You are on page 1of 4

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Catch-up Subject: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade Level: 6


Quarterly Theme: Sub-theme: Prinsipyo ng
Community Awareness Kapayapaan

Time: Date: February 23, 2024


II. Session Outline
Session Title: Pagpapanatili ng kapayapaan

Session Nakapagpapakita ng pagiging ehemplo ng kapayapaan.


Objectives: EsP2PPP-IIIi– 13
Key Concepts: Kapayapaan- ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng katahimikan at
katiwasayan.Ito ay katayuan sa panahon ng walang gulo, away alitan
at digmaan.

III. Teaching Strategies


Components Duratio Activities and Procedures
n

A. Introduction Pagbati ng guro


5 mins
and Warm-Up Pag-awit

15 mins Pagbasa ng Tula


https://noypi.com.ph/tula-tungkol-sa-bayan/#masisilayan

Kalayaan Kailan Ka Masisilayan?


ni Nishel Dulalia

Bansang nababalutan ng kaharasan


Rape at droga ilan sa di malutasan
O, aming gobyerno bigyang lutas ito
Nang ang aming bukas ay di maging biro

Respeto’t paggalang sa nakakarami


Nanatili pa ba sating sarili?
Siguro nga ganto tayo’y pinalaki
Ngunit alamin niyo ang tama sa mali

Dalagang kay ikli ng kasuotan


Siya ba ay ligtas pa sating lipunan
Oh, dalaga huwag kang magpapagabi
Peligro sa’yong buhay ay nawawari

Kayong mga kabataan ay magingat


Nang mga buhay nyo’y di mabigyang lamat
Yang mga pulis na kay iignorante
Mga taong dapat kinitil sa korte

Demokrasya na siyang haligi ng bayan


Layunin ng gobyerno panatiliin
Na protektahan ang mga mamamayan
Ang hustisya kailangan nang patuparin

1. Tungkol saan ang tula?


2. Anu-anong ang mga problema na nabanggit sa tula?
3. Upang maging payapa anu ang dapat ipatupad?
4. Gaano kahalaga ang pagiging makatarungan?
5. Kung magiging makatarungan magiging payapa ba ang ating
lipunan?

Page 1 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

6. Mayroon ba tayong tungkulin o dapat gawin upang maging


mapayapa ang ating sarili at kumunidad?
7. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagiging
ehemplo ng kapayapaan?
Bilang isang mag-aaral, paano mo ipapakita ang pagiging
ehemplo ng kapayapaan?
Reflective
(Ang bawat bata ay bibigyan ng strip ng cartolina
Thinking 10 mins
isusulat nila ang kanilang kasagutan pagkatapos
Activities
ay ididikit sa pisara at bibigyan sila ng pagkakataon
na ipaliwanag ang kanilang sagot)

Pagpapakita ng video patungkol sa pagiging ehemplo ng


kapayapaan: (54) Pagiging Ehemplo ng Kapayapaan - YouTube
Structured
Values
5 mins Piliin ang mga pag-uugali at gawaing nagpapakita ng
Activities (15
pagiging ehemplo upang mapanatili ang kapayapaan.
minutes

A. Pangkatang Gawain (Graphic Organizer)

Base sa videong napanood, anu-ano ang mga gawain o


Group Sharing pag-uugali na nagpapakita ng ehemplo ng kapayapaan?
and Reflection 10 mins
(10 minutes Pumili ng isa at isadula o isakilos ito sa klase
B. Pagsasadula ng pagiging ehemplo
C. Pagpoproseso ng Gawain

Activity:
Ano ang inyong natutunan sa natapos na
Journal Writing
aralin?
Feedback and
5 mins Materials: Journals
Reinforcement
 Pagbibigay ng panuto
(10 Minutes)
Isulat ang iyong saloobin tungkol sa araling natutunan

Prepared by:
ROGELIO R. GONIA JR., MAEd
Master Teacher I

Approved:

FORTUNATO C. QUIBUYEN II, PhD


School Principal II

Page 2 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

Mga karagdagang magagamit sa talakayan

Pagbasa ng Talata
Walong paraan upang maging mabuting ehemplo sa kapwa tao
1. Mayroong matibay na pananalig sa Diyos.
2. Magalang sa kapwa tao.
3. Matulungin sa mga taong nangangailangan.
4. Aktibo sa mga aktibidad na nakakatulong sa ekonomiya.
5. Responsable sa kanyang tungkulin sa ekonomiya.
6. Umiiwas sa mga masasamang gawain.
7. Hindi agad sumusuko hangga't itoy nakakaya pa.
8. Sumusunod sa mga pinapangako.

Kodigo sa Pagkamamamayan at Kagandahang Asal ni Quezon

(Quezon's Code of Citizenship and Ethics Filipino Version)

1. Magtiwala ka sa Diyos na namamatnubay sa kapalaran ng mga tao at mga bansa.

2. Mahalin mo ang iyong bayan sapagkat ito ang iyong tahanan, pinagmumulan ng iyong pagmamahal at
bukal ng iyong kaligayahan at pagiging tao. Ang pagtatanggol sa bayan ang pangunahin mong tungkulin.
Maging handa sa lahat ng oras na magpakasakit at ialay ang buhay kung kinakailangan.

3. Igalang mo ang Saligang-Batas na nagpapahayag ng makapangyarihang kalooban. Itinatag ang


Saligang-Batas para sa iyong kaligtasan at sariling kapakanan. Sundin ang mga batas at tiyaking sinusunod
ito ng lahat ng mamamayan at tumutupad sa kanilang tungkulin ang mga pinuno ng bayan.

4. Kusang magbayad ng mga buwis at maging maluwag sa kalooban ang maagap na pagbabayad nito.
Alalahaning ang pagkamamamayan ay hindi lamang mga karapatan ang taglay kung hindi maging mga
pananagutan din.

5. Panatilihing malinis ang mga halalan at sumunod sa pasya ng nakararami.

6. Mahalin at igalang ang iyong mga magulang. Paglingkuran mo silang mabuti at pasalamatan.

7. Pahalagahan mo ang iyong karangalan gaya ng pagpapahalaga mo sa iyong buhay. Ang karalitaang may
dangal ay higit na mahalaga kaysa sa yamang walang karangalan.

8. Maging matapat sa pag-iisip at sa gawa. Maging makatarungan at mapagkawanggawa, ngunit


marangal sa pakikitungo sa kapuwa.

9. Mamuhay nang malinis at walang pag-aaksaya. Huwag maging maluho at mapagkunwari. Maging
simple sa pananamit at kumilos nang maayos.

10. Mamuhay na gaya ng inaasahan sa iyo ng marangal na tradisyon ng ating lahi. Igalang ang alaala ng
ating mga bayani. Ang kanilang buhay ay halimbawa ng daan tungo sa tungkulin at karangalan.

11. Maging masipag, huwag ikatakot o ikahiya ang pagbabanat ng buto. Ang pagiging masipag ay daan
tungo sa isang matatag na kabuhayan at dagdag sa yaman ng bansa.

12. Umasa sa iyong kakayahan sa pag-unlad at kaligayahan. Huwag agad mawawalan ng pag-asa.
Magsikap upang makamit ang katuparan ng iyong mga layunin.

13, Gampanang maluwag sa kalooban ang iyong mga tungkulin. Ang gawaing hindi maayos ay higit na
masama sa gawaing hindi tinapos. Huwag ipagpabukas ang gawaing maaari mong gawin ngayon.

Page 3 of 4
CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE

14. Tumulong sa kagalingan ng iyong pamayanan at palaganapin ang katarungang panlipunan. Hindi ka
nabubuhay na nag-iisa kapiling ang iyong mag-anak lamang. Bahagi ka ng isang lipunang
pinagkakautangan ng pananagutan.

15. Ugaliin ang pagtangkilik sa sariling atin at sa mga kalakal na gawa rito sa atin.

16. Gamitin at linangin ang ating likas na yaman at pangalagaan ito para sa susunod na salinlahi. Ang mga
kayamanang ito ang minana pa natin sa ating mga ninuno. Huwag mong gawing kalakal ang iyong
pagkamamamayan.

Page 4 of 4

You might also like