You are on page 1of 6

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Ikalawang Linggo
Katarungang Panlipunan: Pananagutan sa Kapuwa

I. Panimula
Ating natalakay sa nakaraang aralin ang kahulugan ng katarungang
panlipunan at ang mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao.
Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa dignidad ng tao. Ang
bawat tao ay may dignidad, hindi dahil sa kaniyang pag-aari, posisyon sa
lipunan o ang nakamit sa buhay, kundi dahil sa kaniyang pagkatao.

Bawat isa sa atin ay may pananagutan na ibigay sa ating kapuwa


ang nararapat sa kaniya. Paano nga ba natin ito isinasabuhay? Ano ang
gampanin ng pamilya sa paghubog ng katarungang panlipunan? Ang
mga katanungang ito ang iyong masasagot sa pagtatapos ng aralin.

II. Kasanayang Pampagkatuto

1. Napatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay


sa kapuwa ang nararapat sa kaniya.
Koda: EsP9KP-IIId-9.3
2. Natutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga
angkop na pagkakataon.
Koda: EsP9KP-IIId-9.4
III. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. mapatutunayan na may pananagutan ang bawat mamamayan na


ibigay sa kapuwa ang nararapat sa kaniya;
2. matutugunan ang pangangailangan ng kapuwa o pamayanan sa mga
angkop na pagkakataon;
3. makagagawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng pamilya sa
paghubog ng katarungang panlipunan; at
4. makasusulat ng pagninilay sa konseptong natutuhan sa aralin.
IV. Pagtatalakay

Ang katarungan ay isang gawi na laging gumagamit ng kilos-loob sa


pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya. Sa pagiging makatarungan
sinusunod mo ang likas na batas moral. Ang paggalang sa batas at sa
karapatan ng kapuwa ay tanda ng pagiging makatarungan. May
katarungang umiiral sa magkakapitbahay, magkaklase o magka-opisina
kung walang kompetisyon o nang-aagrabyado sa isa’t isa.
Sa pamilya nagsisismula ang katarungan, sapagkat dito mo unang
nararanasan ang mga bagay na nagbibigay sayo ng kamalayan tungkol sa
katarungan. Sa gabay ng iyong mahal sa buhay ay unti-unting nahuhubog
ang iyong pagkatao. Sa oras na igalang mo ang karapatan ng iba ay
isinasaalang-alang mo ang kabutihang panlahat. Dahil nagsisimula sa
pamilya ang katarungan nagsisimula rin sa pamilya ang mga karanasang
magtuturo sa atin sa ating pananagutan o tungkulin sa ating kapuwa.
Ang legal na batas ay siyang panlabas na anyo ng moral na batas.
Ang legal na kaayusan kung gayon ay nararapat na maging tulay ng moral
na kaayusan sa lipunan. Kung ang katarungang panlipunan ay
ginagabayan ng diwa ng pagmamahal, hindi lamang sa simpleng pag-iwas
na makapanakit o makapinsala ng kapuwa, kundi isang positibong paglapit
sa kaniya upang siya ay samahan at suportahan na mapaunlad ang
kaniyang potensiyal.

V. Mga Gawain

Gawain 1. Pasulat na Gawain


A.1. Panuto: Basahin at suriin ang pangungusap sa ibaba, isulat ang salitang
PAMILYA kung ang kilos ng katarungan ay mula sa pamilya, at isulat ang
PAMAHALAAN kung ang kilos ng katarungan ay mula naman sa
pamahalaan.
__________1. Tinuturuan si Liza ng kaniyang nanay kung paano ang tamang
pamamaraan ng paglalaba.

2
__________2. Sa isang vaccination center ipinatutupad ang pagbibigay ng
prayoridad sa mga senior citizen.
__________3. Ang pamunuan ng Sangguniang Kabataan sa lugar nila Matt ay
namigay ng tablet para sa mga mag-aaral na kabilang sa iskolar ng bayan.
__________4. Maagang gumising si Maria upang asikasuhin ang mga
kagamitan ng kaniyang nakababatang kapatid para sa online class
sapagkat may pinuntahan ang kanilang mga magulang.
__________5. Sa murang edad ni Celeste ay isinasama na siya ng kaniyang
magulang sa pagsasagawa ng community service upang matutunan niya
ang pagpapahalaga sa pagtulong sa kapuwa.

A.2. Panuto: May pananagutan ang bawat mamamayan na ibigay sa


kapuwa ang nararapat para sa kaniya. Suriin ang sitwasyon sa ibaba, isulat
ang Nararapat kung ang kilos ay nagbibigay sa kapuwa ng nararapat at
isulat ang DI-nararapat kung hindi.

__________1. Ipinasara ng Provincial Government ang kilalang minahan sa


kanilang lugar sapagkat hindi nito sinunod ang protocol na siyang naging
dahilan ng pagkakasakit ng marami.
__________2. Si Eric ay kumakandidato bilang konsehal ng bayan at sa
kaniyang pangangampanya ay inuutusan niya ang mga tauhan na isagawa
ang vote buying upang manalo.
__________3. Hindi tinanggap sa pinapasukang trabaho si Harry sapagkat
napag-alaman na siya ay isa sa mga suspect sa naganap na pagnanakaw
limang taon na ang nakalilipas.
__________4. Sa kabila ng kahirapan sa buhay ay itinataguyod ng mag-
asawang Larry at Nora ang kanilang mga anak upang makapagtapos ng
kanilang pag-aaral.
__________5. Hindi pinilit ni Ruben si Anthony na sumama sa Christmas Party
sapagkat ito ay labag sa kanilang pananampalataya.

Gawain 2. Gawaing Pagganap

B.1. Panuto: Gumawa ng Poster na may temang, “Ang pamilyang


makatarungan ay nagbubunga ng mamamayang mapanagutan” Gamitin
ang pagiging malikhain sa pagguhit. Gawin ito sa short bond paper.

3
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN
Nangangailangan
Napakahusay Maayos
Batayan ng Tulong Puntos
10 7
5
Naipakita sa poster Bahagyang Hindi gaanong
NILALAMAN ang kabuuang naipakita sa naipakita sa
mensahe ng paksa. poster ang poster ang
mensahe ng mensahe ng
paksa. paksa.
Napakaganda Maganda at Maganda ngunit
PAGKAMALIKHAIN at napakalinaw malinaw ng di-gaanong
ng pagkakaguhit malinaw ang
pagkakaguhit ng poster. pagkakaguhit
ng poster. ng poster.
KAUGNAYAN SA Napakalaki ng Malaki ang May kaunting
TEMA kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ng poster. paksa ng poster. paksa ng
poster.
KALINISAN AT Napakalinis at Malinis at Hindi gaanong
KAAYUSAN napakaayos maayos ang malinis at
ang pagkakabuo. maayos ang
pagkakabuo. pagkakabuo.

KABUUAN
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain)

B.2. Panuto: Paano mo maipamamalas ang iyong pagkatuto sa katarungang


panlipunan sa aralin na ito? Sa kolum 1: Isulat ang mga aytem ng
palatandaan na kailangan mo pang taglayin. Sa kolum 2: Isulat ang 1-2 tiyak
na paraan o hakbang na gagawin mo sa pagsasakatuparan ng bawat
palatandaan. Sa kolum 3: Isulat ang mga kaugnay na pagpapahalaga sa
mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na mahubog sa iyong
sarili.
Mga Palatandaan ng Mga Paraan o Hakbang Mga Kaugnay na
Pagiging na Gagawin ko sa Pagpapahalagang
Makatarungang Tao na Pagsasakatuparan ng Mahuhubog
Kailangan Kong Bawat Palatandaan
Taglayin
Halimbawa: -Hihinaan ko ang volume ng Paggalang sa kapuwa.
Isinasaalang-alang ko aming stereo/component
ang mga karapatan tuwing pinapatugtog ko
ng mga tao sa aking ito upang hindi
paligid. makaistorbo sa aming mga
kapitbahay.

4
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Mahusay Katamtaman


Pamantayan Puntos
10 7 5
Nilalaman/ Nakapagbigay Nakapagbigay Hindi gaanong
Ideyang nailahad ng napaka ng detalyadong detalyado ang
detalyadong sagot sa bawat sagot sa bawat
sagot sa bawat kolum at mahusay kolum at hindi
kolumm at ang mahusay ang
napakahusay ng pagpapaliwanag. pagpapaliwanag.
pagpapaliwanag.
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain)

VI. Pagsusulit

Panuto: Isulat sa patlang ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng
pahayag tungkol sa katarungang panlipunan at MALI kung ito ay hindi
wasto.

__________1. Ang kapayapaan ang pinakamataas na antas ng


pagpapahalaga upang makamit ang katarungang panlipunan.
__________2. Napananatili ang katarungang panlipunan kung isinasa-alang
alang nito ang paggalang sa dignidad ng iilan.
__________3. Ang pakikiisa ng mga tao sa proyekto ng pamahalaan ay
magdudulot ng katarungang panlipunan.
__________4. Ang katarungang panlipunan ay iiral kung ang bawat isa ay
papanig sa katotohanan.
__________5. Ang katarungan ang bukod-tanging kailangan upang maging
maayos ang lipunan.

VII. Pangwakas
Panuto: Sumulat ng isang pagninilay sa papel tungkol sa mga pagkatuto.
Ang mga sumusunod na katanungan ay gabay sa pagninilay.
1. Ano-anong mga konsepto ang pumukaw sa akin?
2. Ano-anong hakbang ang aking gagawin upang mailapat ang mga pang-
unawa at reyalisasyong ito sa aking buhay?
RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Mahusay Katamtaman


Pamantayan Puntos
10 7 5
Nilalaman/ Nakapagbigay Nakapagbigay Hindi gaanong
Ideyang nailahad ng napaka ng detalyadong detalyado ang
detalyadong sagot sa bawat sagot sa bawat
sagot sa bawat bilang at bilang at hindi
bilang at mahusay ang mahusay ang
napakahusay ng pagpapaliwanag. pagpapaliwanag.
pagpapaliwanag.
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain)

5
VIII.Sanggunian
Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang
(Modyul para sa Mag-aaral). Batay sa K-12 Curriculum

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

IX.Susi sa Pagwawasto
Gawain # 1 Gawain # 2 Pagsusulit Repleksiyon
5. Pamilya sa ibaba. 5. Tama
Itsek ang rubrik 4. Tama
4. Pamilya rubrik sa ibaba.
ng sagot
3. Pamahalaan magkaiba-iba 3. Tama sagot. Itsek ang
2. Pamahalaan Maaaring 2. Tama magkaiba-iba ng
1. Pamilya B. 2 Maaaring
1. Tama
A.1
sa ibaba.
Itsek ang rubrik
5. Nararapat ng sagot.
magkaiba-iba
4. Nararappat
Maaaring
3.Di-nararapat B.1
2. Di-nararapat
1. Nararapad
A.2
PAGSUSULIT

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Annie T. Salvador


Patnugot: Annie T. Salvador
Tagapagsuri ng Nilalaman: Arcely B. Cristobal
Janet B. Lamasan
Evelyn A. Ramos
Carmela M. Santos
Patnugot ng Wika: Angela Francesca D. Azuela, Ph.D
Grupo ng tagapaglinang: Angel M. Villamin, Ed.D
Arcely B. Cristobal

You might also like