You are on page 1of 20

MGA PAHAYAG SA

PAGHAHAMBING AT
IBA PANG KAANTASAN
NG PANG-URI
PANG-URI
● Ito ay bahagi ng pananalitang
naglalarawan o nagbibigay-
turing sa pangngalan o panghalip.
Narito ang iba’t ibang
Kaantasan ng Pang-uri:
LANTAY
● Ang anyo ng pang-uri kung ito ay
naglalarawan lamang ng iisang
pangngalan o panghalip.
LANTAY
Halimbawa:
 Malaki ang responsabilidad ng
magulang sa pagpapalaki ng mga
anak.
 Mahirap ang tungkuling ito.
PAHAMBING
● Ang pang-uri kung ito ay
naghahambing o
nagtutulad ng dalawang
pangngalan o panghalip.
MAY DALAWANG URI NG
PANG-URING PAHAMBING:
A. Pahambing na Pasahol o Palamang
B. Pahambing na Patulad
PAHAMBING NA PASAHOL o
PALAMANG
●Ito ay nagsasaad ng
nakahihigit o nakalalamang
na katangian ng isa sa
dalawang pangngalan o
panghalip.
PAHAMBING NA PASAHOL o
PALAMANG
●Gumagamit ito ng mga katagang
higit, mas, lalong, di gaano, at
iba pa.
PAHAMBING NA PASAHOL o
PALAMANG
Halimbawa:
Mas matibay ang hamon sa mga
magulang ngayon kaysa noon.
Mas mabuti pa rin ang pagbabasa
ng aklat kaysa pagbababad sa harap
ng telebisyon.
PAHAMBING NA
PATULAD
●Nagsasaad ng magkatulad o
magkapantay na katangian
ng dalawang pangngalan o
panghalip na pinaghahambing.
PAHAMBING NA
PATULAD
●Gumagamit ito ng mga
panlaping tulad ng sing/sin/sim,
magsing, kasing o ng mga
salitang kapwa, pareho.
PAHAMBING NA
PATULAD
Halimbawa:
Ang telebisyon at Internet ay
parehong masama kapag
nasobrahan.
PASUKDOL
● Ang pang-uring ito ay nagpapakita ng
pinakamatindi o pinakasukdulang
katangian sa paghahambing ng higit
sa dalawang pangngalan o panghalip.
PASUKDOL
● Gumagamit ito ng mga panlaping
pinaka-, napaka-, pagka- kasunod ng
pag-uulit ng salitang ugat o ng mga
salitang ubod ng, hari ng, sakdal,
sobra.
PASUKDOL
Halimbawa:
Pinakamalaking hamon sa lahat ang
magpalaki ng mabubuti at may
magagandang asal na mga anak sa
panahong nagkalat ang masasamang
impluwensiya sa lipunan.
>

You might also like