You are on page 1of 8

KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Aralin Filipino 6: Pananaliksik sa Filipino

Module Code: Fil 6 Lesson Code: 1.3 Time Limit: 90 minuto

TA: 1 minuto ATA: _____

Sa katapusan ng aralin, ang mga iskolar ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahalagahan ng pananaliksik;

2. nasusuri ang isang pananaliksik sa tulong ng pag-iisa-isa sa mga kahalagahan nito; at
3. natutukoy ang mga kahalagahan ng pananaliksik sa kasalukuyang panahon.

TA: 10 minuto ATA: _____

Minsan ba sa ilang sandali ng iyong buhay ay napagtanto mo kung gaano kahusay

at kamangha-mangha ang mga bagay na ginagamit o nakikita natin sa ating pang-araw-
araw na buhay?
Hindi ba’t kung pakaiisiping mabuti, sobrang nagbago na ang takbo ng ating
pamumuhay sa kasalukuyan kung ikukumpara sa nakaraan? Malayo na ang nilakbay ng
modernisasyon sa kasalukuyan at nakatitiyak akong higit pang napakaraming pagbabago
ang ating aasahan sa hinaharap. Ang lahat ng mga nabanggit ay produkto ng pananaliksik.
Kung hindi ka pa lubusang kumbinsidong mahalaga ngang tunay ang pananaliksik
sa ating buhay, halina’t ating isa-isahin ang mga pangkalahatang kahalagahan ng
pananaliksik.

Paunang Pasulat na Gawain

Sa iyong palagay, ano-ano nga ba ang mahahalagang papel na ginagampanan ng
pananaliksik sa ating buhay? Subukin mo ngang magtala ng limang magagandang naibibigay
ng gawaing pananaliksik. Isulat ang mga sagot sa nakalaang patlang.
1. ______________________________________________________________
2. ______________________________________________________________
3. ______________________________________________________________
4. ______________________________________________________________
5. ______________________________________________________________

TA: 19 minuto ATA: _____

Hindi maikakailang ang mga produkto ng pananaliksik ay mayroong mga positibong

naidudulot sa bawat mamamayan. Ang mga ito ay bunga ng mga suliraning tinugunan ng

Filipino 6 // Pahina 1 ng 8
bawat masigasig na mananaliksik. Ano-ano nga kaya ang mga positibong naidudulot ng mga
pananaliksik bilang bahagi ng buhay ng tao?

Isa-isahin natin ang mga kahalagahan ng pananaliksik batay kina Lartec, Jane K., et
al. (2011).

Pangkalahatang Kahalagahan ng Pananaliksik

A. Benepisyong Personal
Sa pamamagitan ng pananaliksik ay nakapagdudulot ito ng mga
magagandang bagay na kapaki-pakinabang sa sariling buhay. Sa proseso,
napauunlad mo ang iyong pagiging analitikal at kritikal na pag-iisip na nagreresulta
ng pagiging matatag mo sa buhay – nakakaya mong tumayong mag-isa.
Gayunpaman, dahil nasasanay ka sa paghahanap ng mga datos na sasagot sa
sariling suliranin at dahil nakakaya mong tapusin ang proyekto, mas madali ang
pagharap mo sa mga pagsubok sa buhay.

Hindi lamang ang iyong sariling kakayahan sa paghusga ang personal na

benepisyong nakukuha mo sa pananaliksik. Bagkus, nakikilala mo rin ang pansariling
interes sa mga paksang nais mong suriin o pag-aralan. Nalilinang din ang kakayahan
o kalinangan mo sa paghusga na nagiging personal na batayan mo sa pagkilala ng
mga bagay-bagay.

B. Benepisyong Edukasyonal
Tumutukoy ang benepisyong ito sa mga kapakinabangang edukasyonal.
Nakatutulong ang pananaliksik sa guro upang maging gabay niya ang mga
natuklasan at mapagtagumpayan niya ang kaniyang epektibong pagtuturo sa mga
mag-aaral.

Sa panig naman ng mga mag-aaral, nagkakaroon siya ng kabatiran sa mga

isyu, metodolohiya, at iba pang aspekto sa kaniyang napiling larang. Gayundin, kung
gumagawa siya ng pananaliksik o kung nagbabasa ng resulta ng mga isinagawang
pananaliksik, naisasabuhay niya ang mga natutuhang konsepto sa totoong buhay at
nahahasa ang kaniyang kasanayan sa paglutas ng mga suliranin dahil ang
pananaliksik ay pawang paghahanap ng solusyon sa mga suliranin. Sa pamamagitan
din ng pagbabasa ng mga kaugnay na literaturang gagamitin sa pananaliksik, lalong
makatutulong ito sa pagtamo ng kaalaman sa iba’t ibang paksa at iba’t ibang larang.

Filipino 6 // Pahina 2 ng 8
C. Benepisyong Propesyonal
Nakapaggagalugad at nakapaghahanda ang isang tao sa karerang ibig
niyang tahakin sa hinaharap dahil nasasanay siyang magbasa at mag-analisa ng
mga datos na nagbubunga ng pagkakaroon ng mas malawak na kaalamang
magagamit sa propesyong mapipili. Nalilinang din ang iyong mga kapaki-pakinabang
na mga kasanayan gaya ng kasanayan sa propesyonal na pakikipagkomunikasyon.
Gayundin, nakikipag-ugnayan ka sa iba at epektibong nagtatrabaho bilang bahagi
ng isang grupong maghahanda sa iyo at sa magiging propesyon mo sa hinaharap.

D. Benepisyong Pangkaisipan
Bukod sa sariling pag-unlad, ang proseso ng pagtitipon-tipon ng mga
nabasang ideya o pananaw mula sa iba’t ibang manunulat ay naghahasa ng kaisipan
bilang indibidwal. Nangangahulugan itong nadaragdagan ang iyong kaalaman at
pagkatuto.

E. Benepisyong Pambansa
Ang gawaing pananaliksik ay may ginagampanang tungkulin sa paghubog ng
kinabukasan ng isang bansa at tagapagbigay ng kaunlaran at mabuting pamumuhay
para sa lahat ng mamamayan nito. Ang desisyon ng ating mga lider hinggil sa
kapakanang pambansa ay batay sa resulta ng pananaliksik na isinasagawa ng mga
kinauukulan.

F. Benepisyong Pangkatauhan
Nahahasa rin ang kagalingan ng bawat isa sa pakikipagkapwa-tao dahil sa
ginagawang pakikipanayam. Sa pamamagitan nito, nagiging mahusay siya sa
pakikibagay dahil sa kagalingan niyang makipag-ugnayan sa iba’t ibang tao upang
makakuha ng mga mahahalagang datos na kaniyang kakailanganin.

Nalilinang din nito ang tiwala sa sarili. Ang sinomang tao kapag maayos na
nagampanan ang tungkuling hinaharap at ito ay naaayon pa sa tamang resulta,
nakasisigurong nalilinang ang pagmamalaki at tiwala sa sarili na lubos na
nakapaghuhubog ng sariling katauhan.

TA: 30 minuto ATA: _____

Pangkaisipang Gawain
Batay sa mga impormasyong iyong nalaman sa bahaging Alamin Natin, atin
ngayong subukin ang iyong pang-unawa kaugnay sa kahalagahan ng pananaliksik. Sa ibaba
ay makikita ang ilan sa mga piling larawang maituturing na mga produkto ng masusing
pananaliksik. Kilalanin kung sa anong pangkalahatang benepisyo ito nabibilang at ilahad ang
iyong sagot sa loob ng tatlo hanggang limang pangungusap.

Filipino 6 // Pahina 3 ng 8
_______________________________________________

Sanggunian:https://www.google.com/search?q=modern+buildings&tbm=isch&ved=2ahUKEwjijKKm27rqAhULCpQKHUKTDV8Q2-
cCegQIABAA&oq=modern+buildings&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BQgAELEDOggIABCxA
xCDAVCN0AFY54oCYJGSAmgBcAB4AIABvASIAegokgEMMC4xNC4zLjMuMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=ATEEX6KILIuU0ATC
prb4BQ&bih=697&biw=1364#imgrc=dCIftmj7c9pxtM

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Sanggunian:https://www.google.com/search?q=modern+medical+facilities&tbm=isch&ved=2ahUKEwiWkoru3brqAhUNa5QKHSxJA6UQ2cCegQIABAA&oq=
MODERN+FACILITIES&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgIIADIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQCBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjIGCAAQ
CBAeMgYIABAIEB4yBggAEAgQHjoECAAQQzoFCAAQsQM6BwgAELEDEEM6BggAEAUQHlDy4gtYz5kMYLa4DGgAcAB4BIAB2QOIAaEskgEJMC44Ljcu
Ni4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWewAQA&sclient=img&ei=sTMEX9b1C43W0QSsko2oCg&bih=697&biw=1364#imgrc=Vo5jW1B38j2WnM

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Sanggunian:
https://www.google.com/search?q=modern+gadgets+in+usa&tbm=isch&ved=2ahUKEwjJguzz2rrqAhWsxIsBHabRBCQQ2cCegQIABAA&oq=modern+gad get
s+in+usa&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEEM6BggAEAgQHjoECAAQGFC-
igZYm5wGYOCiBmgAcAB4AIABxgGIAbQHkgEDMC43mAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=lzAEX4nbO6yJr7wPpqOToAI&bih=697&biw=1
364

_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
Sanggunian:https://www.google.com/search?q=modern+cars+in+the+USA+2020&tbm=isch&ved=2ahUKEwiftfml3brqAhVCUpQKHZ2YBG4Q2cCegQIABAA
&oq=modern+cars+in+the+USA+2020&gs_lcp=CgNpbWcQA1DnxQhYiIEJYLWGCWgFcAB4AIABjgOIAeESkgEHMC43LjMuMpgBAKABAaoBC2d3cy13aXo
taW1n&sclient=img&ei=GTMEX9_EOMKk0QSdsZL

Filipino 6 // Pahina 4 ng 8
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________
_______________________________________________

Sanggunian:https://www.google.com/search?q=modern+buildings&tbm=isch&ved=2ahUKEwjijKKm27rqAhULCpQKHUKTDV8Q2cCegQIABAA&oq=modern
+buildings&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BQgAELEDOggIABCxAxCDAVCN0AFY54oCYJG
SAmgBcAB4AIABvASIAegokgEMMC4xNC4zLjMuMi4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=ATEEX6KILIuU0ATCprb4BQ&bih=697&biw=13
64#imgrc=dCIftmj7c9pxtM

Panlinang na Gawain
Sumulat ng isang sanaysay hinggil sa paksang “Kahalagahan ng Pananaliksik sa
Lipunang Pilipino at sa Mundo sa Panahon ng Pandemya.” Limitahin sa 3-5 talata ang
gagawing sanaysay.
Gawing gabay ang talahanayan sa ibaba sa pagsulat ng sanaysay. Ito rin ang gagamitin ng
guro sa pagtataya sa iyong gawain.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA SA PAGSULAT NG SANAYSAY

PANUKATAN
PAMANTAYAN

Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang I

Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
S
Inaasahan
(2)
(3) K
(5) (4) (1)
O
R
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang ang sa ginawang
Malinaw na ang pangunahing introduksyon at sanaysay.
nakalahad ang pangunahing paksa, subalit ang
pangunahing paksa paksa hindi sapat ang pangunahing
gayundin ang gayundin ang pagpapaliwanag paksa. Hindi rin
panlahat na panlahat na ukol dito. nakalahad ang
pagtanaw ukol dito. pananaw ukol panlahat na
dito. pagpapaliwanag
ukol dito.

Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata May kakulangan Hindi nadebelop Hindi nakita
bawat talata dahil ay may sapat sa detalye. ang mga sa ginawang
sa husay sa na detalye. pangunahing sanaysay.
pagpapaliwanag at ideya.
pagtalakay tungkol
sa paksa.

Filipino 6 // Pahina 5 ng 8
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay Hindi nakita
ng mga Ideya ang pagkakasunod- debelopment pagkakaayos ng na organisado sa ginawang
sunod ng mga ng mga salita, mga talata, subalit ang sanaysay.
ideya; gumamit din subalit hindi ang mga ideya ay pagkakalahad
ng mga makinis ang hindi ganap na ng sanaysay.
transisyonal na pagkakalahad. nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Kongklusyon Nakapanghahamon Naipakikita Hindi ganap na May kakulangan Hindi nakita
ang kongklusyon at ang naipakita ang at walang pokus sa ginawang
naipakikita ang pangkalaha- pangkalahatang ang sanaysay.
pangkalahatang tang palagay o palagay o pasya kongklusyon.
palagay o paksa pasya tungkol tungkol sa paksa
batay sa katibayan sa paksa batay sa mga
at mga katwirang batay sa mga katibayan at mga
inisa-isa sa katibayan at katwirang inisa-isa
bahaging gitna. mga katwirang sa bahaging gitna.
inisa-isa sa
bahaging
gitna.
Mekaniks sa Walang May isa May tatlo May lima May pito o
Pagsulat pagkakamali sa hanggang hanggang apat na hanggang anim higit pang
mga bantas, dalawang pagkakamali sa na pagkakamali pagkakamali
kapitalisasyon, at pagkakamali alinman sa mga sa alinman sa sa alinman sa
pagbaybay. sa alinman sa bantas, mga bantas, mga bantas,
mga bantas, kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon
kapitalisasyon pagbaybay. at pagbaybay. at pagbaybay.
at pagbaybay.
Gamit ng mga Walang May isa May tatlo May lima o higit Hindi nakita
Salita pagkakamali sa hanggang hanggang apat na kamaliang sa ginawang
estruktura ng mga dalawang pagkakamali sa nakagugulo ang sanaysay.
pangungusap at pagkakamali estruktura ng mga sa estruktura ng
gamit ng mga sa estruktura pangungusap at mga
salita. ng mga gamit ng mga pangungusap at
pangungusap salita. gamit ng mga
at gamit ng salita.
mga salita.

KABUOAN
Sanggunian: Badayos, P.B. et al. 2007. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Valenzuela City. Mutya
Publishing House, Inc.

TA: 30 minuto ATA: _____

Kumusta? Binabati kitang muli sapagkat malawak na ang iyong kaalaman sa

mga benepisyong naidudulot ng pananaliksik sa ating mga buhay. Ngayon, ibig kong higit mo
pang mapahalagahan ang gawaing pananaliksik kaya’t basahin nang masinsinan ang isang
halimbawa ng pananaliksik sa Filipino.
Gamitin ang link na ito para sa sipi ng pananaliksik:
http://pananaliksikgrade11.blogspot.com/2018/11/pananaliksik-paggamit-ng-
teknolohiya.html?m=1 .
Naway higit pang madagdagan ang iyong kawilihan sa gawaing pananaliksik. Maligayang
pagbabasa!
Ngayon, matapos mong basahin ang halimbawa ng pananaliksik sa link na
ibinigay, panahon na upang muli na naman nating subukin ang iyong pang-unawa. Bilang
paglalagom ay sagutin mo ang mga tanong na nakalahad.

Filipino 6 // Pahina 6 ng 8
1. Tungkol saan ang pananaliksik na binasa?
_________________________________________________________________________

____________________________________
2. Ano-ano ang mga benepisyong inilahad ng may-akda sa pananaliksik na binasa?
Sumasang-ayon ka ba sa mga benepisyong inilahad? Bakit? Suportahan ang iyong mga
sagot sa tulong ng mga patunay na nabasa mo sa iba pang mga sanggunian.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________
3. Base sa mga kaisipang inilahad sa halimbawang pananaliksik, ano-ano ang mga
kahalagahan ng pananaliksik na iyong napagtanto?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_____________________________________________
4. Kung ikaw ang may-akda ng nabasang pananaliksik, ano-ano pang mga
punto/kaisipan/ideya ang ibig mong talakayin nang malaliman o may diin na magsisilbing
layunin ng iyong sariling pananaliksik? Ipaliwanag ang iyong mga sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

Gawaing Pangkasanayan (Takdang-Aralin):

Opsyon A
Sa pagkakataong ito ay ating ipahayag ang lubos nating pasasalamat sa mga
kabutihang dulot ng pananaliksik sa ating mga buhay. Bilang gawain lumikha ng isang Video
Blog kaugnay sa paksang “Pamamaraan Ko bilang Iskolar sa Pagpapahalaga ng mga
Produkto ng Pananaliksik.” Limitahin ang Video Blog sa loob ng tatlo hanggang limang minuto
lamang.

Filipino 6 // Pahina 7 ng 8
Opsyon B

Sa pagkakataong ito ay ating ipahayag ang lubos nating pasasalamat sa mga

kabutihang dulot ng pananaliksik sa ating mga buhay. Bilang gawain sumulat ng isang
replektibong sanaysay kaugnay sa paksang “Pamamaraan Ko bilang Iskolar sa
Pagpapahalaga ng mga Produkto ng Pananaliksik.” Limitihan ang repleksyon sa tatlo
hanggang limang talata lamang.

Tagubilin: Ang Panlinang na Gawain at Paglalagom ay magiging bahagi rin ng Gawaing

Pangkasanayan (Takdang-Aralin). Maaaring maglaan ng isang oras sa bawat gawaing
iniaatas bilang gawaing pangkasanayan.

Sanggunian:

Galang, Teresita T., et al. (2007). Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik. Manila: Rex
Book Store.

Lartec, Jane K., et al. (2011). Instruksyong Modyular sa Pananaliksik. Mandaluyong City.
Anvil Publishing, Inc.

Pacay, Wilmor L. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa

Pananaliksik. Pasay City: JFS Publishing Services, Inc.

Santos, Angelina L. at Emma B. Magracia. (2016). Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa

Filipino. Iligan City: MSU-IIT.

Inihanda ni: HANUDIN E. PANANGGILAN

Posisyon: Special Science Teacher II
Kampus: SOCCSKSARGEN Region Campus
Pangalan ng reviewer: MARY ANN A. TEMPLADO
Posisyon ng reviewer: Special Science Teacher V
Kampus: Bicol Region Campus

Filipino 6 // Pahina 8 ng 8

You might also like