You are on page 1of 16

8

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng mga Hudyat
sa Pagsang-ayon at Pagsalungat
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo

1|Pahina
FILIPINO – Ikawalong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Paggamit ng mga Hudyat sa Pagsang-ayon at Pagsalungat
Ikalawang Markahan - Ikatlong Linggo
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kagamitang Pampagkatuto

Manunulat: Mary Grace Joaquin Andalis


Editor: Ritz A. Catacutan
Tagasuri: Jocelyn M. Elico at Rhaian Corpuz
Tagaguhit at Taga-anyo: Jonathan A. Paranada
Tagalapat: Janmar A. Molina at Albin Lee A. Arabe
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Paggamit ng mga Hudyat
sa Pagsang-ayon
at Pagsalungat

Panimula

Bahagi ng araw-araw na pakikipag-ugnayan ng tao ang pagsang-ayon


o pagsalungat sa paksang pinag-uusapan. Hindi lahat ng mga detalye o
mensahe ng pahayag ng kausap ay sinasang-ayunan o tinututulan. Isang
paraan ang pagsang-ayon at pagsalungat upang maging kapaki-pakinabang
at may kahulugan ang pakikilahok sa anumang usapan o pagbibigay ng mga
palagay, opinyon, ideya o kaisipan.

Isa ang balagtasan sa uri ng patulang pagtatalo tungkol sa isang


paksa. Karaniwan itong ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. Ang mga makata
o mambibigkas na nagsisiganap ay nagtatagisan ng mga katuwiran sa
matulain at masining na pamamaraan. Handa ka na ba sa mundo ng
balagtasan?

Kasanayang Pampagkatuto

Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


paghahayag ng opinyon. (F8WG-IIc-d-25)

1|Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang


Pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang angkop na mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat


upang mabuo ang pangungusap;
2. nasusuri sa pangungusap ang mga hudyat na ginamit sa pagsang-ayon
at pagsalungat; at
3. nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon.

Balik Aral

Naaalala mo pa ba ang tungkol sa balagtasan? Dito naipakikita ang


tagisan ng talino sa pagbibigay ng sariling opinyon at katuwiran tungkol sa
paksa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng matalinong argumento na may
kaakibat na pagpapatunay sa panig ng paksang ipinaglalaban. Iyo na bang
naaalala? Kung oo, mahusay at kung hindi naman hayaan mong ipaalala sa
iyo sa tulong ng mga sumusunod na gawain.

Bumuo ng mga makabuluhang tanong hinggil sa napapanahong isyu


o paksa sa kasalukuyan na maaaring pagtalunan o gawing paksa ng
balagtasan. Itala ang iyong sagot sa sagutang papel. Ginawa na ang unang
puwang para sa iyo.

Tema Isyu/Paksang Maaaring Pagtalunan

Dapat Ba o Hindi Dapat Manligaw ang mga


Pag-ibig
Kababaihan?

Edukasyon

Covid-19

2|Pahina
Tiktok

Mobile Legends

Kalikasan

Pilipinas

ABS-CBN

Pagtalakay sa Paksa

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Paghahayag ng Opinyon


Ang paghahayag ng opinyon o saloobin sa isang partikular na paksa o
isyu ay matatagpuan sa pahayagan, radyo, telebisyon, internet at sa iba’t-
ibang uri ng usapan gaya sa mga umpukan ng mga kasambahay, drayber,
empleyado at iba pa. Hindi maiaalis na may kani-kaniyang pagbibigay ng
opinyon sa maiinit na isyung pinag-uusapan na hindi maiiwasang ang iba ay
maaaring sumasang-ayon sa pananaw samantalang mayroon din namang
sumasalungat at tumututol.

Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating igalang o


irespeto, ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging magalang at
malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang maiwasan ang
makapanakit ng damdamin. Makatutulong nang malaki kung palalawakin
ang iyong konsepto hinggil sa mga hudyat na ginagamit sa pagsalungat at
pagsang-ayon sa paghahayag ng opinyon nang sa gayon ay maging tama o
wasto ang mga pahayag na ibabahagi.

Pagtuunan mo ng pansin ang dayalogo ng mga mag-aaral tungkol sa


ilang pahayag sa balagtasan.

Gabby: Naniniwala akong talino ang mas mahalaga dahil kailanman ay


hindi ito mawawala.

Neneth: Sang-ayon ako sa iyong sinabi. Kapag may dunong ka,


makakamit mo ang tagumpay.

3|Pahina
Cesar: Iginagalang ko ang inyong opinyon ngunit hindi mo ito maaaring
gamitin sa lahat ng pagkakataon. Madalas, walang nagagawa
ang talino ng isang tao lalo na kapag kumakalam ang sikmura.
Hindi maaaring pambayad ang talino. Kaya sa aking palagay,
mas mahalaga talaga ang yaman.

Gabby: Hindi totoo ang iyong sinasabi at lubos akong sumasalungat


sapagkat ang salapi ay may hangganan. Hindi sa lahat ng
panahon ay mayroon kang yaman. Nauubos din yan.

Neneth: Magkatulad tayo sa paniniwala. Ang tao kapag matalino ay


maaaring umasenso.

Gabby: Tunay ang sinabi mo.

Pagsasanay: Balikan at suriin ang pahayag ng mga mag-aaral.


Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng pagsang-ayon?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Alin naman sa mga ito ang nagpapahayag ng pagsalungat?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Paano mo malalamang sumasang-ayon o sumasalungat ang isang tao?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Upang lubos mong maunawaan ang aralin, narito ang ilang mga
halimbawa ng hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa
paghahayag ng opinyon.

4|Pahina
1. Pahayag sa Pagsang-ayon

Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o


pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang
ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya
ng:

A. Ganap na pagsang-ayon

➢ Bilib ako sa iyong sinabi na…


➢ Ganoon nga.
➢ Sang-ayon ako.
➢ Kaisa mo ako sa bahaging iyan.
➢ Maaasahan mo ako riyan.
➢ Iyan din ang palagay ko.
➢ Iyan ang nararapat.
➢ Lubos akong nananalig.
➢ Magkatulad tayo sa paniniwala.

B. Pagsang-ayon na may pasubali

➢ Iginagalang ko ang iyong opinyon ngunit….


➢ Sumasang-ayon ako sa iyong punto pero….
➢ Maaaring tama ka bagaman…
➢ Sumasang-ayon ako pero…
➢ Sumasang-ayon ako sa iyo subalit….

2. Pahayag sa Pagsalungat

Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas,


pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na
pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito. Sa pagsalungat nang
lubusan ginagamit ang sumusunod:

A. Ganap na pagsalungat

➢ Ayaw ko ang pahayag na…


➢ Hindi ako naniniwala riyan…
➢ Maling-mali yata ang iyong paniniwala.
➢ Hindi ako sang-ayon dahil…
➢ Hindi ko matatanggap ang iyong sinabi…

5|Pahina
➢ Hindi tayo magkasundo…
➢ Hindi mo ako mahihikayat sa…
➢ Hindi totoo ang iyong sinabi at lubos akong sumasalungat sa…

B. Pagsalungat na may paggalang

➢ Sumasalungat ako sa iyong sinabi pero…


➢ Sa anggulong iyon masasabi kong may punto ka pero…
➢ Hindi ako sumasang-ayon pero…
➢ Maaaring may punto ka ngunit….

Mga Dapat Tandaan sa Pagpapahayag na Pagsalungat at Pagsang-ayon

• Alamin ang mga pananalitang gagamitin.


• Pag-aralan o pag-isipang mabuti ang sitwasyon at siguraduhing may
malawak na kaalaman sa paksa.
• Iwasang gumawa ng desisyong hindi pinag-iisipan at maaaring dala
ng desisyong itinutulak lamang ng nakararami.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

A. Piliin ang angkop na mga salitang sumasang-ayon o sumasalungat


upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. (Ayaw, Hindi) kong pakinggan ang mga sasabihin niya.
2. (Wala, Huwag) kang sasabihin kundi ang totoong nangyari lang.
3. (Lubos akong, Tama) lamang na sundin mo ang utos ng iyong magulang.
4. (Wala, Oo) tinatanggap ko nang maluwag sa aking kalooban ang
nangyari.
5. (Hindi, Tama) ko matatanggap ang mga paliwanag mo.

6|Pahina
B. Tukuyin ang mga hudyat na ginamit sa pangungusap. Isulat ito sa
sagutang papel.

1. Lubos akong sumasang-ayon sa mga panuntunan ng ating paaralan.


2. Iginagalang ko ang iyong opinyon ngunit hindi mo pa rin ako
mahihikayat sa inyong adhikain.
3. Maaaring tama ka subalit iba-iba ang pananaw ng bawat isa.
4. Kung ako ang iyong tatanungin, naniniwala ako na mas makabubuti pa
rin sa bata ang pangaral ng mga magulang.
5. Naiintindihan ko ang iyong panig subalit taliwas iyan sa aking
inaasahan.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
KAYANG-KAYA MO ‘YAN!

Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang PA


kung ito’y nagpapahayag ng pagsang-ayon at PS kung pagsalungat.

____ 1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa
mundo.
____ 2. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
____ 3. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
Huwag natin silang tularan.
____ 4. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda
ang buhay ngayon kaysa noon.
_____ 5. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang
pahayag na iyan.
_____ 6. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa
mundo.
_____ 7. Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa
bansa.
_____ 8. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng
kasiraan sa ating pag-uugali at kultura.
_____ 9. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang
paraan.
_____ 10. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi
magdudulot ng kabutihan sa nakararami.

7|Pahina
Pang-isahang Pagsasanay
Pangatuwiranan nang maayos at mabisa ang ibinigay na iba’t ibang
sitwasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat sa paghahayag ng opinyon. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Sitwasyon Blg. 1

Isa sa nawalan ng trabaho ang tatay ni Gabriel. Nahirapan din siyang


makakuha ng trabaho sa kanilang lugar kaya naisipan niyang mangibang
bansa upang patuloy pa ring masuportahan ang pangangailangan ng
pamilya. Ngunit walang ibang puwedeng mag-alaga sa kanilang
magkakapatid sapagkat sila ay ulila na sa ina. Dapat pa bang ituloy ng
kaniyang ama na mangibang bansa?

Sitwasyon Blg. 2

Mula pagkabata nais na ni Jose na maging isang doktor. Ngunit ang


ibig ng kaniyang mga magulang ay maging isa siyang abogado. Hindi niya
masabi sa kaniyang mga magulang ang kinahaharap niyang sitwasyon dahil
baka hindi na siya pag-aralin pa sa kolehiyo. Ano ang maipapayo mo sa
kaniya?

Sitwasyon Blg. 3

Sanggol pa lamang si Nena nang ipagkasundo na siya sa anak ng


kumare ng kaniyang ina o ang tinatawag na fixed marriage. Lingid sa
kaalaman ng lahat ay may tunay na siyang iniibig at nakaplano na ang lahat.
Kapag hindi siya sumunod sa kaniyang mga magulang ay itatakwil siya ng
mga ito. Ano ang nararapat na gawin ni Nena?

8|Pahina
Pagsusulit

Suriin ang larawang nasa ibaba. Sumulat ng isang paglalahad na


pinamagatang Istorya Ko, Istorya Mo, Istorya Natin Ito na binubuo ng
limang pangungusap na gamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at
pagsalungat. Iugnay ito sa iyong sariling karanasan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Istorya Ko, Istorya Mo, Istorya Natin Ito

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

9|Pahina
Rubrik sa Pagsulat ng Paglalahad

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Kailangan


mahusay pang
(4) (3) (2) Magsanay
(1)

Panimula Tawag-pansin May panimula Simple lang Walang


ang panimula ang paglalahad ang ginamit na
ng paglalahad na may panimula sa panimula sa
na may pagsang-ayon paglalahad paglalahad
pagsang-ayon at pagsalungat na may ng pagsang-
at pagsalungat sa isyu. pagsang- ayon at
sa isyu. ayon at pagsalungat
pagsalungat sa isyu.
sa isyu.

Nilalaman Nailatag nang Naibigay ang Di- Walang


husto ang panganga- masyadong nailatag na
panganga- tuwiran sa nailatag ang panganga-
tuwiran sa isiyung pinag- panganga- tuwiran sa
isyung pinag- uusapan. tuwiran sa isyung pinag-
uusapan. isyung pinag- uusapan.
uusapan.

Konklusyon Napakalinaw Nakapagbigay Di-gaanong Hindi


ng ng konklusyon malinaw ang nakapagpa-
paninindigan sa isyung paninin- hayag ng
sa isyung pinag-uusapan. digan sa paninin-
pinag- isyung pinag- digan sa
uusapan. uusapan. isyung pinag-
uusapan.

Organisasyon Talagang Maayos na Kulang ang Kulang na


ng mga ideya maayos at nailatag ang mga ideyang kulang ang
organisado ang mga ideya sa inilatag sa mga ideya sa
mga ideyang paglalahad ng paglalahad paglalahad
inilatag sa pagsang-ayon ng pagsang- ng pagsang-
paglalahad ng at pagsalungat ayon at ayon at
pagsang-ayon sa isyu. pagsalungat pagsalungat
at pagsalungat sa isyu. sa isyu.
sa isyu.

10 | P a h i n a
Mekaniks Walang May dalawang May ilang Maraming
(wastong kamali-mali sa mali sa baybay kamalian sa kamalian sa
baybay ng baybay ng ng salita ngunit paggamit ng baybay ng
salita, gamit salita, bantas wasto ang mga baybay ng salita, bantas
ng bantas at at gramatika bantas at salita, bantas at gramatika
gramatika) sa isinulat na gramatika. at gramatika sa
paglalahad sa sa paglalahad
pagsang-ayon paglalahad sa pagsang-
at pagsalungat sa pagsang- ayon at
sa isyu. ayon at pagsalungat
pagsalungat sa isyu.
sa isyu.

Pangwakas

Dugtungan ang pahayag na ito at isulat sa sagutang papel upang


makabuo nang makabuluhang pahayag. Tandaan na itala mo ang kabuuang
konseptong natutuhan mo bilang repleksyon sa araw na ito.

Natutuhan ko sa araw na ito ang 1.________________________________.


Ang mga araling natutuhan ko ay nakatulong sa akin na
2.___________________________.
Ang paksang aking nalaman ay nakapagpapaalaala sa akin sa
3._________________________.
Ang bahagi na labis kong nagustuhan ay ang 4.____________________________.
Ang bahagi na nakalilito sa aking pang-unawa ay ang
5._________________________.

Mga Sanggunian

Guimarie, Aida M. 2018. Pinagyamang Wika at Panitikan. Quezon


City: Rex Bookstore, Inc.

Julian, Ailene Baisa. 2017.Pinagyamang Pluma. Quezon City: Phoenix


Publishing House, Inc.

https://www.google.com/search

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Gawain Pinatnubayang Pagsasanay 2
Pinatnubayang Pagsasanay 1 1. PA
A. 2. PA
1. Ayaw 3. PA
2. Wala 4. PS
3. Tama 5. PS
4. Oo 6. PS
5. Hindi 7. PA
8. PS
B. 9. PA
1. Lubos akong sumasang-ayon 10. PS
2. Iginagalang ko ang iyong opinion ngunit
3. Maaaring tama ka subalit Pang-isahang Pagsasanay
4. Naniniwala ako na *maaaring iba-iba ang sagot
5.Naiintindihan ko ang iyong panig subalit
Pagsusulit
*maaaring iba-iba ang sagot
Pangwakas
*maaaring iba-iba ang sagot
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
ang taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng
tagumpay para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag
at pamamahagi ng Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto sa lahat ng asignatura sa iba’t- ibang antas
bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng naaangkop na kagamitang
pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto
(MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga pamantayan ng
pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat, tagaguhit at taga-anyo, sa kanilang iginugol na panahon at
kakayahan upang makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang
pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at
mga tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang
kawastuhan at katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng
Edukasyon;
Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang
patuloy na paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa
paglilimbag ng mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga
magulang at mag-aaral sa tahanan.
Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat
asignatura sa kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro,
sa kanilang lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na
pagsubaybay sa pag-unlad ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy
sa kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay
upang maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang
bawat mag-aaral na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong
panahon ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay
na malasakit na pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like