You are on page 1of 5

TXTBK + QUALAS

SANAYANG PAPEL Blg.3


Textbook based instruction
paired with MELC-Based
SA FILIPINO 8
Quality Assured Learner’s
Activity Sheet (LAS) Kwarter 2 Linggo 3

Pangalan: ____________________________________Baitang at Pangkat: _________________________________

Guro: _____________________________ Petsa ng Pagpasa : _________________________

MELC: 4: Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento

F8PU-IIc-d-25

5: Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa paghahayag ng opinyon F8WG-


IIc-d-25

Aralin: Hudyat ng Pagsang-ayon at Pagsalungat, Paglalahad

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 8 Pahina: 171 - 197

https://www.slideshare.net/JohnCarlCarcero/ekspositori-o-paglalahad

Layunin: Nasusuri ang pahayag kung opinyon na pagsang-ayon o pagsalungat

Kasanayan Bilang: 1 Pagsusuri sa Opinyon Araw:1

KONSEPTO:

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

Pahayag sa Pagsang-ayon - Ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o pakikipabagay sa isang
pahayag o ideya. Ang ilang hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-
ayon gaya ng…

Bilib ako sa iyong sinabi na …. Iyan din ang palagay ko…… Sang-ayon ako…..
Ganoon nga ….. Iyan ay nararapat….. Tunay na ……
Kaisa mo ako sa bahaging iyan… Lubos akong nananalig…… Tama ang sinabi mo…..
Maaasahan mo ako riyan Totoong……… Sige …at iba pa.

Pahayag sa Pagsalungat – Ito ay pahayag na nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol, pagkontra sa isang
pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito. Sa pagpapahayag naman ng
pagsalungat maaaring gamitin ang mga sumusunod….

Ayaw ko ang pahayag na……. Hindi totoong …….. Sumasalungat ako sa …….
Hindi ako naniniwala riyan ….. Huwag kang……. Hindi ko matatanggap ang iyong
Hindi ako sang-ayon dahil…… Ikinalulungkot ko…… sinabi……. at iba pa.

1
Hindi tayo magkasundo ……. Maling-mali talaga ang iyong…

Pagsasanay 1

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng PS kung ito’y nagpapahayag ng pagsang-ayon at PT kung
pagsalungat.

______1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.

______2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay ngayon kaysa noon.

______3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.

______4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.

______5. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.

______6. Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.

______7. Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa pag-uugali at kultura.

______8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makakabuti sa lahat

______9. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.

_____10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.

Layunin: Nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa pagpahayag ng opinyon

Kasanayan Bilang:2 Paggamit ng hudyat ng pagsang-ayon Araw: 3

at pagsalungat sa pagpapahayag ng opinyon


Pagsasanay 1

Panuto: Gamit ang hudyat ng pagsang-ayon o pagsalungat. Sumulat ng opinyon kaugnay sa ilang isyung may kinalaman
sa salapi at karunungan sa buhay ng tao.

1. Ang salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan ditto sa mundo.

Pahayag na pagsalungat:

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

2. Ang karunungan ay kayamanang hindi mananakaw ng ibang tao.

Pahayag na pagsang-ayon:

_______________________________________________________________________________________________
2
_______________________________________________________________________________________________

3. Maiiwasan ang sakit na COVID-19 gamit ang salapi.

Malayang sabihin ang opinyon:

_______________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________________________

3
Layunin: Nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa isang argumento

Kasanayan Bilang: 2 Paglalahad ng pasulat gamit ang hudyat ng Araw: 3-4


pagsang-ayon at pagsalungat
Konsepto:
Paglalahad - Ang paglalahad ay ang pagpapahayag o pagbibigay ng mga kaalaman at kuro-kuro. Sa pamamagitan ng
paglalahad, naibabahagi ng tao ang kaniyang ideya, damdamin, hangarin at kuro-kuro sa mga pangyayari, bagay, lugar
o kapwa tao.

Pagsasanay 1
Panutp : Sa pamamagitan ng talata iIlahad ang iyong damdamin at opinyon sa ordinansa na ipinatupad ng Probinsiya
ng Samar tungkol sa pagbabawal ng operasyon ng Videoke at iba pang makapa-ingay tuwing araw ng Lunes hanggang
Sabado na may karampatang multa pag nahuli. Gumamit ng iba’t – ibang salita ng pagsang-ayon at pagsalungat.

\\\\\\\ Photos taken to Michael Tan FB Page

Mga Pamantayan Laang Puntos Aking Puntos


Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na mga Photos taken to Michael Tan FB Page
5
pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan tungkol sa paksa 5

Nagpapakita o nakagamit ng pagsang-ayon at pagsalungat sa


5
______________________________________________________________________________________________
pagpapahayag
______________________________________________________________________________________________
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabuting talata. 5
_____________________________________________________________________________________________
Kabuuang Puntos 20 na puntos
______________________________________________________________________________________________
Ang talatang bubuoin ay dapat makasunod sa pamantayan o rubrik na ito.
5______________________________________________________________________________________________
- Napakahusay 2 – Di-mahusay
4______________________________________________________________________________________________
- Mahusay 1 – Sadyang Di-mahusay
3- Katamtaman
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

4
SARAH A. DIONGZON
SUSI SA PAGWAWASTO

Pagsusuri sa Opinyon

1. PS

2. PT

3. PT

4. PS

5. PT

6. PS

7. PT

8. PT

9. PS

10. PS

Paglalahad ng pasulat ( Malayang sagutan)

Pagsulat ng opinyon gamit ang hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat (Malayang Sagutan)

1. Para sa akin, hindi totoo na salapi ang ugat ng lahat ng kasamaan ditto sa mundodahil ang tao talaga ang nakakapagpasya kung tama o
hindi ang kanyang ginagawa.

2. Kung ako ang tatanungin, totoo na ang karunungan ay hindi mananakkaw dahil ito ay hindi nahahawakan o nadadala ng ibang tao.

3. Hindi ako sumasang-ayon na maiiwasan ang COVID-19 gamit ang salapi dahil may mayayaman din na nagkasakit nito.

Prepared by:

SARAH A. DIONGZON

You might also like