You are on page 1of 7

Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon III
SANGAY NG LALAWIGAN NG TARLAC

Pangalan: _________________________________ Baitang at Pangkat: ___________


Paaralan: __________________________________Petsa: ________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 9
Ikatlong Markahan – Unang Linggo
Katarungang Panlipunan

I. Panimula
Sa unang modyul ay natutuhan mo kung gaano kahalaga ang
pagsisikap ng lahat upang makamit at mapanatili ang kabutihang panlahat.
Upang makamit ito, kailangan ang pagsasabuhay ng mga moral na
pagpapahalaga na siyang makapagpatatatag sa lipunan. Ang
katarungang panlipunan ang siyang pangunahing pagpapahalaga na
dapat maisabuhay.

Sa ating pakikibahagi sa lipunan, bakit nga ba mahalaga ang


katarungang panlipunan? Paano ka tutugon bilang mag-aaral at kasapi ng
lipunan sa hamon na maisabuhay ang katarungang panipunan? Subukin mo
ang iyong sarili sa mga konseptong iyong matututuhan sa araling ito upang
iyong mataya ang kaalaman sa konseptong pag-aaralan.

II. Kasanayang Pampagkatuto


1. Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.
Koda: EsP9KP-IIIc-9.1
2. Nakapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan.
Koda: EsP9KP-IIIc-9.2
III. Mga Layunin
Sa pagtatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. makikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan;


2. makapagsusuri ng mga paglabag sa katarungang panlipunan ng mga
tagapamahala at mamamayan;
3. makagagawa ng tsart tungkol sa nakitang paglabag sa tagapamahala at
mamamayan; at
4. makagagawa ng slogan tungkol sa kahalagahan ng katarungang
panlipunan.

IV. Pagtatalakay

Narinig mo na ba ang katagang “walang iwanan”? Sa anong sitwasyon


o konteksto mo narinig ang pahayag na ito? Tayo ay panlipunang nilalang
na may likas na pangangailangan sa ating kapuwa. Sa mga kritikal na
sitwasyong ating kinahaharap o nararanasan, higit nating nakikita ang
halaga ng kapuwa. Ang ugnayang nabubuo sa atin at sa mga taong
nakapaligid sa atin ay dapat pinamamayanihan ng katarungan.

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng nararapat sa kaniya.


Ayon nga sa isang pilosopong si Dr. Manuel Dy Jr., ito ay isang pagbibigay at
hindi pagtanggap. Ang tugon ng katarungan ay ang labas ng sarili.
Nangangailangan ito ng panloob na kalayaan mula sa pagkiling sa sariling
interes.

Mga palatandaan ng pagiging makatarungang tao na bahagi sa pagkamit


ng katarungang panlipunan

1. Isinasaalang-alang ang mga karapatan ng mga tao sa paligid. Hindi


lamang tinitingnan ang kapakanan ng sarili kundi nakikita rin niya ang
karapatan ng iba. Ito ay pagpapakita ng paggalang at makatarungang
pagkilos.
2. Inuuna ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos
nang makatarungan ayon sa hinihingi ng sitwasyon. Hindi nagiging padalos-
dalos sa mga ikinikilos, kundi iniisip at tinitimbang ang sitwasyon sa paraang
obhektibo.
3. Kahit na may nalalaman na kung ano ang nararapat para sa sarili ay
nagpaparaya pa rin alang-alang sa mas nangangailangan nito. Nakikita ng
taong makatarungan ang mas mataas na kabutihan.
4. Handang ibigay ang sarili upang makatulong sa pagpapabuti ng
kapakanan o buhay ng kapuwa. Binibigyan ng mataas na pagpapahalaga

2
ang kanyang kapuwa at handa itong ilaan ang kanyang panahon,
kayamanan at sarili.
5. Kinikilala ang mga karapatan ng bawat miyembro ng pamilya. Isa sa mga
paraan upang tumibay ang samahan sa loob ng pamilya ay ang pagkilala
sa mga karapatan ng lahat ng bumubuo nito.
6. Kinikilala at iginagalang ang mga karapatan ng ibang tao: sa paaralan, sa
trabaho, sa barangay o sa bansa. Walang pinipiling lugar, tao o
pagkakataon ang pagpapakita ng paggalang sa karapatan.
7. Itinataya ang sarili sa kasunduang mayroon sa pagitan ng mga kaibigan.
Marunong tumupad sa mga pinagkasunduan. Tapat at may sinseridad sa
kanyang kaibigan.
8. May kamalayan sa kung anong karapatan ang dapat igalang lalo na ang
may kaugnayan sa likas na batas moral. Malawak ang pang-unawa at may
maingat na panghuhusga sa mga karapatan ng iba. Laging pumapanig sa
tama o sa mga nagsasabuhay ng likas na batas moral.
9. Tinutupad ang mga pangako at mga komitment sa buhay. Itinatalaga
ang sarili sa pagkamit ng kaniyang mga mithiin nang hindi maibaling ang
pokus sa ibang bagay.
10.Nauunawaan na ang pagsalungat, pagbatikos, at pagpuna sa iba na
kulang ng batayan ay kawalan ng katarungan. Hindi basta-basta
nagpapadaig sa bugso ng damdamin. Inuunawa muna ang sitwasyon bago
gumawa ng pagkilos.

V. Mga Gawain

Gawain 1. Pasulat na Gawain

A.1. Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap. Isulat ang MK kung
ang pangungusap ay nagpapakita ng pagiging makatarungan at isulat
naman ang DMK kung hindi makatarungan.
__________1. Nakapagpabakuna si Roger kahit hindi siya nakalista sapagkat
kakilala naman niya ang health worker na naka-assign ng araw na iyon.
__________2. Masusing pinag-aralan ni Kapitan Santiago ang paliwanag ng
magkabilang panig bago siya nagbigay ng suhestiyon upang malutas ang
hidwaan.
__________3. Sa kabila ng pandemiyang nararanasan, sinisikap ng
negosyanteng si Jimmy na ibigay ang nararapat na sahod ng kaniyang mga
manggagawa.

3
__________4. Binawalan ni Eunice ang nakababatang kapatid dahil sa
pagpapatugtog nang napakalakas upang hindi makaistorbo sa kapitbahay
na puyat mula sa trabaho.
__________5. Nangako si Marian na tutulong sa kanilang barangay sa pag-
aayos ng mga donasyong ibabahagi sa mga mamamayan subalit ito ay
kaniyang ginawa upang makapag-uwi ng mas marami sa kaniyang pamilya.

A.2. Panuto: Guhitan ang pinakaangkop na salita na tumutukoy sa


palatandaan ng pagiging makatarungan.
1. Nararapat na (isaalang-alang, ipagwalang-bahala) ang mga karapatan
ng mga tao sa paligid.
2. Inuuna ang bawat sitwasyon sa obhektibong paraan upang makakilos
nang (makatarungan, may kalayaan) ayon sa hinihingi ng sitwasyon.
3. Kahit may nalalaman na kung ano ang nararapat para sa sarili ay
(nagbubulag-bulagan, nagpaparaya) pa rin alang-alang sa mas
nangangailangan nito.
4. Binibigyan ng (mababa, mataas) na pagpapahalaga ang kaniyang
kapuwa at handa itong ilaan ang kaniyang panahon, kayamanan at sarili.
5. Kinikilala ang mga karapatan ng (iilang miyembro, bawat miyembro) ng
pamilya. Isa sa mga paraan upang tumibay ang samahan sa loob ng
pamilya ay ang pagkilala sa mga karapatan ng lahat ng bumubuo nito.

Gawain 2. Gawaing Pagganap

B.1. Panuto: Magbigay ng tatlong halimbawa ng mga paglabag sa


katarungang panlipunan ng mga tagapamahala at mamamayan. Isulat
ang mga ito sa talahanayan. Suriin ang mga paglabag na ito ayon sa mga
sumusunod:
a. Sanhi at dahilan
b. Mga epekto nito sa buhay ng tao
c. Mga epekto sa lipunan
d. Mga paraan ng paglutas sa paglabag upang manumbalik ang
katarungang panlipunan

Mga paglabag Sanhi o dahilan Epekto sa buhay Epekto sa Paraan ng


sa katarungang ng tao lipunan Paglutas
panlipunan
A. Tagapamahala

4
B. Mamamayan

RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN


Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan Puntos
10 7 5
Nilalaman/ Nakapagbigay Nakapagbigay Nakapagbigay
Ideyang ng tatlong ng dalawang ng isang
nailahad halimbawa at halimbawa. halimbawa.
kumpletong May isa May dalawa
nasagutan ang hanggang hanggang
bawat kolum. dalawang hindi tatlong hindi
Napakalinaw nasagutan sa nasagutan sa
ng ideyang bawat kolum. bawat kolum.
inilahad. Malinaw ang Malinaw ang
ideyang ideyang
inilahad. inilahad.
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain

B.2. Panuto: Gumawa ng islogan sa isang short bond paper tungkol sa


kahalagahan ng katarungang panlipunan.
RUBRIK SA PAGSASAGAWA NG GAWAIN
Nangangailangan
Napakahusay Maayos
Batayan ng Tulong Puntos
10 7
5
Ang mensahe ay Bahagyang Hindi gaanong
NILALAMAN mabisang naipakita naipakita ang
naipakita. ang mensahe.
mensahe.
Napakaganda Maganda at Maganda ngunit
PAGKAMALIKHAIN at napakalinaw malinaw ang di-gaanong
ng pagkakasulat malinaw ang
pagkakasulat ng pagkakasulat
ng mga mga titik. ng mga titik.
titik.
KAUGNAYAN SA May malaking Bahagyang may Kaunti lamang ang
TEMA kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan ng
paksa ang islogan. paksa ang islogan. islogan sa
paksa.
KALINISAN AT Napakalinis at Malinis at Hindi gaanong
KAAYUSAN napakaayos ng maayos ang malinis at
pagkakabuo. pagkakabuo. maayos ang
pagkakabuo.

KABUUAN
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain

5
VI. Pagsusulit

Panuto: Ayusin ang mga titik upang matukoy ang salitang bubuo sa wastong
konsepto ng panungusap na nagpapakita ng palatandaan ng katarungang
panlipunan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________________1. Hindi basta-basta nagpapadaig sa bugso ng


damdamin. ANUAWNI muna ang sitwasyon bago gumawa ng pagkilos.
____________________2. May kamalayan sa kung anong AKRAAPTNA ang
dapat igalang lalo na ang may kaugnayan sa likas na batas moral.
____________________3. Walang pinipiling lugar, tao o pagkakataon ang
pagpapakita ng GGAPAALNG sa karapatan.
____________________4. Marunong tumupad sa mga pinagkasunduan. TTAAP
at may sinseridad sa kanyang kaibigan.
____________________5. Tinutupad ang mga ANGPOKA at mga komitment sa
buhay.

VII. Pangwakas
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa isang buong papel.
1. Balikan ang mga palatandaan ng isang makatarungang tao. Alin sa mga
ito ang iyong taglay?
2. Ano ang natuklasan mo tungkol sa iyong sarili batay sa resulta ng ginawa
mong pagtatasa? Ipaliwanag.
3. Sa palagay mo, paano ka magiging makatarungang tao upang
makibahagi sa pagpapairal ng katarungang panlipunan sa iyong pamilya,
paaralan at pamayanan? Ipaliwanag.

RUBRIK SA PAGGAWA NG GAWAIN

Napakahusay Mahusay Katamtaman


Pamantayan Puntos
10 7 5
Nilalaman/ Nakapagbigay Nakapagbigay Hindi gaanong
Ideyang ng napaka ng detalyadong detalyado ang
nailahad detalyadong sagot sa bawat sagot sa bawat
sagot sa bawat bilang at bilang at hindi
bilang at mahusay ang gaanong
napakahusay ng pagpapaliwanag. mahusay ang
pagpapaliwanag. pagpapaliwanag.
*Paalala: HUWAG SAGUTIN ANG RUBRIK. (Ito ay batayan lamang ng guro sa pagbibigay ng puntos para sa gawain)

6
VIII.Sanggunian
Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao Ikasiyam na Baitang
(Modyul para sa Mag-aaral). Batay sa K-12 Curriculum

Department of Education. (2020). K to 12 Most Essential Learning


Competencies with Corresponding CG Codes. Pasig City: Department of
Education Curriculum and Instruction Strand.

IX.Susi sa Pagwawasto
Gawain # 1 Gawain # 2 Pagsusulit Repleksiyon
5. Pangako
Maaaring
5. DK Itsek ang rubrik sa ibaba.
4. Tapat
magkaiba-iba ng
4. MK ng sagot
Maaaring magkaiba-iba 3. Paggalang
sagot. Itsek ang
3. MK
2. MK B. 2
rubrik sa ibaba.
2. Karapatan
1. DK 1. Unawain
Itsek ang rubrik sa ibaba.
A.1 ng sagot.
Maaaring magkaiba-iba
B.1
5. Bawat miyembro
4. Mataas
3. Nagpaparaya
2. Makatarungan
1. Isaalang-alang
A.2
PAGSUSULIT

X. Grupo ng Tagapaglinang

Bumubuo sa Pagsusuri ng Gawaing Pampagkatuto

Manunulat: Annie T. Salvador


Patnugot: Annie T. Salvador
Tagapagsuri ng Nilalaman: Arcely B. Cristobal
Janet B. Lamasan
Evelyn A. Ramos
Carmela M. Santos
Patnugot ng Wika: Angela Francesca D. Azuela, Ph.D
Grupo ng tagapaglinang: Angel M. Villamin, Ed.D
Arcely B. Cristobal

You might also like