You are on page 1of 20

Modyul 3: Pangunahing Kaisipan ng Bawat

Kabanata
(Malalim na pagkilala sa Aralin)

Ika-apat na Markahan
PANALANGIN
1. Ang kagandahang taglay ni Laura ay tulad
ng isang anghel.

A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagsasatao D. Pagtawag

SAGOT: A
2. “O sinisinta kong labis, ako’y ‘di na makatitiis.”

A. Pagtutulad B. Pagwawangis
C. Pagsasatao D. Pagtawag

SAGOT: D
3. Si Florante ay isang Adonis sa kakisigan

A. Pagtutulad B. Matapora
C. Pagsasatao D. Pagtawag

SAGOT: B
4. Umaawit ang mga ibon sa kakahuyan.

A. Pagmamalabis B. Pagwawangis
C. Pagsasatao D. Pagtawag

SAGOT: C
5. Bumaha ng dugo nang magkrus ang landas
ng hukbo ni Florante at hukbo ni Heneral Osmalik.

A. Pagmamalabis B. Pagwawangis
C. Pagsasatao D. Pagtawag

SAGOT: A
Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Ang Florante at Laura ay obra maestra ni Francisco Balagtas Baltazar. Sa


dahilang ito ay natatangi o pinakamahusay niyang akda. Ito ay naglalarawan sa
tunay na kalagayan ng Pilipinas noon. Sa obrang ito ni Balagtas ay may
dalawang katotohanan ang nakapaloob sa akda:
Una, Ipinapakita nito ang kalunos-lunos na kalagayan ng Pilipinas noong
sinusulat ang akdang ito. Nais ipabatid ng manunulat ang pagmamalupit ng
mga taong may posisyon sa lipunan, pagmamalupit dala ng kasakiman sa
salapi.
 
Pangalawa, ang kaawa-awang kalagayan ni Balagtas noong nakakulong
siya sa Pandacan. Katulad ng isang Floranteng nakagapos sa puno ng higera
sa gitna ng mapanglaw na gubat.
Para sa buod ng Florante at
Laura puntahan ang link na ito:

https://youtu.be/dCIAnUBBXxg
A K AY
G TA L
PA

Panuto: Sagutin ang sumusunod na


tanong.
1. Sino ang tinutukoy na binatang nakatali sa isang
malaking punong higera sa loob gubat na mapanglaw?
2. Sino ang morong nagligtas kay Florante mula sa
pagkakatali nito sa puno at sa mga leon na gustong
lumapa sa kanya?
3. Sa iyong pananaw, ano kayang alegorya ang
nakapaloob sa eksenang pagkakaligtas ni Aladin kay
Florante sa gubat na mapanglaw gayong magkalabang
mortal ang relihiyon ng dalawang tauhan? Ipaliwanag.
4. Ano ang pagkakaiba ng pamahalaang monarkiya at
demokratiko? Ipaliwanag.
5. Sa inyong palagay, ano kaya ang kahihinatnan ng ating
bansa kung tayong mga Pilipino ay walang karapatang
pumili ng taong magiging lider ng ating bansa?
Ipaliwanag.
Pag-alam sa mga Natutuhan
Ang araling ating tinalakay ay umiikot sa pagkakaroon ng hindi
kanais-nais na pinuno. Sa anyo ng kanilang pamahalaang
monarkiya ay wala silang karapatang maghalal o pumili ng
mamumuno sa kanila. Mapalad tayo sa kasalukuyang panahon at sa
bayang ating sinilangan kung saan ang anyo ng pamahalaan ay
demokrasya. Malaya tayong pumili ng lider na mamumuno sa ating
bayan.

Ilang taon pa lamang ang lumipas nang nagluklok tayo ng mga


bagong lider ng bayan. Ang mga lider na ito ay may bagong pangako
ng pagbabago. Naging masaya tayo nang manalo ang ating piniling
kandidato at nalungkot naman nang matalo.
TAKDANG
ARALIN
BLG. 4

Panuto : Gumawa ng isang


islogan na hihikayat sa mga
botante upang maging matalino
sa pagpili ng tamang kandidato
at maging masigasig sa
pagtataguyod ng malinis na
eleksyon. Ilagay sa isang Short
bond paper o oslo paper:

You might also like