You are on page 1of 7

CATCH-UP FRIDAYS TEACHING GUIDE FOR GMRC/VALUES EDUCATION 3

I. GENERAL OVERVIEW
Catch-Up GMRC/ Values Grade 3
Subject: Education Level:
Quarterly Theme: Community Sub Prudence
Awareness Theme:
Time: Date: March 15, 2024

II. SESSION OUTLINE


Session Title: Prinsipyo ng Kapayapaan
Session Objectives: Pagkatapos ng sesyon, ang mga mag-aaral ay inaasahang :
a. natutukoy ang mga gawaing nagpapakita ng kapayapaan
b. naisasagawa ang mga gawain upang magkaroon nang
kapayapaan, at:
c. napahahalagahan ang pagkakaroon nanag mapayapang
pamayanan.
Key Concepts:
⮚ Ang kapayapaan ay ang kalagayan ng pagkakaroon ng
katahimikan at katiwasayan. Ito ang katayuan sa panahon na
walang gulo, away, alitan, o digmaan.

⮚ Ang kabaitan ay ang pagpapakita ng positibong asal at pag-uugali


sa pakikisalamuha sa iba.

⮚ Ang kapayapaan at kabaitan ay magkaugnay dahil ang kabaitan


ay maaaring maging isang paraan upang makamtan at mapanatili
ang kapayapaan.

References
● DM 001 s. 2024

● https://tl.wikipedia.org/wiki/Kapayapaan

● https://www.youtube.com/watch?v=BWf-eARnf6U

● https://clipart-library.com/free/be-kind-clipart-black-
and-white.html
● Canva Photos
Materials Mga larawan, slide deck, sagutang papel
III. TEACHING STRATEGIES
Components Duration Activities and Procedures
Introduction 5 mins. Panimulang awit:
● “Heal the World” by Michael Jackson.

● Tatalakayin ng guro ang mensahe ng awitin.

Ano ang iyong naramdaman matapos mong marinig ang


awitin?
Kung ikaw ang nasa sitwasyon nang kaguluhan, ano ang
gagawin mo?
Mahalaga ba na malaman natin ang mga dapat nating
gawin upang mapanatili ang kapayapaan? Bakit?
Reflective Thinking 15 mins. Pagmasdan ang mga larawan.

⮚ Ano kaya ang nais ipakita ng bawat larawan?

⮚ Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kapayapaan


sa loob at labas ng tahanan?
⮚ Paano natin mapananatili ang maayos na relasyon
sa ating kapuwa?

⮚ Sa iyong palagay, ano ang kailangang taglayin ng


bawat isa upang magkaroon ng kapayapaan?

Pagpapatibay ng Aralin:
Ang sumusunod ay ilan sa mga aspeto ng kabaitan upang
mapanatili ang kapayapaan.
1. Respeto sa Kapuwa
2. Pag-unawa
3. Pakikipagtulungan
4. Paggalang sa Pagkakaiba

Makikita natin na ang kabaitan ang pangunahing salik


upang magkaroon ng kapayapaan. Ang maayos na
relasyon sa ating kapuwa-tao ang magsisilbing daan sa
pagkakaroon nang tahimik at mapayapang pamayanan.

Structured Values 15 mins. Panuto: Basahin at unawain nang mabuti kung ano ang
Activities gagawin mo sa bawat sitwasyon.

1. Nakita mong nag-uusap sa iyong daraanan ang iyong


magulang at guro, ano ang gagawin mo?

2. Nagsasalita pa ang iyong kaklase nang biglang nag-


ingay ang katabi mo. Ano ang gagawin mo?

3. Nauna ka sa pila subalit siningitan ka ng kaibigan mo.


Ano ang iyong gagawin?

4. Ano ang gagawin mo kung may kaklase ka na makulit


at maingay?

5. Paano mo maipakikita ang kapayapaan kung paulit-


ulit na ang pagsisinungaling sa iyo ng kapatid mo?

Group Sharing and 10 mins. Pangkatang Gawain


Reflection

Pangkat Mabuti
Panuto: Dugtungan at awitin ang sumusunod sa himig ng
Leron-Leron Sinta.

Payapang pamayanan ating makakamtan


Kung ang bawat isa ay magtutulungan
Halina’t isabuhay ating kabaitan
____________________________________.

Pangkat Payapa

Panuto: Kulayan at ipaliwanag ang larawan na


nagpapakita ng kapayapaan.

Pangkat Tahimik

Panuto: Buoin ang picture puzzle. Pagkatapos, sagutin


ang sumusunod na tanong.

1. Anong pag-uugali ang inyong ipinamalas upang


mabuo ito?
2. Makatutulong ba ang pag-uugaling ito upang
magkaroon nang tahimik at payapang pamayanan?

Feedback and 10 mins. Itala ang mga mabuting naidudulot sa atin ng pagkakaroon
Reinforcement ng kapayapaan.

1.______________________
2.______________________
3.______________________
4.______________________
5.______________________
Inihanda ni:

ANNABEL F. FABUNAN
Guro I
Mandaluyong Addition Hills Elementary School

Iwinasto: Sinang-ayunan:

VALENTIN C. SAGUN JR. LUCIA M. LLEGO


Dalubguro I Punongguro II

Sinuri :

JOSELIN S. BALANE GINALYN M. MENDOZA


Tagamasid Pampurok Pansangay na Tagamasid, ESP

RUBY E. BANIQUED
EPS, Learning Resource Management System
Pinagtibay:

ALYN G. MENDOZA
Punong Superbisor ng Edukasyon
Sangay sa Pagpapatupad ng Kurikulum

You might also like