You are on page 1of 16

PAGSUSUNOD-SUNOD

NG MGA PANGYAYARI
AT RETORIKAL NA
PANG-UGNAY
MODYUL 5
ANG KALUPI
◦https://www.youtube.com/watch?v=iEjhr5CgSr8
ANG KALUPI
STORY CHART
BAHAGI NG KWENTO PANGYAYARI SA KWENTO

TAUHAN (Sino-sino ang nagsiganap sa kuwento? )

TAGPUAN (Saan-saang lugar naganap ang mga pangyay

BANGHAY

PANIMULA (Paano sinimulan ang pag- sasalaysay ng


kuwento?)
TUNGGALIAN (Ano ang suliraning kinakaharap ng
pangunahing tauhan sa kuwento?)
KASUKDULAN (Anong bahagi ang nagpapakita ng
pinakamaaksyon na pangyayari?)
KAKALASAN (Anong bahagi sa kuwento ang nagpapakita ng
pagbaba ng damdamin sa pagbasa?)
WAKAS (Paano winakasan ang kuwentong binasa?)
Ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari sa
kuwento ay hinahati ang bawat bahagi sa mahalagang
pangyayari: sa simula, sa gitna, at wakas. Ito rin ay
isang paraan ng pagbubuod ng isang kuwento kung
saan mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng mga
esensiyal o pangunahing kaisipan ng bawattalata o
pangungusap sa kuwento. Lubos na nakatutulong ito
upang makuha rin ang mga detalye at pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari o banghay.
SIMULA (BEGINNING) – ang kawilihan ng mga
mambabasa ay nakasalalay sa bahaging ito. Dito ipinakikilala
ang tauhan at ang tagpuang iikutan sa kuwento.

TUNGGALIAN (CONFLICT) – dito makikita ang


pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan sa mga suliraning
kanyang kakaharapin.
KASUKDULAN (CLIMAX) – ito ang pinakamataas na pangyayari sa kuwento kaya’t ito
ang pinakamaaksyon. Sa bahaging ito unti-unting mabibigyan ng solusyon ang suliranin at
dito malalaman kung magtatagumpay ba ang pangunahing tauhan o hindi.
KAKALASAN (FALLING ACTION) – sa bahaging ito bumababa ang

takbo ng kuwento. Ito ay nagbibigay daan sa wakas.

WAKAS (ENDING) – ang kinahinatnang pangyayari sa kuwento na


maaring masaya o malungkot.
RETORIKAL
NA
PANG-UGNAY
Sa makabagong panahon, mainam na ang bawat pakikipag-usap sa
kapwa tao, bata man o matanda ay ganap na nauunawaan at
kinalulugdan ng bawat isa. Ang pakikipag-usap kasi ang pinakamabuti
at pinakamabisang daan ng pakikipag-ugnayan sa kapwa. Kung kaya’t
sa makabagong gramatika, ang pangatnig bilang bahagi ng pananalita
ay nahahati sa dalawang anyo.
Ang una ay ang tinatawag na pangatnig na ginagamit sa simpleng
pag-uugnay ng mga salita, parirala, at sugnayang pangungusap
katulad ng: at, sa, saka, pati, ni, upang, maging, ngunit, bagaman,
subalit, at iba pa. Ang anyong ito ay nag-uugnay sa mga sugnay ng
pangungusap na magkatimbang ang ipinahahayag.
HALIMBAWA:

1. Ang tatay at nanay ay kapwa nagsusumikap para sa pamilya.


2. Maraming bata ang nagiging masaya sa araw ng
Pasko bagama’t magkakaiba ang kanilang natatanggap na regalo.
 Ang ikalawang anyo ay pangatnig na ginagamit sa mga retorikal na pagpapahayag.
Ito ay kumakatawan sa tungkulin upang pag-ugnayin ang dalawang sugnay na hindi
timbang sa pagpapahayag, na ang ibig sabihin ay pantulong lamang ang isang
sugnay. Ginagamit ang mga ito upang maging mabisa at kahika-hikayat ang mga
pagpapahayag. Ilan sa halimbawa nito ay : kung, sapagkat, nang, palibhasa,
kapag, bago, kung gayon, pagkat at iba pa. Tinatawag din itong mga pangatnig o
pang-ugnay na panubali. Madalas nasa unahan ng sugnay na pantulong ang mga
pangatnig na ito.
HALIMBAWA:

1. Maraming umaasa na pagdating nang araw na ang kanilang pagsusumikap sa pag-


aaral ay magbubunga nang matagumpay sa buhay.
2. Bagaman mayaman ay nagawa niyang makisalamuha sa mga simpleng
mamamayan.
3. Kapag dumating na ang mga sandaling kailangang makatulong sa kapwa, ang mga
mamamayan ng Lucena ay nagkakaisa upang tumugon sa pangangailangan.
TAKDA:
Sagutin:
Pangwakas na Pagsusulit A (1-5) at B
(1-50)
Maghanda para sa darating na SUMMATIVE TEST sa Lunes , Oktubre 18, 2020.
Magbalik-aral tungkol sa mga sumusunod:

1. Kuwentong-bayan
 Mga Salita/Pahayag na Nagbibigay Patunay
2. Pabula
 Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad
3. Epiko
 Sanhi at Bunga
4. Dokyu-film
 Pagsusuri ng Dokyu-Film
5. Pagkasunod-sunod ng mga Pangyayari
 Retorikal na Pang-ugnay

You might also like