You are on page 1of 5

RAMON MAGSAYSAY MEMORIAL COLLEGES-MARBEL INC

Office of the College of Teacher Education


Purok Waling-Waling, Arellano Street, Koronadal City (9506)
Telephone/Fax No. 083-228-2880

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN
Naipapamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling
disiplina para sa bansa tungo sa pandaigdigang pagkakaisa

PAMANTAYAN SA PAGGANAP
Naisasabuhay ang patuloy na pagninilay para makapagpasya nang wasto tungkol
sa epekto ng tulong-tulong na pangangalaga ng kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa at
daigdig

PAMANTAYAN SA PAGKATOTO
Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran saan man
sa pamamagitan ng:
12.4. segregasyon o tamang pagtapon ng mga basurang nabubulok at di-
nabubulok sa tamang lagayan (EsP4PPP-IIIg-i-22)
I. Layunin
1. Natutukoy ang pagkakaiba ng nabubulok at di-nabubulok sa pamamagitan ng
pagpapakita ng mga larawan.
2. Naisagagawa ang tamang pagtapon ng basura sa pamamagitan ng
paghihiwalay ng mga basurang nabubulok at di nabubulok.
3. Nabibigyang halaga ang tamang segregasyon o pagtapon ng mga basura sa
tamang lagayan upang mapanatiling maging malinis at maayos ang kapaligiran.

II. Nilalaman
A. Paksa:
Segregasyon o Tamang Pagtapon ng mga Basurang Nabubulok at Di-
nabubulok sa Tamang Lagayan
B. Sanggunian:
K to 12 Most Essential Learning Competencies
C. Kagamitan:
PowerPoint, kartolina, mga larawan, bola
D. Mabuting Aral:
May disiplina sa sarili na pangalagaan ang kapaligiran para sa kaligtasan ng bansa
at daigdig.

III. Pamaraan:
A.Panimulang Gawain:
1. Panalangin
2. Pabati
3. Pagtala ng Liban
4. Mga Paalala
5. Ehersisyo
B. Paghahanda ng Kaalaman:

1. Pagbabalik-aral
-Pagbabalik-aral sa nakaraang araling tungkol sa “batas o
panuntunang pinaiiral sa pangangalaga ng kapaligiran.’’

C. Pangganyak:
- Pagpapakita ng larawan tungkol sa mga basurang nakakalat

Pagtatanong ng mga sumusunod:


1. Anu-ano ang inyong mga nakikita sa larawan?
2. Paano kaya nagkaroon ng maraming basura?
3. Ano kaya ang dapat gawin natin upang mapanatiling maging malinis
ang kapaligiran?

D. Aktibiti
- Pagpapangkatin ang klase sa tatlong grupo.
- Pagbibigay ng kartolina sa bawat grupo na may nakadikit na iba’t-ibang salita.
- Pagkatapos ng inilaang oras, bawat grupo ay magprepresenta ng
kanilang mga sagot sa harap ng klase.

Panuto: Pagpapangkatin ang mga salita na naayon sa iyong sariling pang-uunawa.


Unacceptable Types of Litter Acceptable Types of Litter
(Mga bagay na hindi (Mga bagay na sa tingin mo
Papel Buto ng puwedeng itapon sa lupa) ay puwedeng itapon sa lupa)
isda

Basag
Lata
na baso

Prutas Stryrofoam

Plastik
Kartun
na bote

Dumi ng
Straw
hayop

E. Analisis:
Pagtatanong sa mga sumusunod:
1. Sa ginawang aktibi, ano ang inyong napansin sa ating ginawa?
2. Ano ba ang mga dapat ikonsidera sa pagtukoy ng mga bagay na
puwedeng itapon sa lupa at hindi?
3. Bakit ba kinakailangan nating malaman kung saan nabibilang ang
mga basura na puwedeng itapon sa lupa at hindi puwedeng itapon sa
lupa o kahit saan?

F. Abstraksyon
- Pagtatalakay sa paksa patungkol sa segregasyon o tamang pagtapon ng
basurang nabubulok at di-nabubulok
- Pagpapakita ng mga halimbawa ng basurang nabubulok at di-
nabubulok
- Pagpapaliwanag kung ano ang pagkakaiba ng basurang nabubulok sa di-
nabubulok
- Pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng segregasyon o tamang
pagtapon ng mga basura sa tamang lagayan para sa kalinisan at kaayusan ng
kapaligiran

G. Aplikasyon
- Pagsasagawa ng aktibiti na pinamagatang “paghiwalayin mo”
- Maglalagay ang guro ng tig-dalawang kahon na may nakalagay na salitang
nabubulok at di-nabubulok
- Tukuyin ng mga mag-aaral kung saan nabibilang ang mga basurang ito
- Ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang lumahok sa gawing aktibiti

H. Paglalahat
- Pagsasagawa ng isang laro na pinamagatang “Pass the ball”
- Ang guro ay maghahanda ng mga larawang nabubulok at nabubulok at hulaan
ng
mga mag-aaral kung saan ito nabibilang.

Panuto:
Pagpapasa-pasahan ang bola habang tumutugtog ang musika, sa oras na
huminto ang musika at huling mag-aaral na makahawak ng bola ay siyang
sasagot sa ipapakitang larawan.

IV. Ebalwasyon:

- Pagkakaroon ng maikling pagsusulit ang guro upang suriin ang kaalaman ng


mga mag-aaral kung sila ba ay may natutunan sa leksyon.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa inyong sagutang papel.

1. Anong uri ng basura na maaring makasama sa ating kalikasan at maraming


taon ang binibilang bago ito matunaw o mag-disintegrate?

a. Nabubulok
b. Di-nabubulok
c. Nareresiklo
d. Espesyal na basura

2. Napansin mong maraming nakatambak na mga boteng plastik sa likuran


ng inyong bahay. Ano ang dapat mong gawin?

a. Hahayaan lamang ang mga ito na nakatambak sa likod-bahay.


b. Gagawin ang mga ito na plastik na paso.
c. Itatapon ko ang mga ito sa compost pit.
d. Susunugin ko ang mga ito.

3. Upang mabawasan ang basura sa bakuran nina Gina, nagwalis siya at sinunog
ang mga ito. Sinabihan siya ng kaniyang nanay na itigil niya ang pagsunog ng
basurang dahil ipinagbabawal. Kung ikaw si Gina, ano ang gagawin mo?

a. Ipagpapatuloy ko ang pagsunog ng basura upang maging


malinis ang aming bakuran.
b. Ititigil ko ang pagsusunog ng basura dahil magdudulot ito ng
polusyon sa hangin.
c. Bibilisan ko ang pagsunog ng basura upang matapos na ako.
d. Mangangatwiran sa nanay dahil para rin naman sa kalinisan ng
kapaligiran.

4. Anong uri ng basura na maaring gamitin bilang fertilizer o pataba sa lupa?


a. Nabubulok
b. Di-nabubulok
c. Nareresiklo
d. Espesyal na basura

5. Alin sa mga sumusunod na mga gawain ang nagpapakita ng wastong


segregasyon?

a. Pagtapon ng sirang bombilya sa basurahan ng mga nabubulok.


b. Paglagay ng tinik ng isda sa basurahan ng di-nabubulok.
c. Paglagay ng plastik kasama ang mga buto ng mangga.
d. Pagtapon ng balat ng saging kasama ng mga tuyong dahon.

V. Takdang Aralin:
Pag-aralan ang susunod nating aralin na:

‘’Pag-iwas sa pagsunog ng anumang bagay’’

Ipinasa ni:
LOVELYN DONES
BEED-4/ CN: 3103

Sinuri ni :
DIANNE CONSES-FAJARTIN,
MAEd
Instructor

You might also like