You are on page 1of 35

ILARAWAN ANG INYONG

KAKLASE
Hindi maaari ang mga negatibong
paglalarawan.
PAGHAHAMBING
Filipino 8
LAYUNIN:
1. Natutukoy ang dalawang uri ng paghahambing
2. Napahahalagahan ang paghahambing at
paglalarawan bilang paraan ng pagpapahayag
3. Nailalahad sa pamamagitan ng pagmugna ng
sanaysay ang buhay ng isang mag-aaral gamit ang
paghahambing at mga salitang naglalarawan.
GAWAIN:
Isadula ang nangyayari sa buhay ng
isang mag-aaral sa isang araw.
Ilarawan ito nang masining. Gumamit
ng mga salitang naglalarawan.
PAGHAHAMBING
Ang paghahambing ay isang
paraan ng paglalarawan ng dalawa
o higit pang kalagayan o katangian.
DALAWANG URI PAGHAHAMBING
Paghahambing ng magkatulad
Paghahambing ng di-magkatulad
PAHAMBING NA MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang


dalawang pinaghahambing ay
may patas na katangian.
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Ginagamitan ito ng mga panlaping:
kasing
sing
magka
magsing
magkasing
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Magka - nangangahulugan ito
ng kaisahan o pagkakatulad.
HALIMBAWA
Magkakutis porselana ang
magkapatid na Kurt at
Caelyn.
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Sing - nagagamit din ito sa lahat ng
uri ng paghahambing na
magkatulad. (gamitin ang sim kung
ang susundang titik ay b or p.
HALIMBAWA
Simbilis ng kidlat tumakbo
ang mga manlalaro.
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Sing - kung marami naman ang
inihahambing maaaring gamitin ang
sing basta’t uulitin lamang ang
unang pantig ng salitang ugat.
(gamitin ang sim kung ang
susundang titik ay b or p.)
HALIMBAWA
Simbibilis ng kidlat ang mga
manlalaro kung tumakbo.
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Kasing -
kasing + salitang ugat + ni/ng +
pangngalan + si/ang + pangangalan
= pangungusap na naghahambing
HALIMBAWA

Kasingkisig ni Xavier si Mahrk.


PAHAMBING NA MAGKATULAD
Magsing- ang pinagtutulad ay pareho
ng katangian
HALIMBAWA
Si Julie at Cher ay magkasintangkad.
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Ga- (gangga-)
Ito naman ay kasingkahulugan ng
gaya, tulad o pares.
HALIMBAWA

Gamunggo ang pawis na tumulo sa


mga noo ni Angel Salamanca.
DAGDAG KAALAMAN
DAGDAG KAALAMAN
Ginagamit ang mga panlaping
magkasing, kasing, at sing kapag ang
salitang ugat na ikakabit ay
nagsisimula sa patinig at mga titik
K, G, NG, M, N, W, at Y.
HALIMBAWA

magkasinggaling
singgaling
kasinggaling
DAGDAG KAALAMAN
Ginagamit ang mga panlaping
magkasim, kasim, at sim kapag ang
salitang ugat na ikakabit ay
nagsisimula sa b or p.
HALIMBAWA

magkasimbigat
simbigat
kasimbigat
DAGDAG KAALAMAN
Ginagamit ang mga panlaping
magkasin, kasin, at sin kapag ang
salitang ugat na ikakabit ay
nagsisimula sa d, l, r, s, t.
HALIMBAWA

magkasintatag
sintatag
kasintatag
PAHAMBING NA MAGKATULAD
Ginagamit din ito ng mga salitang:
gaya
tulad
paris
kapwa
pareho
HALIMBAWA

1. Parehong guwapo ang aking


tatay at lolo dahil magkamukha
sila.
HALIMBAWA
2. Kapwa guwapo rin ang anak at
ama dahil nagmana ito sa lolo.
2. PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

Ginagamit ito kung ang


pinaghahambing ay may
magkaibang katangian
A. PASAHOL
Kung ang pinaghahambing ay mas
maliit, gumagamit ito ng mga
hudyat/pananda, tulad ng lalo, di-
gaano, di-totoo, di-lubha, o di-gasino.
HALIMBAWA
1. Di-gaanong masarap ang nabili
niyang ulam ngayon kaysa kahapon.
2. Di-gasinong maganda ang bag na
nabili niya kaysa kanyang kaibigan.
B. PALAMANG
Kung ang hinahambing ay mas malaki
o nakahihigit sa pinaghahambingan.
Gumagamit ito ng mga
hudyat/panandang higit, labis, at
dihamak.
HALIMBAWA
1. Higit na matangkad ang bunso
kaysa panganay na anak ni Pedro.
2. Di-hamak na mabait ang kanyang
ate kaysa kanya.

You might also like