You are on page 1of 6

Pagbasa at Pagsusuri ng Teksto Tungo sa Pananaliksik

(Performance Task Ikatlong Markahan)

Pangalan ng mga miyembro (alphabetical order):

1. Nathaniel P. Cachuela Jr.


2. Nicole Alexiz F. Pabalan

Antas at Seksyon: 11-SENG03


Guro sa Filipino 1: Bb. Maria Venus G. Solares, MAEd

Pamantayan (Rubriks):

Pamantayan 4 Natatangi 3 2 1

Kumpleto Kailangan pa Nangangailangan


ng ilang pa ng maraming
pagpapaunlad pagpapaunlad
Nilalaman Ang mga inilahad Ang mga Kulang ang mga Kulang ng mga X3
na impormasyon inilahad na inilahad na impormasyon at
sa impormasyon impormasyon at hindi rin naging
binuong sa binuong ang ibang malinaw ang mga
reaksyong papel reaksyong kaalamang impormasyong
ay papel ay nailahad ay hindi nailahad sa
komprehensibo, kumpleto malinaw na reaksyong papel
detalyado, at at naiugnay sa patungkol sa
makabuluhan makabuluhan binuong tekstong binasa’t
patungkol sa patungkol sa reaksyong papel sinuri. Hindi
tekstong patungkol sa naiugnay sa sarili,
tekstong binasa’t
sinuri. Naiugnay binasa’t tekstong binasa’t pamilya,
nang higit sa sinuri. sinuri. Hindi komunidad, bansa,
Naiugnay gaanong at daigdig.
inaasahan sa
sarili, pamilya, nang naiugnay sa
komunidad, bansa, mahusay sa sarili, pamilya,
at daigdig. sarili, komunidad,
pamilya, bansa, at daigdig.
komunidad,
bansa, at 12 pts.
daigdig.
Paggamit ng Nagamit nang Nagamit nang Nakagamit ng Walang kaangkupan X2
angkop na salita mabisa ang mga angkop ang ilang angkop na ang
salita sa pagbuo mga salita sa pagbuo pagkakagamit ng
ng salita sa ng pangungusap mga salita sa
mga pangungusap pagbuo ng ngunit hindi pagbuo ng mga
at napag-ugnay- mga napag-uugnay- pangungusap at
ugnay nang pangungusap ugnay nang hindi naging
maayos ang mga at malinaw na malinaw ang malinaw ang pag-
salita at napaguugnay-
mga ito sa uugnay-ugnay ng
pangungusap ugnay ang pagbuo ng mga ideya sa
upang mabisang mga ito sa sulatin. pagbuo ng
maunawaan ang pagbuo ng sulatin..
kabuuang sulatin pahayag sa
binuong
sulatin..
8 pts.
Pagkakabuo ng Nakasunod sa Hindi gaanong Hindi nakasunod sa X2
sulatin mga ibinigay nakasunod sa mga ibinigay na
na bahagi mga ibinigay na bahagi ng
ng reaksyong bahagi ng reaksyong papel.
papel mula reaksyong papel. Kinakitaan ng
una Kinakitaan ng suliranin ang higit
hanggang suliranin ang sa isang bahagi.
ikatlong talata. isang bahagi.

8pts.
Oras ng Pagpasa Naipasa ang Naipasa ang Nahuli sa pagpasa Nahuli sa pagpasa
reaksyong papel reaksyong ng reaksyong ng reaksyong papel X2
sa eksaktong araw papel sa papel ng isang nang higit sa isang
at oras. eksaktong araw. araw.
araw.
8pts.
Kabuuang Puntos
__36+4__/40
PATINTERO
Isinulat ni Valentine Dula

Isa sa mga nanalo sa 67th Carlos Palanca Memorial Awards for Literature—at nagwagi ng
pangalawang karangalan—ay ang maikling kuwento na isinulat ni Valentine Dula na
pinamagatang, “Patintero.”

Ang maikling kuwentong pinamagatang, “Patintero” ay umiikot sa mag pinsan na si Kiko


at Ruben. Sila ang mga taong desperado na matugunan ang kanilang mga pangangailangan at
layunin. Kaya’t handa silang magtrabaho kahit pa ito’y pag patay ng tao. Si Ruben ang kakalabit
ng gatilyo at si Kiko naman ang bahala sa motorsiklo. Ngunit bago ang gagawing paggulong,
bago tinggaan ang target sa ulo at dibdib, may inuman munang magaganap, Kung saan may mga
bagay na bigla na lang magsasalita na nagpapakita kung gaano kagulo ang isip ng isang tao,
May mga pagnanasa ring aalingasaw at sikretong tuluyang mabubunyag. Ang mga ito at marami
pang iba ang magiging kalaro ng mambabasa sa Patintero.

Sa kuwentong ito, ang saloobin na ipinakita ng awtor ay seryoso, dahil sa kwento ng


“Patintero” sinasaad dito kung paanong handang tanggapin ng mga tao ang kahit na anong
trabaho maski pa ang pagpatay basta lamang matugunan ang kanilang pangangailangan, Sinaad
din dito ang mga gawain ng nakatataas upang mabawasan ang mga adik sa bansa. Isa na rito ang
pagpatay na kung saan handa silang mag-utos at magpapatay ng “sinasabing adik”, wala na
silang pakielam kung totoo ba itong adik o napagbintangan lamang. Isa rin sa tonong ipinakita sa
kwentong ito ay ang galit at pagkamuhi dahil ayon sa nakasaad sa kuwento, Ang taong
umangkin sa mga bagay na pagmamay-ari ng bida, isa ring nagmanipula at nagsinungaling sa
bida ay walang iba kundi ang kaniyang pinsan na nakasama niya simula pagkabata at itinuring
na kapatid.
Ang maikling kwentong pinamagatang, “Patintero” ay may tatlong damdamin na
nabubuo ng mga mambabasa habang ito ay binabasa. Una, nakaka-enganyo ito sa mga
mambabasa sapagkat ipinapakita rito kung paano binabago ng pera ang isip ng isang tao.
Sumunod, ay pagkabahala at pagkadismaya dahil alam nating nangyayare na sa kasalukuyan ang
mga senaryong isinaad sa kuwento katulad na lamang ng pag-utos at pagpatay sa mga tao ng
walang halong panghhinayang sa nangyari. Dahil dito, naghahalo-halo ang emosyon o
damdamin ng mambasa mula sa inilalahad ng teksto.

Ang buhay ay hindi patas iyan ang ipinupunto ng kuwentong “Patintero”. Dahil ang mga
mahihirap ay ang kadalasang handang gawin ang lahat ng hindi iniisip ang kalalabasan ng
gagawin nila basta lamang matugunan ang mga pangangailangan at layunin nila sa buhay.

Masasabi ko na sumasang-ayon ako sa isang pinupunto ng teksto—ang hindi patas ang


mundo. Naranasan ko rin na magipit at hindi mabili ang mga pangangailangan ko. Ngunit kahit
gaano pa ako kagipit, hinding hindi ako gagawa ng bagay na alam kong makasisira sa aking
buhay. Bukod pa rito, nakikita ko madalas, ang mga bagay na kailangan ko at nararapat na
pahalagahan ay binabalewala lang ng ibang tao. Dahil dito, masasabi ko na hindi patas ang
mundo, ngunit wala na tayong magagawa rito.

Maiuugnay ko naman ang kuwento sa aking pamilya dahil sa sobrang pagmamahal


namin sa isa’t isa handa kaming gawin ang lahat upang matugunan ang aming mga
pangangailangan. Andito lang kami sa isa’t isa sa oras man ng kagipitan.

Karamihan ng mga taong nasa lipunan natin, lalo na ang mga nasa laylayan, ay
nakakaranas nang katulad ng dinanas ng bida sa kwento. Katulad din ng nasa kuwento, mayroon
ding mga tao na handang gawin ang lahat matugunan lamang ang pangangailan nila at ng
kanilang pamilya. Ang mga tao ngayon ay walang pakialam sa proseso at nasa layunin lamang
kung sa katunayan, ang proseso ay kasing halaga ng layunin mismo.
Maiuugnay natin ang kwento ng “Patintero” sa ating bansa, dahil ang pagpatay ay isa sa
malaking problema ng ating bansa na hanggang ngayon ay hindi pa nasosolusyunan. Maraming
mga tao ang nadadawit sa pagpatay. Hindi natin masisisi ang mga mahihirap kung tatanggap sila
ng ganoong trabaho, lalo na kung sila ay may pangangailangan. Ang mga nakatataas ang puno’t
dulot ng lahat, sila ang mga nagpapautos na magpapatay ng mga sibilyan sa ating bansa.

Katulad ng nabanggit sa teksto, hindi patas ang mundo pagdating sa pagbibigay ng mga
pangangailangan ng ibang tao. Minsan, nabubuhay lamang ang mga iba kahit hindi naman nila
ito ginusto. Nakakalungkot lang na laganap na ang mga ganitong pangyayari sa buong mundo
hindi lamang sa ating bansa. Sana ang kuwentong ito ay magsisilbing isang paalala para sa lahat
na ang pera ay maaaring bumili ng materyal na bagay ngunit hindi nito mabibili ang ating
totoong kaligayahan.

You might also like