You are on page 1of 27

Paggamit ng

Paghahambing sa
Karunungang-
bayan

Unang Markahan Unang


Linggo
Modyul 2
KASANAYANG
PAMPAGKATUTO:

• Nagagamit nang wasto ang mga pahayag na nagbibigay


patunay
BALIK-ARAL
KARUNUNGANG-
BAYAN

Panuto: Tukuyin kung ang mga


sumusunod na pahayag ay
SALAWIKAIN, SAWIKAIN,
KASABIHAN, O BUGTONG
1. Kung may tinanim, may aanihin.
Sagot: SALAWIKAIN

2. Tumalon sa bagong taon, nang tumangkad ngayong


taon.
Sagot: KASABIHAN

3. BUTAS ANG BULSA


Sagot: SAWIKAIN

4. Dalawang batong itim, malayo ang nararating.


Sagot: BUGTONG
5. Ang bulsang laging mapagbigay,
hindi nawawalan ng laman.
Sagot: SALAWIKAIN

6. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan


mo.
Sagot: BUGTONG

7. Lantang gulay
Sagot: SAWIKAIN
ANO ANG PAGHAHAMBING?
PAGHAHAMBING
Ito ay isang batayan o pamantayan.
Ang pamantayan ang magiging
instrumento upang maging
sistematiko ang paghahambing ng
isang bagay na ginagamitan ng
pahayag sa paghahambing.
DALAWANG URI NG PAHAMBING

1. Magkatulad
2. Di-magkatulad
A. MAGKATULAD
 Paghahambing na patas ang katangian ng pinagtutulad.

 Mga panlapi:
Ka

Magka

Sing (sin/sim)

Kasing (kasin/kasim)

Ga

MAGSING (magkasin- / magkasim-)


MGA HALIMBAWA
KA – nangangahulugang kaisa o katulad

Halimbawa:
Kaboses ni Mila si Sharon Cuneta.
Kahawig ng Lobo ang Aso
MGA HALIMBAWA
 MAGKA – nangangahulugan din ng kaisahan at
pagtutulad.

Halimbawa:
Magkaisa sila sa adhikain para sa bayan.
Magkaedad ang kapatid ko at ang pinsan ni
Mark.
MGA HALIMBAWA
SING (sin-/ sim-)- gaya rin ng ka-,
nagagamit ito.

Halimbawa:
Sintibay ng bato ang kanyang paninindigan.
Simbangis ng Leon ang Tigre.
MGA HALIMBAWA
KASING (kasin-/ kasim)
Halimbawa:
Kasimbilis ng kidlat ang sagot sa kanyang
mga tanong.
Kasinglakas ng bagyong Yolanda ang
bagyong Milenyo.
MGA HALIMBAWA
MAGSING (magkasin- / magkasim-) ang
pagtutulad ay napipisan o nagkasama sa
paksa ng pangungusap
Halimbawa:
Magsimbilis ang pag-angat sa buhay ng
magkapatid.
Magsingtangkad ang poste at ang puno sa
kanto.
MGA HALIMBAWA
GA – (gangga) nangangahulugan ng gaya,
tulad, paris

Halimbawa:
Gamunggo ang mga butil ng pawis ni Mila.
Gabutil ang sulat ni Anna.
B. DI-MAGKATULAD

Paghahambing na nagpapakita ng
diwa ng pagkakait, pagtanggi o
pagsalungat.
2 URI NG DI-MAGKATULAD

1. Hambingang Pasahol
2. Hambingang Palamang
HAMBINGANG PASAHOL
 May higit na katangian ang pinaghahambingan
sa bagay na inihahambing.

 Ginagamitan ito ng mga panlapi na:


Lalo
Di-gasino
Di-gaano
Di-totoo/Di-lubha
MGA HALIMBAWA
 LALO – nangangahulugang pagpapahigit
sa “kulang” ng katangian.
Hal :
Lalong bumaha nang lumakas ang ulan.
Lalong nainis si Marlon nang asarin siya ni
Petra.
MGA HALIMBAWA
 DI- GASINO
Hal : Di gasinong magaling ang diskarte sa
buhay ni Arnold sa kakambal niyang si
Arman.
 DI- GAANO

Hal : Di gaanong malusog ang


pangangatawan ni Loida dahil sa pagkain ng
mga sitchirya
MGA HALIMBAWA
DI-TOTOO – nangangahulugan ng pagbawas sa
Karaniwang uri.
Hal. :
 Di-totoo ang mga naikwento ni Ann sa mga
kwento ng kanyang lola.
 Di-totoong nakakatakot ang pelikulang
napanood ko kumpara sa napanood ni Alexis.
HAMBINGANG PANLAMANG
– may higit na Katangian ang
inihahambing. Gamit ang Lalo ; Higit/ mas ;
labis ; Di- hamak
MGA HALIMBAWA
• Si Nelson ay higit na matangkad kaysa kay Mark.
• Lalong pinagbuti ni Macky ang pag-aaral nang
siya ay tumungtong sa Kolehiyo.
• Mas matamis ang asukal kaysa sa kendi.
• Labis ang kanilang pagmamahal sa bayan.
• Di-hamak na mas ligtas manatili sa tahanan kaysa
sa labas.
TAKDANG ARALIN
BLG. 2

You might also like