You are on page 1of 20

4

Kahalagahan ng
Kagalingang Pansibiko
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan - Modyul 4
Week 6

TITO M. TABALDO JR.


TEACHER I
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito
ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 4.
Tatalakayin sa modyul na ito ang mga kahalagahan ng kagalingang
pansibiko.
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, inaasahang:
● natatalakay ang mga gawaing nagpapakita ng kagalingang pansibiko; at
● natutukoy ang epekto ng kagalingang pansibiko sa
pag-unlad ng bansa.
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
Subukin iyong sagot.
1. Ito ang pinakamataas na antas na ipinapakita ng gawaing pansibiko.
A. Kagalingan C. pakikipagkapuwa
B. kamalayan D. sibilyan
2. Tumutukoy sa katangian ng isang bansa kung saan nagagawa nila ang kanilang naisin nang hindi
lumalabag sa batas.
A. Kontento C. maunlad
B. Malaya D. nagsasarili
3. Ito ay isa sa mga gawaing pansibiko na naglalayong makapagbigay ng libreng pag-aaral o programang
panliterasi.
A. edukasyon C. kalusugan
B. kalikasan D. pampalakasan
4. Ito ay naglalayon na makapagbuo ng mga liga at pagtuturo ng mga isports.
A. Edukasyon C. kalusugan
B. kalikasan D. pampalakasan
5. Ito ay epekto ng gawaing pansibiko na tumutukoy sa agarang pagbibigay ng lunas.
A. kasalukuyan C. panghinaharap
B. panandalian D. pangmatagalan
6. Ito ay tumutukoy sa katangiang ng bansa kung saan sinusuportahan ng mga mamamayan ang
pamamalakad ng pamahalaan.
A. kontento C. maunlad
B. Malaya D. nagsasarili
7. Ang mga ito ay tumutukoy sa kahalagahan ng kagalingang pansibiko.
A. kalayaan at kayamanan C. kapayapaan at katiwasayan
B. kapangyarihan at kaligtasan D. karunungan at kaunlaran
8. Ito ay epekto ng gawaing pansibiko na nangyayari sa mahabang panahon at habambuhay na
resultang matatamasa.
A. kasalukuyan C. panghinaharap
B. panandalian D. pangmatagalan
9. Ito ay mga gawaing pansibiko ng isang batang katulad mo maliban sa isa.
A. paggalang sa matatanda C. pagpapatupad ng mga batas
B. paglilinis ng kapaligiran D. pagtangkilik sa sariling produkto
10. Ang mga gawaing pansibiko ay maaaring iayon sa kakayahan ng indibidwal o grupo.
A. ewan C. tama
B. mali D. siguro
Balikan
Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang pahayag ay tumutukoy sa gawaing
lumilinang sa kagalingang pansibiko at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

________1. pagtulong sa pamamahagi ng mga relief goods sa mga nasalanta ng kalamidad


________2. pagsama at panlilibre sa mga barkada
________3. pagtatanim ng maliliit na puno sa mga bundok
________4. paglalaan ng oras sa pagtuturo sa mga batang nasa lansangan
________5. pagbili ng mga produktong lokal
________6. magalang na pakikipag-usap sa mga nakatatanda
________7. panunukso sa kamag-aral
________8. pagtulong sa batang may kapansanan sa pagtawid sa lansangan
________9. paghahandog ng pagsasanay para sa mga magsasaka
_______10. pakikipagkuwentuhan habang umaawit ng Lupang Hinirang
Tuklasin
Panuto: Basahin ang mga naglalarawang saknong tungkol sa mga kagalingang pansibiko. Sa
tulong ng mga ginulong letra, tukuyin at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Naglalaan ng oras at kaalaman


1. EKUDASOYN
Pati na libreng kagamitan
Lapis, papel at aklat ng karunungan EDUKASYON
Susi sa kaunlaran __________________

Mga ligang pampaligsahan 2. MPALAPKAANAS


Para sa kabataan
Magagandang libangan PAMPALAKASAN
__________________
Pampatibay pa ng katawan

Sari-saring lokal na produkto


At kahit pa anong negosyo 3. BAUKYAHNA
Kooperatiba at mga proyekto
KABUHAYAN
__________________
Walang pinipili kahit grupong etniko
Laganap na pagamutan
4. LAKUSGAUN
Kahit saan, kaninuman
Mga doktor at nars nariyan KALUSUGAN
__________________
Mamamayan ay aalagaan

Paglilinis ng kanal at kalsada


5. KKAILANAS
Paghiwa-hiwalayin mga basura
Pagtatanim ng puno ay sama-sama KALIKASAN
__________________
Pamayanang kahali-halina
Suriin
Kahalagahan ng Kagalingang Pansibiko

Mahalaga ang mga gawaing pansibiko sa isang bansa. Tinitiyak nito na ang mga mamamayan ng
isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili at nasisiyahan sa kanilang pamumuno. Malaya nilang
nagagawa ang kanilang mga naisin nang hindi lumalabis sa itinakdang batas at naipapahayag ang kanilang
sarili. Nagsasarili sila sa paraang nakakaya nilang sustentuhan ang sarili at pamilya. Kontento sila sa
pamamalakad ng pamahalaan at sinusuportahan nila ang mga programa at proyekto nito.
Ang mga gawaing pansibiko na ito ay nagpapakita ng pinakamataas na antas ng pakikipagkapuwa.
Ang bawat mamamayan na naninirahan sa iisang lipunan ay kakikitaan ng pagmamalasakit sa isa’t isa.
Kusang-loob silang naglilingkod at tumutugon sa mga pangangailangan lalo na ng mga mahihirap.
Ang mga kagalingang pansibiko ay tanda na ang isang lipunan ay may kakayahang
mamuhay nang matiwasay, may pagmamalasakit sa kapuwa at nangunguna sa kaunlaran.
Mas malawak at mas mabilis na maaabot ng mga serbisyong publiko kung ang bawat isa ay
handa sa paglilingkod at pagtulong.
Sa pamamagitan ng mga gawaing pansibiko, napaglilingkuran lalo na ang mga
nangangailangan sa lipunan. Sakop ng kagalingang pansibiko ang mga pangangailangan sa
edukasyon, kalikasan, kabuhayan, kalusugan, pampalakasan at iba pang pampublikong
serbisyo bilang malawakang pagsasama-sama upang tiyaking nasa pinakamahusay silang
pamumuhay higit lalo na ang pinakamahihirap.
Epekto ng Gawaing Pansibiko sa Bansa

May iba’t ibang uri ng gawaing pansibiko. Ito ay naaayon sa kakayahan ng isang indibidwal o
grupo. Mula sa pinakamaliit na bagay tulad ng pagtulong sa isang matanda na tumawid sa kalye
hanggang sa malaking bagay tulad ng pagpaplano para sa pagtatayo ng kabuhayan sa isang komunidad ay
maituturing na kagalingang panlipunan na nag-uugat sa gawaing pansibiko.
Ang isang batang tulad mo ay may kakayahang gumawa ng gawaing pansibiko sa payak na
paggawa ng kabutihan. Ilan sa mga halimbawa ay ang magalang na pakikipag-usap sa mga matatanda,
pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran at paggabay sa paglalakad sa mga may kapansanan.
Maaaring mas malawak ang saklaw at pangmatagalan ang gawaing pansibiko na sinasalihan ng mga
mas nakatatanda sa iyo. Ang mga programa at proyektong panliterasi, pampalakasan, pangkabuhayan at
iba pa ay ilan lamang sa mga halimbawa nito.

Mayroong dalawang mukhang naidudulot ang mga gawaing pansibiko.


Una, ang pagbibigay ng agarang lunas. May mga mamamayan na
nagkukusang-loob na tumulong sa panahon ng kagipitan, pagtugon sa mga
nasalanta ng kalamidad, pagsagip sa buhay kapag may aksidente at agarang
lunas sa mga nakararanas ng gutom o sakit. Ito ay nangyayari sa maikling
panahon kung saan ang resulta ay panandalian lamang.
Pangalawa, ang pangmatagalang epekto ng mga programa at
proyekto. Ang mga gawain tulad ng pagbibigay ng libreng pag-aaral sa
mga kabataan, programang panliterasi sa mga hindi nakapag-aral,
pangkabuhayan sa mga pangkat etniko ay ilan lamang sa mga
halimbawa nito. Nangyayari ito sa mahabang panahon at matatamasa
ang pangmatagalan na resulta. Nabibigyang-solusyon ang mga
suliraning panlipunan tulad ng kamangmangan at kahirapan.

Nagkakaroon ng kolektibo o sama-samang pagkilos ang lahat ng mamamayan upang


higit na mapadali ang serbisyong publiko. Mas malawak ang naaabot ng mga ahensiyang
pampamahalaan kung magkakaisa ang mga institusyon na binubuo ng mga indibidwal na
ang motibo ay mapahusay ang kalagayan ng lahat.
Pagyamanin
Gawain A
Panuto: Basahing mabuti ang bawat sitwasyon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Katatapos lamang ng malakas na bagyo sa inyong lugar. Nakita mo na tulong-tulong ang mga tao sa
inyong pamayanan sa paglilinis. Ano ang gagawin mo?
A. panonoorin ko ang mga taong naglilinis
B. mananatili lamang ako sa loob ng aming tahanan
C. sasali ako sa paglilinis at gagawin ang makakaya
D. ibabalita ko sa social media ang nagaganap na pagtutulungan sa aming pamayanan
2. Nakita mo ang iyong kaklase na may kapansanan sa paglalakad na tatawid sa kalye Batuhan. Ano ang
iyong dapat gawin?
A. aalalayan ang kaklase
B. sasabihan na mag-ingat siya sa pagtawid
C. maghahanap ng guard na magtatawid sa kaklase
D. magkukunwaring hindi siya nakita at huwag pansinin
3. Magsisimula na ang flag ceremony sa inyong paaralan. May mga kamag-aral ka na nagkukuwentuhan.
Ano ang dapat mong gawin?
A. huwag kumibo
B. sumali sa kanilang kuwentuhan
C. sawayin ang mga nagkukuwentuhan
D. sabihan ang mga kamag-aral na tumahimik muna at lumahok sa pag-awit
4. Magtatanim ng mga puno ang grupo ng mga kababaihan sa inyong lugar. Anong tulong ang iyong
maibabahagi sa kanila?
A. uuwi na lamang ako
B. hindi papansinin ang proyekto ng mga kababaihan
C. tutulong sa paghahanda at pagtatanim ng mga puno
D. magboboluntaryo sa susunod na pagtatanim ng mga puno
5. Nagtitinda ang nanay ng iyong kaklase ng mga lokal na produkto tulad ng bag at sapatos. Ano ang
gagawin mo?
A. ipapamalita na peke ang kaniyang itinitinda
B. susuportahan at tatangkilikin ang lokal na produkto
C. hindi bibili dahil gusto ko ang produktong galing sa ibang bansa
D. maghahanap ng pulis at ipapahuli ang nanay ng iyong kamag-aral
Gawain B
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang letra ng kagalingang pansibiko na tinutukoy
sa bawat pahayag.
A. kalikasan C. edukasyon
B. kalusugan D. pampalakasan
E. kabuhayan

E
__________1. pagsasagawa ng mga pagsasanay tungkol sa pagbuburda at pananahi sa mga kababaihan
ng grupong Dumagat
C
_________2. pagbibigay ng libreng kagamitan tulad ng lapis, papel at aklat sa mga batang nasa
lansangan
A
__________3. pagsama sa pagtatanim ng mga maliliit na puno sa kabundukan ng Sierra Madre
D
__________4. pagbuo ng liga ng basketbol para sa palaro sa inyong barangay
B
__________5. paghahandog ng libreng salamin sa mata para sa mga matatanda
Gawain C
Panuto: Isulat ang P kung nagpapakita ng panandaliang epekto ang mga sumusunod na
gawaing pansibiko at PM kung pangmatagalan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

PM
_________1. Si Mika ay kasalukuyang nag-aaral sa kolehiyo. Tuwing Sabado at Linggo ay
boluntaryo siyang nagtuturo sa mga maliliit na bata sa kanilang lugar.
_________2.
P Nagtatanghal ng palabas ang grupo nila Erik sa publiko tuwing sasapit ang
kapistahan ng kanilang pamayanan.
P
_________3. Nagbigay ng dugo si Mang Berto sa Red Cross noong nakaraang Linggo.
_________4.
PM Hinihikayat ni Kapitan na paghiwa-hiwalayin ang mga nabubulok at hindi
nabubulok na mga basura sa kanilang barangay.
PM
_________5. Nanguna ang Punong Bayan sa pagbubuo ng kooperatiba para sa mga magsasaka ng
kanilang bayan.
Isaisip
Panuto: Punan ng wastong sagot ang bawat patlang na bubuo sa diwa ng talata. Piliin ang sagot
sa loob ng kahon. Isulat ang sagot ng sagutang papel.

matiwasay malaya
pakikipagkapuwa panandalian
pangmatagalan payapa

Ipinakikita ng gawaing pansibiko ang pinakamataas na antas ng


pakikipagkapuwa
(1) _____________________. Mahalaga ang kagalingang pansibiko dahil tinitiyak
nitong ang mamamayan ay nabubuhay nang
matiwasay
(2) _______________________ payapa
at (3) _______________________. Ang pagbibigay ng
agarang lunas tulad ng pagsagip sa buhay kung may aksidenta ay may (4)
4. panandalian
______________________ epekto lamang. Samantalang ang mga programang pang-
pangmatagalan
edukasyon at pangkabuhayan ay may (5) ______________________ epekto o
panghabang buhay na resulta.
Isagawa
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay batay sa tanong na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Bilang isang simpleng mag-aaral, ano-ano ang epekto ng mga gawaing pansibiko at paano ito
nakatutulong sa pag-unlad ng ating bansa?

____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang
Tayahin iyong sagot.
1. Anong gawaing pansibiko ang naglalayong makapagbigay ng libreng pag-aaral o programang
panliterasi?
A. Edukasyon C. kalusugan
B. kalikasan D. pampalakasan
2. Ang mga gawaing pansibiko ba ay maaaring iayon sa kakayahan ng indibidwal o grupo?
A. ewan C. tama
B. mali D. siguro
3. Ano ang pinakamataas na antas na ipinapakita ng gawaing pansibiko?
A. Kagalingan C. pakikipagkapuwa
B. Kamalayan D. sibilyan
4. Alin ang gawaing pansibiko na hindi kayang gawin ng isang batang katulad mo?
A. paggalang sa matatanda C. pagpapatupad ng mga batas
B. paglilinis ng kapaligiran D. pagtangkilik sa sariling produkto
5. Ano ang epektong dulot ng isang gawaing pansibiko na tumutukoy sa agarang pagbibigay ng lunas?
A. Kasalukuyan C. panghinaharap
B. panandalian D. pangmatagalan
6. Nagagawa ng mga mamamayan ang kanilang naisin nang hindi lumalabis sa batas, anong katangian ng
isang bansa ang inilalarawan dito?
A. kontento C. maunlad
B. Malaya D. nagsasarili
7. Anong gawaing pansibiko ang naglalayon na makapagbuo ng mga liga at pagtuturo ng mga isports?
A. edukasyon C. kalusugan
B. kalikasan D. pampalakasan
8. Ano ang matatamasa ng isang bansa na may mataas na antas ng kagalingang pansibiko?
A. kalayaan at kayamanan C. kapayapaan at katiwasayan
B. kapangyarihan at kaligtasan D. karunungan at kaunlaran
9. Alin sa mga katangian ng isang bansa ang nagpapakita ng suporta ng mga mamamayan at pamamalakad
sa pamahalaan?
A. kontento C. maunlad
B. Malaya D. nagsasarili
10. Ano ang epektong dulot ng mga gawaing pansibiko na nangyayari sa mahabang panahon at habambuhay
na resultang matatamasa?
A. Pangkasalukuyan C. panghinaharap
B. Panandalian D. pangmatagalan
Karagdagang Gawain
Panuto: Magdikit ng larawan na nagpapakita ng gawaing pansibiko sa gitna ng kahon. Sa
paligid ng larawan, isulat ang mga kahalagahan ng gawaing ito. Gawin ang karagdagang
gawain sa sagutang papel.

MUNGKAHING RUBRIK PARA SA


GAWAIN

You might also like