You are on page 1of 3

02 MARCH 2023

HUWEBES

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5


1:30-2:00-DAHLIA
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan nang pagpapakita ng mga natatanging kaugaliang
Pilipino, pagkakaroon ng disiplina
Pamantayan sa Pagganap:
Naisasagawa nang may disiplina sa sarili at pakikiisa sa anumang alituntuntunin at batas na may
kinalaman sa bansa at global na kapakanan
Kompetensi
Nakakasusunod ng may masusi at matalinong pagpapasiya para sa kaligtasan.
Pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat sa sunog at paalaala kung may kalamidad
EsP5PPP - IIc – 26
I. LAYUNIN
a. Apektiv
Napahalagahan ang pagpili ng mga babasahin.
b. Saykomotor
Nakasusunod sa mga paalala para sa mga panoorin at babasahin.
c. Kaalaman
Nakapagsisiyasat nang masusi ng tamang pagpili ng babasahin.

II. PAKSANG-ARALIN
Paaalala sa Babasahin
Kagamitan: Mga larawan, Batayang Aklat pahina 130-133, Dyaryo
Sanggunian: Curriculum Guide 2016, Patnubay ng Guro 38-39
www.kto12depedbooks.blogspot.com/2016/12/espgrade-5
Kasanayan: Pagpapahalaga
Pagpapahalaga: Paggiging matalino at masusi sa pagpapasiya para sa kaligtasan

III. PAMAMARAN
A. Panimula Gawain
Gawain bago magsimula ang klase
a. Panalangin
b. Paalala
c. Attendance
d. Kamustahan
e. Drill
Basahin ang mga sumusunod na mga salita
1. kaligtasan
2. sunog
3. alituntunin
4. pagbaha
5. sakuna

1. Balik – aral
Ano-ano ang mga paraan para magiging ligtas sa mga pagbaha?

2. Pangganyak
Tanong:
1. Saan natin mababasa ang tungkol sa mga pangyayari sa ating bansa?
2. Ano ang ating babasahin kung gusto nating pag-aralan ang ating leksyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Gawain (Activity)
Pangkatin ang mga bata at bigyan ng iba’t ibang babasahin ang bawat grupo.
Pangkat 1 - Dyaryo
Pangkat 2 – Batayang aklat
Pangkat 3 – Magazine
Pangkat 4 – Encyclopedia

2. Pagsusuri (Analysis)

Tanong:
1. Anong klaseng babasahin ang hawak ninyo?
2. Anong impormasyon ang makukuha ninyo sa inyong babasahin?
3. Kailangan ba tayong mamimili ng babasahin?
4. Anong babasahin ang hindi pwede sa mga bata tulad ninyo?

3. Paghahalaw (Abstraction)
Tandaan Natin:
Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at opinyon sa balitang naririnig sa radio o
nababasa sa pahayagan. Ang pagiging mapanuri sa narinig o nababasa ay nagpapakita lamang ng
masusing pagiisip.
Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ang libelo ay isang
pagpapahayag sa publiko at malisyosong bintang ng isang krimen, tunay o hakahaka, o anumang
pagkilos, pagkulang kalagayan, katayuan o kalagayan na ang hangarin ay siraan o maging sanhi ng
kasiraang- puri o paghamak ng isang tao. Kaya,ang mga element ng libelo ay ang:
1. pagbibintang ng isang kahiya-hiyang gawa o kalagayan sa iba;
2. paglalathala ng mga bintang
3. pagpapakilanlan ng taong dating tanyag na nalaos; at
4. pagkakaroon ng masamang hangarin.
Ang sinumang tao na maglalathala, mag-eeksibit, o magiging sanhi ng mga eksibisyon ng anumang
paninira sa pamamagitan ng sulat o kahalintulad ng ibig sabihin nito ay siyang magiging responsible.
Ang may-akda o editor ng isang libro o pamphlet, mga editor, o may-ari ng isang pang-araw-araw
na pahayagan, magasin, o publikasyon, ay siyang responsible para sa defamations na nakapaloob sa
mga ito. Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay totoo. Ito ay dapat na may kongretong
ebidensiya at may patunay. Ang pagsusuri sa isang narinig o nabasang balita ay dapat na may
batayan. Ang pagiging mapagmatyag at mapanuri sa balita ay tumutulong sa atin para makuha,
malaman, at maunawaan natin ang tamang impormasyon.
1. Ano ang nagsasaad sa batas ang Artikulo 353?
2. Sa pagamit ng facebook, Paano kayo magiging mapanuri at responsible?

4. Paglalahat (Generalization)

Bilang mga bata ano-ano ang inyo nababasa?


Paano kayo nagpapakita ng mapanuri sa babasahin?

5. Paglalapat (Application)
Sa gamit ang parehong pangkat sa pagsasanay Basahin ang balita at pag-usapan sa inyong
grupo ang maging sagot ninyo.

Siga sa Paaralan
Isang malaking siga ang ginawa sa Ipil Elementary School sa pangunguna ng mga magaaral
sa ikalima at ikaanim na baiting. Ito ang kanilang sagot sa kampanya ng paaralan laban sa
paglaganap ng mga babasahin at mga panooring malalaswa. Ang kampanya ay isinagawa sa
pamamagitan ng pagpapadala sa mga klase sa ikaanim at ikalimang baiting ng mga
babasahin na nagtataglay ng malalaswang larawan at lathalain. Ang klaseng nakapagdala ng
pinakamaraming babasahing malaswa ay pinagkalooban ng gantimpalang plake bukod pa sa
parangal na ginanap sa paaralan. Ang kampanya ay tumagal sa loob ng isang buwan. Ang
mga klase sa ikalimang baitang ang nagkamit ng gantimpalang plake, samantalang pinuri rin
ang mga klase sa ikanim na baiting na masigla nilang paglahok sa kampanya.
1. Tungkol saan ang balitang binasa?
2. Ano ang isinagawa sa Ipil Elementary School?
3. Sinu-sino ang nanguna sa gawaing ito?
4. Tama ba ang ginawa ng mga mag-aaral ng Ipil Elementary School?
5. Bilang isang mag-aaral, gagawin din ba ninyo
ang ginawa ng mga mag-aaral sa Ipil Elementary Schoo? Bakit?
IV. Pagtataya
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa balitang
nabasa at (X) kung hindi mo ito nabigyan ng mapanuring pag-iisip. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
____1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang nabasa kong post sa
Facebook.
____2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kalusugan.
____3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
____4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa nababasa ko sa anumang babasahin.
____5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
V. Takdang aralin
Sumulat ng dalawang balita na nababasa o naririnig.
VI. Index of Mastery
ITEM DAHLIA
5x
4x
3x
2x
1x
0x
TOTAL

Prepared by: Checked by:

RACHELLE MAE D. PEDRO CHERYL B. BIDBID


Teacher 1 Master Teacher 1

You might also like