You are on page 1of 8

Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 6

Markahan: Ikaapat Linggo: 3 Araw: 1

I. Layunin

A. Pamantanyang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas


sa pagsasalita at pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin

B. Pamantanyan sa Pagganap Nakasasali sa isang usapan tungkol sa


isyu

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng


pahayagan sa pagkuha ng kailangang
impormasyon F6PS-IVc-1

Naipahahayag ang sariling opinyon o


reaksiyon sa isang napakinggang balita,
isyu o usapan F6PS-IVc-2

II. Nilalaman Pagpapahayag ng sariling opinyon o


reaksiyon sa isang napakinggang balita,
isyu o usapan.

Paggamit ng iba’t ibang bahagi ng


pahayagan sa pagkuha ng kailangang
impormasyon.

III. Mga Kagamitang Panturo

Mga Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro Gabay Pangkurikulum p. 122

2. Mga Pahina sa Kagamitang Pang


Mag- aaral

3. Mga Pahina sa Teksbuk Landas sa Pagbasa 6 p. 56

Landas sa Wika 6 p. 39
4. Iba Pang Kagamitang Panturo ● Sipi ng napapanahong balita sa
pahayagan o kaya ay sa internet
● Manila Paper
● Panulat
● Pahayagan
● Speaker/ Radio

IV. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL

A.Balik-aral sa nakaraang aralin


at/o pagsisimula ng bagong
aralin.

Magandang araw mga bata! Kamusta ang


inyong mga araw? Nanood ba kayo ng Opo Ma’am!
balita kagabi? Ano ano ang balita na
inyong napakinggan o napanood?

(Iparinig ang isang halimbawa ng balita,


pagkatapos tanungin ang mga bata kung
ano ang kanilang napakinggan)

Mga bata ano ang inyong napakinggan?


Ito ay halimbawa ng? Balita!

Tama! Ito ay isang Balita, maari ba


kayong magbigay ng mga salita na
maaring iugnay sa salitang BALITA

Pag sinabing balita, ano ang unang


pumapasok sa inyong isipan? (Ang mga sagot ay maaring magkakaiba
iba.)
Tama! Magagaling. Kadalasan pag
sinabing balita ito ay NAPAPANAHON.
Ibig sabihin ito ay tumutukoy sa mga
isyu sa kasalukuyan o isyu na mayroon.
B.Paghahabi sa layunin ng aralin

Saan maaaring malaman ang isang


balita? Sa tv at radyo po ma’am!

Magaling! Madalas tayong makarinig ng


mga balita at impormasyon sa telebisyon,
radio, pahayagan at maging sa mga taong
ating nakakausap sa araw-araw.

Ano naman ang maaari nating makuha sa


(Ang mga sagot ay maaring magkakaiba
isang balita?
iba.)
Paano mo mapapalawak ang kaalaman
sa paksa ng balitang narinig?

Tama! Lahat ng sagot ninyo ay tama. Sa


balita makakakuha tayo ng bagong mga
kaalaman at nagiging "updated" rin tayo
sa mga bagay na nagaganap sa loob o
labas man ng bansa. Dahil sa mga balita
mas lumalawak at nadagdagan ang ating Opo ma’am!
kaalaman. Naiinitindihan po ba kung ano
balita?
C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa
bagong aralin

Sabihin: Kung napakahalaga at


napapanahon ang balitang narinig,
kailangang makapagbigay ang bawat
tagapakinig ng kanyang reaksiyon o
opinyon ukol dito. Sa ganitong paraan,
mapapalawak ang kanyang kaalaman at
malayang maipa-pahayag ang opinyon.

* Ngayong araw ay makikinig kayo ng


isang balita at ibigay ang inyong opinyon o (Ang mga bata ay patuloy na makikinig.)
reaksiyon hinggil dito.
D.Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan
#1 Pamantayan sa Pakikinig

Ngayon mga bata, may ipaparinig si


Ma'am na isang balita. Ok po ba? Opo ma’am!

(Ipakita o iparinig ang balita o isyu mula


sa youtube, sa radio o i-rekord ito.)

Pagkatapos panoorin ang balita, itanong


sa mga bata ang mga sumusunod na
tanong:
-Mga bata ano ang laman ng balita? Ano (Ang mga sagot ay maaring magkakaiba-
ang COVID 19? iba.)
-Sumasang ayon ba kayo sa inyong (Ang mga sagot ay maaring magkakaiba-
napanood na video? iba.)
E.Pagtatalakay ng bagong konsepto
at paglalahad ng bagong kasanayan
#2

Ngayon naman nais kung ibigay ninyo Opo ma’am.


ang sarili ninyong opinyon tungkol sa
ating napanood na video. Naintindihan po
ba?

Mga Tanong:
-Saan nga ulit tungkol ang balita? Tungkol po sa COVID-19.
-Ano ang naging epekto into sa atin pati
na rin sa ating bansa? (Ang mga sagot ay maaring magkakaiba
-Sa iyong palagay, naapektuhan ba nito iba.)
ang pamumuhay nating mga Pilipino? Sa
paanong paraan?

Mahuhusay! Napakagaganda ng inyong


sagot! Palakpakan ninyo ang inyong mga
sarili!
F.Paglinang sa Kabihasnan (Tungo
sa Formative Assessment)

Para naman sa inyong gawain. Hahatiin


ko ko kayo sa apat na pangkat. Bibigyan
ko ng pahayagan ang bawat pangkat.
Mula dito ay maghahanap ang bawat
pangkat ng isang balita, usapan o isyu
mula sa iba’t ibang bahagi ng pahayagan
at pagkatapos ay iulat sa klase.
Naintindihan po ba ang instruksyon ni
ma'am?

Pangkat 1 – Isports/Palakasan
Pangkat 2 – Pangunahing balita (Ang mga bata ay magsisimula na sa
Pangkat 3 - Balitang Pandaigdig paggawa.)

Tapos na po ba ang lahat ng grupo?

Mahusay! Ngayon naman pumili ng


dalawang miyembro sa inyong grupo para (Presentasyong ng mga ginawa.)
ipresenta ang sagot.

Mahusay! Pakipasa ng mga sagot sa akin.


G.Paglalapat ng aralin sa pang-
araw araw na buhay

Mukhang naiinitindihan niyo


na kung paano ilahad ang
inyong sariling opinyon batay
sa napanood niyong balita.
Ngayon mna may ipapaskil si
Ma'am na gawain at nais
kong ibigay niyo ang sarili
niyong opinyon or reaksyob
ukol dito. Naintindihan po ba?

Pakisulat ng inyong sagot sa isang


malinis na papel.
(Ipapaskil ang balita.)

Ang Pilipinas ay isang bansang


agrikultural kung saan malawak ang ating
mga lupang sakahan subalit
napakamahal ng bigas sa ating bansa at
nagkukulang pa nga sa suplay na
nagreresulta sa pag- aangkat natin (Ang mga bata ay makikinig sa
tone-toneladang bigas sa ibang bansa sa binabasang teksto ng guro.)
Asya upang matustusan ang ating
pangangailangan sa bigas. Bakit
kailangan pa nating mag-angkat sa kabila
ng pagiging bansang agrikultural?

Bibigyan ko kayo ng 10 minuto para


tapusin ang gawain. (Ang mga bata ay magsisimula na sa
paggawa.)
Makalipas ang 10 minuto...

Tapos na po ba ang lahat?

Mahusay! Pakipasa na ng inyong mga


sagot.
H. Paglalahat ng Aralin

Mga bata ano ang inyong naintindihan sa Tungkol sa balita!


ating talakayan ngayon?

Magaling! Ano ang maaaring makuha sa Mga napapnahong impormasyon!


isang balita?

Bilang mag-aaral, paano mo masasabi


na ikaw ay may pakialam sa mga
nangyayari sa iyong paligid o sa bansa?
(Ang mga sagot ay maaring magkakaiba
iba.)
I. Pagtataya ng Aralin

Pakinggan nang mabuti ang balitang


babasahin ng guro. Ibigay ang iyong
sariling opinyon o reaksiyon na
nagpapahayag ng iyong damdamin o
saloobin tungkol dito.

Ikaapat ng madaling-araw. Kagigising pa


lamang ni Tatang Dencio at nagkakape.
Binuksan niya ang radio habang siya ay
nagkakape.
“Magandang umaga po sa inyong lahat.
Narito ang ulat tungkol sa mga
pangunahing balita sa araw na ito. (Ang mga bata ay makikinig sa tekstong
Pinapurihan si G. Emilio Advincula, isang binabasa ng guro.)
drayber ng taksi, dahil sa ipinamalas
niyang katapatan. Ang foreigner na
naisakay niya sa nakaiwan ng isang
attaché case na naglalaman ng mga
dolyares, tsekeng nagkakahalaga ng
dalawang milyong piso, mga alahas at
mahahalagang papeles. Walang kaawas-
bawas ang laman ng isinauli
ni G. Advincula ang attaché case sa
tinutuluyang hotel ng turista. Binigyan
siya ng pabuya dahil sa kaniyang
ginawa.”

-Ano ang masasabi niyo sa aking


binasang balita?
-Anong ang naging reaksyon ninyo sa (Ang mga sagot ay maaring magkakaiba
ginawa ng drayber? iba.)
-Kung kayo ang drayber, gagawin niyo din
ba ang ginawa ni G. Emilio Advincula?

Mahusay! Naunawan niyo nga ng mabuti


ang ating talakayan ngayong araw. Bago
natin tapusin ang ating talakayan, gusto
kong sabihin na bawat opinyon ninyo ay
mahalaga! Kaya wag mahihiya na ilahad
ang opinyon ng bawat isa. Magkaroon rin
tayo ng respeto sapagkat ang ating
opinyon sa isang bagay ay magkakaiba
iba. Mahalagang matuto tayong
irespeto ang opinyon ng bawat isa.
Naintindihan po ba?
Opo ma’am!
J.Takdang-aralin/ Karagdagang
Gawain
Para sa inyong takdang aralin makinig o
manood ng balita sa radio o sa
telebisyon.

Isulat ang headline ng balita at inyong


sariling opinyon o reaksyon ukol rito sa
isang malinis na papel na hindi lalagpas Opo ma’am!
sa tatlong talaga. Ok po ba?

Magaling! Tumayo na ang lahat para sa


pagtatapos na panalangin.

Magaling mga bata! At diyan


nagtatapos ang ating talakayan! Goodbye Ma’am!
Rubriks sa Pangkatang Gawain

5 3 1

Nilalaman Nailahad nang buong Nailahad halos buo May kakulangan sa


husay ang ang hinihinging hinihinging
hinihinging impormasyon impormasyon
impormasyon
Presentasyon Buong husay Naiulat at nailahad Hindi gaanong nailahad
malikhaing naiulat at ang opinyon o nang mabuti ang
nailahad ang opinyon o reaksiyon sa klase opinyon/reaksiyon
reaksiyon sa klase
Kooperasyon Naipamalas ng buong Naipamalas ng halos Naipamalas ang
miyembro ang pagkakaisa lahat ng miyembro ang pagkakaisa ng ilang
sa paggawa ng pagkakaisa miyembro sa
pangkatang gawain pagsagawa ng
pangkatang gawain
Takda ng Oras Natapos ang gawain Natapos ang gawain Hindi natapos ang
nang buong husay sa nang buong husay gawain sa itinakdang
itinakdang oras ngunit lumagpas sa oras
itinakdang oras

Rubrik sa Pagtataya

5 4 3 2 1 Puntos

NILALAMAN

• Pagsunod sa uri at anyong hinihingi

• Lawak at lalim ng pagtalakay

BALARILA

• wastong gamit ng wika

• sapat na paggamit ng salita

Inihanda ni:
Mary Camille Yda C. Base
(BEED 3A)

Iwinasto ni:
CHRISTIAN R. TINO
Part-Time Instructor

You might also like