You are on page 1of 8

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON VIII – SILANGANG VISAYAS
PAARALANG DIBISYON NG SILANGANG SAMAR
Distrito ng Taft

SANAYANG PAPEL BLG. 04


Filipino sa Piling Larang - Akademik

Pangalan: ____________________________ Grado at Seksyon: _______________


LRN: ____________________________ Petsa: ____________________________
Kahulugan ng Akademikong
Paksa: ____________________________ Iskor: ____________________________
Pagsulat

Kasanayang Pampagkatuto
MELC: Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat
KODA: CS_FA11/12PB-Oa-c-101

SIMULAN MO!

Isa sa pinakamahahalagang output ng sinumang mag-


aaral ang mga gawaing nauukol sa akademikong pagsulat. Ito
ay isang masinop at sistematikong pagsulat ukol sa isang
karanasang panlipunan na maaaring maging batayan ng
AKADEMIKONG marami pang pag-aaral na magagamit sa ikatataguyod ng
PAGSULAT
lipunan. Ang abstrak, sintesis/buod, bionote, at panukalang
proyekto ay mga halimbawa ng akademikong sulatin.
http://www.google.com

Panuto: Maliban sa mga nabanggit na halimbawa sa itaas. Magbigay ng iba pang


halimbawa ng akademikong sulatin:

1. _______________________________ 5. ________________________________
2. _______________________________ 6. ________________________________
3. _______________________________ 7. ________________________________
4. _______________________________

1
ALAM MO BA?

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na teksto.


AKADEMIKONG PAGSULAT - sa globalisadong mundo, nakaaangat ang mga
indibidwal na may kasanayan sa akademikong pagsulat o intelektuwal na
pagsulat.
 Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip.
 Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring
pag-iisip.
 May kakayahan din siyang mangalap ng impormasyon o datos, magorganisa
ng mga ideya, mag-isip nang lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at
inobasyon, at magsuri at gumawa ng sintesis.
 Mga halimbawa ng akademikong teksto:
 Abstrak
 Talumpati
 Bionote
 Sintesis
 Panukalang Proyekto
 Replektibong Sanaysay
 Posisyong Papel
 Katitikan ng Pulong
 Photo Essay
 Lakbay-Sanaysay

Pagkakaiba ng Akademiko at Personal na Pagsulat

Personal na Pagsulat Akademikong Pagsulat


 impormal ang wika  pormal ang wika
 magaan ang tono at  seryoso ang tono
kumbersasyonal  hindi maligoy at direct to the
 madalas ay maligoy ang point ang paglalahad
paglalahad  literal ang pagbasa at hindi
 nangangailangan ng hindi literal ginagamitan ng mabubulaklak
na pagbasa na pananalita
 karaniwan ay bunga ng  pinahahalagahan ang
imahinasyon kawastuan ng mga
impormasyon

2
 bunga ng masinop na
pananaliksik
Uri ng Akademikong Pagsulat ayon sa Layunin
1. Impormatibong Sulatin - Nagbibigay ng kaalaman at paliwanag.
 Halimbawa: balita, lahok sa encyclopedia, ulat na nagpapaliwanag ng
estadistika, konseptong papel, sulatin tungkol sa kasaysayan, tesis
2. Malikhaing Akda - Nagbibigay rin ng impormasyon ngunit higit ang layunin
nitong makapagbigay-aliw sa mga mambabasa.
 Halimbawa: autobiography, diary, memoir, liham, movie review
3. Sulating Nanghihikayat - May layuning kumbinsihin o impluwensiyahan ang
mambabasa na pumanig sa isang paniniwala, opinion, o katuwiran
 Halimbawa: konseptong papel, mungkahing saliksik, posisyong papel,
manifesto, editorial, talumpati
Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat
1. Depinisyon – pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino.
 Halimbawa, ang pormal na depinisyon ng salitang “kalayaan,” mga
salitang kasingkahulugan nito, at etimolohiya o pinanggalingan ng
salitang ito
2. Enumerasyon – itinatala ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa
paksang tinatalakay. Ginagamit ang mga signal na bilang panimula, una,
ikalawa, susunod, pagkatapos, bilang pagwawakas, gayundin, sa
katunayan, halimbawa, at iba pa.
3. Pagsusunod-sunod ayon sa Panahon – pagsasaayos ng mga pangyayari o
proseso batay sa wastong sequence.
 Halimbawa, kronolohiya ng mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896
hanggang 1898, o ang proseso ng pagluluto ng adobo.
4. Paghahambing at Pagtatambis – paglalahad ng pakakatulad at pagkakaiba
ng mga tao (PNoy, PDigong), lugar (Gabu at La Paz), pangyayari (Pasko,
Bagong Taon), konsepto (pagmamahal, pagseselos), at iba pa.
5. Sanhi at Bunga – paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang
kaugnay na epekto nito.
 Halimbawa, dahil sa kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
ay lagging bumabaha sa kalakhang Maynila.
6. Problema at Solusyon – paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga
posibleng lunas sa mga ito.
 Halimbawa, edukasyon ang sagot sa kahirapan.

3
7. Kalakasan at Kahinaan – paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng
isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari.
 Halimbawa, mga kalakasan at kahinaan ng mga programang K-12 sa
sistema ng edukasyon sa Pilipinas.

MAGTULUNGAN TAYO!

Pagsasanay 1: Opinyon Mo! Isulat Mo!


Panuto: Bumuo ng isang maikling talata na nagpapahayag ng iyong opinyon
hinggil sa tanong na:
1. Paano magagamit ang akademik na pagsulat sa pag-aaral?
LEVEL NG PAGSASAGAWA (PERFORMANCE)

Kailangang
Mga Napakahusay Mahusay Mahusay-
pagsikapan Sipagan pa
Krayterya husay
pa
5 4 3 2 1
Mahusay ang Maayos ang May lohikal Hindi maayos Hindi
pagkakasunod- organisasyon na ang kinakitaan ng
sunod ng mga ng organisasyon organisasyon organisasyon
ideya sa pagkakabuo ngunit hindi ng mga ideya ng mga ideya
kabuuan ng ng masyadong at walang at walang
Organisas- talata/sulatin, talata/sulatin mabisa ang panimula at panimula at
yon mabisa ang na may panimula at kongklusyon. kongklusyon.
panimula at angkop na kongklusyon.
malakas ang simula at
kongklusyon kongklusyon.
batay sa
ebidensiya.
Napakalalim na Malalim na Mababaw at Napakababaw Walang
nakikita ang nakikita ang hindi gaanong na walang ugnayan ang
pag-uugnayan pag- nakikita ang pag-uugnay dati at bagong
ng dating uugnayan ng pag- ang dati at kaalaman.
kaalaman at dati sa uugnayan ng bagong
Lalim ng
karanasan ng bagong dati sa kaalaman at
Refleksyon
bagong kaalaman. bagong makikita
kaalaman. kaalaman. lamang kung
ano ang
tinalakay sa
klase.
Paggamit ng Napakahusay Mahusay May kahinaan Kailangang Baguhin dahil

4
dahil walang dahil dahil baguhin dahil lahat ng
mali sa kakaunti maraming halos lahat pangungusap
grammar, lamang ang mali sa ng ay mali sa
baybay at gamit mali sa gramar, pangungusap gramar,
Wika at
ng bantas, may gramar, baybay at ay may mali baybay at
Mekaniks
mayamang baybay at gamit ng sa gramar, gamit ng
bokabularyo. gamit ng bantas. baybay, at bantas.
bantas. gamit ng
bantas.
Malinis at Malinis May Mahirap Kailangang
maayos ang ngunit hindi kahirapang basahin dahil isulat muli ng
pagkakasulat ng lahat ay unawain ang hindi maayos maayos at
Presentas-
talata/sulatin. maayos ang pagkakasulat at malinis malinis ang
yon
pagkakasulat ng mga ang talata/sulatin.
ng mga pangungusap. pagkakasulat
pangungusap. .
Ginamit ang Ginamit ang Naisumete Hindi handa Walang
sapat na oras at oras na dahil at hindi naisulat.
may ebidensiya itinakda sa binantayan tapos.
na ginagawa ito paggawa at ng guro.
Pamamaha-
sa labas ng naibigay sa
la ng Oras
klase at may tamang oras.
sariling desinyo
at plano sa
pagsulat.

Kabuuang Puntos

5
MAGAGAWA MO!

Pagsasanay 2: Kaibigan! Piliin Mo ang Tama!


Panuto: Isulat mo sa patlang ang A kung sulating akademik at B naman kung
hindi akademikong sulatin.
Sulatin Kahulugan Sagot
Isang kasabihan o motto ng isang kompanya o
1. Islogan
ng mga aktibista na madali maalala.
Isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng
2. Liham pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa
pang tao o grupo, kadalasan sa ibang lugar.
Proseso ng pangangalap ng mga totoong
3. Pananaliksik
impormasyon na humahantong sa kaalaman.
Isang uri ng sanaysay na nagbibigay ng
impormasyon, nagpapaliwanag ng kaisipan,
4. Pormal na sanaysay
nagsasaad ng pananaliksik o naglalahad ng
isyu.
Isang grapikong midyum na kung saan ang
5. Komiks mga salita at larawan ang ginagamit upang
ihatid ang isang salaysay o kuwento.
Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga
kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob
6. Balita
ng isang bansa na nakatutulong sa
pagbibigay-alam sa mga mamamayan.
Isang uri ng sining at Panitikan na Kilala sa
7. Tula malayang paggamit ng wika sa iba’t ibang
anyo at estilo.
Isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao
na pinababatid sa pamamagitan ng
8. Talumpati
pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat
ng mga tao.
9. Maikling Kuwento Isang maiksing salaysay hinggil sa isang
mahalagang pangyayaring kinasasangkutan

6
ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan
o impresyon lamang.
Tinatawag din itong pangulong-tudling ang
10. Editoryal pangunahing tudling ng kuro-kuro ng isang
pahayagan.

MGA SANGGUNIAN:

https://www.elcomblus.com
https://www.slideshare.com
https://www.123RF.com

Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan kina: Lou


B. Baldomar at Eube Sheldon C. Batlangao. Mga Guro sa Filipino sa
lou.baldomar@deped.gov.ph at eubesheldon.batlangao@deped.gov.ph
o sa 09219769668.
7
8

You might also like