You are on page 1of 14

Pagsasabi ng Sariling Ideya at

Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o


Reaksiyon
Quarter 3 | Week 2
Isyu: Dahil sa ilegal na pagpuputol ng mga puno sa kagubatan, lalong lumala ang pagbaha at
pagguho ng lupa. Hindi nila alintana ang pinsalang naidudulot nito sa pamayanan. Kahit na
may babala pa ang pamahalaan ay hindi pa rin matigil ang ilegal na gawain ng iba.
Ano ang saloobin mo sa nilalaman ng isyu o
balita?

Ano ang damdamin mo sa nilalaman ng isyu o


balita?
Ano ang OPINYON?
Ang opinyon ay sariling palagay, pananaw o saloobin tungkol sa isang
balita, isyu o usapan.

Ano ang REAKSIYON?


Ang reaksiyon ay damdaming nagpapakita ng pagsang-ayon,
pagsalungat, pagkatuwa o pagkadismaya sa mga balita, isyu o usapan.
Mga Pahayag na Ginagamit sa Pagbibigay ng Opinyon o Reaksiyon

1. Sa palagay ko - Sa palagay ko ay hindi ako makakapasa sa pagsusulit dahil hindi ako nakapag-aral kagabi.

2. Sa aking opinion - Sa aking opinyon ay walang karapatang magputol ng puno ang mga tao.

3. Sa aking pananaw - Sa aking pananaw, marami ng mga bata ang hindi nakapapasok sa paaralan dahil sa hirap ng
buhay.

4. Sa tingin ko - Sa tingin ko, mas mura ang bilihin sa palengke kaysa sa supermarket.

5. Sa ganang akin - Sa ganang akin, dapat manatili ang presidente sa kaniyang posisyon.

6. Para sa akin - Para sa akin, ang dapat na nanalo sa Binibining Pilipinas ay ang taga-Laguna.

7. Kung ako ang tatanungin - Kung ako ang tatanungin, mas masipag si Rhoda kaysa kay Lina.

8. Naniniwala akong - Naniniwala akong kaya nating magawa ang ating assignment kung magtutulong-tulong
tayong lahat.
Tukuyin kung ang sumusunod na isyu ay opinyon o reaksiyon. Isulat ang sagot sa iyong
kuwaderno.

Kung ako ang tatanungin, hindi dapat tumigil sa pag-aaral ang


mga mag-aaral kahit na may pandemya
Nakalulungkot isipin ang nangyayari sa ating
mundo ngayon.
Sinasang-ayunan ko ang iyong mungkahi, na ang
iboto natin sa susunod na halalan ay si Mang
Berting.
Para sa akin, ikaw ang pinakamaganda noong gabi
ng parangal.
Hindi ko nagustuhan ang mga balita sa radyo
kaninang umaga.
Ibigay ang opinyon o reaksiyon sa sumusunod na mga isyu.

Isyu 1: Maraming mga bagyo ang dumating sa ating bansa.

Isyu 2: Pagkakasakit ng maraming tao ngayon dahil sa pandemya.

Isyu 3: Paggamit ng mask at face shield sa panahon ng pandemya.

Isyu 4: Pagtatapon ng basura sa hindi tamang lugar.


Ano ang iyong gagawin kung ang iyong opinyon o
reaksyon ay hindi katulad ng sa ibang tao?
PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang isyu at ibigay ang iyong reaksyon /
opinion.

Pagpasok ng mga mag-aaral sa panahon ng


pandemya.

You might also like