You are on page 1of 3

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

DEPARTMENT OF EDUCATION
REGION V
DIVISION OF SORSOGON
JUPI NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT


FILIPINO 7

Pangalan: ________________________________ Petsa: ________________________


Baitang at Seksyon: ________________________ Iskor: _________________________

I. PAGPIPILIAN:
A. Basahin nang mabuti ang mga katanungan at isulat ang titik ng wastong sagot sa patlang bago
ang bilang. MALAKING TITIK LAMANG ANG GAMITIN SA PAGSAGOT.

_____ 1. Ito ay isa sa mga popular na panitikang Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol sa
bansa.
a. alamat b. epiko c. dula d. awiting-bayan
_____ 2. Alin ang hindi karaniwang paksa ng mga alamat?
a. kultura b. kaugalian c. kapaligiran d. kababalaghan
_____ 3. Ito ay panitikang nagsasaad ng pinagmulan ng mga bagay-bagay.
a. alamat b. epiko c. dula d. awiting-bayan
_____ 4. Kilala din ang Editoryal sa tawag na ______________.
a. pangulong-tudling c. sulating opinyon
b. ganap na salaysay d. talumpati
_____ 5. Alin ang lahing hindi nakapag-ambag sa pag-unlad ng mga alamat sa ating kapuluan?
a. Korea b. Arabe c. Tsino d. Indian
_____ 6. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa isang epiko?
a. Ito ay akdang pampanitikan na nakasulat ng patalata.
b. Ito ay akdang pampanitikan na naglalaman ng mga pangyayari sa buhay ng isang tao.
c. Ang pangunahing tauhan nito ay nagtataglay ng supernatural na katangian.
d. Ito ay akdang pampanitikan na nagsasaad ng pinagmulan ng bagay-bagay.
_____ 7. Ang salitang alamat o legend ay mula sa Latin na salitang “legendus” na nangangahulugang
_____________.
a. upang mabasa c. upang basahin at isulat
b. upang isulat d. wala sa mga nabanggit
_____ 8. Ang alamat maliban sa ito’y isang akdang pampanitikan ay maituturing ding ito na ____________.
a. panitikang pasalindila c. panitikang pabasa
b. panitikang pasulat d. wala sa mga nabanggit
_____ 9. Ang Epiko ng Hinilawod ay binubuo ng _______ berso kaya itinuturing itong isa sa
pinakamahabang
epiko sa mundo.
a. 30,000 berso b. 29,000 berso c. 28,000 berso d. 27,000 berso
_____ 10. Ang Epiko ng Hinilawod ay binubuo ng ____ na mahahalagang episodyo.
a. 5 b. 4 c. 6 d. 3
_____ 11. Humingi ng payo si Baranugon sa kanilang Lola Alunsina tungkol sa kanilang problema.
Alin sa mga sumusunod ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit?
a. sumangguni b. nagsilang c. nakatindig d. palaso

B. Piliin at bilugan ang titik ng angkop na pang-ugnay sa bawat pangungusap.

12. Sino ang nagmamay-ari ____ itim na backpack sa silid?


a. ng b. nang
13. Binantayan ____ lolo ang kanyang mga apo.
a. ng b. nang
14. Hulihin ____ suspek na iyan at baka makatakas siya muli.
a. ng b. nang
15. Matutuog ka ____ hindi pa tuyo ang buhok mo?
a. ng b. nang
16. Tatapusin ko agad ang trabaho ____ sabay na tayong makauwi.
a. ng b. nang
17. Alin kaya ang gusting kainin ____ bata, ang kendi o tsokolate?
a. ng b. nang
18. Si Sharon ang maglilinis ____ kaniyang kwarto.
a. ng b. nang
19. Ang damit na bagong bili ay isunuot ____ hindi pa nilalabhan.
a. ng b. nang
20. Pumasok sa madilim na kwarto ang bata ____ walang takot.
a. ng b. nang
21. Matutulog ka ____ hindi pa tuyo ang buhok mo?
a. ng b. nang

II. PAGTATAPAT-TAPAT: Piliin sa Hanay B ang sagot na tinutukoy sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
patlang bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
_____  22. Ito ay awitin para sa mga patay. a. Dalit
_____  23. Awit sa pakikidigma o pakikipaglaban b. Diyona
_____  24. Awiting paghele o pagpapatulog ng bata c. Oyayi
_____  25. Ito ay awit panrelehiyon o pagdakila sa Maykapal d. Kundiman
_____  26. Awit ng pag-ibig at panghaharana ng mga Tagalog e. Dung-aw
f. Maluway

III. PAGSUSURI
A. Suriin at isulat sa mga linya kung ang salitang nakadiin ay balbal, kolokyal, lalawiganin, teknikal o
pampanitikan.

_______________ 27. Ewan ko ba sa mga kabataan ngayon, maraming naliligaw ng landas.


_______________ 28. Ang kabusilakan ng kanyang puso ang magdadala sa kanya sa tagumpay.
_______________ 29. Tayong mga noypi ay kilala sa buong mundo bilang mga masasayahing tao.
_______________ 30. Walang tigil ang lakaw ni Nene kaya siya ay nagdurusa sa sakit ng kaniyang mga
paa.
_______________ 31. Siguradong makakatanggap na naman ako ng datung galing kay ninong ngayong
Pasko.

B. Lagyan ng tsek ( / ) kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng mga palatuntunan sa pagsulat ng


editoryal at 
     ekis ( X ) naman kung hindi.

_____ 32. Sumunod sa lahat ng simulain sa mabisang pagsulat 


_____ 33. Kailangang may maikli ngunit kawili-wiling panimula 
_____ 34. Ang panimula at wakas ay siguraduhing malinaw at nauunawaan.
_____ 35. Maaaring mangaral o magsermon lalo na’t kakilala mo ang magbabasa nito
_____ 36. Nararapat na bigyan ng wakas na nakakabitin upang maiwang nakausisa ang mga mambabasa.

C. Basahin at suriing mabuti ang mga pahayag sa ibaba. Bilugan ang mga salitang nanghihikayat.

37.  Tunay ngang ang pasko ang pinakamasayang panahon sa buong taon.
38.  Tumpak lahat ng sinabi mo tungkol sa kaniyang mga magagadang pinagbago.
39.  Ito na ang magdadala sa atin papunta sa ating mga minimithi kaya magtiwala ka.
40.  Ano pa ang hinihintay mo? Tara na at ating simulan ang pagbabago para sa ating bayan.
IV. PAGSULAT
A. Tukuyin kung ang kaantasan ng mga salita ay lantay, pahambing, o pasukdol. Pagkatapos, gamitin
ang mga ito sa pangungusap. Isulat ang sagot sa mga naaayong patlang.

41-42. napakadalubhasa
Kaantasan: ___________________________________________________________________________
Pangungusap:  ________________________________________________________________________

43-44 parehong masayahin


Kaantasan: ___________________________________________________________________________
Pangungusap:  ________________________________________________________________________

45-46. madiskarte
Kaantasan: ___________________________________________________________________________
Pangungusap:  ________________________________________________________________________

47-48. mas galante 


Kaantasan: ___________________________________________________________________________
Pangungusap:  ________________________________________________________________________

49-50. mahiyain
Kaantasan: ___________________________________________________________________________
Pangungusap:  ________________________________________________________________________

You might also like