You are on page 1of 4

Basic Education Department

Senior High School (SHS)


900 San Marcelino St., Ermita Manila, Philippines
Tel No.: 5242011 loc.203 / 134

MIDTERM PERFORMANCE TASK

Petsa ng Pagtataya (Marso 6, 2023)


__________________________________________________________________

RASYONALE:

Ang asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik ay mayroong
pamantayang pangnilalaman mula sa gabay pangkurikulum na: Nasusuri ang iba’t ibang uri ng
binasang teksto ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. At upang
makamit ito kinakailangang matutuhan ang mga paksang Mga Uri ng Teksto na kinabibilangan ng
Tekstong Impormatibo, Tekstong Deskriptibo, Tekstong Naratibo, Tekstong Prosidyural, Tekstong
Persuweysib, at Tekstong Argumentatibo. Kaugnay nito, nakasaad sa pamantayan sa pagganap na
kinakailangang Nakasusulat ng mga reaksyong papel batay sa binasang teksto ayon sa katangian at
kabuluhan nito sa:

a. Sarili

b. Pamilya

c. Komunidad

d. Bansa

e. Daigdig.

Ang Reaksyong Papel bilang awtput ang magsisilbing ebidensiya ng natutuhan para sa kwarter na ito.

PERFORMANCE TASK (INAASAHANG PAGGANAP:

Ang Gawad Palanca Memorial Awards ay muling magdaraos ng kanilang taunang parangal via Zoom.
Layunin nitong parangalan ang mga panitikang nasa anyo ng impormatibo, deskriptibo, naratibo, at
argumentatib-persuweysib na nagbigay-kulay at nanghamon na mag-isip nang kritikal sa bawat
indibidwal. Ikaw, bilang isang batikan at tinitingalang manunulat na nagwagi na rin sa nabanggit na
institusyon ay naanyayahan upang magsilbing hurado sa mga entri ng tanyag na parangal. Hiniling ng
mga tagapamuno ng GPMA na ikaw ay magsulat ng isang reaksyong papel na magpapakita ng iyong
mayamang karunungan sa pagsulat. Ang reaksyong papel na bubuuin ay kinakailangang tingnan sa
pamamagitan ng mga pamantayang nilalaman, paggamit ng angkop na mga salita, at ang mismong
pagkakabuo nito.

Pamantayan (Rubriks):

2 1
4 3
Pamantayan Kailangan pa ng Nangangailangan
Natatangi Kumpleto ilang pa ng maraming
pagpapaunlad pagpapaunlad

Ang mga inilahad Ang mga inilahad Kulang ang mga Kulang ng mga
na impormasyon sa na impormasyon sa inilahad na impormasyon at
binuong reaksyong binuong reaksyong impormasyon at hindi rin naging
papel ay papel ay kumpleto ang ibang malinaw ang mga
komprehensibo, at makabuluhan kaalamang impormasyong
detalyado, at patungkol sa nailahad ay hindi nailahad sa
makabuluhan tekstong binasa’t malinaw na reaksyong papel
patungkol sa sinuri. Naiugnay naiugnay sa patungkol sa
Nilalaman tekstong binasa’t nang mahusay sa binuong tekstong binasa’t
sinuri. Naiugnay sarili, pamilya, reaksyong papel sinuri. Hindi
nang higit sa komunidad, bansa, patungkol sa naiugnay sa sarili,
inaasahan sa sarili, at daigdig. tekstong binasa’t pamilya,
pamilya, sinuri. Hindi komunidad, bansa,
komunidad, bansa, gaanong naiugnay at daigdig.
at daigdig. sa sarili, pamilya,
komunidad,
bansa, at daigdig.

Nagamit nang Nagamit nang Nakagamit ng Walang


mabisa ang mga angkop ang mga ilang angkop na kaangkupan ang
salita sa pagbuo ng salita sa pagbuo ng salita sa pagbuo pagkakagamit ng
mga pangungusap mga pangungusap ng pangungusap mga salita sa
Paggamit ng
at at malinaw na ngunit hindi pagbuo ng mga
angkop na
napag-ugnay-ugnay napag-uugnay-ugna napag-uugnay-ug pangungusap at
salita
nang maayos ang y ang mga ito sa nay nang hindi naging
mga salita at pagbuo ng pahayag malinaw ang mga malinaw ang
pangungusap upang sa binuong sulatin.. ito sa pagbuo ng pag-uugnay-ugnay
mabisang sulatin.
maunawaan ang ng mga ideya sa
kabuuang sulatin pagbuo ng sulatin..

Nakasunod sa mga Hindi gaanong Hindi nakasunod sa


ibinigay na bahagi nakasunod sa mga mga ibinigay na
ng reaksyong papel ibinigay na bahagi bahagi ng
Pagkakabuo
mula una hanggang ng reaksyong reaksyong papel.
ng sulatin
ikatlong talata. papel. Kinakitaan Kinakitaan ng
ng suliranin ang suliranin ang higit
isang bahagi. sa isang bahagi.

Naipasa ang Naipasa ang Nahuli sa pagpasa Nahuli sa pagpasa


Oras ng reaksyong papel sa reaksyong papel sa ng reaksyong ng reaksyong papel
Pagpasa eksaktong araw at eksaktong araw. papel ng isang nang higit sa isang
oras. araw. araw.

Kabuuang
Puntos _____/15

MGA PANUTO:

1. Pumili ng tekstong susuriin sa


http://www.palancaawards.com.ph/index.php/palanca-awardee/winning-works. Kung nanaising
maghanap ng teksto labas sa ibinigay na link ay maaari din naman.
2. Basahin ang napiling teksto nang may kumprehensyon.
3. Bawal ang tekstong napili na ng kamag-aral. Makipag-ugnayan sa guro sa Filipino upang
matukoy kung ang tekstong nais ay nauna nang piliin ng iba.
4. Gawin ang Reaksyong Papel sa isang MS WORD na bandang huli ay ico-convert sa PDF.
5. Gumamit ng Times New Roman bilang font type at font size na 11.
6. Siguraduhing naka-justified at may mardyin ang mga talata/
7. 3 talata lamang ang makikita sa ipapasa. Alisin ang mga markang Una, Ikalawa, Ikatlong Talata
gayundin ang mga sub-topic na nakalagay gaya ng a. Pamagat ng Teksto at Awtor; b. Buod ng
Teksto at iba pa.

Ang reaksyong papel ay kinakailangang buuin ng mga sumusunod na nilalaman:


Pangalan: _____________________________________________
Taon at Seksyon: _______________________________________
Guro: ________________________________________________

Unang Talata
a. Pamagat ng Teksto at Awtor
b. Buod ng Teksto

Ikalawang Talata
c. Tono ng Awtor
d. Damdamin ng mambabasa
e. Punto de vista/ Mahalagang Kaisipan

Ikatlong Talata
f. Pag-uugnay sa Sarili (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa iyong
sarili)
g. Pag-uugnay sa Pamilya (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa iyong
pamilya)
h. Pag-uugnay sa Komunindad (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa
iyong lipunang ginagalawan)
i. Pag-uugnay sa Bansa (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa iyong
bansa)
j. Pag-uugnay sa Daigdig (Sumulat ng reaksyon sa pamamagitan ng pag-ugnay ng teksto sa
daigdig)
* Patalata ang lahat ng bahagi ng reaksyong papel

Inihanda ni:

2/23/2023
MR. ARNEL B. CLAVERO JR.
Filipino Coordinator

Nirebyu at Inaprubahan ni:

MS. NEA A. SUALOG, LPT, M.A. ED.


SHS Academic Head

You might also like