You are on page 1of 25

MGA PARAAN NG

PAGPAPAHAYAG
NG EMOSYON
O
DAMDAMIN
● Maraming emosyon o damdamin
ang ating nararamdaman habang
nagbabasa ng isang akda.
● Maaring hindi pare-pareho
sapagkat iba-iba ang pananaw ng
tao.
● Mayroon iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng emosyon upang
epektibo nating maiparating ang
Ang sumusunod ay
iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng
damdamin at
emosyon:
MGA PANGUNGUSAP NA PADAMDAM
● Ito ay mga pangungusap na
nagpapahayag ng matinding
damdamin o emosyon.
Ginagamitan ito ng bantas na
tandang padamdam (!).
MGA PANGUNGUSAP NA PADAMDAM
Halimbawa:

● Ayyy, nandyan na ang mabangis na


ahas!
MAIKLING SAMBITLA

● Ito ay mga sambitlang


iisahin o
dadadalawahing pantig
na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
MAIKLING SAMBITLA
Halimbawa:

Yeheyy!
Naku!
Huwag! Lagot!
(Maaari ding isama ang mga sambitlang ito sa
parirala o sugnay upang maging higit na tiyak
ang damdamin o emosyong nais ipahayag.)
MGA PANGUNGUSAP NA NAGSASAAD
NG TIYAK NA DAMDAMIN O EMOSYON

● Ito’y mga pangungusap na may anyong


pasalaysay kaya’t mahihinuhang hindi
gaanong matindi ang damdaming
ipinahahayag subalit maari din itong maging
pangungusap na padamdam na nagsasaad
naman ng matinding damdamin.
MGA PANGUNGUSAP NA NAGSASAAD NG
TIYAK NA DAMDAMIN O EMOSYON
Halimbawa:

Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng


binatang sumalba sa aking buhay.

Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang


tumulong sa iba?
MGA PANGUNGUSAP NA NAGSASAAD NG
TIYAK NA DAMDAMIN O EMOSYON
Halimbawa:

Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang ginawa ng


mabangis na tigre.

Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa


mahihina.
MGA PANGUNGUSAP NA NAGSASAAD NG
TIYAK NA DAMDAMIN O EMOSYON
Halimbawa:

Pagsang-ayon: Tunay ngang nakabubuti ang


pagsasama-sama nating lahat.

Pagpapasalamat: Salamat sa iyong pagdating.


MGA PANGUNGUSAP NA
NAGPAPAHIWATIG NG DAMDAMIN SA
HINDI DIRETSAHANG PARAAN
Halimbawa:

Nakalulungkot isiping ang tauhan ay


sumakabilang buhay na.

Kahulugan: pumanaw
PAGSASANAY
● Tukuyin kung anong paraan ng
pagpapahayag ng emosyon o
damdamin ang ginamit sa
pangungusap.
Hindi ko lubos maisip na mas minamahal pa ng
mga kabataan ngayon ang kultura ng ibang
bansa kaysa sa ating kultura sa Pilipinas.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Naku po, mabuti na lang nakakilala ako ng
mabuting tao na katulad mo sa bansang ito!

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Abot tainga ang aking ngiti nang muli kong
makita ang aking bayan.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Wow! Ang ganda ng mga tanawin sa Pilipinas.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Tama ang iyong naging desisyon sa pagbabalik
dito sa ating bansa.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Ang sakit malamang sariling ama ang nanakit sa
kaniyang anak!

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Aray! Nasugatan ako ng patalim.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Wow! Ang bango ng ulam natin ngayon.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Hindi ko lubos maisip kung bakit ipatatapon ng
isang magulang ang isang walang kamalay-
malay na sanggol.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


Kumukulo ang dugo ko kapag naiisip ko ang
mga magulang na pinababayaan ang mga anak.

Maikling Sambitla Pangungusap na Padamdam

Tiyak na Damdamin Hindi Tuwirang Damdamin


CORRECT!!!
INCORRECT!!!

You might also like