You are on page 1of 3

24 MARCH 2023

BIYERNES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkaka-isa at komitment bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.
Kompetensi
Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat.
26.4 pangkapayapaan (EsP5PPP-IIIf-30)
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Nakakalahok nang masigla sa pangkatang gawain.
b. Saykomotor
Nakakagawa nang mga paraan para sa kapayapaan.
c. Kaalaman
Nakapagpapahayag ng mga solusyon tungo sa kapayapaan.
II. PAKSANG-ARALIN
Pangkapayapaan
Kagamitan: Batayang aklat, TV, larawan. Manila paper
Sanggunian: MISOSA Baitang 5 https://blogadagdps.wordpress.com/2015/07/21/talampati tungkol-
sakapayapaan/, 2016 k-12 curriculum guide, https://www.google.com/search?
q=magulong+komunidad+picture&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=Zsr0NcDc5460r M%253A
%252Cnlkrz7hEYGNssM
%252C_&vet=1&usg=AI4_kTBlm_6kTS9r95kv_jb9JEjYPsfSA&sa=X&ved=2ahUKEwjJiq3RxOzgAhVNFqYKH
fX1CKQQ9QEwAXoECAUQBg#imgrc=pktv 1KnwUGkxBM:&vet=1
Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging handa sa tuwing may kalamidad.

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. kapaligiran
3. paghahanda
4. kalikasan
5. kalinisan

1. Balik – aral
1. Bilang mga bata ano-ano ang inyong gagawin upang mapanatiling maayos ang inyong
kalusugan at malayo sa sakit?

2. Pangganyak
Tanong :
1. Mapayapa ba inyong lugar?
2. Anu-ano ang mga nakakagulo sa isang lugar?
3. Kapag mayroong away, mapayapa ba ang isang lugar?
4. Kapag maraming lulong sa droga ang inyong lugar, mapayapa ba ang inyong lugar?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Magpakita ng larawan:

2. Pagsusuri (Analysis)

Tanong:
1. Bakit maraming tambay ang lugar na nasa larawan?
2. Anu-ano ang mga ginawa ng mga tambay?
3. Ligtas ba ang mga tao dito?
4. Maingay ba ang lugar na maraming tao? Bakit?

3. Paghahalaw (Abstraction)
Kapayapaan Posted on July 21, 2015 by Blogadag Kailan ba natin makakamit ang mithiing
maglaganap ng kapayapaan? Ano ba ang maidudulot kung maipapasagawa ang kapayapaan? At
nasaan na nga ba ang ating kapayapaan? Bawat kilos na ating ginagawa sa pang araw-araw na
buhay, mabuti man o masama, ay mayroong bunga. Lahat ay gusto ang kapayapaan ngunit aminin
nating lahat na ang kapayapaan ay talaga namang napakahirap makamtan. Huwag na muna ang
kapayapaan para sa buong bansa o kahit sa bayan kung saan ka nakatira. Maging sa ating sarili,
mahirap makuha ang minimithing kapayapaan.
Maari nating maihalintulad ang pagiging payapa sa pagiging “ligtas”. Walang iniintindi, walang
pinoproblema, walang iniisip. Sinasabi pa nga nating mga Pilipino na kung may namatay, siya’y
mapayapa na. Sapagkat wala na siyang iniintindi o kahit na anong pinoproblema kaya mahirap
talagang makamtan ang katahimikan. Kita niyo na’t sa yumao pa natin ito naihahambing. Hindi lang
naman kawalan ng dahas at pagiging ligtas ang kapayapaan dahil pag may kapayapaan, tayo’y
siguradong walang sino mang gagawa ng ikasasama sa kapwa. Ngunit dahil parte na nga naman ng
buhay ang suliranin, hindi ang pagkawala ng problema ang kapayapaan ngunit ito ay ang pagiging
matalino at maalam na pagresolba ng bawat suliranin sa buhay sa pamamagitan ng pagsasagawa
nito ng may kaakibat ng pagtutulungan ng bawat isa.
Hindi kapayapaan ang makakamit natin kung patuloy na magkakaroonng mga ugnayan. Hindi
kapayapaan ang katahimikan lalo pa’t ang katahimikan ay bunsod ng karahasan. Ang kapayapaan
ay dapat na nagmumula sa pagtitiwala natin sa isa’t isang hindi tayo manlalamang o mang-
aagrabyado. Pagtitiwala sa bawat isa na maisagawa ang mga nakasaad ay pwede maging susi
tungo sa hinahangad na kapayapaan na magbubunga ng mas matiwasay at mas masaganang
buhay.
https://blogadagdps.wordpress.com/2015/07/21/talampati-tungkol-sa-kapayapaan/
Tanong:
1. Maaari ba tayong ligtas sa payapa na lugar? Bakit?
2. Kailan natin matatawag na payapa ang ating lugar?
4. Paglalahat (Generalization)

“Kayo ang pag-asa ng bayan.” Anu-ano ang inyong gawin para masimulan ang kapayapaan sa ating
tahanan?

5. Paglalapat (Application)
Pangkatang gawain. Iguhit ang kailangan sa bata upang hindi siya maging basagulero paglaki at
gabayan natin ang bata para payapa ang ating lipunan dahil “Ang bata ay siyang pag-asa ng bayan”.

IV. Pagtataya
Lagyan ng masayang mukha kung nagpapahayag ng kapayapaan at malungkot na mukha
kung hindi nagpapahayag ng kapayapaan.

___1. Hinuhuli ang mga tambay.


___2. Nagmamahalan ang pamilya
___3. Hindi pumapasok sa paaralan.
___4.Walang mga trabaho ang mga magulang.
___5.Inaalagaan ang mga anak ng magulang.

V. Takdang aralin
Magtala ng lima (5)mga sakuna na natural at ipahayag kung ano ang dahilan.

VI. Index of Mastery


ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher 1 Master Teacher 1

You might also like