You are on page 1of 6

Lingguhang Plano sa Pagtatasa

sa Asignaturang : FILIPINO 7
Linggo 2: IBONG ADARNA (Unang Bahagi- Saknong 1-442
Petsa: Mayo 17-21,2021
Paksa/ Gawain dapat tapusin/ gawin Puntos Pangalan at Lagda ng magulang at Puna
Nilalaman/
Bahagi
Pagsusuri sa akda Basahin ang panuto bago sagutin (Pasulat na 40 pts
Gawain Blg. 2).
Poster making Gumawa ng Poster na may kaugnayan sa 30 pts.
paksang nailahad sa panuto. (Pagganap Blg.3)

Sagutang Papel-Ikaapat na Markahan

Pangalan: __________________________ Baitang at Seksiyon: ____________

PANUTO: Suriin ang binasang akda at iugnay ito sa kasalukuyang sitwasyon. Sundan ang pormat
na nakatala sa bawat bilang. (F7PN-IVc-d-19 Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa
mga suliraning narinig mula sa akda

Halimbawa:
1. Inggit
Sitwasyon sa akda: Dahil sa Kainggitan ng dalawang kuya kanilang binugbog si Don Juan upang
mapasakanila ang karangalan ng hari. (2 pts.)
Pag-uugnay sa totoong buhay: Sa totoong buhay, ang kainggitan ay napapakita sa mga pulitika ngayon.
Makikita ang kainggitan sa mga politiko sa paraan ng kapangyarihan, may ibang politiko na gusto na
mapasakanila ang pinakamataas na posisyon. (4 pts.)
Pag-uugnay sa sarili: Kung minsan ay hindi ko maiwasang mainggit sa aking kapwa. Halimbawa ang
aking kakilala ay kayang bilhin ang kanyang gusto kahit na ito ay mamahalin pa o kaya ay isa
matagumpay sa buhay at may mataas na posisyon sa kaniyang trabaho . (2 pts.)
Solusyon: Maging kontento tayo sa kung anong mayroon tayo at huwag mainggit sa iba. Imbis na
mainggit sa kapwa ay gawing inspirasyon upang makamit mo rin ang tagumpay na iyong inaasam (2
pts.)
2. Pagtataksil
Sitwasyon sa akda:
Habang binabagtas ang daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang
kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa
kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan. Noong una ay mariin itong tumanggi
ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay bugbugin na lang daw ito.
Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Pag-uugnay sa totoong buhay:
Sa totoong buhay, ang pagtataksil ay napapakita sa mga relasyon at kumpetisyon. Makikita ang
pagtataksil sa mga relasyon at kumpetisyon sa paraan nga natutulog kasama ang ibang kapareha at
sinasabotahe ang kalaban mo.
Pag-uugnay sa sarili:
Kung minsan ay hindi ko maiwasang mag-taksil sa kumpetisyon. Halimbawa sumali ako sa karera at
ikaw ay pangalawang pwesto at nadapa sya dahil sa paa ko at nanalo ako ng unang pwesto.
Solusyon:
Dapat maging matapat sa iyong kasama at maging patas.

3. Crab mentality
Sitwasyon sa akda:
Nakaidlip si Don Juan at hindi na namalayang pinakawalan na ng dalawa ang ibon.
Pag-uugnay sa totoong buhay:
Sa totoong buhay, ang crab mentality ay napapakita sa mga terorista. Makikita ang crab mentality sa
mga terorista sa paraan ng bag bobomba ng gusali.
Pag-uugnay sa sarili:
Kung minsan ay hindi ko maiwasang magka crab metally. Halimbawa merong biniling bagong cellphone
ang kakilala ko at ayaw nya ipa hiram sa kanyang kaibigan at sinira nya yung kanyang bagong cellphone.
Solusyon:
Maunawaan na ang pagtulong sa iba ay tumutulong din sa iyong sarili. Marahil ang pinakamahusay na
panlunas sa mentalidad ng alimango ay ang pagkakaisa. Kung sasali ka sa mga puwersa at
makipagtulungan sa iyong mga kasama, mas mahusay ka sa posisyon para sa kaligtasan.
4. Diskriminasyon
Sitwasyon sa akda:
Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay. Sa wakas ay
nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng
puno. Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda._
Pag-uugnay sa totoong buhay:
Sa totoong buhay, ang diskriminasyon ay napapakita sa asian hate. Makikita ang diskriminasyon sa
amerika kung saan binubugbug ang mga taga asia.
Pag-uugnay sa sarili:
Kung minsan ay hindi ko maiwasang ma diskriminasyon.Halimbawa merong kakilala na asiano na
ginugulo ng mga amerikano.
Solusyon:
Tamang kaalaman, pagtuturo at implasyon ng mga natutunan pati narin ng mga batas. dapat ang bawat
isa ay matutong tumayo at magsalita para sa sarili nila o para sa iba .

5. Pagiging makasarili
Sitwasyon sa akda:
Noong una ay mariin itong tumanggi ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay
bugbugin na lang daw ito. Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Pag-uugnay sa totoong buhay:
Sa totoong buhay, ang pagiging makasarili ay napapakita sa mga ibang ‘celebtrities’. Makikita ang
pagiging makasarili dahil giniwaga lang nila para sa pera at karangalan.
Pag-uugnay sa sarili:
Kung minsan ay hindi ko maiwasang maging makasili. Halima bawa ayaw ko bigyan yung kapatid ko ng
aking pagkain.
Solusyon:
Maging responsable sa mga bagay at isipin din ang epekto nito sa karamihan .

 PANUTO: Gumawa ka ng isang poster na nagpapakita ng mga pangyayari sa akda na tumatalakay din


sa mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon. Gawin mong gabay sa iyong
paggawa ng poster ang rubrik na nasa ibaba (F7PB-IVc-d-21 Nasusuri ang mga pangyayari sa
akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan na dapat mabigyang solusyon)
Rubric sa Poster
Kraytirya Napakahusay Mahusay Katamtaman Kailangan Iskor
Paksa Angkop na angkop Angkop ang mga Hindi gaanong Hindi angkop ang
ang mga salita at salita o larawan sa angkop ang mga mga salita at
larawan sa paksa paksa. salita at larawan larawan sa paksa
sa paksa
5 4 3 2
Nilalaman Buo ang kaisipan May kaisahan at Konsistent, may Hindi ganap ang
konsistent, may sapat na kaisahan, kulang pagkakabuo, kulang
kumpleto ang detalye at malinaw sa detalye at hindi ang detalye at di-
detalye at na intensyion gaanong malinaw malinaw ang
napalinaw. ang intensiyon intensiyon
6 4
10 8
Pagkamalikhai Lubos na Lubos na Hindi gaanong Walang ipinamalas
n nagpamalas ng nagpamalas ng naging malikhain na pagkamalikhain
pagkamalikhain sa pagkamalikhain sa sa paghahanda. sa paghahanda.
paghahanda. paghahanda. Makulay subalit Hindi makulay
hindi tiyaka ang
Gumagamit ng Gumamit ng kulay kaugnayan sa
maraming kulay at at iilang kagamitan paksa
kagamitan na may na may kaugnayan
kaugnayan sa sa paksa 4
paksa 8 6
10
Kalinisan Maganda , malinis Malinis at maayos May kaguluhan Magulo at marumi
at kahanga– hanga ang pagkakagawa ang pagkakagawa ang pagkakagawa
ang pagkagawa ngunit hindi naman
5 4 marumi 2
3
Kabuoan

Lagda ng mag-aaral: ______________________________________________ Petsa: ___________


Pangalan at lagda ng magulang/tagapangalaga: ___________________ Petsa: __________

Inihanda ni: Binigyang-pansin ni:


Rochelee T. Rifani Ma.
Joan D. Andayan
Guro ng Filipino
Punongguro

Magsulat ng sariling repleksiyon patungkol sa paksang-aralin.

BAGUIO CITY NATIONAL SCIENCE HIGH SCHOOL


FILIPINO 7
IKAAPAT NA MARKAHAN SY 2020-2021

I. PAKSA: IBONG ADARNA (Saknong 1-442)


II. Kasanayang Pampagkatuto
F7PN-IVc-d-19 Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraning narinig mula sa akda
F7PB-IVc-d-21 Nasusuri ang mga pangyayari sa akda na nagpapakita ng mga suliraning panlipunan
na dapat mabigyang solusyon

III. Layunin
a. Nasasagot ang mga tanong na ibibigay ng guro.
b. Naibibigay ang sariling saloobin o ideya patungkol sa akdang babasahin.
c. Nababasa nang may pang-unawa ang akda.

Basahin at unawain ang buod ng saknong 1 – 442 ng Ibong Adarna.

Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang
mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian sapagkat
mabuti at mapagmahal ang mga namumuno rito na sina Don Fernando at Donya Valeriana. Sila ay
may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan.
Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang panahon ang
isa sa kanila ay magmamana ng trono.
Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita niya
ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at pagkatapos ay
inihulog sa balon. Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa.
Isang medikong paham ang nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang
ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng
Piedras Platas.
Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging
lunas para sa sakit ng Hari. Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan
patungong Bundok Tabor. Agad naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng Piedras Platas.
Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa labis na paghihintay sa
pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon. Dumapo ang
ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito
ring ulit. Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi
na ito at walang ano-ano’y natapat ito sa natutulog na prinsipe at sa isang iglap ay naging isang
bato.
Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang
anak na si Don Diego upang hulihin ang ibong adarna. Naglakbay ng limang buwan ang nasabing
prinsipe. Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang ibon ang naaakit dito.
Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon ngunit dahil sa
lambing ng pag-awit nito, ay agad ding nakatulog. Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit
kulay ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na
rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid.
Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari
ang mawalay sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan
ang bunsong anak sa paglalakbay nito. Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan.
Siya ay maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor at may baong limang tinapay. Isang beses sa
isang buwan lang siya kumakain. Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay
ang sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas. Sa
ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita
siyang ermitanyong sugatan. Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-
iisang tirang tinapay. Sa wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan
ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno. Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng
tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda. Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa
gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng
makapito ring ulit. Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan
ng dayap upang hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na ginto
upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon.
Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon kaya matiyaga
na lang siyang naghintay sa pagbabalik niyon. Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang
Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito. Dahil sa
mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog. Upang maiwasan na
maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang labaha at pinigaan ito ng dayap. Dumumi
ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at
nakabuka ang malabay na pakpak nito. Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at
dinala ito sa dampa ng ermitanyo. Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan
ng tubig upang maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato. Sinunod ng Prinsipe ang
ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang
bunsong kapatid. Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na
prinsipe, agad din nitong niyakap si Don Juan. Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman
itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng
ermitanyo. Naghanda ng mga masasarap na pagkain ang ermitanyo para sa tatlong magkakapatid
na prinsipe.
Pagkatapos ng piging ay kumuha ng misteryosong botelya ang matanda at pinahid ito sa palad
ni Don Juan at agad itong gumaling. Nanghingi ng basbas si Don Juan sa ermitanyo sa kanilang
pag-alis. Habang binabagtas ang daanan pauwi ng palasyo, ang naunang si Don Juan ay walang
kamalay-malay na nagbabalak na pala ang nasa likuran na si Don Pedro ng masama laban sa
kanya at kinumbinsi nito si Don Diego na patayin si Don Juan. Noong una ay mariin itong tumanggi
ngunit kalauna’y pumayag din ngunit ani niya, sa halip na patayin ay bugbugin na lang daw ito.
Iniwang nakabulagta ang kahabag-habag na si Don Juan.
Nakabalik na si Don Pedro at Don Diego tangay ang ibong adarna. Labis ang kaligayahan ng
Haring may sakit at hinagkan ang dalawang taksil na prinsipe ngunit agad namang napawi ang ngiti
sa kanyang labi nang mapansin na wala si Don Juan. Labis itong nanibugho sa pagkawala ng
kanyang bunso at ninais na lang mamatay. Ang ibong adarna naman ay pumangit at ayaw nang
kumanta dahil taksil ang nag-uwi sa kanya.
Lalong lumubha ang sakit ng Hari dahil muling naalala ang dahilan kung bakit siya nagkasakit.
Umaasa ang ibong Adarna na buhay pa ang tunay na nagmamay-ari sa kanya at malaman ng Hari
ang kataksilang ginawa ng magkapatid. Naiwang pagapang-gapang ang kahabag-habag na
prinsipe. Namamaga ang kanyang buong katawan, may pilay ang tadyang, at mamamatay na sa
gutom at uhaw. Wala siyang ibang magawa kundi ang manalangin sa Mahal na Birhen na nawa ay
humaba pa ang buhay at gumaling ang kanyang amang may sakit. Hindi pa rin siya makapaniwala
na nagtaksil sa kanya ang dalawang prinsipe. Handa naman niyang ibigay ang ibon sa kanila kung
iyon ang kanilang ibig.
Sa gitna ng kanyang paghihirap ay sinariwa niya ang Berbanya at ang inang reyna dahil sa labis
na pananabik. May biglang sumulpot na ermitanyo. Nakita nito si Don Juan na nakahandusay sa
lupa. Ginamot niya sa muling pagkakataon ang prinsipe. Agad na naglaho ang mga sugat nito na
parang mahika. Labis ang pasasalamatan ni Don Juan sa ermitanyo at hinagkan ito. Nais sanang
gumanti ng utang na loob ang prinsipe ngunit tumanggi ito dahil ayon sa kanya, ito’y isang uri ng
pagkakawanggawa. Sinabi ng ermitanyo kay Don Juan na bumalik na sa Berbanya upang iligtas ang
Hari at agad naman itong sumunod.
Nakabalik na ang prinsipe sa Berbanya. Nasindak ang dalawang magkapatid nang nakitang
buhay pa si Don Juan. Magalak na hinagkan ni Don Juan ang kanyang ama ngunit hindi namukhaan
agad ng Hari ang anak. Bumalik ang ganda ng ibong adarna at ito ay muling umawit. Inawit nito ang
lahat ng nangyari kay Don Juan simula sa paghuli niya sa ibong adarna hanggang sa pagtataksil ng
dalawang prinsipe kay Don Juan. Kasabay nang paggaling ng Hari ay natuklasan niya rin ang buong
katotohanan. Walang ano-ano’y biglang tumayo ang Hari at inutusan ang mga kawal na ipatapon
ang dalawang taksil na prinsipe, subalit nakiusap si Don Juan sa Hari na ‘wag na itong ipatapon.
Agad namang pumayag ang Hari sa hiling ni Don Juan. Niyakap ni Don Juan ang dalawa. Bumalik
ang sigla ng kaharian dahil sa paggaling ng Hari. Nawili ang Hari sa ibong adarna. Oras-oras kung
ito’y kanyang dalawin at hindi ito ikinatuwa ng reyna. Sa pangamba nitong makawala ang ibon,
ipinabantay niya ito sa tatlong prinsipe.
Kinakausap ni Don Juan ang ibon upang hindi ito dalawin ng antok. Muling nagbalak ng
masama si Don Pedro at Don Diego laban kay Don Juan. Nagdalawang-isip si Don Diego na
sumang-ayon sa plano ngunit sa huli’y pumayag din ito. Nakaidlip si Don Juan at hindi na
namalayang pinakawalan na ng dalawa ang ibon. Madaling araw pa lang ay nagpasya nang
tumakas si Don Juan dahil batid niyang magagalit ang kanyang ama kapag natuklasan nitong
nakawala ang ibong adarna. Agad na pinatawag ng Hari ang tatlong prinsipe ngunit si Don Pedro at
Don Diego lang ang humarap sa Hari. Gumawa na naman ng panibagong kasinungalingan ang
dalawa ngunit sa pagkakataong ito, hindi na naniwala ang Hari sa kanila. Sinambit nina Don Pedro
at Don Diego na hahanapin nila ang taksil na si Don Juan upang maparusahan. Naglakbay sila sa
bukirin ngunit hindi nila matagpuan si Don Juan. Sa huli’y narating din nila ang kabundukan ng
Armenya na pinagtataguan ni Don Juan.

You might also like