You are on page 1of 4

BANGHAY- PAARALAN JUPI NATIONAL HIGH SCHOOL ANTAS 9

ARALIN GURO SHEILA MAY E. EREÑO ASIGNATURA FILIPINO


SA ARAW AT Nobyembre 14-16, 2022 IKALAWANG F9Q2
FILIPINO ORAS (3:00-4:00 PM) MARKAHAN
I. LAYUNIN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa
mga piling akdang tradisyonal ng Silangang Asya.
PAMANTAYAN SA PAGGANAP Ang mag-aaral ay nakasusulat ng sariling akda na
nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging isang
Asyano.
MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO  Natutukoy ang kahulugan ng suprasegmental na
antala/hinto, diin at tono.
 Nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto,
diin at tono sa pagbigkas ng tanka at haiku.
F9WG-IIa-b-47
 Nasusuri ang tono ng pagbigkas ng napakinggang
tanka at haiku. 9PN-IIa-b-45
 Nabibigkas ang isinulat na tanka at haiku nang
may wastong antala/hinto, at damdamin. F9PS-
IIa-b-47
 Naisusulat ang payak na tanka at haiku sa tamang
anyo at sukat. F9PU-IIa-b-47
II. PAKSA Paggamit ng ponemang suprasegmental na
antala/hinto, diin, at tono sa pagbigkas ng tanka at
haiku.
III. KAGAMITAN
A. SANGGUNIAN
 Gabay Pangkurikulum sa Filipino
 Panitikang Asyano Modyul ng Mag-aaral sa FILIPINO 9, Unang Edisyon 2014, Muling Limbag
2016, 2017
 Filipino – Ikasiyam na Baitang Alternative Delivery Mode, Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Ang Tanka at Haiku, Unang Edisyon, 2020

B. IBA PANG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


Laptop, Telebisyon, Aklat at Modyul

IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULA
 Pagbati
 Pagsasaayos ng silid-aralan
 Pagtala ng liban
 Paglatag ng mga alituntunin
 Makilahok sa talakayan
 Makinig nang mabuti

B. BALIK-ARAL
Batay sa ating tinalakay tungkol sa Tanka at Haiku. Sino ang makapaglalahad ng pagkakaiba ng
dalawang tulang ito – kasama na ang estilo sa pagsulat ng tanka at haiku?

C. PAGGANYAK
 Magpapakita ang guro ng dalawang pahayag at dalawang salitang may parehong baybay sa mga
mag-aaral.
 Ipapabasa ng guro ang mga nakasulat sa pisara. Babasahin ng mga mag-aaral ang dalawang
pahayag at dalawang salita na ayon sa wastong tono nito.
 Matapos basahin ay magtatanong ang guro.
Mula sa iyong binasa, masasabi niyo bang pareho ang kahulugan ng dalawang pahayag at
dalawang salitang nakasulat sa pisara?
 Ipapaliwanag ng mag-aaral ang kanilang sagot.
Nagkakaroon ng pagkakaiba ng kahulugan sa pahayag dahil sa layunin ng pagkakasulat nito
gayundin sa salita ay nagkakaroon ng pagkakaiba ng kahulugan sapagkat may mga salitang
magkaiba ang kahulugan dahil sa paraan ng pagkakabigkas kahit pa man din ay pareho sila ng
baybay.

D. PAGLALAHAD
GURO MAG-AARAL
Sa inyong palagay, ano kaya ang tatalakayin
natin ngayon? May ideya ba kayo?

Bakit nasabi niyong may pagkakaiba ang Kasi po magkaiba ang pagkakabigkas ng bawat
kahulugan ng dalawang salita kahit sila’y pareho salita kaya naging magkaiba rin ang kahulugan
ng baybay? nila.

Tama. Ang ating tatalakayin ngayon ay tungkol


sa Ponemang Suprasegmental na antala/hinto,
diin, at tono.

Sa araw na ito, inaasahan na malalaman niyo ang


pagkakaiba at kahulugan ng ponemang
suprasegmental na antala/hinto, diin, at tono.

E. PAGTALAKAY
GURO MAG-AARAL
PONEMANG SUPRASEGMENTAL
Sa paggamit ng suprasegmental, malinaw na naipapahayag ang
damdamin, saloobin, at kaisipang nais ipahayag ng nagsasalita. Sa
pakikipagtalastasan, matutukoy natin ang kahulugan, layunin o
intension ng pahayag o ng nagsasalita sa pamamagitan ng diin, tono o
intonasyon, at antala o hinto sa pagbibigkas at pagsasalita.

1. Diin – ang lakas, bigat, o bahagyang pagtaas ng tinig sa


pagbigkas ng isang pantig sa salita. Ang diin ay isang ponema
sapagkat sa mga salitang may iisang tunog o baybay, ang
pagbabago ng diin ay nakapagpapabago ng kahulugan nito.
Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
Hal.
a. BU:hay = kapalaran ng tao
b. Bu:HAY = humihinga pa

Magtatawag ang guro ng mag-aaral para magbigay ng halimbawa. Magbibigay ng halimbawa


Mahusay! Tama ang iyong binigay na halimbawa. ang mga mag-aaral.

2. Tono/Intonasyon – ang pagtaas at pagbaba ng tinig na maaring


makapagpasigla, makapagpahayag ng iba’t ibang damdamin,
makapagbigay-kahulugan, at makapagpahina ng usapan upang
higit na maging mabisa ang pakikipag-usap sa kapwa.
Maaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, 2 sa katamtaman, at
3 sa mataas.
Hal.
a. Kahapon = 213, pag-aalinlangan
b. Kahapon = 231, pagpapatibay, pagpapahayag
Magbibigay ng halimbawa
Magtatawag ang guro ng mag-aaral para magbigay ng halimbawa.
ang mga mag-aaral.
Mahusay! Tama ang iyong binigay na halimbawa.

3. Antala/Hinto – bahagyang pagtigil sa pagsasalita upang higit


na maging malinaw ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
Maaring gumamit ng simbolo kuwit (,), dalawang guhit na
pahilis (//), o gitling (-).
Hal.
Hindi/ako si Joshua.
Hindi ako, si Joshua.

Magtatawag ang guro ng mag-aaral para magbigay ng halimbawa. Magbibigay ng halimbawa


Mahusay! Tama ang iyong binigay na halimbawa. ang mga mag-aaral.
Nauunawaan ba?

F. PAGPAPAYAMAN
GURO MAG-AARAL
Ating susukatin ang inyong natutunan mula sa araw na ito sa
pamamagitan ng susunod na Gawain.

Mula sa inyong aklat, sagutan ang Pagsasanay 1, 2 at 4 na makikita sa Sasagutan ng mga mag-aaral
pahina 98-99. ang Gawain.

Pagsasanay 1
Panuto: Bigkasin at isulat ang kahulugan ng mga pares ng salita na
pareho ang baybay subalit magkaiba ang bigkas.

Pagsasanay 2
Tukuyin ang wastong tono ng bawat pahayag batay sa layunin nito.
Maaring gamitin ang bilang 1 sa mababa, bilang 2 sa katamtaman, at
bilang 3 sa mataas.

Pagsasanay 4
Basahin ang sumusunod na pahayag. Subukin kung anong mga
pagkakaiba ng kahulugan ang maibibigay sa paggamit ng hinto at
intonasyon.

G. PAGLALAHAT
Batay sa ating tinalakay, ano ang pagkakaiba ng antala, tono at diin?
H. PAGLALAPAT
Bakit sinasabing mahalagang pag-aralan ang mga suprasegmental na antala, tono, at diin?

Gawain: BIGKASIN MO! (mula sa Modyul sa Filipino 9 – ADM pahina 16-17)


A. Antala/Hinto
Panuto: Basahin ang sumusunod na tula. Isulat ang buong tula at gumamit ng guhit na pahilis (/)
upang malinaw na maihatid ang mensaheng ibig ipabatid.
AKDA ANTALA/HINTO MENSAHE
(HAIKU/TANKA)
1 Panahon ng pandemya
Tayo’y magkakaisa
Sama-samang sugpuin
Ang COVID 19
Ang misyon natin.
Ni: Mercedes P. Tare
2 Totoong sa new normal
Lahat ng mag-aaral
Modyul na ang inaaral
Nagkandarapa
Sa pag-unawa.
Ni: Mercedes P. Tare

B. Panuto: Gamit ang pamantayan/rubrics sa ibaba, basahin ang tula at ibigay ang tono/damdaming
nangingibabaw ditto. Sundin ang rubrics sa ibaba.
AKDA TONO/DAMDAMIN MENSAHE
(HAIKU/TANKA)
1 Ako’y nagalak
Sa iyong pagpapaunlak
Pusong busilak.
Ni: Mercedes P. Tare

Pamantayan sa Pagbigkas ng tula


Puntos Pamantayan
5 Malinaw na naihatid ang mensaheng nais ipabatid.
3 Di-gaanong malinaw ang mensaheng nais ipabatid.
2 Hindi malinaw ang mensaheng nais ipabatid.

I. PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng Tanka o Haiku na binubuo ng isang saknong at ang pinakapaksa ay hinggil sa pag-ibig sa
magulang.
Pamantayan sa Pagsulat ng Tanka at Haiku
Pamantayan 5 3 2
Paksa: Nasusunod ang paksa ng Tanka
o Haiku.
Nilalaman: Angkop ang paggamit at
baybay ng mga salita.
Istrktura/Anyo: Wasto ang mga
sukat/bilang ng pantig at taludtod ng
tulang Tanka o Haiku.
Inihanda ni: Iniwasto ni:

SHEILA MAY E. EREÑO ELEONORA F. POLO


Guro sa Filipino Punongguro

You might also like