You are on page 1of 23

St.

Rita’s College of Balingasag


Balingasag, Misamis Oriental 9005 (08822) 333 – 2018 (Cruztelco) S.Y.:2020-
2021
Email: srcbignacian@yahoo.com Website: srcb.edu.ph
PAASCU Level II Re-Accredited: High School Department
Basic Ed. Dept. (Philippine Accrediting Association of Schools, Colleges and Universities)

MODYUL SA 8
FILIPINO
Quarter 1
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

MGA KARUNUNGANG BAYAN


(SALAWIKAIN, SAWIKAIN AT KASABIHAN)

Nang inilimbag ang koleksiyon ng panulaang tagalog ng Vocabulario de la Lengua Tagala ng mga

prayleng misyonaryong sina Juan Noceda at Pedro San Lucar noong 1754, nagbigay ito ng pagkakataon

upang masilip natin ang komunidad o mundo ng mga Lumad Pilipino sa pamamagitan ng kanilang

produksiyong pampanitikan. Sa mga bugtong, salawikain, awiting bayan at tulang-bayan natin makikita

kung papaano nila inunawa ang kanilang mundo kasama ang kanilang pagsisikap upang makapagbigay

ng kanilang sariling kontribusyon sa lemlunay o paraisong nais nilang likhain.

Hayag sa salawakain ang pagsusulong ng mga katangian at pangaral nais tumiim sa mga mamamayanan

upang maging mabuting tao. Sa pamamagitan ng sukat (madalas ay pipituhin o wawaluhing pantig) at

tugma, naging madali ang repetisyon upang hindi makalimutan ang mga taludtod. Ngunit higit sa lahat

ay nabibigyang-diin at laging naipapaalala ang payo, pangaral, o aral na karaniwang binihisan ng

talinghaga sa salawikain.

Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa

ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito

ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar ang

kasabihan naman o saying ay isang makaluma at maiksing pariralang nagpapahayag ng ideya na

pinaniniwalaan ng nakararami na tunay o totoo. Madalas na sinasabi ito upang magbigay ng

payo o impormasyon tungkol sa buhay at karanasan ng tao.

2
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

MGA HALIMBAWA
Salawikain Sawikain Kasabihan

butas ang bulsa - walang pera Ang buhay ay parang gulong,


“Anak na di paluhain, minsan nasa ibabaw, minsan
magulang ang patatangisin” ilaw ng tahanan - ina, nanay nasa ilalim.

“Ang lumakad nang matulin, bukas ang palad - matulungin Ang batang makulit,
kung matinik ay malalim” napapalo sa puwit.
ibaon sa hukay - kalimutan
“Kung ano ang itinanim, Ang batang matalino, nag-
siyang aanihin” Amoy Pinipig - mabango aaral ng husto.

“Kapag maikli ang kumot, Kabiyak ng Dibdib - asawa Ang batang iyakin, nagiging
matutong mamaluktot” mutain.
Lantang Gulay - sobrang
“Daig ng maagap ang pagod Ang gumagawa ng kabutihan,
masipag” hindi matatakot sa
Nagsusunog ng Kilay - kamatayan.
“Ubos-ubos biyaya, masipag mag-aral Dapat lahat tayo ay
pagkatapos ay magpakabuti, sapagkat ang
nakatunganga” kamatayan ay nakasunod
Pag-iisang Dibdib - kasal parati.
“Nasa Diyos ang awa; nasa
tao ang gawa Makapal ang Palad - masipag

Kilos Pagong - mabagal

3
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Sa ikapitong baiting ay iyong natutunan ang dalawang uri o antas ng paghahambing. Ito ay ang
pantay na antas na maari ding tawaging paghahambing na makatulad. Balikan natin ang mga
depenisyon ng mga ito.

DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING


1. PANTAY NA ANTAS O PAGHAHAMBING NA MAGKATULAD

Ang panlaping paghahambing na kasing o (ka) sing ay nagsasaad ng digri ng pagtutulad


na magkapantay ang antas. Maaring gamitin sa simunong inihahambing sa pinaghahambingan,
sa batayang pang-uri, at sa batayang pandiwa o panggalan.

Mga Halimbawa:

 Simuno ang pinaghahambingan: (Ka) singtalino (ni Ren si Gino.

 Batayan sa pandiwa: (Ka) singbagal ng pagong ang buwaya

 Batayan sa pang-uri: (Ka) singkinis ni Teresa si Rosie.

Kung maramihan o tambalan ang simuno, idinaragdag ang mag sa simula ng salita. Maaring ang
anyong batayan ay ang ugat, ang tangkay na sing+ (pang-uri o pandiwa), o ang tangkay na
kasing+ (pang-uri o pandiwa)

Mga Halimbawa

 Anyong batayang UGAT: Magkasinggagaling

 Anyong TANGKAY na SING+ (pang-uri o pandiwa): Magkasisinggaling

 Anyong TANGKAY na KASING+ (pang-uri o pandiwa): Magkakasinggaling

2.DI-PANTAY NA ANTAS O PAGHAHAMBING NA DI-MAGKATULAD

4
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Maipapakita rin ang di-pantay na antas sa paghahambing. Madalas na nagagamit ang mga
salitang mas…kaysa (kay kung bagay na pag-aari) upang magsabi na di-pantay na antas. Maaring
magkasabay na gamitin ang mas at kaysa (kay) (sa) sa isang pangungusap o kaya nama’y kaltasin ang
mas o ang kaysa.

Mga Halimbawa:

 Mas matapang si Chery kaysa kay Charity

 Mas matapang si Chery kay Charity

 Matapang si Chery kay Charity

Daragdagan natin ang iyong natutunan. Sa ilalim ng paghahambing na di magkatulad ay


may dalawang uri ito.

1. Hambingang Pasahol – Ang pinaghahambingan ay mas maliit. Gumagamit naman ito ng mga
salitang di-gaano, di-totoo, di lubha, at di-gasino.

Halimbawa:

Di-gaano kahusay ang mga baguhang artista kaysa sa mga matagal nang nasa industriya ng
multimedia.

2. Hambingang Palamang - Ginagamit ang panghambing na di-hamak, higit, at labis sa


pagpapakita ng di-pantay na antas ng hambingan o mas nakahihigit ang hinahambingan

Halimbawa:

Higit na maganda si Kathryn kaysa kay Nadine.

5
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Panuto: Ilagay sa nakalaang grapikong pantulong na


venn diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
salawikain, sawikain at kasabihan

GAWAIN 1
BILOG (PAGKAKAIBA)
KAHON (PAGKAKATULAD)

6
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Panuto: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

GAWAIN 2

1. Makabuluhan ba ang pag-alam sa mga karunungang-bayan? Pangatuwiranan

2. Ano ang epekto sa’yo ng iyong kaalaman at pag-unawa sa mga karunungang bayan?

3. Sa iyong palagay nararpat bang panatilihin at paunlarin ang panitikang ito na pamana ng ating mga ninuno?
Ipaliwanag

7
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto


sa ibaba. Hanapin ang lahat ng mga salawikain,
kasabihan, at sawikaing ginamit. Pagkatapos,
isulat ang lahat ng ito sa kahon sa ibaba at ibigay
ang kahulugan ng mga ito batay sa pagkakagamit
sa teksto.

GAWAIN 3

BUHAY ESTUDYANTE
Ikapitong-langit ang nadarama ng sinumang estudyante dahil sa pagkakataon
nilang makapag-aral sa kabila ng kahirapan ng buhay. Dahil dito, marami sa
kanila ang nagsusunog ng kilay sa hangaring maipasa ang lahat ng asignatura.
Gaano man kahirap ang mga gawaing pampaaralan, kailanma’y di sumagi sa
kanilang isipan na itaas ang kanilang watawat. Alam nilang sa likod ng makapal
na ulap ay may nakatagong liwanag.

Nakatutuwang isipin, marami sa mga mag-aaral na ito ang kayod kalabaw para
masuportahan lamang ang pag-aaral. Tinitiis din nila ang maraming pagkakataong
kinakalambre ang kanilang tiyan. Marami rin sa kanila ang natutong mamaluktot
dahil sa maigsi ang kumot. Ang masaklap, malimit na butas ang kanilang bulsa.

Ibayong sipag at tiyaga ang ipinamamalas nila dahil ayaw nilang maranasan ang
tulad ng iba riyan na walang ibang gawin kundi magbilang lamang ng poste.

Lalong ayaw nilang maituring na mga laman ng lansangan. Ibayong atensyon din
ang kanilang ibinibigay sa kanilang pag-aaral sapagkat ayaw nilang makakuha ng
kalabasa sa anumang pagsusulit sa alinmang asignatura. Lahat ay ginagawa rin nila
upang makadaupang-palad ang sinumang nakasasalamuha.

8
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Sa kabilang banda, abo’t batok ang ngiti ng mga estudyanteng ito kung may
mga indibidwal na bukas ang diddib. Pinasasalamatan nilang lubos ang taong
tulad nila. Oo, dalangin nating magtagumpay ang mga estudyanteng tulad nila.
Mainit na komendasyon ang ibig nating tanggapin nila. Isa ka ba sa kanila?

Mga
Salawikain/Kasabihan/Sawikaing KAHULUGAN
Ginamit

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

9
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

PANUTO: Basahin at unawain ang kahulugan ng


paghahambing at ang mga uri nito at sagutan ang mga
sumusunod na katanungan

GAWAIN 4
1. Bakit mahalagang maunawaan ang dalawang uri ng paghahambing habang pinag-aaralan ang
mga karunungang bayan sa panahon ng katutubo?

2. Makakatulong ba ang dalawang uri ng paghahambing upang higit na mapalitaw ang mga
kulturang masasalamin sa mga karunungang-bayan? Patunayan

10
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

PANUTO: Basahin mong Mabuti ang teksto.Isulat sa


kahon ang mga paghahambing na ginamit sa teksto.
Isulat kung anong uri ito ng paghahambing.

GAWAIN 5
Sariwa ang hangin na humihihip sa karagatan. Mas masarap ang pakiramdam ko ngayon kaysa noong
nakaraang buwan. Kapansin-pansin rin ang tubig na umaalon sa dagat na maituturing kong kasinlinaw ng
kristal. Di- gasino mang maingay dito ,wala man ang ingay na matagal ko nang kinagisnan, alam kong
masasanay rin ako.Naalala ko tuloy ang pook na pinasyalan namin ni inay noong bata pa ako.

Magkasingganda ang pook na iyon at ang lugar na kinatatayuan ko ngayon. Simputi rin ng bulak ang
buhangin doon. Akala ko iyon na ang una at huling araw na makadadalaw ako sa ganoong klaseng lugar.
Sa mura ko kasing edad noon, alam ko na ang hirap na pinagdadaanan ng aming pamilya kaya napilitan
akong magbanat ng buto kahit wala pa sa panahon. Buti na lang kinaawaan ako ng Poong Maykapal.
Inialis ako sa nakasusulasok na lugar at dinala ako sa lugar na singganda ng paraiso. Salamat at nakilala
ko si Sir James Bossier.
Pansamantala man ang pananahan ko dito, batid ko na sa aking pagpupursige kasama ng aking pamilya
ay makababalik ako dito upang manirahan.

11
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

PANUTO: Bumuo ng one-minute essay sa


pamamagitan ng pagsagot sa tanong na bakit kailangan
kong linangin ang aking pag-unawa’t pagpapahalaga sa
mga karunungang-bayan na lumaganap sa panahon ng
katutubo? Gumawa rin ng isang maikli ngunit
nakatatawag-pansing pamagat.

ONE MINUTE ESSAY

PAMAGAT

12
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Ano ang ALAMAT?


Ito ay ang mga kuwentong karaniwang nagsasalaysay o nagpapaliwanag kung saan

nagmula o kung bakit tagalay ng bagay o lugar ang particular na katangian. Subalit hindi

maaring kaagad na ipagpalagay na iyon llamang ang alamat sa buhay ng ating mga ninuno. Sa

katotohanan, Artikulasyon ito ng kung paano nila inunawa sa paraang pasalaysay ang kanilang

pamumuhay. Kaya naman marami sa alamat ay kakikitaan ng pagtatalakay sa katutubong

kultura, kaugalian, mga paniniwala, at gawi ng pamumuhay. Dahil sangkap ng alamat ang mga

pangyayari o bagay na di kapani-paniwala – ang mana o hiwaga—hindi maaring ganap na ituring

bilang literal ang pakahulugan sa mga ito. Maaring isipin na ito ang matalinghaga nilang paraan

ng pagtawid tungo sa malalim na pagpapakahulugan sa buhay at sa mga bagay na kaakibat

nitong umiiral.

Prominenteng makikita sa alamat ang pangingibabaw ng mga tauhang miyembro ng

naghaharing-uri o ruling class. Nagmula sa kanilang perspektiba ang salaysay sa alamat. Naging

Daan din ang alamat upang tanggapin sa sinaunang bayan ang herarkiya bilang hindi

makukuwestiyong kaayusan. Katulad ng iba pang nasa ilalim ng pasalaysay na panitikan, taglay

rin ng alamat ang mga sangkap na tauhan, tagpuan, tunggalian, at balangkas o banghay.

13
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

ANG ALAMAT NG BULKANG

PINATUBO
Sa kahariang Masinlok, may isang matandang datu na hindi masaya kahit sariwa ang

hangin at luntian ang mga dahoon ng mga batang halaman sa paligid. Ang kagandahan ng

umagang iyon ay walang epekto sa ugali ng datu. Malungkot ang matandang datu dahil nais

niyang mangaso ulit tulad ng dati sa isang malayong bundok. Ngunit, hindi niya ito kaya dahil

mahina na ang kaniyang katawan.

Isang araw, may dumating na salamangkero sa kaharian. Nais ng salamangkero na magpakasal

kay Prinsesa Alindaya kaya nagbigay siya ng solusyon sa problema ng datu. Magpapatubo ang

salamangkero ng isang bundok para sa pangangaso ng datu. Kumuha siya ng maliit na bato at

itinanim niya ito sa lupa katulad ng pagtatanim ng isang halaman. Biglang tumubo ang isang

bundok sa loob ng ilang minuto sa lugar kung saan itinanim ang maliit na bato.

14
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Namangha ang hari sa ginawa ng salamangkero at nagpasiya na ipakasal niya si Prinsesa

Alindaya sa salamangkero. Nalungkot ang prinsesa sa ginawang pasya ng kaniyang ama dahil

parang ipinagpalit lang siya ng isang bundok. Nagkasakit ang prinsesa dahil sa walang tigil na

pag-iiyak. Hindi na natuloy ang kasalan.

Umuwi nang galit ang salamangkero dahil sa kaniyang kabiguan. Dahil nagulo ang kaniyang

loob, hindi niya napansin na lumalaki ang bundok. Ito’y naging problema ng datu at inutusan

niyang pugutan ang salamangkero. Hinuli nga ang salamangkero at siya’y pinatay.

Ngunit, wala itong ginawa sa lumulubhang suliranin at nakaabot ang balita sa kaharian ng

Pangasinan. Narinig ni Prinsipe Malakas ang nagyaring suliranin sa kahariang Masinlok at agad

siyang pumunta roon.

Nang dumating ang prinsipe, binunot lang niya ang bundok nang walang kahirap-hirap at

ihinagis niya ito sa lugar na kinaroroonan nito ngayon. Nagkaroon ng isang malaking

pagdiriwang para kay Prinsipe Malakas at nagpakasal siya kay Prinsesa Alindaya.

Ang guwang na nilikha ng pagkabunot sa bundok ay unti-unting napuno ng tubig hanggang ito’y

naging isang lawa. Tinawag nila ito “Lawa ni Alindaya” dahil ang kagandahan ng prinsesa at ang

pag-ibig niya ang dahilan ng pagkakaroon ng Bundok Pinatubo.

15
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

PANG-ABAY
Ang pang-abay ay mga salitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Pamanahon
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap,ginaganap o gaganapin ang
isang pangyayari o kilos.

Mayroon itong tatlong uri:

 May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa,
at hanggang

Halimbawa: "Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?"

 Walang pananda - kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa

Halimbawa: "Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino."

 Nagsasaad ng dalas - araw-araw, tuwing umaga, taun-taon, at iba pa

Halimbawa: "Tuwing buwan ng  Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan."

Panlunan
Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi
kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay

16
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang


ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.

Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.


Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng
isang tao.

Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto


ako kina Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan


batay sa binasa mong kwento.

GAWAIN 1

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa alamat?

2. Sino sa mga tauhan sa alamat ang kinasuklaman mo nang husto? Bakit?

3. Bakit dating kahanga-hanga ang paraan ng pamumuhay ng mga tao sa pook ng pina.

17
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

4. Ano ang sanhi ng kaguluhan sa nayon ng Pina?

5. Paano natigil ang labanan sa pagitan ng dalawang lipi?

6. Ano-anong kultura o kalagayang panlipunan ang masasalamin sa alamat?

7. Alin sa mga nabanggit na kultura o kalagayang panlipunan ang nakikita pa sa lipunang Pilipino sa
kasalukuyan?

18
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

8. Ano-anong negatibong pag-uugali ang masasalamin sa alamat at bakit nararapat


itong iwaksi?

9. Sa Kabilang banda ano-anong masasalamin sa alamat at bakit mahalagang isabuhay sa


kasalukuyan ang mga ito?

PANUTO: Sagutin ang mga tanong na nagsisimula sa


tanong na bakit nga ba?

Gawain 2

1. Bakit nga ba kailangang iwaksi ang anumang bahid ng kasakiman?

2. Bakit nga ba umusbong at lumaganap sa panahon ng katutubo ang panitikan katulad ng


alamat?

19
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

3. Bakit nga ba kailangang tanggapin at palaganapin natin ngayon ang mga alamat na
lumganap sa panahon ng katutubo?

PANUTO: Sagutan ang mga sumusunod na katanungan.

GAWAIN 3

1. Ano ang pangunahing pagkakaiba ng pang-abay na pamanahon sa pang-abay na panlunan?

2. Bakit mahalaga ang kaalaman at pag-unawa sa pang-ay na pamanahon at panlunan?

3. Makatutulong ba ang nabanggit na dalawang uri ng pang-abay upang higit na maunawaan ang
nilalaman ng isang akdang pampanitikan Pilipino tulad ng Alamat ng Bulkang Pinatubo?
Pangatwiran.

20
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

4. Kauganay ng iyong nagging tugon sab lg 3 kung lubos mong naunawaan ang isang akdang
pampanitikan sa tulong ng dalawang uri ng pang-abay, ano ngayon ang magiging epekto ng
panitikang ito sa’yo bilang Pilipino?

PANUTO: Balikang muli ang Alamat ng Bulkang


Pinatubo. Maghanap ng sampung pang- abay na
panlunan at sampung pang-abay na pamanahon
at ilagay ito sa tamang hanay sa inilaang
talahanayan.

GAWAIN 4

Pang-abay na Pamanahon
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

21
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

Pang-abay na Panlunan
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10

PANUTO: Mag-isip ng limang natatanging lugar


na iyong napuntahan na lubusan mong
hinahangaan at lima ring natatanging okasyon
na iyong nadaluhan na umani ng iyong papuri o
pangyayari na may malaking epekto sa’yo.
Pagkatapos, gamitin ang bawat isa sa mga ito sa
makabuluhang pangungusap. Isulat ito sa inyong
journal
GAWAIN 5
MGA NATATANGING
MGA NATATANGING LUGAR SA AKING OKASYON/PANGYAYARI
BUHAY

22
ARALIN 1 (KARUNUNGANG BAYAN AT DALAWANG URI NG PAGHAHAMBING)
ARALIN 2 (ALAMAT AT PANG-ABAY)

23

You might also like