You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 9

Paaralan Panoypoy Integrated School Baitang/Antas GRADE 9


Guro MARY ROSE P. PASACAS Asignatura EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO 9
Petsa/Oras FEBRUARY 15, 2024 Markahan Ikatlong Markahan
8:30-9:30
I.LAYUNIN
 Napapahalagahan nang buong puso ang batayang Konsepto ng aralin.
 Nakaguguhit sa mga pagpapahalaga na paiiralin sa gagawing pagtugon sa pangangailangan ng kapuwa o
pamayanan.
 Nakikilala ang mga palatandaan ng katarungang panlipunan.
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa mga karapatan at tungkulin ng tao
sa lipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng magaaral ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o
naobserbahang paglabag sa mga karapatang tao sa pamilya, paaralan, baranggay/pamayanan, o lipunan/bansa.
C.Mga Kasanayan sa Pagkatuto Isulatang code ng bawat kasanayan :
 Napatutunayan na ang karapatan ay magkakaroon ng tunay na kabuluhan kung gagampanan ng tao ang
kanyang tungkulin na kilalanin at unawain, gamit ang kanyang katwiran, ang pagkakapantay-pantay ng
dignidad ng lahat ng tao ( EsP9TT-IIa-5.3)
 Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang ituwid ang mga nagawa o naobserbahang paglabag sa mga
karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/pamayanan, o lipunan/bansa ( EsP9TT-IIa-5.4)
II.NILALAMAN KATARUNGANG PANLIPUNAN
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian:
1.Mga pahinasaGabayngGuro:
2.Mga PahinasaKagamitang Pang-Mag-aaral: Edukasyon sa Pagpapakatao-9 Modyul para sa magaaral pahina
132- 135
3 .Mga PahinasaTeksbuk:
4.Karagdagang Kagamitanmulasa portal ng Learning Resource:
5.Iba pang KagamitangPanturo: Learning materials ,Teaching Guide ,Curriculum Guide ,Mga larawan
III.PAMAMARAAN
A.Panimulang Gawain
1.Pambungad na Panalangin
2.Pagbati ng Guro
3.Pagtatala ng lumiban sa klase

IV. Aktibiti Gawain 1


Panuto: Suriin ang apat na larawan.
V. Analisis Panuto: Suriing mabuti ang apat na larawan.
Mga Tanong:
1. Ano-ano ang napansin ninyo sa mga larawang ipinakita?
2. Ano-ano ang nais na ipahiwatig ng mga larawang ito?
3. Ano kaya ang mensahe na inahahatid sa atin ng apat na larawan?
4. Anong pagpapahalaga ang masasalamin sa mga larawang ito?

VI. Abstraksyon Ano ang katarungan?

Ayon sa karaniwang kahulugan nito, angkatarungan ay pagbibigay sa kapuwa ng


nararapat sa kaniya. Ayon ky Dr.Manuel Dy, Jr., ito ay isang pagbibigay at hindi
pagtanggap. Kung kaya, angtuon ng katarungan ay ang labas ng sarili.

Ang katarungan ay batay sa pagkatao ngtao. Bakit mo kailangang maging


makatarungan sa iyong kapuwa? Ito ay hindi lamang dahil ikaw ay tao kundi dahil
ikaw dinay namumuhay sa lipunan.

Ayon kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na


gumagamit lagi ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang
indibidwal. Ang kilos-loob na isang makatuwirang pagkagusto ay
magpapatatag sa iyong pagiging makatarungang tao. Sa pagiging
makatarungan, nangangahulugan ito ng pagsunod sa likas na Batas Moral.

Ang makatarungang tao ayon kay Andre Comte-Sponville (2003), isa


kang makatarungang tao kung ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang
sa batas at sa karapatan ng iyong kapwa.

Mahalagang tandaan na ang pangunahing prinsipyo ng katarungan


ay ang paggalang sa kapwa.

Sa pamilya, una mong nararanasan ang mga bagay-bagay na


nagbibigay sa iyo ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dito, unti-unti
kang nagkakaroon ng kakayahan na mauunawaan kung ano ang
katarungan bilang pagpapahalaga. Napakahalaga ng papel na
ginagampanan ng mga magulang mo sa paghubog ng iyong pagiging
makatarungan. Iminumulat ka nila sa katotohanang may karapatan at
tungkulin ka bilang tao hindi lamang sa pamilya kundi pati na rin sa
lipunan.

VII. Aplikasyon Gawain 3:” walang iwanan”


Panuto: Gumawa ng isang Poster sa isang malinis na papel na may temang
“ WALANG IWANAN”
Rubrik sa paggawa ng Poster

Pamantayan Napakagaling 5 Nagagawa na Magsikap pa Puna o


3 1 reaksyon
Kaangkupan sa Nakapokus sa May ilang Walang
paksa paksa ang bahagi ang pokus sa
isinulat nakapokus sa paksa
paksa
Pagkasunosunod Maayos at May ilang Kailangan pa
ng ideya malinaw ang bahagi ang ng
pagkasunod- hindi maayos karagdagang
sunod ng at malinaw kaalaman
pagpapakiwanag ang
pagkakalahad
Elemento/ Salik Nakasunod sa Hindi Hindi
sa paggawa ng paggamit ng mga gaanong nakagamit ng
poster pangungusap na nakagamit ng mga
nagsasalaysay ng mga pangungusap
mga nauunawaan pangungusap na
sa modyul na nagsasalaysay
nagsasalaysay ng mga
sa mga natutuhan sa
naunawaan sa modyul
modyul
Panghikayat sa Maayos na May ilang Hindi
mambabasa nailarawan ang bahagi ang nailarawan
mga ideya base hindi gaanong ang mga
sa naunawaan sa nailarawan ideya base sa
modyul nauunawaan
sa modyul.

VIII.Asessement Gawain 4:
Panuto: sagutin ang mga tanong upang mataya mo ang iyong pag unawa sa
mahalagang kosepto sa babasahim. Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang katarungan?
2. Bakit ang katarungan ay nangangailangan ng panloob na kalayaan?
3. Paano maging makatarungan ang tao?
4. Paano nagsimula sa pamilya ang pagiging makatarungan?
5. Ano ang pangunahing prisepyo ng katarungan?

IX.Takdang Aralin
X.MGA TALA
XI.PAGNINILAY
A.Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya.
B.Bilang ng mag-aaral
nanangangailangan ng iba
pang Gawain parasa
remediation.
C.Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral nanakaunawa sa
aralin.
D.Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E.Alin sa mga istratehiyang
pagtutroang nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F.Anong suliranin ang
aking naranasan na
solusyunan sa tulong ng
aking punungguro at
superbisor?
G.Anong kagamitang
panturo ang aking nadibuho
na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:
MARY ROSE P.PASACAS
SST-1

Iniwasto ni:
SHERYL JEAN M. GARCIA
School Head

You might also like