You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Leyte Normal University


Tacloban City

ULAT NARATIBO SA FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Ipinasa nina :
Clarissa Somono
Ma. Lorraine Engo
Mary Joy Namia
Ronabelle Quering
Cherrylyn Cacharro

Ipinasa kay :

Gng. Jevie Castillo Mercado


PAGPILI NG BATIS (SOURCE) NG IMPORMASYON
KAHULUGAN
Ang batis ng impormasyon ay mga sources ng mga impormasyon na nakukuha
ng mga nagbabasa at nakikinig. Ito ay mahalaga lalo na sa aspeto ng edukasyon at
paggawa ng pormal na kasulatan.

Mga Uri ng Batis ng Impormasyon


 Primaryang Batis
Halimbawa: Biktima at Salarin, Saksi, Manonood, Tagapakinig atbp.
 Sekondaryang Batis
Halimbawa: Dyaryo, Libro, Radyo, Pinagkwentuhan
MGA HAKBANG SA PAGPILI NG BATIS NG IMPORMASYON
Yugto 1: Panimulang Paghahanap
Panimulang paghahanap ng kard katalog,sangguniang aklat, bibliograpi, indeks
at hanguang elektroniko.
Yugto 2: Pagsusuri
Pagsusuri na kinasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng mga aklat at
artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3: Pagbabasa at Pagtatala
Pagbabasa at pagtatala ng mga impormasyon o datos mula sa mga napiling
sanggunian.
KATANGIAN
 Authority- Author's name, credentials, biographical info.
 Accuracy - Reliable and free from errors
 Objectivity- Objective not persuasive, not bias
 Currently- Latest Information

PAGBABASA AT PAGBUBUOD NG IMPORMASYON


PAGBASA
Isang proseso ng pag- aayos, pagkuha at pag-uunawa ng anumang uri at anyo
ng impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga wika o simbolo na kailangang tingnan
at suriin upang maunawaan.

APAT NA URI NG HAKBANG SA PAGBASA


PERSEPSYON
Estado ng pagkilala o pagtukoy sa pagkakaroon ng kamalayan sa isang bagay.
KOMPREHENSYON
Ito ay ang pakilos o kakayahan sa pag-unawa ng isang bagay.
REAKSYON
Ito ay isang pagkilos na ginagawa, pagpasiya o paghatol bilang tugon sa isang
sitwasyon.
INTEGRASYON
Ito ay kaalaman sa antas ng makatotohanang komunikasyon.

IBA’T IBANG PARAAN NG PAGBABASA


SCANNING - ito ay isang uri ng mabilisang pagbasa upang hanapin ang tiyak na
impormasyong gustong makuha mula sa material.
SKIMMING - ito ay mabilisang pagbasa upang makakuha ang pangkahalatang ideya ng
buong teksto.
IDEA READING - pagbasa upang makakuha ang pangunahing ideya
KASWAL - ito ay pagbasa ng pansamantala.
PAGBABASANG PANG-IMPORMASYON - layunin nito na kumalap ng mahahalagang
impormasyon na magagamit sa pang araw-araw.
MATIIM NA PAGBASA -nangangailangan ito ng maingat na pagbasa na may layuning
maunawaang mabuti
MULING PAGBASA - pag-uulit sa pagbasa kung ang binabasa ay mahirap unawain

BAKIT MAHALAGA ANG PAGBASA?


 Ang pagbabasa ay mahalagang behikulo sa pagtatamo natin ng mga
impormasyon tungkol sa iba’t ibang larangan ng karunungan.
 Sa pamamagitan ng pagbabasa, nasusubaybayan natin ang eksplosyon ng mga
impormasyon sa larangan ng pilitika, ekonomiya, sosyolohiya, edukasyon,
relihiyon, agrikultura at iba pang disiplina ng karunungan.
 Ang pagbabasa ay nagsisilbing libangan natin kapag tayo ay nababagot o
napapagod. May mga pagkakataong gusto nating kumawala sa mga bigat ng
mga pang araw-araw nating gawain kaya’t napagbabalingan natin ang
pagbabasa.
 Sa pamamagitan ng pagbabasa nagkakaroon tayo ng motibasyon at
inspirasyong magsikap upang mapaunlad ang ating buhay.

PAGBUBUOD
 Siksik at pinaikling bersiyon ito ng teksto.
 Ang teksto ay maaring nakasulat,pinanood o pinakinggan. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
 Mahalaga ang pagtutok sa lohikal at kronolohikal na daloy ng mga ideya ng
binuod na teksto.
MGA HAKBANG SA PABUBUOD
1. . Basahin, panoorin, o pakinggan muna nang pahapyaw ang teksto.
2. Sa mga nakasulat o episodyo ng isang pinanood o pinakinggan, tukuyin and
pangungusap o pinakatema.
3. Pag ugnay-ugnayin ang mga ideyang ito upang mabuo and pinakapunto o tesis.
4. Sulatin ang buod. Tiyakin ang organisayon ng teksto.
5. Huwag maglagay ng mga detalye, halimbawa o ebidensiya.
6. Makakatulong ang signal word o mga salitang nagbibigay-transisyon sa mga
ideya.
7. Huwag magsingit ng mga opinion.
8. Suriin ang dayagram sa ibaba.
 Pangunahing ideya
 Paksang pangungusap
 Konklusyon

PAGBUBUOD NG PIKSON,TULA, KANTA AT IBA PA


 Maaring gumawa munang story map o graphic organizer upang malinawan and
daloy ng pangyayari.
 Isulat and buod sa isang talata kung saan ilalahad ang pangunahing karakter,
ang tunggalian at ang resolusyon ng tunggalian
LAGOM
 Ito ay pinaikli ng mga pangunahing punto, kadalasan ng piksyon.
PRESI
 Muling paghahayg ito ng ideya ng may-akda sa sariling pangungusap ng
bumasa, ngunit maaaring magdagdag ng komento na nagsusuri sa akda.
SYNTHESIS
 Isang anyo ng pag-uulat ng mga impormasyon sa maikling pamamaraan
ABSTRACT
 Rebyu at maikling buod ng pananaliksik, artikulo, tesis iba pa.

PAGSASALIN, PARAPHRASING AT IBA PA


Ano ang pagsasalin?
Ayon kay C. Rabin, 1958
“Ang pagsasaling wika ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man o
pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad ding kahulugan sa
isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.”

Ayon kay E. Nida 1959/1966


“Ang pagsasalin wika ay muling paglalahad sa pinagsalinang wika ng pinkamalapit
nanatural na katumbas ng orihinal ang mensaheng isinasaad ng wika, una’y batay sa
kahulugan, at ikalawa ay batay sa istilo.”

SA MADALING SALITA…
Ang pag sasalin ay ang paglilipat sa pinakamalapit na katumbas na ng tekstong
isinasalin sa wika o diyalektong pinagsasalinan.
PAMANTAYAN SA PAGSASALIN
 Alamin ang paksa na isasalin
 Basahin ng ilang beses ang tekstong isasalin
 Tandaang dapat paring manatili ang mensahe at hindi lang mga salita.
 Piliin ang mga salita at pariralang madaling maunawaan ng mambabasa
 Ipabasa sa isang eksperto sa wikang pinagsalinan o sa isang katutubong
nagsasalita ng wika iyon sinalinan.
 Isaalang – alang ang kultura at konstekto ng wikang isasalin at pagsasalinan.

MGA KATANGIAN DAPAT TAGLAYIN NG ISANG TAGASALING WIKA


• Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot sa pagsasalin
• Sapat na kaalaman sa paksang isasalin
• Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa sa pagsasalin

MGA PARAAN NG PAG SASALIN


1. PAGTUTUMBAS
a. Isa -sa-isang tumbasan (Pangngalan)
Halimbawa : ama – father
b. Isa-sa-isang tumbasan (Pang-uri)
Halimbawa : matamis – sweet
c. Isa-sa-isang tumbasan (Pandiwa)
Halimbawa : kopyahin – copy
d. Isa-sa-isang tumbasan ( parirala, sugnay atbp)
Halimbawa : kakayahang magamit ang kaalaman – ability to apply knowledge

2. PANGHIHIRAM
a. Mula sa Kastila, binago ang baybay
Halimbawa: kusina (cocina)
b. Mula sa Ingles, binago ang baybay
Halimbawa: abstrak (abstract)
c. Mula sa Ingles, orihinal na baybay
Halimbawa: cake (cake)
d. Adapsyon mula sa ibang wika
Halimbawa: spaghetti, pizza, bon apetit
3. PAGSASALING PA-IDYOMATIKO
Halimbawa: bread and butter (hanapbuhay, trabaho)
4. PAGLIKHA NG SALITA
Halimbawa: dance,poem,song – satulawit (sayaw, tula, awit)
PAGPILI NG PAKSA NG PANANALIKSIK

MGA HANGUAN NG PAKSA


1. SARILI
2. DYARYO AT MAGASIN
3. RADYO AT TV
4. MGA AWTORIDAD, KAIBIGAN AT GURO
5. INTERNET
6. AKLATAN
MGA KONSIDERASYON SA PAGPILI NG PAKSA
1. KASAPATAN NG DATOS
2. LIMITASYON NG PANAHON
3. KAKAYAHANG PINANSYAL
4. KABULUHAN NG PAKSA
5. INTERES NG MANANALIKSIK

BATAYAN NG PANGKALAHATANG PAKSA NILIMITANG PAKSA


PAGLILIMITA

PANAHON Karapatan ng mga Kababaihan Karapatan ng mga Kababaihan


sa Panahon ng Komonwelt

EDAD Ang Interes sa Pagbasa ng mga Ang Interes sa Pagbasa ng ma


Mag-aaral sa Elementarya Mag-aaral Mula edad 6-9 sa
Paaralang Elementarya ng Pag-
asa

KASARIAN Ang Profile na Pampersonalidad ng Ang Profile na Pampersonalidad


mga Mag-aaral sa Mataas na ng mga Lalaking Mag-aaral sa
Paaralan Unang Taon sa Mataas na
Paaralan ng Rizal

PROPESYON/ GRUPONG Ang mga Pilipino at ang Paniniwala Ang mga Igorot ang ang
KINABIBILANGAN nila sa Paglilibing ng mga Yumao Paniniwala nila sa Paglilibing ng
mga Yumao

ANYO/URI Ang Persepsyon ng mga Kabataan Ang Persepsyon ng mga


sa mga Uri ng Sine at Pelikula Kabataang Lalaki sa mga Uri ng
mga Sine at Pelikulang Tagalog
sa Taong 2004-2005

PERSPEKTIBA Ang Epekto ng Globalisasyon sa Ang Epekto ng Globalisasyon sa


Lipunang Pilipino Ispiritwal na Pamumuhay ng mga
Pilipino
PAGBABALANGKAS

PAGBABALANGKAS
 Ito ay isang paraan ng pagpaplano na nagpapakita ng mga bahagi na
bubuo sa isang sulatin.
 Ito rin ay tumutulong sa pagbubuo ng mga ideya, katunayan, at
impormasyon na naipon.
 Ito rin ay ang paghahati-hati ng mga kaisipang nakapaloob sa isang
seleksyon ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.
MGA LAYUNIN NG PAGBABALANGKAS
 Maorganisa ang mga ideya.
 Matukoy ang mahahalagang detalye.
 Makita ang ugnayan sa isa’t isa ng mga ideya.
 Malaman kung anong bahagi ang tatanggalin kung kinakailangan.
 Mapabilis ang proseso ng pagsulat.
 Hindi maligaw sa pagsusulat.

Tatlong uri ng Balangkas


1.PAMAKSANG BALANGKAS (topic outline)
 Ito ay binubuo ng salita o parirala lamang dahil matipid ito sa
pananalita o pahayag. Madalas ginagamitan ito ng mga pangngalang-
diwa (gumamit ng panlaping makangalan na PAG.
2. PANGUNGUSAP NA BALANGKAS (SENTENCE OUTLINE)
 Ito ay binubuo ng mga buong pangungusap na naglalaman ng
pangunahing ideya at maynor na ideya.
3.Patalatang balangkas (paragraph outline)
 Ito ay binubuo ng mga pangungusap na naglalahad ng nilalaman
ng buong mga talata ng sulatin.

Mga paraan ng paggawa ng balangkas


 Alamin kung ano ang kailangan ng iyong paksa at kung ano ang
tunguhin mo para sa iyong tagapakinig kung ito man ay iyong
ipapahayag sa kalaunan.
 Pumili ng isang paksa; suriin ito ng maingat.
 Tipunin ang mahahalaga at makabuluhang material.
 Alamin ang iyong mga pangunahin punto.
 Organisahin ang iyong material; ingatan laman ang
pinakamahusay.
 Maghanda ng isang nakakatawag interes na pambungad.
 Maingat na planuhin ang iyong konklusyon.
 Repasuhin ang iyong balangkas at pinuhin ito.

You might also like