You are on page 1of 4

21 MARCH 2023

MARTES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina para sa kabutihan ng lahat, komitment at pagkakaisa bilang
tagapangalaga ng kapaligiran.
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasabuhay ang pagkaka-isa at komitment bilang responsableng tagapangalaga ng kapaligiran.
Kompetensi
Nakalalahok sa pangangampanya sa pagpapatupad ng mga batas para sa kabutihan ng lahat.
26.1 pangkalinisan. (EsP5PPP-IIIf-30)
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Napahalagahan ang pangkaligtasan ng lahat.
b. Saykomotor
Nakagagawa ng mabuting kaisipan para sa kaligtasan.
c. Kaalaman
Nakapagpapahayag ng kaisipan para sa kaligtasan.
II. PAKSANG-ARALIN
Pangkaligtasan
Kagamitan: Larawan.Batayang aklat pahina 150-157, manila paper
Sanggunian: Curriculum guide, Patnubay ng guro pahina 43-45
https://www.google.com/search?q=image+of+drug+addiction+in+the+philippines&tbm=isch&sourc
e=iu&ictx=1&fir=AXmc_RK_xnRITM%253A%252CC312CqEwAxjeXM
%252C_&usg=AI4_kSCTGSHTsLU1CLKpvdmrIVdRxxPg&sa=X&ved=2ahUKEwixjrKKgergAhXZxYsBHb
mYBL4Q9QEwCXoECAQQFg#imgdii=p8WX2JTBRmjjt M:&imgrc=AXmc_RK_xnRITM:

https://philippinecampaign.wordpress.com/2013/01/10/komprehensibong-sistema-para-
sapagtatanggol-ng-mga-bata-ipatupad-sundin-ang-pamantayan-para-sa-proteksyon-sa-mga-
batalaban-sa-trafficking/
Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging handa sa tuwing may kalamidad.

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. kapaligiran
3. paghahanda
4. kalikasan
5. kalinisan

1. Balik – aral
1. Bilang mga bata ano-ano ang inyong maitutulong upang mapanatili natin ang kalinisan sa ating
lipunan?
2. Pangganyak
Tanong:
1. Ano ang maitutulong ng mga batas sa atin?
2. Ligtas paba tayo sa panahon ngayon? Bakit?
3. Sinu-sino ang magbibigay sa atin ng proteksiyon laban sa masasama?

B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Magpakita ng larawan.

2. Pagsusuri (Analysis)

Tanong:
1. Sa palagay ninyo ano ang kinabukasan nila?
2. Ligtas paba sila sa kapahamakan?
3. Anong karapatan ang nawala sa kanila?

3. Paghahalaw (Abstraction)
May mga pamantayang maaaring gumabay sa pangangalaga ng kaligtasan ng mga bata sa ating
komunidad.
Ang sumusunod ay ilan sa mga katangian ng isang komunidad na nagbibigay proteksyon sa mga
bata:
1. MAYROONG MGA PROGRAMA PARA SA PAGPAPAUNLAD NG KAKAYANAN. Ang komunidad,
kasama ang lokal na pamahalaan, ay patuloy na nagsasanay upang pangalagaan ang mga bata at
tumugon sa isyu ng trafficking. Kailangang paunlarin ng mga kawani ang taos pusong paglilingkod
na unang isinasaisip ang kagalingan ng mga bata.

2. MAY MGA LOKAL NA BATAS PARA SA KALIGTASAN NG MGA BATA. May mga lokal na batas na
ipinapatupad na nakakatulong mapigilan ang pagsasamantala at pang-aabuso sa mga bata.
Kabilang dito ang lokal na ordinansa laban sa child trafficking, child pornography, at mga katulad na
batas. Tukuyin ang mga tanggapang manguguna sa pagpapatupad nito, katulad ng mga Local
Council Against Trafficking and Violence Against Women o LCAT-VAWC sa mga probinsya, lungsod
at munisipyo. Gayundin ang pagpapagana sa mga Barangay Council for the Protection of Children
(BCPC) o pagtatakda sa VAWC desk upang tugunan ang mga mga kaso ng trafficking at
pangaabuso laban sa mga bata.

3. KINIKILALA ANG ANGKING LAKAS AT PAGHIKAYAT SA PAGLAHOK NG MGA BATA. Ang kaalaman
at mga kakayanan ng mga bata ay pinauunlad upang lalo silang lumakas at yumabong ang kanilang
kaalaman at kasanayan upang mapangalagaan at maipagtanggol ang kanilang sarili at ang ibang
pang mga bata.

4. WINAWASTO AT BINABAKA ANG MGA UGALI, MGA NAKASANAYAN AT GAWI. Tuluy-tuloy na


nagsasagawa ang pamayanan ng mga pag-aaral at talakayan upang maiwaksi ang mga kaisipang
nagpapalaganap ng paniniwalang walang alam, mahina at walang karapatang magpahayag ang
mga bata. Gayundin, sama-samang binabago ng pamayanan ang di pantay at marahas na pagtrato
sa mga bata na kumukunsinti sa pang-aapi at pang-aabuso sa kanila.

5. NAUUNAWAAN NG BAWAT KASAPI NG PAMAYANAN – pamahalaan, mga grupong sibiko, pribado


at non-government organizations, simbahan at mga grupong nakabatay sa pananampalataya – NA
ANG ISYU NG CHILD PROTEKSYON AY TUNGKULIN NG BAWAT ISA. Sama-sama nilang pinatatatag
ang pamilya at komunidad upang maging kanlungan ng pagmamahal at kapanatagan, kung saan
ang mga bata ay magiging ligtas sa pang-aabusong pisikal, sikolohikal at emosyunal. 6.
NAGSASAGAWA NG MGA PROGRAMA PARA MAIWASAN AT MAPUKSA ANG TRAFFICKING. Kabilang
na dito ang mga serbisyo para sa pagsagip, pagtulong sa muling pagbangon, paghilom at pagbalik
sa kani-kanilang komunidad ng mga biktima ng trafficking

https://philippinecampaign.wordpress.com/2013/01/10/komprehensibong-sistema-para-sa-
pagtatanggol-ng-mga-bataipatupad-sundin-ang-pamantayan-para-sa-proteksyon-sa-mga-bata-
laban-sa-trafficking/
Ang pakikilahok sa mga kampanya ng pamahalaan ay para rin sa ikabubuti ng lahat ng mga
mamamayan.

Tanong:
1. Karapatan ba ng bata na pangangalagaan?
2. Sino-sino ang dapat mangangalaga sa kaligtasan ng bata?

4. Paglalahat (Generalization)

Kailan natin matatawag na kayo ay ligtas sa kapahamakan?

5. Paglalapat (Application)

Pangkatang Gawain:
Bawat pangkat ay pumili ng tig-isang larawan upang tunghayan at pag-aralang mabuti ang larawan
na inyong napili. Bakit nagpapakita ng kaligtasan sa kabataan ang mga larawan?
IV. Pagtataya

Lagyan ng _/___kung ito ay nagpapakita nang kaligtasan at ekis __X__ kung ito ay hindi
nagpapakita nang kaligtasan.

___1. Sumasama ka sa iyong kaibigan na gumagala sa mall na walang paalam.


___2. Nag-aaral ako sa mababang paaralan.
___3. Lumalayas ako sa aming tahanan dahil ako ay pinagalitan sa aking nanay.
___4. Uuwi ako kaagad pagkatapos sa paaralan.
___5. Magpaalam ako sa aking mga magulang kung sasama sa kaibigan.

V. Takdang aralin
Itala sa inyong kuwaderno ang mga makakabuti sa kalusugan.
1-5

VI. Index of Mastery


ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher 1 Master Teacher 1

You might also like