You are on page 1of 11

Banghay-Aralin Sa Edukasyon Sa Pagpapakatao

Unang Markahan

Yunit I Pananagutang Pansarili at Pagiging Mabuting Kasapi ng Pamilya

Ikaapat na Linggo

Aralin 4 Magiging Mapanuri Ako!

Aralin 4: MAGIGING MAPANURI AKO

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkakaroon ng katatagan ng loob, mapanuring pag-iisip, pagkamatiyaga,
pagkamapagtiis pagkabukas-isip pagkamahinahon at pagmamahal sa katotohanan
na magpapalaya sa anumang alalahanin sa buhay ng tao bilang kasapi ng pamilya
CG pahina 55
B. Pamantayan sa Pagganap:Naisasagawa nang may mapanuring pag-iisip ang
tamang pamamaraan/pamantayan sa pagtuklas ng katotohanan CG pahina 55
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:Nakapagninilay-nilay ng katotohanan mula sa mga:
balitang napakinggan at patalastas na nabasa o narinig EsP4PKP-Ieg-25

II. NILALAMAN

ARALIN 4: Magiging Mapanuri Ako!

Batayang Pagpapahalaga: Mapanuring Pag-iisip (Critical Thinking)

KAGAMITANG PANTURO:

A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro : mga pahina14-18
2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang-Mag-aaral: mga pahina 28-37
3. Mga Pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


larawan ng mag-amang nakikinig ng balita sa radyo, larawan ng dart board,
strips ng cartolina, pahayagan, laptop, power point presentation Lakip # 1,Lakip #2 at
Lakip 3

III. PAMAMARAAN

UNANG ARAW

Alamin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin


Pinagtitiisan ni Alex kung ano lamang kagamitan ang mayroon sa bahay. Anong
katangian ang taglay ni Alex?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Isusulat ng guro ang pamagat ng aralin 4 . Hihikayatin ng guro ang mag-aaral na


magtanong tungkol sa nais nilang maunawaan sa aralin. Gamitin ang KWL chart

Know What Learned

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

Tingnan ang pinalaking larawan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Nakikinig rin ba kayo ng balita sa radyo o nagbabasa ng pahayagan?


Bakit kailangan nating makinig ng balita sa radyo at magbasa ng pahayagan?

Basahin ang kuwento. Ang Balita ng Tatay Nato KM, pahina 29


Ang BAlita ni Tatay Nato
Isang umaga, nakikinig ng balita sa radio si Mang Nato.
“Magandang umaga, mga kababayan! Ito na naman po ang RACC Balita,
Nagbabalita Ngayon!”
“Naitala kahapon na dalawampu’t apat na bata na may gulang na walo
hanggang sampu ang nakagat ng aso sa bayan ng Salvacion. Ito ay ayon kay Dr.
Jacob R. Platon ng Veterinary Office.”
“Kung hindi ito maaagapan, maaari itong ikamatay. Pinag-iingat ang mga
mamamayan lalo na ang mga bata.”
“Pinakikiusapan din ang mga may-ari ng aso na maging responsible sa
kanilang mga alagang hayop na pabakunahan ng anti-rabies at itali ang mgaito
upang hindi makadisgrasya.”
Nabahala si Mang Nato sa napakinggang balita sa radio. Kianusap niya ang
kaniyang mga anak. Binigyan niya ang mgaito ng babala tungkol sa rabies na dala
ng kagat ng aso.
“Ano po ang dapat naming gawin kapag nakagat ngaso, Tatay? Tanong ni
Anika sa ama.
“Anak, dapat ay sabihin kaagad sa magulang o sinumang kasama sa bahay
na komunsulta na agad sa doktor para malapatan ng paunang lunas.”
“Salamat po, Tatay Nato,” sabi ni Anika.
D. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang kuwento.

Ano ang natutuhan mo sa kuwentong iyong binasa?

Nagkaroon ka na ba ng pagkakataong hindi ka naniwala sa balitang iyong narinig


sa radyo o nabasa sa pahayagan? Ipaliwanag ang dahilan.

E. Pagtatalakay ng Bagong Konsepto at Paglalahad ng Bagong Kasanayan

F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

Itanong:
Paano mo masasabi na ikaw ay nagiging mapanuri sa mga balitang naririnig mo sa
radyo o nababasa sa pahayagan?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Itanong:
Kung ikaw ang bata sa kuwento, susunod ka ba sa paalala ng iyong tatay ukol sa
balita niyang napakinggan? Pangatuwiranan.

H. Paglalahat ng Aralin
Itanong:
Ano ang nararapat ninyong gawin sa mga balitang inyong naririnig o nababasa sa
pahayagan?

I. Pagtataya ng Aralin
Pasalita

Naranasan mo na ba na tama ang iyong pagkakaintindi sa balitang iyong narinig o


nabasa? Magbigay ng isang halimbawa.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Sumulat ng 3 balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan.

IKALAWANG ARAW

Isagawa Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at /o pagsisimula ng bagong aralin


Bakit mahalagang maging mapanuri sa mga balitang naririnig sa radyo o nababasa
sa pahayagan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ipahayag na ngayong araw na ito ay ating ikakategorya ang mga isinulat ninyong
balita sa inyong takdang-aralin kung ito ay Magandang Balita o Mapanghamong
Balita.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin


D. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Ipagawa Gawain 2 at Gawain 3 sa KM, mga pahina 32-33

Gawain 2

Mini Presscon

1. Dahil alam na ninyo ang mga mapanuring pamamaraan sa pagtuklas ng katotohanan


sa mga balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan, kaya na ninyong
magplano ng isang pagtatanghal o palabas para maipakita ang inyong mga natatanging
kakayahan tungkol sa simpleng pagbabalita.

2. Bumuo ng tatlong pangkat. Pag-aralan ang tsart sa ibaba.

Pangkat Bumubuo sa Pangkat Gawain /Kakayahan


I Mahuhusay sa pagsasalita Kakayahan sa pagbabalita

Isang anchor o tagapagbalita


II Magagaling sa pagsulat Kakayahan sa pagsulat ng
balita
Magsususlat ng simpleng balita
III Magsusuri ng balita Kakayahang magsuri ng
balita
Manonood na magsusuri ng balita at
magtatanong sa magiging epekto nito.

Gawain 3

Pagtatanghal

Ipakita ang inyong napagkasunduang palabas o pagtatanghal .

F. Paglinang sa kabihasaan

1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa pagbabalitang isinagawa sa unahan ng


unang pangkat?

2. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang lakas ng kanilang loob sa


pagtatanghal ? Patunayan.

3. Pansinin naman natin ang ikalawang pangkat na sumulat ng balita. Tama ba at


nasa ayos ang kanilang isinulat na balita? Patunayan.

4. Paano naman nasuri ng ikatlong pangkat bilang manonood na ang kanilang


nasaksihang balita ay may positibo o negatibong epekto sa mga manonood?
Patunayan.

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay


Ipagawa Gawain 1 sa KM, mga pahina 30-31
Gawain 1

Isulat sa mga kahon ang mga balitang iyong napakinggan sa radyo o nabasa
sa pahayagan. Ikategorya ito sa Magandang Balita o Mapanghamong Balita .

( Upang matukoy ang kaibahan ng mga balita, ipaliwanag muna ng guro sa mga
bata ang kahulugan ng magandang balita at mapanghamong balita)TG, pahina 15

Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1.Ano-ano ang mga balitang tumatak sa iyong isipan noong nagdaang araw na
masasabi mong Magandang Balita o Mapanghamong Balita?

2. Paano mo nasabi na ang mga ito ay magandang balita o kaya ay mapanghamong


balita?
(Maaaring bumasa ang guro ng ilang napapanahong balita sa pahayagan .
Kikilalanin ng mga mag-aaral kung magandang balita o mapanghamong balita )

H. Paglalahat ng aralin
Ano ang naipakikita ng pagiging mapanuri sa naririnig o nababasang balita
sa radyo o pahayagan?

I. Pagtataya ng aralin
Pasalita

Kung ang mga balita ay tungkol sa mga negatibong bagay, ang gagawin ko
ay ________________________________ dahil naniniwala ako na ___________

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

IKATLONG ARAW

Isapuso Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin


Lakip # 1
Basahin ang mga sumusunod na balita. Sabihin kung ito ay magandang balita o
mapanghamong balita. (Maaaring palitan ng napapanahong balita)
Mag-ama Nadaganan ng Van: Death Penalty pinatay agad sa
Tatay Patay, Anak Sugatan Senado

10 barangay sa QC, idineklarang Ogie Alcasid ,nagpasaya ng


drug free batang may cancer

Produktong Pinoy, Binigyan ng


Quality Award sa Spain

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

F. Paglinang sa Kabihasaan
Maaaring gumamit ng power point presentation sa pagtalakay nito.

Lakip # 2

 Ang lahat ba ng tao ay may pare-parehong pananaw at opinyon sa balitang


naririnig o nababasa sa pahayagan?
 Ano-ano ang mga naibibigay ng mga balita?
 Ayon sa Artikulo 353 ng Binagong Kodigo Penal ng Pilipinas, ano-ano ang
mga elemento ng libelo ?
 Ano ang kinakailangan upang masuri ang isang narinig o nabasang balita ay
totoo ?
 Anong katangian ang makatutulong sa atin para makuha , malaman at
maunawaan natin ang tamang impormasyon?

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Ipagawa Isapuso Natin KM, pahina 33

Ngayon alam mo na ang pagiging mapanuri sa impormasyong narinig sa


radyo at nabasa sa pahayagan. Narito ang dart board, saang numero mo mailalagay
ang iyong sarili sa pagiging mapanuri? Lagyan ng puso ang napiling numero. Gamitin
ang inihandang larawan ng guro.

1-5 Hindi nasuri nang maayos ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa
pahayagan
6-10 Medyo nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan.

11-15 Nasuri ang mga balita na narinig sa radyo o nabasa sa pahayagan.

16-20 Nasuri nang buong puso at pag-iisip ang mga balita na narinig sa radyo at
nabasa sa pahayagan.

H. Paglalahat ng Aralin
Bigyang diin ang Tandaan Natin sa KM,mga pahina 34-35 Ipabasa nang
may pang-unawa.

I. Pagtataya ng aralin
Lakip # 3
Punan ang patlang ng wastong salita upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
mapanuri opinyon totoo

libelo pag-iisip

1. Bawat tao ay may kaniya-kaniyang pananaw at _________ sa balitang


naririnig sa radyo o nababasa sa pahayagan.
2. Ang pagiging mapanuri sa naririnig o nababasa ay nagpapakita lamang ng
masusing ______________.
3. Ang pagbibigay ng impormasyon sa paraang paninirang puri ay itinuturing na
isang ___________.
4. Hindi lahat ng balitang naririnig o nababasa ay ___________.
5. Ang pagiging mapagmatyag at ____________ sa balita ay tumutulong sa atin
para makuha, malaman at maunawaan natin ang tamang impormasyon.

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Sumulat ng isang karanasan na naging mapanuri ka sa balitang iyong narinig o


nabasa.

IKAAPAT NA ARAW

Isabuhay Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Ano kaya ang maaaring mangyari kung maling impormasyon ang ating naihatid
sa ating kapuwa?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ang layunin ng gawain para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

Pangkatang Gawain

Papangkatin ang klase sa lima. Bawat pangkat ay bibigkasin nang

may lakas, sigla at damdamin ang tula sa ibaba.

Mapanuri Ako

Mapanuri ako sa aking pinakikinggan


Balita man o sabi-sabi lamang
O anumang pinag-uusapan
Dapat kong suriin at pahalagahan

Hindi ikinakalat ang anumang usapan


Na walang patunay o ebidensiya man
Wag nang ihatid sa iba para di-makasuhan
Upang maayos ang tunay na balitaan.

Ang mabuting pagninilay sa katotohanan


Hatid ay saya at di demanda ang patutunguhan
Kaya dapat lamang na mapanuri sa napakinggan
Tamang impormasyon ilabas nang tuluyan

Pagkatao mo'y babantayog sa katotohanan


Kung tamang impormasyon ang iyong ipahayag
Mapanuri ako sa bawat minuto at oras
Dahil iyan ang salamin ng pusong busilak.

H. Paglalahat ng Aralin

Ayon sa tulang inyong binigkas, bakit kinakailangan nating maging mapanuri


sa mga balita o impormasyong ating naririnig o nababasa?

I. Pagtataya ng aralin

Ano ang mabuting dulot sa atin ng mabuting pagninilay sa katotohanan?

J. Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumawa ng repleksyon sa journal tungkol sa kahalagahan ng pagiging


mapanuri sa mga naririnig na balita sa radyo o nababasa sa pahayagan?
IKALIMANG ARAW

Subukin Natin

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at o pagsisimula ng bagong aralin

Pagbabahagi ng karanasan batay sa sagot sa takdang- aralin.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Ilahad ng guro ang layunin para sa araw na ito.

C. Pag-uugnay ng mga Halimbawa sa Bagong Aralin

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

F. Paglinang sa Kabihasaan
(Tungo sa Formative Assessment)

G. Paglalapat ng mga aralin sa pang-araw-araw na buhay

H. Paglalahat ng Aralin

Muling balikan ang mga konseptong natutuhan sa loob ng isang linggo.

I. Pagtataya ng Aralin

Ipagawa ang Subukin Natin sa KM, pahina 37

Lagyan ng tsek (/) ang bilang na tumutugon sa mapanuring pag-iisip batay sa


balitang napakinggan sa radyo o nabasa sa pahayagan at ekis (x) kung hindi mo ito
nabigyan ng mapanuring pag-iisip.
______ 1. Naipaliliwanag ko nang maayos at may kompletong detalye ang balita ukol sa
bagyo.
______ 2. Nababasa ko ang isang balita tungkol sa kabataan sa Pilipinas.
______ 3. Naikokompara ko ang tama at mali sa aking nabasa sa pahayagan.
______ 4. Naiisa-isa ko ang mga tuntunin sa pakikinig ng radyo.
______ 5. Naisasagawa ko ang sunod-sunod na pamantayan sa pagbabasa ng balita.
J. Karagdagang Gawain para sa takdang-aralin at remediation

Bumuo ng pangako tungkol sa pagiging mapanuri sa narinig na balita sa radyo o


nabasa sa pahayagan. Isulat ito sa isang malinis na papel.

Ako, si ______________________ ay nangangako at naniniwalang


mahalagang pag-iisipan kong mabuti at susuriin muna ang balitang aking narinig
o nabasa bago ko ito paniwalaan upang hindi magdulot ng kalituhan. Dahil dito
ay magiging mapagmatyag ako sa katotohanan para sa pagkakaroon ng
maayos na pamayanan. Magiging modelo ako ng tamang pagsusuri ng balita ,
para sa totoo at walang pinapanigan kundi ang katotohanan lamang.

Gabayan nawa ako ng Poon

You might also like