You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO OCCIDENTAL

EDNA GUILLERMO MEMORIAL Baitang /


Paaralan: 8/Bakesan
GRADES 8 NATIONAL HIGH SCHOOL Antas:
BANGHAY ARALIN Guro: Gng. KIMVERLY C. DELMO Asignatura: FILIPINO
Petsa
December 7, 2023/11:00-12:00 Markahan: IKALAWA
Oras:
ARALIN 2
I. Layunin
a. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa paghahayag ng opinyon. F8WG-IIc-d-25
b. Nabibigyang punto ang bawat sitwasyong nasa video clip na nakikita sa pamamagitan ng pagpapahayag ng
opinyon (pagsang-ayon, pagsalungat) nang magalang at malumanay na hindi makapanakit ng damdamin ng iba.
c. Nasusuri ang mga pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsasalungat.

II. Paksang Aralin:


Paksa: Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayg ng Opinyon
Batayan: Pinagyamang Pluma 8 (Ikalawang Edisyon)
Pahina 192-197
Kagamitan:aklat, laptop, TV, manila paper, pentel pen
Integrasyon: Edukasyon Sa Paggpapahalaga
Layunin: Napagtanto sa bawat sitwasyon ang pagiging sensitibo sa pagtugon ng mga opinyon nang
may pagpapaunlad sa pakikipagkapwa.

III. Pamamaraan: Collaborative Group Activity

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin
2. Pagbati:
3. Pagbigay ng mga Alituntunin sa klase
4. Pagtala ng liban at ‘di liban sa klase
5. Pagbabalik-aral

B. Paglinang ng Gawain 1. Pagganyak:


SINE MO TO!
Panuto: Pagpapakita ng video.

Tanong: “I don’t believe in marriage, marriage is just a piece of paper to me”


 Napaka intense naman……..
1. Batay sa nakita ninyong video clip, na ang kasal is just a piece of paper
lang para sa kanya kaya hindi siya mahalaga, ano ang masasabi ninyo?
2. Bilang mga kabataan, kung halimbawa sa araw na ito napagkasunduan ng
mga magulang mo na ipakasal ka sa napagkasunduan nila sayo, papaya
kaba o tatanggi ka?
3. Ano kaya ang pag-uusapan natin ngayon?
4. Paglalahad ng layunin:
a. Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon. F8WG-IIc-d-25
b. Nabibigyang punto ang bawat sitwasyong nasa video clip na nakikita sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng opinyon (pagsang-ayon, pagsalungat)
nang magalang at malumanay na hindi makapanakit ng damdamin ng iba.
c. Nasusuri ang mga pangungusap na nagpapahayag ng pagsang-ayon at
pagsasalungat.

5. Pagtatalakay

PAGSANG-AYON AT PAGSALUNGAT
NA PAGPAPAHAYAG NG OPINYON

1. Pahayag na pagsang-ayon- ito ay nangangahulugan ng pagtanggap,


pagpayag, pakikiisa o pakikibagy sa isang pahayag o ideya.

Hudyat na salitang o pariralang sumasang-ayon:


 Bilib ako sa iyong sinasabin…
 Sang-ayon ako…
 Ganoon nga…
 Sige…
 Kaisa mo ako sa bahaging iyan…
 Lubos akong nananalig…
 Maaasahan moa ko riyan…
 Oo…
 Iyan din ang palagay ko…

2. Pahayag sa Pagsalungat- ito ay pahayag na nagngahulugan ng


pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya.
 Ayaw ko ang pahayag na iyan…
 Hindi ako naniniwala riyan…
 Hindi ako sang-ayon dahil…
 Hindi ko matatanggap ang iyong sinasabi…
 Hindi tayo magkasundo…

Ihanay ang iba pang mga pahayag:

 Maling mali talaga


 Hindi totong
ang iyong
 Iyan ang nararapat  Huwag kang
 Tama ang sinabi
 Totoong
mo
 Ikinalulungkot ko  Talagang kailangan
 Sumasalungat ako
 Tunay na
sa

Pahayag na pagsang-ayon Pahayag sa Pagsalungat


INTEGRASYON SA ESP 8 (Across and Within Curriculum)
Ang pag-unawa at pagiging sensitibo sa pasalita, di-pasalita at
virtual na uri ng komunikasyon ay nakapagpapaunlad ng
pakikipagkapwa. EsP8PBIf-3.3
-Bilang tao dapat maging sensitibo tayo sa pasalita man o hindi,
sa pagtugon sa iba’t ibang reaksyon sa ating kapaligiran lalo na
kung ito’y isang opinyon nang sa gano’y hindi ito pagmumulan ng
hindi pagkakaunawaan.

INTEGRASYON (CONTEXTUALIZATION & INDIGINAZATION)


Ano ba ang ginagawa sa mga tribong Manobo kung halimbawa
napag alaman ng magulang ninyo na may malalim na namagitan sa
yo at sa nobyo mo, ngunit tumanggi ang nobyo mo na pakasalan ka
o ibangon man lang ang dangal mo?
Sa mga Muslim, kung halimbawa na buntis yong isang dalaga ng
isang kristiyano at napagkasunduang ipapakasal sila, ano bang
dapat gawin ng isang Kristiyanong lalaki?

4. Activiti:
Gagamitin ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon nang magalang at malumanay na hindi
makapanakit ng damdamin ng iba.

Pangkatang gawain:
Magpapakita ang guro ng maiikling clip galing sa mga pelikula,
Teleserye at kung paano ipapahayag ang opinyon ng may pagsang-
ayon o Pagsalungat sa pamamagitan ng pagdugtung nito.

DUGTUNGAN TAYO!
Pangkat 1
“Am I not enough? May kulang
ba sa akin? May mali bas a akin?
Pangit baa ko? Pangit ba ang
katawan ko? Kapalit-palit baa
ko? Then why?”
MY X & WHYS

PAHAYAG NA
PAGSALUNGAT (Lalaki)

Pangkat 2
Daniel: “stop acting like you
own it at pupwede
mong sabihin sa akin
kung kelan ako
magmomove on, kahit
si Celine ”
Kath: “Hindi ako si Celine, so
stop comparing me to her”
Daniel: “Tama. Hindi ikaw si
Celine ang you’ll never
be Celine”
“Nandito siya, dahil
nandito siya”
Kath: “Kung nandiyan sya, nasan
ako?”

PAHAYAG NA
PAGSALUNGAT (Lalaki)
Pangkat 3
John Lloyd: Bash, mahal na
mahal kita at ang sakit
sakit na.

PAHAYAG NA PAGSANG-
AYON (BABAE)

Pangkat 4
Vilma: Sana tuwing umiinum ka
ng alak, habang hinihithit
mo ang sarili mo habang
nilulustay mo ang perang
pinapadala ko, sana maisip
mo rinilang pagkainang
tiniis konghindi kainin

PAHAYAG NA PAGSANG-
AYON (BABAE)

5.Analisis:
Sa lahat ng mga sitwasyong nakita ninyo kani kanina
lang, nakatutulong ba ang mga hudyat ng pagsang-ayon
at pagsalungat upang maipunto ang nais mong sabihin?
Paano?Ipaliwanag
6. Paglalahat:
Napag alam natin ang dalawang uri ng pagpapahayg ng ating
mga opinyon. Ang pagsang-ayon kung ikaw bay nakikiisa o
pagsasalungat kung ikay tumututol sa pahayag niya.
Dugtungan ang pahayag na ito:
Sa araw na ito, natutuanan ko ang _______________________

7. Pagpapahalaga:
Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang
pagsalungat at pagsang-ayon. Bawat isa sa atin ay may kaniya
kaniyang opinyon na dapay igalang at irespeto. Wag lang nating
kakalimutan na maging malumanay tayo sa pagbibigay ng punto
natin sa iba nang sa ganoy maiwasan ang makapanakit ng ibang
damdamin

8. Paglalapat:
Bilang isang mag-aaral, paano mo dapat haharapin ang mga
taong umaayaw at sumasalungat sayo sa kabila ng iyong
pakikibagay sa kanila?

IV. Ebalwasyon: Indibidwal na gawain. Sa isang kapat na papel,


Isulat ang pagsang-ayon kung ang pangungusap ay sumasang-ayon, pagsalungat
naman kung ang pangungusap ay sumasalungat.

______________1. Totong kailangan ng pagbabago kaya’t kailangan gawin natin


ito sa tamang paraan.
______________2. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi
makabubuti sa lahat.
______________3. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
______________4. Kaisa ako sa lahat ng pagbabagong nais mo.
______________5. Hindi totoo ang paniniwalng iyan, napakahirap ang mabuhay
dito sa mundo.
Susi ng pagwawasto:
1. Pagsang-ayon
2. Pagsalungat
3. Pagsang-ayon
4. Pagsang-ayon
5. Pagsalungat

6-10. Pagpapaliwanag: Ano ang kaibahan ng pagsalungat sa pagsang-ayon?

V. Takdang Aralin: Itala ang dalawang uri ng paghahambing.

INIHANDA NI: IPINASA KAY:

Gng. KIMVERLY C. DELMO G. ANDY BOY D. OPONG


T-II MT-II
KINILALA NI:

EDDIE W. GASCON JR.


HEAD TEACHER- I

You might also like