You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Filipino 6
Ikaapat na Markahan –
Modyul 3 Pagpapahayag ng
Sariling Opinyon o Reaksyon sa
isang Napakinggang Balita,
Isyu o Usapan
MELC: Naipapahayag ang sariling opinyon o
reaksyon sa napakinggang balita, isyu o usapan
(F6PS-IVc-1)

Inihanda nina:

REMEDIOS P. BAYUDAN
Guro III
ELISABETH R. AGUINALDO
Guro I
Paaralang Elementarya ng Elizabeth
Tuklasin

Magandang
Pag-usapan araw
natin ang sa iyo!pinakikinggan ng bata sa
balitang
Sa modyul
larawan. Maaari na itosa
mong isulat ikaw ay kwadernong
iyong inaasahang sagutan ang iyong
makapagpapahayag ng sariling opinyon o reaksyon sa
mga sagot.
napakinggang balita, isyu o usapan.

4
Ano ang saloobin mo sa nilalaman ng balita? Magaling! Ang
tawag sa iyong
pahayag ay opinyon.

Ano ang Opinyon?


Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin sa isang
napakinggang balita, isyu o usapan.

Ano ang damdamin mo pagkatapos mapakinggan o basahin ang


balita?
Mahusay! Ang tawag naman sa pahayag mo ay reaksyon.

Ano ang Reaksyon?


Ang reaksyon ay isang damdaming nagpapakita ng pagsang-
ayon, pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o
usapan.

Ang pagbibigay ng reaksyon ay isang mabuting kasanayan dahil


naipahahayag natin ang ating mga saloobing, opinyon o pananaw
tungkol sa mga kaisipang inilahad.
Sikapin lamang na maging magalang upang maiwasan ang
masakit na damdamin ng ating kapwa.

May mga pahayag na ginagamit sapagbibigay ng opinyon o


reaksyon:
● Sa palagay ko…………
● Sa aking opinyon………………..
● Sa aking pananaw …………….
● Sa tingin ko ………………….
● Sa ganang akin ……………..
● Para sa akin …………………
● Kung ako ang tatanungin ……………
● Naniniwala ako …………………………..

5
Nakasunod ka ba? Magaling!

Suriin
Sa bahaging ito ay pag-uusapan naman natin ang isang isyu
tungkol sa pabago-bagong klima ng ating bansa. (Babasahin ito ng
guro o nanay/tatay) Makinig mabuti pagkatapos ay ibigay mo ang
iyong reaksyon o opinyon tungkol sa ilang pahayag mula rito.

Klima sa Bansa, Hindi na


Tama
(Alab, Filipino 5, pahina 6)

Init-lamig, lamig-init.
Ulan sa tag-araw at init sa tag-ulan.
Lubhang Malaki na ang ipinagbago ng klima sa ating bansa
simula ng pumasok ang ika-20 siglo.
Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng tinatawag
na “Climate change” at “Global Warming”, kung saan hindi lamang
ang ating bansa ang naaapektuhan kundi maging ang iba pang
bahagi ng mundo.
Malaking hamon ang hinaharap ngayon ng lahat ng ahensya
ng pamahalaan upang makahanap ng solusyon para malabanan ang
hindi tama o pabago-bagong klima na nakakaapekto sa bansa.

Gawain 1. Kumpletuhin ang mga sumusunod na pahayag at isulat


ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
1. Pabago-bagong klima sa ika-20 siglo
Opinyon:
Reaksyon:

6
2. Climate change o Global Warming
Opinyon:
Reaksyon:

3. Paghahanap ng solusyon ng gobyerno para malabanan ang


problem.
Opinyon:
Reaksyon:

Mahusay! Nagawa mo agad ang ating unang Gawain.

Pagyamanin

Narito ang iba pang halimbawa ng opinyon o reaksyon sa


mga isyu.
Isyu: Paghinto sa pag-aaral ng maraming estudyante dahil sa
pandemya.
Opinyon: Para sa akin, hindi dapat na huminto sa pag-aaral nang
dahil sa pandemya sapagkat napakaraming paraan para
matuloy ang edukasyon sa mga tahanan gaya ng paggamit
ng modyul, telebisyon, online classes at iba pa.
Reaksyon: Nakalulungkot isipin na maraming mag-aaral ang mahinto
sa pag-aaral dahil sa pandemya.

Isyu: Maraming estudyante ang napapabayaan ang pag-aaral dahil sa


pagkahilig sa paglalaro ng mobile games.
Opinyon: Naniniwala ako na dapat mas bigyan ng pansin ang pag-
aaral dahil ito ang susi sa pagkakaroon ng magandang
buhay. Maaaring maglaro kapag nagawa na ang mga
gawaing pampaaralan.
Reaksyon: Nakalulungkot isipin na maraming kabataan ang

7
nagpapabaya sap ag-aaral. Nagpapakahirap
maghanapbuhay ang ating mga magulang para tayo ay
mapag-aral lamang.

Basahin ang usapan ng magkakaibigan pagkatapos ay sagutin


ang sumusunod na mga tanong.

Pagputol ng Puno
Martes ng umaga nang biglang nagkita-kita ang
magkakaibigan sa silid-aklatan ng paaralan.
Jhony: Oh, tamang-tama nandito rin kayo. Tulungan naman ninyo
ako sa aking takdang-aralin sa Araling Panlipunan.
Jenny: Naku! Ako rin. May kailangang saliksikin para maipasa ko
na ang proyekto ko kay Gng. Abad.
Julia: Tungkol saan ba ang inyong gawain?
Jhony: Doon sa isyu ng pagpuputol ng puno sa kagubatan. Balita
ko pinapatigil na ni Kapitan iyon dahil ito daw ang dahilan ng madalas
na pagbaha sa bayan.
Jenny: Sakto! Yan din ang paksa ng aking pananaliksik.
Pinagagawa kami ng reaksyon kung sang-ayon ba kami o
hindi tungkol sa napabalitang pagsasara nga nito.
Nawalan na nga daw ng sumisipsip sa tubig-baha kaya
marami ang humihiling na ipasara na ito.
Julia: Hala, isa si Tatay Jose sa mga nagtatrabaho doon. Kung
pinapatigil na ang pagpuputol ng puno, paano na kami?
Iyon pa naman ang pinagkukunan namin ng kabuhayan.
Jhony: Oo nga. Pati anag pamilya ng pinsan kong si Nath ay iyon
din ang pangunahing kabuhayan. Napansin ko nga na
hindi na sila hirap sa pagtustos sa kanilang gastusin sa
pag-aaral at pagkain sa araw-araw simula ng magtrabaho
si Tiyo Joaquin doon.
Jenny: Marami nga talagang maaapektuhan kapag nagsara ito
pero paano naman ang iba na nasasalanta ng baha?

8
Umiinit na rin ang paligid natin dahil nawawala na ang
mga puno. Nawawalan na rin ng matitirahan ang mga
hayop dahil nasisira na ang kagubatan.
Jhony: Hindi ba’t dahil sa pagpuputol ng mga puno, nakagagawa
tayo ng bahay, kasangkapan, pati na rin mga lapis at
papel na ginagamit natin sa pag-aaral ay gawa sa puno.
Kung hihinto ito, paano na magagawa ang mga ito?
Jenny: Malaking usapin nga ang pagpapatigil nito. May mga pabor
at hindi pabor. Kahit anong maging desisyon, mayroong
maaapektuhan.
Julia: Mabuti pa ay magsaliksik muna tayo ng mga alternatibong
solusyon tungkol sa mga katanungan natin.

Gawain 2. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Saan nagkita-kita ang magkakaibigan?
2. Ano ang kanilang pinag-uusapan?
3. Sino ang nagpapatigil ng pagputol ng mga puno?
4. Paano nakaapekto ng masama at mabuti ang pagputol
ng mga puno sa mga mamamayan?
5. Kung ikaw si Jenny, paano mo sosolusyunan ang
problema sa pagputol ng puno?
6. Batay sa nabasang usapan, ano ang iyong opinyon o
reaksyon tungkol sa usapan ng magkakaibigan? Sang-
ayon ka ba sa pagpapatigil ng mga puno o hindi?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Isaisip
Ang bawat isa ay may kanya-kanyang opinyon o reaksyon sa mga
bagay-bagay.
Igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan ang hindi
pagkakaunawaan.

9
Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon:
1. Unawain Mabuti ang balita, isyu o usapan
2. Suriin ang dalawang panig
3. Maging magalang sa pagpapahayag ng iyong opinyon o
reaksyon.

Ang pagbibigay ng opinyon at reaksyon sa mga nangyayari sa ating


lipunan ay bahagi na ng pang-araw-araw nating buhay.
Ngunit tandaan lamang na dapat magkaroon ng sapat na kaalaman sa
paksa upang makapagbigay ng opinyon o reaksyon.

Isagawa
Gawain 3.
Panuto: Kumpletuhin ang pangungusap. Ibigay ang sariling opinyon o
reaksyon sa mga sumusunod na balita, isyu at usapan.

1. Opinyon:
Daluyong binabala
Malawakang pinsala sa Bagyong Rolly,

Nagbabadya
_

_
Kuha sa google.com

2. Pagpapatuloy ng Edukasyon sa Panahon ng Pandemya


Opinyon:

3. Pagbubukas ng ibang pasyalan sa mga lugar na mababa ang

1
bilang ng positibo sa COVID -19.
Opinyon:

4. Paglabas ng mga bata sa mga lansangan kahit na may COVID-19.


Opinyon:

5. Basahin ang usapan ng mag-ina kaugnay sa balitang napanood


tungkol sa Frontliners.
Anak: Inay, nakakaawa naman po pala ang mga doktor at nars
ngayon sa mga ospital na gumagamot ng mga pasyenteng may
COVID-19.
Ina: Oo anak, tinitiis nila ang init ng suot nilang PPE, gutom,
antok, pagod at pagkawalay sa pamilya para sa kanilang
sinumpaang tungkulin.
Anak: Bayani po pala talaga silang maituturing, Nanay dahil sa
kanilang ginagawa.
Reaksyon:

Tayahin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Sariling palagay, pananaw, o saloobing sa isang napakinggang


balita, isyu o usapan.
a. Opinyon b. reaksyon c. hinuha
2. Damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon, pagsalungat,
pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.
a. Opinyon b. reaksyon c. hinuha
3. Ang pagbibigay reaksyon ay isang kasanayan dahil
napahahalagahan natin ang ating mga saloobin, opinyon o
pananaw.

1
a. Masamang b. mabuting c. kakayahang
4. Dapat maging sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan.
a. Prangka b. tahas c. magalang
5. Dapat magkaroon ng sa paksa upang makapagbigay ng
opinyon o reaksyon.
a. Sapat na talion b. sapat na kaalaman c. sapat na lakas

Karagdagang Gawain
Makinig ng balita sa radio, telebisyon o internet sa mga napapanahong
balita, isyu o usapin sa inyong pamayanan.
Pumili lamang ng isa. Ibuod ang balita, isyu o usapin na iyong napili
at isulat ang iyong opinyon o reaksyon tungkol dito. Gawin ito sa malinis na
papel.

Gamitin ang rubriks sa pagsulat ng iyong opinyon o reaksyon.


Pamantayan 5 4 3 2 1
1. May lawak at lalim ng pagtalakay
2. Malinaw ang pagpapahayag ng opinyon
3. Wastong pagsulat ng talata gamit ang tamang
bantas, Malaki at maliit na titik
4. Magkakaugnay ang pagtalakay sa paksa
5. Sumusunod sa tiyak na panutong ibinigay ng guro
kaugnay ng gawain

You might also like