You are on page 1of 89

Ang Pananaliksik at Ang

Pagbuo ng I sa IMRAD
Inihanda ni:
Marc Angelo C. Parumog, LPT, MAEd
Education Program Head
Colegio de Calumpit, College Department
Pananaliksi
k
De Jesus (2017)
Isang sistematiko at organisadong gawain na humahanap
ng mga kasagutan sa walang katapusang katanungan ng tao
sa iba’t ibang larangan upang mapabuti ang kalagayan ng
buhay
Pananaliksik

sistematikong pag-aaral ng iba’t ibang pangyayari


na ngangailangan ng masusing pagkalap ng
impormasyon, presentasyon, analisis at
interpretasyon ng mga datos na may kinalaman
sa pag-iisip ng tao na naka-angkla sa realidad ng
buhay.
Uri
ng
Pananaliksik
Uri ng Pananaliksik
ayon sa Nilalaman.
1. Siyentipiko
- ang lahat ng resulta ay nakabatay sa datos na
nakalap. Walang puwang ang opinyon o panghuhula.

2. Pampanitikan

- nakabatay sa pag-uugnay ng mga giya/ Teorya.


Ang kongklusyon ay nakaugnay sa buhay ng tao.
Uri ng Pananaliksik Ayon sa Pamamaraan

1. Kwaliteytiv- Hindi gumagamit ng Istatistika

2. Kwantiteytiv- gumagamit ng panukatan o istatistika sa


pagpapakahulugan ng datos.

3. Pinaghalo- paggamit ng kwaliteytiv at kwantiteytiv.


Katangian ng
Pananaliksik
Empirical
Makatotohanan / mula sa obserbasyon

Logical/ Sistematiko
nakaayon sa katwiran

Analitical
dumaan sa tamang proseso bago ang interpretasyon
Critical
dumaan sa maingat at tiyak na paraan

Cyclical
nagsimula sa tanong at matatapos sa tanong

Obhektibo
walang pagkiling/ hindi bias
Napapanahon

nakasasagot sa suliraning kaugnay ng kasalukyan

Kritikal
maaaring patunayan at suriin ng iba pangmananaliksik ang
proseso at resulta ng pag-aaral

Dokumentado

nagmula sa mga materyales ang mga impormasyon at datos.


Tungkulin at
Responsibilidad
(Etika) ng
Mananaliksik
Magkaroon ng panimulang kaalaman sa pagsasagawa ng
pananaliksik

Pumili ng napapanahong paksa

Bigyang kahulugan ang suliranin ng pananaliksik

Pumili ng mahahalagang datos.


Kumilala ng mga pananaw o mga hinuhang magpapalinaw
sa suliranin ng pananaliksik.

Kakayahang gumawa ng makabuluhang kongklusyon

Kakayahang lumikha ng makabuluhang palagay o hinuha.

Katumpakan sa paghusga ng mga ginamit na pamamaraan


Tandaan:
Ang mahusay at maayos na pananaliksik ay
nangangailangan ng tiyaga sa pagkalap ng
datos. Mahalaga ang time management
Maling Gawain sa Pananaliksik
Pangongopya
Resiklo
Pagkakamali
Paghahalu-halo
Agarang kongklusyon

“Bawal po ang advance mag-isip sa research”


Mga
Mungkahi sa
Pamimili ng
Paksa
Pumili ng Paksa na
naaayon sa sariling
kakayahan, abilidad,
karunungan at interes
Ibatay ang paksang
pipiliin sa haba ng
mungkahing
komposisyon
Hanguin ang paksa
mula sa sariling
karanasan, mga
pagmamasid, o kaya’y
sa mga nakalimbag na
kagamitan sa silid
aralan
Dapat na nagtataglay
ng tiyak at limitadong
layunin ang
komposisyon
Paikliin lamang ang
hangganan at saklaw
ng gagawing tesis ayon
sa mungkahing haba
nito
Ipahayag sa pinakasimpleng
pangungusap ang tesis ng
papel na binabalak sulatin.
Ang tesis ay ay isang
pahayag ng kontroladong
ideya na idedebelop sa
pagsulat ng palahad.
Halimbawa
Paksa-
Ang pagbagsak sa klase ng mga Mag-aaral sa
STEM D

Tesis:
May apat na kadahilanan ang pagbagsak ng mga mag-
aaral sa STEM D: kawalan ng interes, mahina ang ulo,
kawalanan ng kakayahang iangkop ang sarili at maling
sisitema sa pag-aaral.
Ang tesis na pahayag ang
pinakabuod ng pananaliksik
Sapagkat dito inilalahad ang
pangunahing idea ng paksa.
Pangkalahatang Paksa-
TEXT MESSAGING

Tiyak na Paksa-
Epekto ng text messaging sa ugnayan ng tao

Tesis na pangungusap-
Isang bagong wika ang nabubuo sa text messaging na
lumilikha ng impersonal na ugnayan sa mga tao
Ang paglalahad ng Tesis na
Pangungusap ay paggigiit o
pagpapahayag ng isang
partikular na posisyon o
paninindigan kaugnay ng
paksa.
Pagbuo ng Pamagat
Dapat makita rito ang karaniwang sangkap ng
mabisang pamamagat ng pananaliksik:
Respondente,lokasyon,paksa at oras.
Ipinahahayag ang pagiging katangi-tangi o
pagiging orihinal ng isang pananaliksik kahit pa
may ibang pananaliksik na halos kapareho
Ang pamagat ay mayroon lamang
Labinlimang salita pababa. (15)
Tandaan: Ang pamagat
ang lalagom sa
isinasagawang
pag-aaral
Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa

1.Kasapatan ng Datos
2.Limitasyon ng Panahon
3.Kakayahang Pinansyal
4.Kabuluhan ng Paksa
5.Interes ng Mananaliksik
PAKSA
Heneral Isidro Torres at ang panitikan ng sundalo

Pamagat
Ang Bayograpikal na Kasaysayan ni Heneral Isidro
Torres at ang Panitikan ng mga Sundalong Tagalog sa
Malolos
PAKSA
Gay Lingo

Pamagat
Ang Kapangyarihang Pangwika ng Gay
Lingo: Isang Pagsusuring Panlipunan
PAKSA
Tagalog-Bulacan

Pamagat
Antas ng Kabatairan sa W1 Tagalog-Bulacan
ng mga Mag-aaral ng Colegio De Calumpit
PAKSA
Pelikulang may Temang Sekswal

Pamagat
Siya ba o Ako? Pagtangkilik ng mga kabataan sa
Pelikulang Sekswal.
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa

1. Panahon Kasuotan ng mga kababaihang Kasuotan ng mga kababaihang


Pilipino Pilipino sa Panahon ng Komonwelt

2. Edad Mga mang-aawit na Pilipino at ang Mga Batang Mang-aawit na Pilipino


Hinaharap ng Musikang Popular (Edad 13-17) at ang hinaharap ng
Musikang Popular

3. Kasarian Mga Suliranin ng mga katutubong Mga Suliranin ng mga kababaihan


Minorya ng mga katutubong Minorya

4. Perspektibo Epekto ng Globalisasyon sa Epekto ng Globalisasyon sa


Lipunang Pilipino Espiritwal na Pamumuhay ng mga
Pilipino
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa

. Lugar Mga naiibang tradisyong Mga Naiibang Tradisyong


Pangkapistahan sa Katagalugan Pangkapistahan sa Malolos Bulacan.

. Propesyon o Grupong Pag-aaral ng Wika ng mga bakla Pag-aaral ng Wika ng mga Baklang
inabibilangan Parlorista

. Anyo o uri Persepsyon sa kababaihan sa Persepsyon sa Kababaihan sa


larangan ng panitikang ilokano Larangan ng Panulaang Ilokano

. Partikular na Halimbawa o kaso Epektong Kultural ng Turismo sa Epektong Kultural ng Turismo sa


Pilipinas Pilipinas : Kaso ng mga Ifugao sa
Cordillera
Batayan ng Paglilimita Pangkalahatang Paksa Nilimitahang Paksa

9. Kombinasyon Atityud ng mga Estudyante sa Preperensya ng mga


mga Programang Kultural Estudyanteng nasa Unang
Taon sa Colegio de Calumpit
sa mga dulang panteatro sa
kampus.
Bahagi ng
Kabanata 1
Pormang IMRAD
I. Panimula
Ang Panimula ay binubuo ng mga talatang nagbibigay ng pahapyaw na impormasyon
tungkol sa pag-aaral na isinasagawa. Ang pangunahing layunin ng panimula ay ang
magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy ng pananaliksik.
Nararapat itong maging kawili-wili dahil isa ito sa magiging pangunahing dahilan
upang patuloy na tunghayan ang pag-aaral. Kinakailangang ito ay may pokus at
malinaw. Samantalang simple, tuwiran, at teknikal naman ang pamamaraang
dapat gamitin sa pagsusulat nito. Kadalasang maikli lamang ang bahaging ito.
Walang puwang ang maraming sariling opinyon; maaaring maglagay ng mga tekstong
binuo batay sa mga referensiyang nakuha. May dalawang bahagi ang isang mahusay na
panimula. Ito ay ang:
1. Rasyonale – ito ay ang paliwanag sa kahalagahan ng paksang pag-aaralan.
2. Layunin – tumutukoy sa tunguhin o obhektibo ng isinasagawang pananaliksik.
II. Kaligiran ng Pag-aaral
Dito tinatalakay ang kaligiran ng paksa at suliranin ng
pag-aaral. Ang bahaging ito ay kailangang maglaman ng mga
impormasyon tungkol sa paksa at sa suliranin ng pag-aaral at
kung bakit ito laganap, seryoso, at mahalaga.
Tumutugon ang bahaging ito sa katanungang “Bakit
kailangang bigyang pansin ang paksang napili?”.
Dapat ding nakapaloob dito kung saan nagmula ang suliraning
pinag-aaralan.
Maaari ding maglagay ng istatistikal na datos upang mas
tumibay ang dahilan sa pag-aaral ng nasabing paksa
III. MGA
KAUGNAY NA
PAG-AARAL AT
LITERATURA
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kaugnay na Literatura at Pag-aaral ay kapuwa buod at


kompletong pagpapaliwanag ng kasalukuyang kalagyan ng
kaalaman sa limitadong paksa tulad ng makikita sa mga
akademikong aklat at mga artikulo sa isang journal.
Mahahalagang Terminolohiya

Kaugnay na Literatura ( conceptual literature)


-artikulo, aklat na ginawa ng isang expert na
nagbibigay ng kanyang pananaw, karanasan, teorya o ideya
tungkol sa isang paksa

Kaugnay na Pag-aaral
-aktual na pananaliksik na ginawa
-akademikong papel tulad ng journal, thesis,
disertartasyon
Kaugnay na Literatura

sarbey ang mga aklat, mga pangakademikong artikulo at iba


pang sanggunian na mahalaga sa isang tiyak na paksa, erya ng
pananaliksik o teorya. Naglaan ng paglalarawan, pagbubuod at
kritikal na pagtatasa ng mga gawain na kaugnay sa problema o
isyu ng pananaliksik na siyang pinag-aaralan
Akademikong papel o Scholarly paper na naglalaman ng
kasalukuyang kaalaman, kasama dito ang mahalaga resulta ng
ganoon din ang teorya at metodo na ginamit at ang
kontribusyon nito sa partikular na paksa ng pananaliksik.
Kahalagahan ng RRL/RRS
1. Ito ay naglalaan ng maliwanag na pagkaunawa sa teoretikal at konseptuwal na
kaalaman na gagamitin sa pananaliksik.

2. Ito ay maglalaan ng rationale na nagiging batayan sa pananaliksik.

3. Nakakatulong sa mga mananaliksik ang pagsusuring muli sa mga materyales


para makakuha ng mahalagang mga datos at ideya na makakatulong sa
pananaliksik.

4. Sa pamamagitan din ng RRLS, naihahanda ang mga mambabasa para higit na


lagumin at maunawaan ang mga konsepto ng pag-aaral at makapagbigay ng
malawak na pag-unawa sa kalidad ng mga babasahin na ginawa ng mananaliksik
bilang suporta sa kanyang pagaaral na ginagawa.
Kahalagahan ng RRL/RRS
5. Ito ay nagbibigay daan bilang simula para sa mananaliksik na gumawa
ng isang pananaliksik sa bagong erya/paksa/disiplina/ at ang mananaliksik
ay mapipilitang na magbuod, pagtasa at maghambing ng orihinal na
pananaliksik sa isang tiyak na erya.

6. Tinitiyak din sa pamamagitan ng RRLS na di magkaroon ng


duplikasyon ng gawain sa pananaliksik.

7. Naglalaan din ang RRLS ng mga bakas kung saan patungo sa


hinaharap ang pananaliksik at magbigay ng eryas kung saan maaaring
mag-pokus sa pananaliksik
Kahalagahan ng RRL/RRS
8. Sa pamamagitan ng RRLS natutukoy ang mga
paiba-iba (inconsistency), puwang (gaps) at
pagsalungat (contradiction) sa mga literatura.

9. Ito rin ang naglalaan ng konstruktibong pag-


aanalisa ng metodolohiya at pamamaraan ng ibang
mananaliksik.
KLASIPIKASY
ON NG
LITERATURA
Literatura (Literature)
Lokal – kung ito ay inilathala at inilimbag sa Pilipinas
Foreign – kung ito ay paglimbag ay sa labas ng Pilipinas

Pag-aaral (Studies)
Lokal – kung ang pag-aaral ay ginawa dito sa Pilipinas
Foreign – kung ang pag-aaral ay ginawa sa labas ng Pilipinas
URI NG
LITERATURA
Primary Literature -

pangunahing pinagkukunan ng mga impormasyon orihinal na


pag-aaral, batay ito sa direktang obserbasyon, gumamit ng
statistical records, panayam, o kaya experimental na
pamamaraan, o actual praktis
sinulat ng mga mananaliksik mula sa orihinal na
mga datos at kadalasan ito ay inilalathala sa isang
journal

conference paper, at preliminary reports ang


maaaring ituring na bahagi ng primary literature.
Ito rin ay ang tinatawag na empirical research
Secondary Literature

Binubuo ng interpretasyonn at pagtatasa


nanagmumula o tumutukoy sa
pangunahingliterature. Halimbawa nito ay ang
pag-review ng mga artikulo at mga sanggunian.
Tertiary Literature

koleksyon na pinanggalingan mula sa primary at secondary


literature tulad ng mga textbooks, artikulo mula sa
encyclopedia, guidebooks o kaya ay mga handbooks.

Layunin nito na maglaan ng pangkalahatang pananaw


(overview) sa pangunahing resulta o kinalabasan ng
pananaliksik at nag introduksyon sa mga prinsipyo at gawi
(practices) sa loob ng isang disiplina.
ELEMENT
O NG
RRL/RRS
Panimula
 nagpapaliwanag ng pokus at inilalahad ang paksa at
kahalagahan ng paksa sa pananaliksik

 dahilan kung bakit kinakailangan na magtasa ng mga


kaugnay na literatura at pag-aaral

 Ang bahaging ito ay maglalahad ng mga…


Pagtatalakay
 naglalaman ng inyong pagtatasa o paglalagom ng mga
materyales

 makikita/mababasa ang pagtatalakay at paghahambing


sa mga nabasang literatura at pag-aaral na ginamit

 Paghahambing, pagtukoy ng mga pag-iba iba


(inconsistency), puwang (gaps) at pagsalungat
(contradiction)
confirm, reaffirm, reject ang pananaliksik
na isinasagawa

ilahad ang ilang isyu mula sa mga kaugnay


na literatura at pag-aaral na nagbigay buhay
tungkol sa paksa
Istilong Thematic
 Ito ang pagsasama-sama ng materyales na may
pagkakatulad na pokus

 mas madaling makita o lumutang kung saan ang


pagkakaiba at pagkakatulad ng mga pananaw o
perspektibo.
Kongklusyon ,

paglalagom ang ginagamit.


ang lagom ng inyong pagtatasa at pagsusuri sa mga
kaugnay na literatura at pag-aaral na inyong ginawa at ang
ugnayan nito sa pananaliksik na iyong ginagawa.
IV. Batayang Teoretikal

Binibigyang pansin sa bahaging ito ang ilang mga


batas, prinsipyo, konsepto at mga teorya na
maaaring maiangkop sa pag-aaral na magpapatibay
sa pangangailangan ng paksa.
V. Batayang Konseptwal

Likha o gawa ng kasalukuyang


mananaliksik

Pangunahing tuntunin sa
pagsisiyasat

Isang Uri ng Paradigma


Ang Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral
sa Pagbuo ng Sintaksis sa Balarilang
Filipino mula sa BSEd 4-I (2017-2018)

Input
Mga naunang pag-aaral at pananaliksik pagbuo ng mga tanong para sa mga taga tugon

Process
Pagpapasagot sa mga taga-tugon

Output
ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagbuo ng balarila na magsisipagtapos sa kursong Mga mungkahi sa pagpapataas ng kaalamng
BSEd Medyor ng Filipino. pambalarila
Figura 1
Daloy ng Isinagawang Pag-aaral
Ginamit sa pananaliksik na ito ang prosesong IPO. Ang mga mananaliksik
ay bumuo ng kwestyuner para sa mga taga-tugon na dumaan sa balidasyon
ng dalubwika, gayundin naman ay ang pagkalap ng mga naunang pag-
aaral ng mga dalubwika tungkol sa kahalagahan ng Balarila. Pinasagutan
ang mga tanong sa 50 taga-tugon upang maging datos na pagbabatayan sa
pag-aaral. Inaasahan na ang pag-aaral na ito ay makapagbibigay mungkahi
upang mas lalo pang mapagbuti ang pagtuturo ng balarilang Filipino lalo
na sa mga nag memedyor nito.
Gampaning Pambayan at Pagpapanatili ng Fiesta ng
Salubong Sa Bayan ng Plaridel, Bulacan

Input Proseso Awtput

Mga Artikulo, Pagsipat sa Mungkahing


Aklat, Jornal, profayl ng mga programa sa
at mga residente, pagpapaunlad
Pagaaral panayam at ng kultura ng
sarbey Salubong
Figura 1. Paradaym ng Pag-aaral
Sa pananaliksik na ito, ginamit ang paradaym na input-proseso-
awtput iskim. Inalam ang mga pagbabagong naganap sa
pagdiriwang ng kultura at mga salik nito at ang papel nito sa
buhay ng mga mamamayan, kultural na pag-unlad ng bayan,
turismo ng bayan, at kasaysayan ng bayan. Matapos ang sarbey at
sa tulong ng mga kasagutang inihain ng mga kalahok sa pag-aaral,
makalilikha ng lagom ng mga kasagutan at makapagbibigay ng
mga programang maaaring idulog sa simbahan at lokal na
pamahalaan ng Plaridel, Bulacan.
VI. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang bahaging ito ng Pananaliksik ang nagsasabi
kung sino ang makikinabangan sa pag-aaral na
isinasagawa at kung ano ang kapakinabangang
maibibigay nito sa kanila. Nagbibigay din ito ng
pagkakataong maipahayag ang ambag ng
pananaliksik sa iba’t ibang larangan at disiplina.
Gampaning Pambayan at Pagpapanatili ng Fiesta ng
Salubong Sa Bayan ng Plaridel, Bulacan
Ang pag-aaral na ito tungkol sa Salubong Festival sa Bayan ng Plaridel ay inaasahang makatutulong
nang malaki sa paglahad ng impormasyon sa mga sumusunod:
Mamamayan ng Plaridel. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong upang malaman ng mga
mamamayan kung gaano dapat nila bigyan ng pagpapahalaga ang kultura at pista na mayroon sila.
Malalaman din nila kung anu-anong paghahanda ang kanilang maaaring gawin upang mapanatili at
mapayabong pa ang nasabing pagdiriwang na siyang bahagi ng kultural na pag-unlad ng isang lugar.
Lokal na Pamahalaan ng Plaridel. Ang pananaliksik na ito ay may malaking maiaambag sa lokal na
pamahalaan ng Plaridel upang mabatid ng lokal na pamahalaan kung paano mas mapaghahandaan ang
mga ganitong pagdiriwang. Isang napakahalagang bagay sa lokal na pamahalaan na malaman kung paano
pagyayamanin at paaunlarin ang sariling kultura at iyon ay maihahandog ng pagaaral na ito.
Simbahan ng Quingua. Ang pananaliksik na ito ay magbibigay ng sapat na kaalaman sa pamunuan ng
simbahan na siyang bahagi ng pagpapalaganap ng panrelihiyong kapistahan. Ito ay magbubukas ng
panibagong kaisipan kung paano pa mas mapapaigting, mapapalawak, at mapapanatili ang kulturang
naging bahagi na
Suliranin ng Pag-aaral
Dito naka sentro ang pag-aaral

Nagsisimula sa pangkalahatang paglalahad


( Major Problem/ Statement)

Susundan ng tiyak na katanungan


( Specific Problem)

Dapat na tiyak at nakaayon sa lohikal na paraan


Paraan ng Paglalahad ng
Suliranin
1. Patanong- Ginagamit ang “ Ano, Paano, Gaano,
Sino, at iba pa”

2. Papaksa- ginagamit ang pangkalahatang


pananaliksik. Ang “ Paglalahd ng Suliranin” ay
pinapalitan ng “ Layunin ng Pag-aaral ”
Ang Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral
sa Pagbuo ng Sintaksis sa Balarilang
Filipino mula sa BSEd 4-I (2017-2018)
Suliranin ng Pag-aaral
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabatid ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa pagbuo ng balarila na magsisipagtapos sa kursong BSEd Medyor
ng Filipino.
Layunin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
1. Gaano kataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa balarila?
2. Ano ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng sintaksis.?
3. Anu ano ang mga salik sa mabagal na pagkatuto sa gramatika?
4. Anu ano ang mga paraan upang mapataas ang kaalaman ng mga mag-aaral sa
Balarila ?
Ang Antas ng Kaalaman ng mga Mag-aaral
sa Pagbuo ng Sintaksis sa Balarilang
Filipino mula sa BSEd 4-I (2017-2018)
Layunin ng Pag-aaral
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabatid ang kaalaman ng
mga mag-aaral sa pagbuo ng balarila na magsisipagtapos sa kursong BSEd Medyor
ng Filipino.
Layunin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:
1. Masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa balarila
2. Masukat ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagtuturo ng sintaksis.
3. Maisa-isa ang mga salik sa mabagal na pagkatuto sa gramatika
4. Makapagbigay mungkahi sa paraan upang mapataas ang kaalaman ng mga mag-
aaral sa Balarila
Gampaning Pambayan at Pagpapanatili ng Fiesta ng
Salubong Sa Bayan ng Plaridel, Bulacan
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga gampanin ng
Salubong Festival sa iba’t ibang aspeto ng bayan ng Plaridel, Bulacan at maisaisa ang
mga programa sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng naturang kapistahan.
Nilalayon sagutin ng pananaliksik na ito ang mga susumusnod na katanungan:
1. Ano ang profayl ng mga residenteng kalahok sa pag-aaral ayon sa:
1.1 edad
1.2 kasarian
1.3 lugar na pinagmulan
1.4 bilang ng taon ng paninirahan sa Plaridel?
2. Anu-anong mga pagbabago ang naganap sa Salubong fiesta mula noong 1990
hanggang 2016?
3. Ano ang antas ng pagsang-ayon ng mga mamamayan sa gampanin ng
Salubong sa:
3.1 buhay ng mamamayan
3.2 kultural na pag-unlad ng bayan
3.3 turismo ng bayan
3.4 kasaysayan ng bayan?
4. Anu-anong programa ang maaaring ilahad sa simbahan at lokal na
pamahalaan sa pagpapanatili at pagpapaunlad ng kultura ng Salubong?
Saklaw at Limitasyon ng
Pag-aaral
Ang bahaging ito ay tumutukoy sa lugar kung saan
isasagawa ang pag-aaral, panahon kung kailan
isasagawa ang pag-aaral, kung sino at ilan ang
kalahok sa pag-aaral. Ang limitasyon ay bahaging
maaaring makaapekto sa resulta ng pag-aaral. Tinutukoy
dito ang hindi kasangkot sa pag-aaral.
Gampaning Pambayan at Pagpapanatili ng Fiesta ng
Salubong Sa Bayan ng Plaridel, Bulacan
Saklaw ng pag-aaral na ito ang 100 mamamayan ng Plaridel na may mahigit 20 taong
paninirahan sa lugar, may sapat na kaalaman sa Salubong fiesta, at nakikisapi sa madla
bilang manonod ng pagdiriwang taun-taon o nag-oorganisa ng nasabing pagdiriwang.
Ang pag-aaral ay sumasaklaw sa buong lugar ng Plaridel. Ang sakop ng pag-aaral na
ito ay mula sa unang linggo ng Setyembre hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre.
Ang mga datos, tulad ng profayl ng mga kalahok ng pag-aaral, pagbabagong naganap
sa pagdiriwang, at antas ng pagsang-ayon ng mga mamamayan sa mga gampaning
pambayan ng pista, ay kinalap upang gamitin sa pag-aanalisa, pagbuo ng
interpretasyon, at paglalahad ng resulta ukol sa gampaning pambayan ng naturang pista
at upang makapaglahad ng mga posibleng programa sa pagpapanatili at pagpapaunlad
ng tradisyon sa bayan ng Plaridel. Hindi sangkot sa pag-aaral ang mga mamamayan sa
naturang bayan na naninirahan pa lamang sa lugar sa loob ng 20 taon pababa upang
mapanatili ang kredibilidad ng mga datos.
Pananangguni
(Citation)
- Maiwasan ang pladyarismo

-Nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng


impormasyon.

-nagbibigay ng karagdagang impormasyon sa mga


mambabasa
A.P.A Format
A.P.A
( American Psychological Association)
-Nabuo ang istilo noong 1929

Ginagamit nito ang pananguning


Harvard( may-akda-at-petsa) ng mga
panananguning parentetikal na kaakibat sa
isang sumusunod na tala o Pinagbatayan
Ang APA sa Teksto:
A.
ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng mga pamana ng
nakaraan (Godoy,2010)

; Apilido ng awtor at taong ng publikasyon sa loob ng


panaklong.
B.
Ayon kay Godoy(2015) kaakibat ng wika ang kasaysayan
ang di mo makita sa kasaysayan ay maaring makita sa
panitikan.

:Kung nabanggit na ang apilido isunod nalamang ang taon


C.
Ang wika ay maari ring pagkakakilanlan ng bawat pangkat na
sila lang ang nakaaalam at nakauunawa sa bawat tunog ng
mga salita. (Reyes,2011,p.4)

Kung nais tukuyin ang pahina ilagay lamang pagkatapos ng


taon.
Paggamit ng Scriber para sa Sanggunian

You might also like