You are on page 1of 24

11

FILIPINO

Filipino
Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan - Modyul 7:
Tekstong Nangangatuwiran
Filipino – Baitang 11
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan – Modyul 7: Tekstong Nangangatuwiran
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Alejandre S. Fernandez Jr.
Editor: Cristy S. Agudera,
Tagasuri: Mary Grace M. Sandukan
Tagalapat: Alejandre S. Fernandez Jr
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor
Learning Resources Management Section

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph
11
Filipino
Pagbasa at Pasusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ikatlong Markahan Modyul 7:
Tekstong Nangangatuwiran
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa
ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t
ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin
at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng
mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng
mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman
ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi
kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro.
Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama
o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin
na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito
upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng
hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang
guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin
at paggamit ng SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga
tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Aralin
Tekstong
1 Nangangatuwiran

Alamin Natin

Magandang araw sa iyo!

Malugod kitang binabati dahil matagumpay mong nasagot ang


naunang mga gawain.

Sa modyul na ito, matutuhan mo ang tungkol sa tekstong


pangangatuwiran.

May mga gawain akong inihanda para sa iyo upang mahasa ang iyong
kaalaman tungkol dito.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• nagagamit ang mabisang paraan sa pagpapahayag:
a. kalinawan
b. kaugnayan
c. bisa sa reaksiyong papel na naisulat (F11PU-IIIfg-90).

1
Subukin Natin
Sa bahaging ito ay subukin natin ang inyong nakaimbak na mga
kaalaman patungkol sa mga paksang tatalakayin. Basahin at sundin ang
panuto.

A. PANUTO: Basahing mabuti ang bawat aytem at tukuyin ang tamang


sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Ayon sa UP Diksiyonaryong Pilipino (Binagong Edisyon, 2010), ito


ay isang detalyado at komprehensibong pagpapaliwanag ng isang
bagay, pook o ideya.

A. sanaysay
B. pangangatuwiran
C. konklusyon
D. paglalahad

2. Sikaping maglahad ng 3 o higit pang puntos tungkol sa isyu.

A. Argumetatibong ipinaglalaban
B. Paglatag ng matitibay na ebidensya o katibayan
C. Upang maging matibay ang iyong pangangatuwiran o
posisyon
D. Pag-iisip ng mga tanong na maaaring iharap sa isang taong
nakaalam ng paksa tungkol sa iyong posisyon sa isyu sa
pangkalahatan

3. Hango sa salitang Pranses na essayer na ibig sabihin ay sumubok


o tangkilikin;

A. Pormal
B. Sanaysay
C. Konklusyon
D. Pangangatuwiran

4. A. Ilahad muli ang iyong argumento o tesis


B. Magbigay ng mga plano ng gawain o plan of action na
makatutulong sa pagpapabuti ng kaso o isyu.

A. Paglalahad
B. Konklusyon
C. Panimula
D. Pangangatuwiran

2
5. Mga taong may posisyon, o may mahalagang ginagampanan sa
lipunan tulad ng iskolar, politiko, akademiko, at siyentipiko.

A. Layunin ng posisyong papel


B. Argumetatibong ipinaglalaban
C. Karaniwang kinikilalalang awtoridad
D. Talatinigan, ensayklopedia, handbooks

B. Panuto: Ilahad ang sariling kaisipan tungkol sa larawan na makikita sa


ibaba. Isulat sa sagutang papel.

Halaw mula sa https://www.pinoynewbie.com/ano-ang-tekstong-argumentatibo

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

3
C. Panuto: Isulat ang letrang N kapag ang kaisipan ay nagsasaad ng
kasanayan na lilinang sa pangangatuwiran at H naman kapag hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______ 1. Wasto at mabilis na pag-iisip


_______ 2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
_______ 3. Maayos at mabisang pagsasalita

_______ 4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran

________5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o


pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

Aralin Natin

A. Panuto: Ilahad ang sariling opinyon o pananaw tungkol sa lawaran na


makikita sa ibaba para sa paksang Pangangatuwiran. Sagutin ang mga
patnubay na tanong. Isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang sinisimbolo ng larawan?


2. Ano-anong impormasyon ang ibinigay na nakatulong para
lalong maunawaanan?
3. Paano mo ipinahahayag ang iyong panig? Ilahad ang ebidensiyang
susuporta rito?

1. ___________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
‘’Justitia’’ (Maarten van Heemskerk,
1556)

4
2. __________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________

‘’JuMaarten van Heemskerk, 1556)

3. __________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
_______________________________
Cover Photos: Balagtasan Post FB

Cover
B. Panuto: N a r it o a n g i la n g t a n o n g n a m a a a r in g ga m it in g ga ba y
s a pa g ba ba sa n g t e ks t o n g n a n ga n ga t u w i ra n . Ayon sa
paghahayag ng reaksiyon at balangkas ng teksto.

1. Paano sinimulan ang teksto?


2. Interesante ba para sa mambabasa ang panimulang bahagi ng teksto?
3. Ano-anong impormasyon ang ibinigay na nakatulong para lalong
maunawaan ang argumento ng may-akda?
4. Ano ang ipinahahayag ng teksto?

5
Paksa: Pagpapatupad ng programang K-12 sa Sistema ng Edukasyon

Pabor sa K-12

Dapat lamang ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang
ang tanging bansa sa Asya na 10 taon lamang ang panahon ng pag-aaral
ng basic education; magkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na
pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang magtrabaho
matapos sumailalim sa K-12 kung sakaling wala na silang pera upang
tumuloy sa pag-aaral; at kahit pa hindi sila nakapag-aral ng kolehiyo,
magagawaran pa rin sila ng sertipiko ng kuwalipikasyon upang
makahanap ng trabaho na kikilalanin maging sa ibang bansa.

Hindi pabor sa K-12

Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat


ipatupad dahil kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na
pag-aaral kung magiging mabisa ba ito para sa mga Pilipinong mag-aaral;
basta-basta lamang itong ipinapatupad kung kaya kulang sa pagsasanay
ang mga guro para ituro ang mga asignatura sa bagong kurikulum. Kulang
din ng mga silid-aralan at guro para sa idadagdag na dalawang taon sa pag-
aaral, na patuloy na magdudulot ng hindi kaaya-ayang kalagayan sa mga
mag-aaral habang nag-aaral; at ang dalawang taon kung saan magkakaroon
ng pagbabago para sa pagpasok ng Grade 11 at 12 ay magdudulot nga
kawalan o kakulangan ng mga mag-eenrol sa mga pamantasan na
magtutulak sa mga ito na magtanggal ang mga empleyado lalo na ng mga
guro at kawani.

Halaw mula sa:https://www.coursehero.com/file/37880329/Tekstong-Argumentatibopptx/

https://www.coursehero.com/file/37880329/Tekstong-Argum

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

6
C. Panuto: Tukuyin ang bahagi ng reaksiyong papel na makikita sa
ibaba. Isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.

A. Katawan

B. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon

C. Introduksyon

D. Konklusyon

________1. Kung saan nakasaad ang iyong mga sariling kaisipan ukol sa
mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-aaralan.

________2. Ito ay ang bahagi kung saan nakalagay ang maikling


impormasyon ukol sa pagsipi at pinagmulan ng mga
impormasyon na iyong nailahad.

________3. Pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa parteng ito,


kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-
aaralan.

________4. Maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol


sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa reaksyong
papel.

7
Gawin Natin
Sa pang-araw-araw nating pamunuhay, hindi man natin namamalayan
ay palagi tayong nangangatuwiran, igiit ang sariling panig o kagustuhan.

Kasanayang dapat mahubog sa kabataang Pilipino ay ang kakayahang


manindigan sa isang desisyong ginagawa o pinaghahawakang katotohanan o
prinsipyo.

Ang paglatag ng matitibay na ebidensya o katibayan ay ang


maisasagawa ang kakayahang manindigan kung may kakayahang
mangatwiran sa desisyon o panig na napili.

Ang pangangatwiran ay tinatawag ding pakikipagtalo o argumentasyon


na maaaring maiugnay sa sumusunod na paliwanag:

1. Isang sining ng paglalahad ng mga dahilan upang makabuo ng isang


patunay na tinatanggap ng nakararami

2. Isang uri ng paglalahad na nagtatakwil sa kamalian upang maipahayag


ang katotohanan
PANGANGATWIRAN

-3.Ito
Isang paraang
ay isang ginagamit upang
pahpapahayag mabigyang-katarungan
na nagbibigay ang mga
ng sapat na katibayan opinyon
o patunay
upang ang isangang
at maipahayag panukala
mga opinyongay maging katanggap
ito sa iba - tanggap o kapani-
paniwala. Layunin nito na hikayatin ang mga tagapakinig na tanggapin ang
kawastuhan ang etkanilang
Halaw mula kay Jocson pananalig
al. (2005). Pagbasa o paniniwala
at Pagsulat sa pamamagitan ng
Tungo sa Pananaliksik
makatwirang pagpapahayag. (- Badayos)

Sa pangangatwiran, ang katotohaanan ay pinagtitibay o


pinatutunayan sa pamamagitan ng mga katwiran o rason (Arogante).

Ito ay isang sining sapagkat ang paggamit ng wasto, angkop at


magandang pananalita ay makatutulong upang mahikayat na pankinggan,
tanggapin at paniniwalaan ng nakikinig ang nangangatwiran.

Maituturing ding agham sapagkat ito ay may prosesong


dapatisaalang-alang o sundin upang ito ay maging mahusay at
matagumpay, lalo na sa formal na pangangatwiran gaya ng debate.

8
Ang pangangatwiran ay isa ring kasanayan dahil ang kahusayan ay
maaaring matamo n imo man subalit hindi sa paraang madali at sa maikling
panahon lamang.

DAHILAN NG PANGANGATUWIRAN
1. Upang mabigyang-linaw ang isang mahalagang usapin o isyu.
2. Maipagtanggaol ang sarili sa mali o masamang propaganda laban sa
kanya.
3 Mapagbahagi ng kanyang kaalaman sa ibang tao.
4. Makapagpahayag ng kanyang saloobin.
5. Mapanatili ang magandang relasyon sa kanyang kapwa.

KASANAYANG NALILINANG SA PANGANGATUWIRAN


1. Wasto at mabilis na pag-iisip
2. Lohikong paghahanay ng kaisipan
3. Maayos at mabisang pagsasalita
4. Maingat na pagkilala at pagsusuri ng tama at maling katwiran
5. Pagpapahalaga sa kagandahang asal gaya ng pagtitimpi o
pagpipigil ng sarili at pag-unawa sa mga karaniwang
inilahad ng iba o pagtanggap sa nararapat na kapasyalan.

Kapag nailatag na ang kaso at ang reaksiyon hinggil sa isyu, mahalagang


mapatunayang totoo at katanggap-tanggap ito sa pamamagitan ng paggamit ng
mga ebidensiyang kinapapalooban ng mga katotohanan, opinyon ng mga taong
may awtoridad hinggil sa paksa, karanasan, estadistika, at iba pang uri ng
katibayang magpapatibay sa posisyong pinanghahawakan

Sa pagsulat ng reaksiyong papel, mahalaga ang pagkakaroon ng isang


mahusay at magandang paksa ngunit higit na mahalaga ang kakayahang mabuo
ng isang kaso o isyu.

Paksa - maaaring maging simple o komplikado ngunit ang iyong gagawing


argumento o pahayag ng tesis ay mahalagang maging matibay, malinaw, at
lohikal

Halaw mula kay Grace Fleming

9
Ano ang Dalawang Elemento ng Pangangatuwiran?
May dalawang elemento ang pangangatwiran, ito ay ang proposisyon at
argumento.

Ayon kay Melania L. Abad (2004) sa “Linangan: Wika at Panitikan”, ang


proposisyon ay ang pahayag na inilalatag upang pagtalunan o pag-usapan.
Ito ay dapat mapagkasunduan bago magsimula ang pagbibigay ng argumento
ng dalawang panig. Kung walang itatakdang proposisyon, magiging mahirap
ang pangangatwiran sapagkat hindi magkakaisa sa mga batayan ng isyu ang
dalawang panig. Sa ibaba, iyong mababasa ang ilan sa mga halimbawa ng
proposisyon.

1. Mas epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang multilingual


education kaysa sa bilingual education
2. Ang pagpapatupad ng death penalty ay makakatulong para
mabawasan ang kriminalidad sa bansa

Ano nga ba ang Reaksyong Papel?


Ang paggawa ng reaksyong papel ay ang pag-aaral nang maigi tungkol sa
isang impormasyon kung saan ang may-akda ay kinakailangang magbigay ng
kanyang sariling kaisipan o opinyon ukol dito.
Ano ang mga bahagi ng isang Reaksyong Papel?
Narito ang apat na bahagi ng isang reaksyong papel:

1. Introduksyon - Ito ang pupukaw sa interes ng mga nagbabasa. Sa


parteng ito, kailangang ilarawan ang papel at may-akda na iyong pinag-
aaralan. Kailangang maglagay ng mga tatlo hanggang apat na mga
pangungusap mula sa orihinal na papel na iyong pinag-aaralan.
Kailangan ding maglagay ng iyong maikling thesis statement ukol sa
papel.
2. Katawan - Ang katawan ay kung saan nakasaad ang iyong mga sariling
kaisipan ukol sa mga pangunahing ideya ng papel na iyong pinag-
aaralan. Dito sinusuri ang orihinal na papel.
3. Konklusyon - Ang konklusyon ay maikli lamang ngunit naglalaman ng
impormasyon ukol sa thesis at mga pangunahing ideya na nasaad sa
reaksyong papel.
4. Pagsipi at pinagmulan ng mga impormasyon - Ito ay ang bahagi kung
saan nakalagay ang maikling impormasyon ukol sa pagsipi at
pinagmulan ng mga impormasyon na iyong nailahad.

10
Sanayin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na pahayag ayon sa wastong sagot.


Isulat sa sagutang papel.

_______________ 1. Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng


katunayan. Kung gagamiting ebidensiya, kailangang
manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita
hinggil sa isang isyu o paksa.

_______________ 2. Sa Ingles, ang paglalahad ay tinatawag na expository


writing. Madalas makita ang anyong ito sa pagtatalakay sa
karaniwan nating binabasa sa araw-araw gaya ng mga
aklat, mga editoryal sa diyaryo, ng mga artikulo sa mga
magasin, at iba pa. ito ay hindi nagsasalaysay ng isang
kuwento, hindi rin naglalarawan ng isang bagay, hindi rin
nagpapahayag ng isang paninindigan. Ito ay
nagpapaliwanag.

______________ 3. Ang paggawa ng pag-aaral nang maigi tungkol sa isang


impormasyon kung saan ang may-akda ay
kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan o
opinyon ukol dito.

______________ 4. Nakatatawag ng pansin o nakapupukaw sa damdamin ng


mambabasa.

______________ 5. Makakamtaman sa pamamagitan ng pagsunod sa mga


tuntunin ng kaisahan, kaugnayan at diin. Pagpili ng angkop
na pananalita, sariling esitlo o pamamaraan ng may-akda.

B. Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay nagsasaad ng


pangangatuwiran at MALI naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel.

____________1. Hindi ito katunayan kundi pagsusuri o judgment ng


katunayan. Kung gagamiting ebidensiya,kailangang
manggaling ito sa taong may awtoridad na magsalita
hinggil sa isang isyu o paksa.

11
___________ 2. Isang paglalahad ng sariling opinyon o kuro-kuro ng
sumulat tungkol sa isang bagay o paksa.

___________ 3. naisasagawa ang kakayahang manindigan kung may


kakayahang mangatwiran sa desisyon o panig na
napili → Magpatuloy sa pangangalap ng mga
kakailanganing ebidensya

___________ 4. Naglalahad ang sanaysay ng matalinong kuro at


makatwirang paghahanay ng kaisipan. Naglalahad din ito
ng mga personal at pansariliing pananaw ng manunulat
tungkol sa isang paksa.

____________ 5. Ang reaksyong papel ay ang pag-aaral nang maigi tungkol


sa isang impormasyon kung saan ang may-akda ay
kinakailangang magbigay ng kanyang sariling kaisipan

Tandaan Natin

Mga Paalaala sa Pagsulat ng Tekstong Nangangatuwiran. Bago pa man


sumulat ng tekstong Nangangatuwiran , mahalagang suriin muna nang
Mabuti an g iba -iba n g pa n ig t u n gko l sa isa n g u sa pin . Ma gsaliksik
at humanao ng mga ebidensiyang batay sa katotohanan at/o
ginawan ng pag-aaral. Kung kailangang mamili ng panig o paksa, ang
mga nasaliksik na impormasyong ito ang gawing batayan sa pagpili ng panig
na susuportahan.

Ang pinakasimple at diretso sa puntong balangkas ng tekstong


argumentatibo ay binubuo ng limang bahagi. Una ang
introduksiyon,kasunod ang tig-iisang talakay ngbawat ebidensya, at
panghuli ang konklusyon.

Mga Paalala :
1.Ang ibibigay na tanong ay masasagot sa ilang pananalitalamang.
2. Isipin na agad ang maaaring isagot sa mga itatanong
upangmapaghandaan
3.Sa pagtatanong , sikaping maipakilala ang kawalan ngawtoridad at ang
karupukan ng matwid o ang pagkakasalungatan ng mga matwid ng kalaban
4.Magsimula sa tiyak patungong masaklaw

12
5. Iwasan ang pagbibigay ng tanong na wala sa matwid, walangkaugnayan o
walang gaanong halaga
6.Huwag gelatin ang kalaban sa pamamagitan ng pagpipilit nasiya'y
sumagot ng "oo" o "hindi"

Sa sandali ng panunuligsa, tukuyin ang sumusunod :


1.mga maling katwiran
2.walang katotohanang batayan
3.kahinaan ng katibayan
4.mga pahayag na labas sa buod na pinagkasunduan
Sa oras ng paghatol , ang panig ng sang-ayon ang siyang may bigatng
pagpapatibay at ang panig ng salungat ang siyang may bigat ng pagtuligsa.

Dapat isaalang-alang para sa isang mabisang pangangatwiran

1. Alamin at unawain ang paksang ipagmamatuwid.


2. Dapat maging maliwanag at tiyak ang pagmamatuwid
3. Sapat na katwiran at katibayang makapagpapatunay.
4. Dapat ay may kauganayan sa paksa ang katibayan at katwiran upang
makapanghikayat
5. Pairalin ang pagsasaalang-alang, katarungan, at bukas na kaisipan sa
pagpapahayag ng kaalamang ilalahad
6. Tiyaking mapagkakatiwalaan ang mga ilalahad na katwiran

13
Suriin Natin

A. Panuto: Tukuyin ang sumusunod na salita ayon sa simbolo at


katangian nito. Isulat ang letrang N kung nagsasaad ng
pangangatuwiran, at H naman kung hindi. Isulat sa sagutang papel.

__________1. Nagsasalaysay
__________2. Naglalarawan
__________3. Mapag-isip o di praktikal
__________4. Kritikal o mapanuri
__________5. Didaktiko o nangangaral
__________6. Nagpapaalala
__________7. Editoryal
__________8. Makasiyentipiko
__________9. Sosyo-politikal
_________10. Sanaysay na pangkalikasan

B. Panuto: Tukuyin at suriin ang tamang sagot sa bawat pangungusap.


Punan ng sagot ang nasa ibaba.

1. Nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at matibay na pagpapahiwatig


ng isang isyu o panig upang makahikayat ng mambabasa o
tagapakinig.

Sagot: ______________________________

2. Maikli lamang ngunit naglalaman ng impormasyon ukol


sa pangunahing ideya

Sagot: ______________________________

3. Ang katotohaanan ay pinagtitibay o pinatutunayan sa pamamagitan ng


mga rason.

Sagot: ______________________________

14
C. Panuto: Magbigay ng iyong pansariling pananaw tungkol sa
sumusunod na usapin batay sa paraan at katangian ng tekstong
nangangatuwiran. Isulat sa sagutang papel.

4. Pagpapanatili ng mga kabataan sa bahay dahil sa pandemya


_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
5. covid 19 vaccine
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Payabungin Natin

Panuto: Pumili ng dalawang proposisyon sa ibaba para bigyan ng


pangangatuwiran. Maging gabay sa iyo ang rubrik ng pagsulat ng
tekstong nangangatuwiran. Isulat sa sagutang papel.

1. Dapat ipasa ang Divorce bill upang mabawasan ang


karahasan laban sa kababaihan

2. Dapat ipatupad ang RH Bill upang makontrol ang populasyon


at kahirapan

3. Nakasasama sa pamilya ang pag-alis ng isang miyembro nito


upang magtrabaho sa ibang bansa

15
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
___________________________________________________________

RUBRIK SA PAGSULAT NG TEKSTONG NANGANGATUWIRAN


PAMANTAYAN PUNTOS NATAMONG
PUNTOS
Malinaw na nailahad ang layunin sa 5
pagsulat ng teksto
Lantad ang pangunahing ideya na 5
tatalakayin
Himay-himay na inilahad ang mga 5
suportang idea
Organisado ang mga ideya gamit ang 8
isang angkop na hulwarang
organisasyon
Matibay na nailahat ang mga ideya nang 7
may sapat na batayan/sanggunian at
walang kinikilingan upang maipakita
ang kredebilidad ng impormasyong
isinaad sa isinulat na teksto
Kabuoan 30 puntos

16
Pagnilayan Natin

Naging malinaw na ba sa iyo ang ating aralin?

Higit mo na bang nauunawaan kung papaano nakatutulong ang


paraan, katangian, at nilalaman sa pagbuo ng isang mabisang tekstong
nangangatuwiran?

Binabati kita!

Nagtagumpay ka sa pagsasagawa ng iyong aralin.

Sa pagsulat ng reaksiyong papel para sa tekstong nangangatuwiran,


isalin ang iyong natutuhan o kaalaman, gamit ang graphic organizer.

Tekstong
Nangangatuwiran

Paraan Katangian

Bahagi/nilalaman

Detalye Detalye

Reaksiyong Papel

17
18
Suriin Natin
A.
1. N Sanayin Natin
Sanayin Natin
2.N A.
B.
3. N 1. Opinyon
1. TAMA
4. N 2. Nangangatuwiran
2. TAMA
5. N 3. Reaksiyong papel
3. TAMA
B. 4. simula / panimula
4. TAMA
1. Pangangatuwiran Introduksiyon
5. TAMA
2. konklusyon 5. Bisa
3. pangangatuwiran
Aralin Natin Subukin Natin Subukin Natin
C. C. A.
1. katawan 1. N 1. D
2. Pagsipi at pangangalap 2. N 2. C
ng impormasyon 3. N 3. B
3. introduksiyon 4. N 4. C
4. konklusiyon 5. N 5. B
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Magdalena O. Jocson. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino (Patnubay ng Guro). Department of Education 2016,
Vibal Group, Inc.1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City.p.121-
127

Rhoderick V. Nuncio, Elizabeth Morales-Nuncio. Sidhaya. Komunikasyon


at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino (Batayang Aklat sa
Filipino sa Senior High School). C & E Publishing, Inc. 839 EDSA, South
Triangle, Quezon City. 2016. P. 315-334.

K to 12 Basic Education Curriculum - Senior High School Core Subject.


Department of Education 2013, 1-5

Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto


Tungo sa Pananaliksik. Manila, Philippines. REX Book Store

Feature image – FreePik.com

http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_iba%27t_ibang_uri_ng_pangangatwiran
http://wiki.answers.com/Q/3_uri_ng_proposisyon

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon- Sangay ng Lunsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100

Telefax: (084) 216-3504

Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

20

You might also like