at diyosa, 2. Nababalutan ng hiwaga o
bathala, diwata, at mga
kakaibang nilalang na may pangyayaring hindi kapani-
kapangyarihan. paniwala.

3. Naniniwala sa mga ritwal,


kultura, at tradisyon.
Alamat Isa itong kuwentong 1. Kathang isip lamang.
nagsasaad kung saan 2. Nagsasalaysay sa
nanggaling o nagmula ang pinagmulan ng mga
mga bagay-bagay. bagay-bagay.
Kuwentong- Ito ay kuwentong nagmula 1. Kuwentong nagmula sa
bayan sa isang partikular na bayan. bawat pook na naglalahad
ng katangi-tanging
salaysay ng kanilang
lugar.
2. Masasalamin ang kultura
ng bayang pinagmulan
nito.
Maikling Isang maikling kathang 1. Nababasa sa iisang
Kuwento pampanitikang upuan lamang.
2. Binubuo ng iilang tauhan
nagsasalaysay ng pang- lamang.
araw-araw na buhay na

kinasasangkutan ng isa o
iilang tauhan lamang.

Ang mga akdang tuluyan kagaya ng mito, alamat, kuwentong-bayan, at

maikling kuwento ay binubuo ng mahahalagang elemento. Ito ang mga

sumusunod:

1. Tauhan – Ang nagbibigay-buhay sa akdang maaaring maging masama

o mabuti.

2. Tagpuan – Ang panahon o lugar na kung saan naganap ang mga

pangyayari sa akda. Malalaman dito kung ang kuwento ay naganap ba sa

panahon ng tag-ulan, tag-init, umaga, tanghali at gabi; sa lungsod o

lalawigan; sa bundok o sa ilog.

3. Banghay – Maayos na pagbabanghay at pagkasusunod-sunod ng mga

pangyayari.

Narito ang mga nilalaman ng banghay:

a. Panimulang Pangyayari – Ang kawilihan ng mga mambabasa ay

nakasalalay sa bahaging ito. Dito matutunghayan ang pagpapakilala ng

tauhan at tagpuan.
b. Tunggalian – Dito makikita ang pakikipagtunggali ng pangunahing

tauhan sa mga suliraning kaniyang kakaharapin.

c. Kasukdulan – Ito ang pinakamataas at kapana-panabik na bahagi ng

kuwento. Sa bahaging ito, unti-unting nabibigyang solusyon ang suliranin.

d. Pababang Pangyayari – Sa bahaging ito, nalulutas ang suliranin at

natatamo ng pangunahing tauhan ang layunin. Ito ang nagbibigay ng

daan sa wakas ng kuwento.

e. Resolusyon – Sa bahaging ito, nagkakaroon ang kuwento ng isang

makabuluhang wakas na maaaring ang kinahinatnan ay masaya o

malungkot.

Modyul 6

Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas

Angkop na mga Pahayag sa Panimula, Gitna, at Wakas

ng Isang Akda

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, mahihikayat ng nagsasalita ang

kaniyang tagapakinig sa mahusay na simula. Kapag nailahad ang layunin nang

epektibo ay napupukaw ang kaisipan ng mambabasa o tagapakinig na patuloy

na alamin ang kawing-kawing na pangyayari mula sa simula ng kuwento

patungo sa papataas at kasukdulan sa gitna ng kuwento. Hihintayin din nila ang

wakas kung nakamit ang layuning inilahad sa panimula.

o Simula

 Ang mahusay na simula ay mabuti para makuha ang interes ng

tagapakinig o ng mambabasa.

 Dito nabubuo ang larawan at nakikita ang aksiyong magaganap sa

isinasalaysay.
 Maaaring simulan ito sa mga salitang noong una, sa simula pa

lamang, at iba pang pananda sa pagsisimula.

 Pagkatapos nito ay maaaring isunod ang...

 Pang-uri

Halimbawa:

Napakadilim at napakalamig ng paligid...

Napakasalimuot ng pangyayari...

 Pandiwa

Halimbawa:

Nagtatakbuhan ang kalalakihan at naghahanda ang kababaihan

ng...

Nagmamasid ang matanda at ang misteryosong kuba habang...

 Pang-abay

Halimbawa:

Maagang gumising ang tribo...

Nananabik na masaksihan ang pagdiriwang...

o Gitna

 Sa bahaging ito, mabuting napanatili ang kawing-kawing na pangyayari

at paglalarawang nasimulan.

 Dito malalaman kung magtatagumpay ba o mabibigo ang pangunahing

tauhan, maiwawasto ang mali o matututo ang katunggaling tauhan

habang tumataas ang pangyayari.

 Maaaring gamitin ang kasunod, pagkatapos, walang ano-ano, at iba

pa na maghuhudyat ng kasunod na pangyayari.

 Patuloy na gumamit ng mga panlarawang salita upang mapanatili ang

interes ng mga mag-aaral sa larawan at aksiyong isinalaysay.

o Wakas
 Napakahalaga rin ng huling pangyayaring maiiwan sa isipan ng

tagapakinig o ng mambabasa.

 Dito nakapaloob ang mensaheng magpabubuti o magpababago sa

kalooban at isipan ng lahat na ang kabutihan ang magwawagi at may

kaparusahan ang gumagawa ng masama.

 Maaaring gumamit ng sa huli, sa wakas, o iba pang panandang

maghuhudyat ng makahulugang pagtatapos.

Pagbubuod ng Tekstong Binasa sa Tulong ng Pangunahin at mga Pantulong na Kaisipan

Ang pangunahing kaisipan, pantulong na kaisipan at paksang

pangungusap ay kabilang sa mga bahagi ng isang huwarang talata.

Pangunahing Kaisipan – tumutukoy sa diwa ng buong talata. Ang diwa ay ang

kaisipan o ideyang binibigyang-diin sa tekstong kadalasang matatagpuan sa

pangunahing pangungusap.

Pantulong na Kaisipan – kaisipang tumutulong upang mas mapalitaw ang

pangunahing kaisipan. Sa tulong ng mga pantulong na kaisipan, mas nauunawaan

ng mambabasa ang diwang nais iparating ng teksto. Ang mga pantulong na kaisipan

ay kadalasang matatagpuan sa mga pansuportang detalye.

Paksang pangungusap – pangungusap na matatagpuan sa unahan o hulihan ng

isang talata.

Bigyang pansin ang talatang ito.

Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao. Kapag matatag ang loob ng

isang tao ay nalalampasan niya ang bawat pagsubok. Anoman ang pagsubok na

dumating ay hindi niya ito inaayawan. Sa halip, buong lakas na hinaharap. Kaya

mahalagang, ang isang tao ay may matatag na kalooban.

Pagpapaliwanag:

Pangunahing Kaisipan – Ang katatagan ng loob

 Ito ang pangunahing kaisipan dahil ito ang diwa ng buong talata.

Pantulong na Kaisipan – Anoman ang pagsubok na dumating ay hindi niya ito


inaayawan. Sa halip, ay buong lakas niyang hinaharap.

 Ito ang pantulong na kaisipan dahil ito ang kaisipang tumutulong upang mas

mapalitaw ang pangunahing kaisipan.

Paksang Pangungusap – Ang katatagan ng loob ay mahalaga sa isang tao.

 Ito ang paksang pangungusap dahil ito pangungusap na matatagpuan sa

unahan o hulihan ng isang talata.

Ang Pagbuo ng Buod

Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagpapaikli ng anomang teksto o

babasahin. Sa paraang ito, kinukuha lamang ang pinakamahalagang kaisipan ng

teksto. Kung maikling kwento ang binubuod o nilalagom, kailangan ang

pagkasusunod-sunod ng mga pangyayari. Hindi dapat padampot-dampot ang

pagpapahayag ng mga bahagi. Kailangang maging malinaw ang pagpapahayag.

Kung ang teksto naman ay isang ekspositori, maaaring ilahad ang mga dahilan at

katuwirang ginamit upang maayos at mabisa ang paglalahad.

May mga pamantayan na dapat isaalang-alang sa pagbubuod. Ito ay ang

mga sumusunod:

1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ang buong diwa nito.

2. Tukuyin ang pangungusap na nagpapahayag ng pangunahin at

pinakamahalagang kaisipan ng talata.

3. Isulat ang buod sa paraang madaling maunawaan.

4. Gumamit ng sariling pananalita.

5. Hindi dapat lumayo sa diwa at estilo ng orihinal na akda.

6. Alamin ang kasagutan sa mga tanong na ano, saan, sino, kailan, at bakit.

Pagsusuri sa mga Elemento at Sosyo- Historikal na Konteksto ng Napanood na Dulang Pantelebisyon

Ang araling ito ay gagabay sa iyo upang masuri ang mga elemento at sosyo-

historikal na konteksto ng napanood na dulang pantelebisyon.


Ano nga ba ang dula? Ano naman ang dulang pantelebisyon? Ano ang mga

elemento at sosyo-historikal na konteksto nito?

Ang dula ay isang uri ng panitikang naglalayong maitanghal sa entablado.

Ang pagpapahalaga sa dula ay matatamo sa pamamagitan ng panonood dito. Ang

mga dula ay maaaring hango sa tunay na buhay o isinulat bunga ng malaya at

malikhaing kaisipan ng manunulat.

Ang dula sa ating bansa ay kasintanda ng kasaysayan ng Pilipinas. Bahagi

na ito ng ating tradisyon. Mga tradisyong nagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga

Pilipino. Ngunit iisa ang layunin ng mga mandudula: ang aliwin ang mga

mamamayang Pilipino at higit sa lahat, bigyang buhay ang mga pangyayari sa

buhay Pilipino.

Ang dulang pantelebisyon ay tumutukoy sa mga programang palabas sa

telebisyon o mga produksyong medya. Inilalarawan nito ang mga damdamin at

pananaw ng mga tao sa partikular na bahagi ng kasaysayan ng isang lugar.

Ang mga teleserye o dulang pantelebisyon ay patuloy na kinikilala,

pinapahalagahan, at tinatangkilik sa ating bansa at sa iba pang panig ng mundo.

Mga Elemento ng Dulang Pantelebisyon

 Karakter/Aktor (Bida/Kontrabida) – gumaganap na mga tauhan at

nagsasabuhay sa iskrip. Sila ang bumibigkas ng dayalogo o bumibitaw ng

mga linya.

 Dayalogo – ang mga binibitiwang linya ng mga aktor na siyang sandata

upang maipakita at maipadama ang mga emosyon.

 Direktor o Taga - direhe – ang nagpapakahulugan sa isang iskrip.

 Iskrip – ang nagsisilbing kaluluwa ng isang dula. Dito makikita ang banghay

sa isang dula.

 Manonood – ang nagbibigay halaga sa dula.


 Tanghalan – tumutukoy sa lugar kung saan napagpasyahang itanghal ang

isang dula. Maaaring sa kalsada, isang silid, o tahanan.

 Tema – ang pinakapaksa ng isang dula.

Ano naman ang sosyo- historikal? Ito ay mula sa mga salitang sosyolohikal at

historikal.

 Sosyolohikal – mahihinuha sa pananaw o teoryang ito ang kalagayang

panlipunan nang panahong isinulat ang akda. Makikita rito ang kalagayang

panlipunan ng mga tauhan at kung paano ito nakaaapekto sa kanilang gawi

sa daloy ng akda.

 Historikal – ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi

ng tao na siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang

pagkahubog. Nais din nitong ipakita na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay

ng tao at ng mundo.

Wastong Paggamit ng Panandang Anaporik at Kataporik ng Pangngalan

You might also like