You are on page 1of 23

FILIPINO 5

Naipapahayag ang sariling opinion o


reaksyon sa isang napakinggang balita, isyu
o usapan.
F5PS-Ia-j-1
BALIKAN NATIN!

Bakit mahalaga ang ating


karanasan?
Gamitin ang iyong karanasan at ibahagi kung ano ang dapat
gawin sa sumusunod na mga sitwasyon.

1. Nagtanong ang iyong guro at tinawag niya ang iyong pangalan ngunit
nahihirapan kang sagutin ang tanong.
2. Nagbilin ang iyong guro na magkakaroon kayo nga maikling
pagsusulit bukas.
3. Napansin mong walang suot na face mask ang iyong kaklase.
4. Nasalubong mo ang iyong dating guro at marami itong bitbit na libro.
5. Napansin mong may sakit ang iyong ina at kailangan pa nitong
tapusin ang mga gawaing bahay.
Ipakita ang reaksyon ng inyong mukha sa sumusunod na mga
larawan.
Pakinggan mo ang balita

Patuloy parin ang pagkakaroon ng kaso ng


COVID 19 ngunit sa kabila nito marami parin
ang hindi sumusunod sa mga panuntunang
pangkalusugan na ipinatutupad ng
Department of Health
Ano ang masasabi mo tungkol sa balita?

Ang tawag sa iyong pahayag ay Opinyon.

Ito ay ating sariling palagay pananaw o


saloobin sa napakinggang balita, isyu o
usapan.
 
Ano naman ang iyong naradaman matapos
mo marinig ang balita?
Ang tawag naman sa iyong sinabi ay
reaksyon.
Ang reaksyon ay damdaming nagpapakita
ng pagsangayon o pagsalungat sa balita
isyu o usapan.
Mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
opinyon o reaksyon
a. sa aking opinyon…
b. sa palagay ko…
c. sa aking pananaw…
d. sa tingin ko…
e. para sa akin…
f. kung ako ang tatanungin…
g. naniniwala ako..
Pakinggan ang isyu tungkol sa pabago bagong klima sa
ating bansa.
Kumpetuhin ang pahayag at isulat ang iyong sagot.

1. Pabago bagong klima sa ika 20 siglo.

Opinion _______________
Reaksyon:_____________
 
2. Paghahanap ng solusyon ng gobyerno upang masolusyunan
ang problema.

Opinion _______________
Reaksyon:_____________
Basahin ang usapan ng magkakaibigan.
“Pagputol ng Puno”

Martes ng umaga nagkita kita ang magkakaibigan sa silid aklatan ng paaralan.


Warren: tamang tama andito din kayo tulungan naman Ninyo ako sa aking takdang
aralin sa araling panlipunan

Ana: naku! Ako rin! May kailangan akong saliksikin upang maipasa ko ang
proyekto ko kay Gng. Villanueva.

Estella: Tungkol saan ba ang inyong gagawin

Warren: tungkol ito sa pagpuputol ng puno sa kagubatan. Balita ko ipinatitigil na


ito ni kapitan dahil ito ang sanhi ng pagbasa sa bayan.
 
Ana: sakto yan din ang paksa ng saliksik ko. Pinapagawa kami ng reaksyon kung
sangayon ba kami o hind isa pagpapasara nito. Wala nan ga daw sumusipsip sa tubig
baha kaya marami ang humihiling na ipasara na nga ito.

Estella: hala! Isa pa naman si tatay Ariel sa nagtatrabaho doon. Kung ipapasara na
ang pagpuputol ng puno paano na kami. Doon pa naman kami kumukuha ng aming
kabuhayan.

Ana: malaking usapin nga ito may pabor at may hindi. Kahit ano pa man ang
mangyayari ay may maapektuhan padin.

Warren: Mabuti pa at magsaliksik tayo ng alternatibong solusyon sa problemang ito


Sagutin ang mga tanong

Saan nagkita kita ang magkakaibigan?


Ano ang kanilang pinaguusapan?
Sino ang nagpapatigil ng pagpuputol ng puno?
Ano ang masama at mabuting epekto ng pagpuputol ng puno.
Sang ayon kaba o hind isa pagpuputol ng puno? Isulat ang iyong
opinyon.
TANDAAN
Ang bawat isa ay may kanya kanyang opinyon o
reakyon. Igalang ang opinyon ng iba upang maiwasan
ang di pagkakaunawaan.
Sa pagbibigay ng opinyon o reaksyon dapat unawaing
Mabuti ang balita, isyu o usapan at dapat maging
magalang sa pagpapahayag ng mga ito.
MGA HALIMBAWA
Kumpletuhin ang ang pangungusap. Ibigay ang iyong sariling
opinyon o reaksyon sa balita isyu o usapan.

1. Malawakang pinsala dulot ng Bagyong Rolly nagbabadya.


Ano ang iyong opinyon?
_______________________________________________________________
 

2. Pagpapatuloy ng edukasyon sa panahon ng pandemya.


Ano ang iyong opinyon?
_______________________________________________________________
 
 
3. Pagbubukas muli ng mga pasyalan at palaruan.
Ano ang iyong opinyon?
_______________________________________________________________
4. Paglabas ng mga bata kahit na may kaso parin ng COVID 19.
Ano ang iyong opinyon?__________________________________________
 
 
5. Basahin ang usapan ng mag-ina.
ANAK: inay anghirap po pla ng trabaho ng ating mg frontliners gaya ng doctor at
nars.
 
INA: Oo anak, tinitiis nila ang init sa katawan ng kanilang PPE pati narin ang
pagkwalay nila sa knilang pamilya.
 
ANAK: Maituturing po pala silang bayani ng ating bayan!
 
Ano ang iyong reaksyon?_____________________________________

You might also like