You are on page 1of 18

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 7
Paggawa ng Proyektong
Panturismo
Unang Markahan
Ikapitong Linggo
Modyul 7
Kasanayang Pampagkatuto:
 1. Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa
pananaliksik mula sa napakinggang mga pahayag,
 2. Nasusuri ang ginamit na pananaliksik sa isang
proyektong panturismo.

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat
ng inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul
na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong
kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman
ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may
kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang
aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL

1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan


pagkatapos makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong
kaalaman at konsepto na kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating
kaalaman at kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang
ideya ng aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may
kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo
ang bagong aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng
pagkatuto sa bagong aralin.
9. Papel sa Replektibong Pagkatuto - dito ipahahayag ang
pangkalahatang natutuhan o impresyon/repleksyon ng mag-aaral sa
kanyang pinag-aaralang modyul.

2
Aralin Paggawa ng Proyektong
Panturismo
1 (Mga Hakbang sa Pananaliksik)

INAASAHAN
 Naiisa-isa ang mga hakbang na ginawa sa pananaliksik mula sa
napakinggang mga pahayag.

UNANG PAGSUBOK

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Isulat sa kwaderno ang
iyong sagot.
1.Proseso ng pangangalap ng totoong impormasyon tungkol sa isang paksa.
A. Pagsusulat C. Paglalakbay
B. Pananaliksik D. Panonood

2. Talaan ng iba’t ibang sangunian katulad ng aklat , artikulo.report ,peryodiko at


magasin.
A.ensayklopedia C. bibliograpi
B. internet D. diksyunaro

3. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik maliban sa


isa.
A. Pag-alam at pagpili ng paksa C. Paglalahad ng layunin
B. Pagsulat ng Burador D. Pagsagot sa tanong
4. Sa pangangalap ng tala o note taking sa pananaliksik, iminumungkahing
gumamit ng_______________.

A. papel C. index card


B. kwaderno D. cellphone

5. Kagawaran ng pamahalaan na namumuno sa turismo ng bansa


A. Kagawaran ng edukasyo C. Kagawaran ng transportasyon
B. Kagawaran ng turismo D. Kagawaran ng kalusugan

3
BALIK-TANAW

Panuto: Bumuo ng talatang nanghihikayat sa pamamagitan ng larawan.


Gumamit ng salitang naghihikayat katulad ng totoo/tunay,talaga,
pero/subalit at iba. Isulat sa kwaderno ang sagot.

______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
________________________________________
_________________________________________
__________________________________________

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Intramuros Fort Santiago San Agustin Manila bay

Siguradong pamilyar ka na sa mga lugar na ito dahil ang mga ito ay makikita
sa lungsod ng Maynila.Alam mo ba na ang mga lugar na ito ay ilan lamang sa mga
magagandang tanawin na makikita sa Maynila? at sa likod ng mga naggagandahang
tanawin na iyan ay may mga nakatagong mayamang kasaysayan.

4
Ang look ng Maynila ay isa sa magandang tanawing makikita sa Maynila
,dinarayo ito dahil sa napakagandang tanawin kapag papalubog ang araw at talaga
namang hinahangaan sa buong mudo. Sa ngayon ang look ng Maynila ay itinuturing
na mahalagang lugar pangkalakalan lalo na para sa industriya ng
pangingisda,transportasyon at turismo.Ang simbahan ng San Agustin ay dinesenyo
naman mula sa magagandang templo na pinatayo ng mga Agustino sa Mexico.
Samantalang ang Fort Santiago ay isang lugar sa Intramuros na napalilibutan ng
matataas na pader.Ito ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa
Kastilang si Miguel Lopez de Legaspi.

Bukod sa mga natututuhan sa paaralan, paano pa ba madadagdagan ang


kaaalaman sa katotohanan sa likod ng magagandang tanawin at sa makulay na
kasaysayan nito?Ang lahat ng ating nabasa mula sa kasaysayan ng magandang
tanawin ay nabuo dahil ginawang pananaliksik. Ano ba ang pananaliksik? Paano ba
isinasagawa?

MGA GAWAIN
( na

Gawain 1:
Panuto: Gamit ang larawan sa ibaba.Gumawa ng iteneraryong paglalakbay na
magsisilbing gabay ng mga taong sa unang beses pa lamang
makapupunta sa Maynila. Magsagawa ng pananaliksik upang maging
tama at wasto ang impormasyong maibibigay.Gawin ito sa malinis na
papel.

Iteneraryon ng paglalakbay sa lungsod ng


Mga dapat Maynila
gawin sa 1._______________________________
Maynila
2._______________________________

3._______________________________

4. _______________________________

5._______________________________

5
Gawain 2:
Panuto: Mula sa nabuong pananaliksik, ilahad ang mga hakbang/ paraan na
iyong ginawa at magbigay ng maikling paliwanag tungkol dito.

Mga Hakbang/Paraan na ginawa sa Pananaliksik

TANDAAN
Ang pananaliksik ay ang sistematikong paghahanap ng mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o siliranin.

Mga Hakbang sa pagsasagawa ng Pananaliksik

1.Pag-alam o pagpili ng paksa – kung walang tiyak na paksang sasaliksikin


siguraduhing ang pipiliing paksa ay naayon sa iyong interes,may mga materyales
na pagkukunan, at yaong mayroon kang malawak na kaalaman.

2. Paglalahad ng layunin – isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais
isagawa nag pananaliksik.

3. Paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi – ang bibliyograpi ay talaan ng


iba’t iabang sanggunian katulad ng akalat , artukulo, peryodiko ,magasin.Maaari
ring gamitin ang internet ,mag-ingat lamang at suriing mabuti ang mga talang
makukuha rito sapagkat maraming impormasyon mula rito ang kaduda-duda o
walang katotohanan.

4.Paghahanda ng tentatibong balangkas – makatutulong ito para sa mas mabilis


na pananaliksik dahil ito ang magbibigay ng direksyon at magsisilbing patnubay
sa pagababasa at pangangalap ng tala.

5. Pangangalap ng tala o Note taking – sa paghahanp ng tala iminumungkaing


gumamit ng index card.

6. Paghahanda sa iwinastong Balangkas o Final outline- sa bahaging ito planuhin


at isiping mabuti ang kabuoang pananaliksik na gagawin.

7. Pagsulat ng burador o Rough Draft – tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang


dumadaloy sa isip.Huwag munang bigyang -diina ng mga maling pangungusap.

6
8. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador – sabahaging ito bigyang pansin ang
nilalaman at paraan ng pagsulat gaundin ang baybay,bantas at wastong gamit ng
salita

9. Pagsulat ng pinal na pananaliksik – isulat ang pinal na pananaliksik batay sa


pormat na ibinigay ng guro.

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN

Gawain 1: Pananaliksik sa epekto ng Covid 19 sa turismo ng Pilipinas


Panuto: Magsagawa ng pananaliksik tungkol sa pandemyang ating nararanasan
sa kasalukuyan, ang Covid 19 .Sundan ang balangkas sa ibaba sa
pagsasagawa ng pananaliksik. Isulat ito sa isang malinis na papel.

A. Panimula – Ilagay sa bahaging ang kahulugan at sintomas ng Covid


19.
B. Gitna- Ilagay sa bahaging ito ang naging epekto ng covid 19 sa
turismo ng ating bansa?
C. Wakas - Ilagay sa bahaging ito ang mungkahing dapat gawin upang
makabawi ang turismo ng bansa mula sa pandemyang naranasan.

_________________________________
_______________________________________
_______________________________________

_________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

_________________________________
_______________________________________
_______________________________________
___

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Panuto: Tukuyin kung anong hakbang ng pananaliksik ang isinagawa sa
sumusunod na sitwasyon.Piliin ang letra ng wastong sagot. Isulat ito sa
iyong kwaderno.

7
1. Hindi muna binigyan-pansin ni Lisa ang mga maling pangungusap sa
kanyang isinasawang pananaliksik.Tuloy-tuloy niya lamang isinulat kung
ano ang dumadaloy sa kanyang isipan.
A. Pagsulat ng burador o Rough Draft C. Paglalahad ng layunin
B. Paghahanda ng tentatibong balangkas D. Pag-alam o pagpili ng paksa

2. Inisip at nagplanong maigi muna si Julie sa kanyang gagawing pananaliksik.


A. Pangangalap ng tala o Note taking
B. Pag-alam o pagpili ng paksa
C. Paghahanda sa iwinastong Balangkas o Final outline
D. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
3. Binalikan ni Alda ang pananaliksik na kanyang ginawa ,tiningnan niyang
mabuti kung tama ang nilalaman na kanyang inilahad at binigyang-pansin
niya kung wasto ang paraan ng kanyang pagsulat.
A. Paghahanda ng pansamantalang bibliyograpi
B. Pangangalap ng tala o Note taking
C. Pagsulat ng pinal na pananaliksik
D. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador
4. Gumamit ng index card si Alma sa pangangalap ng mga tala sa kanyang
isinasagawang pananaliksik.
A. Pag-alam o pagpili ng paksa
B. Pangangalap ng tala o Note taking
C. Paglalahad ng layunin
D. Paghahanda sa iwinastong Balangkas o Final outline
5. Pinagawa ng pananaliksik si Anne ng kanilang guro. Ang pagluluto ang
napiling niyang paksa dahil mahilig at gustong-gusto niya ang magluto ng
iba’t ibang klase ng pagkain.
A. Pagwawasto at Pagrebisa ng Burador C. Pag-alam o pagpili ng paksa
B. Paglalahad ng layunin D. Pangangalap ng tala o Note
taking

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO


Panuto: Sumulat ng talatang naglalaman ng kahalagahan ng pananaliksik lalo sa
panahon ngayon ng paglaganap ng pandemya sa ating bansa.
Gawin ito sa isang buong papel.

_____________________________

________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
8 ________________________________________
________________________________________
________________________________________
________________________________________
Aralin
Paggawa ng Proyektong
2 Panturismo ( Brochure )

INAASAHAN
 Nasusuri ang ginamit na pananaliksik sa isang proyektong panturismo
(halimbawa pagsusuri ng isang promo coupon o brochure).

UNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong . Isulat sa kuwaderno ang
iyong sagot.
1.Proseso ng pangangalap ng totoong impormasyon tungkol sa isang paksa.
A. Pagsusulat C. Paglalakbay
B. Pananaliksik D. Panonood

2. Dinesenyo ito upang maging gabay sa paglalakbay at magkaroon ng ideya sa


pook na pupuntahan.
A. travel brochure C. blog
B. poster D. audio visual presentation

3. Ang sumusunod ay mga hakbang sa pagsasagawa ng travel brochure maliban sa


isa.
A. pananaliksik C. pagbuo ng burador
B. pagpili ng larawan D. panood sa youtube

4. Tawag sa mga taong naglalakbay sa ibang lugar o bansa.


A. turismo C. turista
B. tulisan D. tubero

5. Ito ay naglalaman ng mga larawan na nagpapahiwatig ng komunikasyong biswal


sa mambabasa
A. dyaryo C. blog
B. brochure D. aklat

9
BALIK-TANAW
Panuto: Isa-isahin ang mga hakbang sa pananaliksik .

Pananaliksik
Hakbang sa

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Tingnan at suriin ang mga larawan sa ibaba. Ano sa tingin mo ang nais
ipaalam nito? Nagbigay ba ito ng kabatiran sa mambabasa? Paano kaya nabuo ang
mga impormasyong nakalahad dito? Nakatutulong kaya ang pananaliksik sa pagbuo
nito?
Ipinakita sa larawan ang magagandang tanawin na maaaring pasyalan sa
lungsod ng Maynila.Isa sa mga atraksiyon panturismo ng bawat lalawigan ay ang
magagandang tanawin makikita dito. Ang turismo ang isa sa pinagkukunan ng
kabuhayan ng mga lokal na pamahalaan at ng maraming tao.Kung kaya’t ang
pamahalaan ay naglalaan ng malaking badget sa advertisement upang itaguyod at
dayuhin ng turista ang kanilang lugar. Isang paraan upang makilala /malaman ang
kagandahan ng isang lugar ay sa pamamagitan ng brochure. Ang mga larawan
makikita rito ay nagbigay ng komunikasyong biswal sa mambabasa at ang mga
impormasyon nakasaad dito ay nakuha sa pamamagitan ng pananaliksik.

10
Bantayog ni Rizal Kutang Santiago

Palasyo ng Malakanyang Ganap na inihayag ang Maynila bilang


sentro at kalakaran noong Huyo 24 ,
1571 sa pamumuno ni Miguel Lopez de
Legazpi matapos niyang matalo ang
kahuli-hulihang lider ng Maynila na si
Rajah Sulayaman.

Nagmula ang pangalan ng Maynila sa


nilad na tumutubo at lumalago sa mga
ilog kaya tinawag itong Maynilad na
kalaunan ay naging Maynila.
Gusaling Panlungsod ng Maynila

Tara na! Pasyal na sa Maynila!

11
MGA GAWAIN
Gawain 1. Pagsusuri ng brochure.
Panuto: Suriin ang brochure. Sagutan ang mga tanong sa ibaba sa tulong ng mga
nabasang impormasyon mula dito.Maaaring magsagawa ng pananaliksik
para sa karagdagang impormasyon. Isulat ang sagot sa malinis na
kwaderno.

Kaunti man ang


likas na tanawin
sagana naman ito
sa mga
gusali,bantayog,si
mbahan at iba
pang pang PBA -Lungsod ng Quezon
Lungsod ng Taguig
istrukturang
Guadalupe pangkultura
Ruins- Lungsod
Star city-Lungsod ng Pasay
ng Makati

Pasyal na sa NCR!
Mga tanong :

1.Ano-anong lugar ang makikita sa brochure? Ilarawan ang bawat isa.


___________________________________________________________________________
2.Paano naghatid ng kaalaman ang brochure na ito? Ipaliwanag ang
sagot.
___________________________________________________________________________

3.Makatutulong ba ito upang mapag-unlad ng proyektong panturismo sa


Pilipinas? Paano?
__________________________________________________________________________

Gawain 2: Pagbuo ng travel brochure


Panuto: Sundin ang isinasaad sa bawat panuntunan. Gawin ito sa isang malinis
na papel. Mga hakbang at panuntunan sa pagbuo ng proyektong
panturismo (travel brochure).

1.Magsaliksik at isulat ang nais ilagay na impormasyon ng iyong travel


brochure.
2. Tukuyin kung anong uri ng turista ang target ng iyong gagawing brochure

12
(Halimbawa:mga kabataang mahilig sa adventure , mga backpacker na
may limitadong budget, mga mag-aaral na ang nais ay isang educational
fieldtrip o mga nakatatanda o retiradong nais ng tahimik na bakasyon)
3. Pagkatapos magsaliksik,pumili ng pinakamahalagang bagay na gusto
mong bigyang diin tungkol sa lugar na sa tingin mo ay aakit sa uri ng
turistang target ng iyong travel brochure.
4.Pumili ng mga larawang isasama.
5.Bumuo muna ng burador para maging huwaran o template ng iyong
bubuuin.
6.Gumawa na ng travel brochure.
7. Maaaring isaalang -alang ang sumusunod:

a. Kasaysayan ng lugar
b. Lokasyon
c. Pagkain /delekasi
d. Pasyalan

Kasaysayan ng Lokasyon Pagkain/delekasi Pasyalan


lugar

TANDAAN

 Ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng totoong


impormasyon tungkol sa isang paksa. Isang paraan ito upang
makapagbigay ng tamang kabatiran sa isang gagawing proyektong
panturismo. Ilan sa mga datos na dapat malaman ay ang
kasaysayan ng lugar, lokasyon, pahingahan, transportasyon at
delekasi.
 Ang travel brochure ay dinesenyo upang maging gabay sa
paglalakbay at magkaroon ng ideya sa pook na pupuntahan.
 Mga hakbang at panuntunan sa pagsasagawa ng proyektong
panturismo
1. Pananaliksik at pagsulat ng nilalaman ng iyong travel brochure
2. Pagpili ng mga larawang isasama sa travel brochure
3. Pagbuo ng burador para sa iyongg travel brochure
4. Pagbuo ng aktuwal na travel brochure

13
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Ang ating bansa ay nakararanas ngayon ng isang pandemya, ang Corona Novel
Virus o mas kilala sa tawag na Covid 19 na hanggang ngayon ay wala paring lunas na
natutuklasan ang ating mga eksperto at dahil dito humina ang turismo ng ating bansa
gayundin ang ibang bansa dahil sa ipinagbawal muna ang pamamasyal .Ngunit sa kabila
nito may iilan paring turista ang pilit na naglalakbay. Paano kaya makatutulong ang
travel brochure sa panahon ng pandemya?

Panuto: Gumawa ng isang isang travel brochure naglalaman ng lokasyon o pasilidad ng


mga nagpositibo sa Covid 19 sa inyong lugar upang mas madaling maipaalam
sa mga tao sa inyong mga nasasakupan. Maaari ring magdagdag ng mga
paalala/paraan kung paano makakaiwas sa Covid 19 . Sipiin ang mapa sa ibaba
sa inyong kuwaderno.

Mga lokasyon ng pasilidad na may Covid 19 sa inyong lugar

14
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
Pag-unawa sa Binasa

Panuto: Basahin at unawain ang mga impormasyong ibinigay sa talataan.


Bigyang- pansin ang mga mahahalagang detalyeng inilahad dito.Isulat sa
Malinis na kwaderno ang iyong sagot.

Kahalagahan ng Turismo sa lalawigan, tinalakay sa Tourism Enterprise forum

Higit limampung partisipante na kinabibilangan ng mga Tourism Officers,


Hotel and Restaurants Head, Consultant, Academe at Local Government Units,
ang dumalo sa Tourism Enterprise Forum na ginanap sa Provincial Auditorium sa
Old Capitol Compound kahapon July 25, 2018. sa aming panayam kay Lorna Mae
Vero, Chief, Provincial Tourism Office. Sinabi nito na ang turismo ang nagbubukas
ng malaking opurtunidad para makapagbigay ng negosyo at trabaho sa tao.
Ibinahagi din nito ang mga hakbang na ginagawa ng turismo sa lalawigan upang
lalo pang mapaunlad ito.
Bagama’t hindi aniya katulad ng ibang lalawigan ang Nueva Ecija na may
mga beaches spots na dinarayo ay malakas naman aniya ito sa Agricultural
Tourism, Educational Tourism at Faith Tourism, at Mice Tourism.
May mensahe naman si Vero sa mga turista at kapwa Novo Ecijano na
dalawin at bistahin ang ganda ng lalawigan Nueva Ecija.
Para naman kay Rhea Leyva Santos, Tourism Officer ng bayan ng Guimba,
inaasahan aniya nito na mahikayat ang mga tourism establishments partikular sa
akomodasyon sa turismo, na makipagtulungan sa lalawigan na makalikom ng mga
datus para aniya updated ang data gathering ng DOT sa lalawigan.

_____ 1. Bilang ng partisipanteng dumalo sa Tourism Enterprise Forum.


A.limampu C. isangdaan
B.dalawampu D.isanglibo
_____ 2. Ayon sa binasang artikulo ang ito ang nagbukas ng malaking oportunidad
para makapagbigay ng negosyo at trabaho sa tao.
A. pamayanan C. turismo
B. tanawin D. Pilipinas
_____ 3. Ang sumusunod ay pangunahing turismo sa Nueva Ecija na dinarayo ng tao
maliban sa isa.
A. Beaches spots C. Educational tourism
B. Agricultural tourism D. Faith tourism
_____ 4. Sinabi niya na malaki ang kahalagahan ng turismo sa lalawigan dahil
nakilala ito sa pagiging payak at simple.
A. Lorna Mae Vero C. Rhea Leyva Santos
B. Nelson Gonzales D. Getz Rufo Alvaran.
_____ 5. Ang layunin ng Tourism Enterprise Forum ay upang
A. Maipakita ang kagandahan ng kanilang lugar
B. Maibahagi ang yaman ng turismo
C. Maisagawa ang pagtutulungan sa lalawigan
D. mapag usapan ang turismo sa lalawigan at lalo pang mapalago
at maging maunlad hindi lang ang lalawigan bagkus ang buong
Pilipinas.

15
PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO
Panuto: Itala ang mga natutuhan tungkol sa kahalagahan ng pananaliksik sa
paggawa ng travel brochure bilang proyektong panturismo. Ilagay ang
pamagat sa itaas na papel. Gawin ito sa isang buong papel .

Mga Natutuhan ko

SANGGUNIAN

https://www.coursehero.com/file/ptrd5f/Malinaw-na-ngayon-ang-kahalagahan-
ng-turismo-sa-pag-unlad-ng-isang-bansa-Ngunit/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Turismo
https://radyo.inquirer.net/198868/pilipinas-kumita-ng-p245b-sa-turismo-sa-
unang-anim-na-buwan-ng-2019
Pinagyamang Pluma (Ang Bagong baiting 7) pahina 89-91 , 130-132
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18442836632
prizal211.wordpress.com/2015/10/07/reaction-paper-fort-santiago/
https://www.google.com/search?q=magagandang+pasyalan+sa++lungsod+ng+Maynila&tbm=isch&v
ed=2
https://www.google.com/url?sa=i&url=http%3A%2F%2Fstmatthews.ph%2Fwp-
content%2Fuploads%2F2018%2F08%2FWika-Pagbasa-at-Pagsulat-Kinder-3-
Downloadable-2018
https://imgv2-2-f.scribdassets.com/img/document/

https://i.pinimg.com/originals/fd/1b/98/fd1b9874ca23ad18e4c7a4570ad5321e.j
pg now

16
https://imgv2-1
f.scribdassets.com/img/document/429144309/original/b26c542407/1588025636
?v=1-
https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn%3AANd9GcSwrPMvNhock-
FU741L2qDqPGqdKUUwb0BVSyFK3ieUz9ZHnupw&usqp=CAU
https://media4.s-nbcnews.com/j/streams/2013/August/130801/6C8481293-
tdy-130801-school-nerves.fit-760w.jpg
https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/06/23/maynila-matandang-siyudad-mayamang-
kasaysayan/
google.com/search?q=magandang+tanawin+sa++makati+city&hl=en&source=
https://explore.traveloka.com/wp-v1/wp-content/uploads/2017/05/Star-City-Facade-Design.jpg

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Juna B. Brazas


Editor: Edwin Remo Mabilin, EPS
Tagasuri: Ma. Teresa I. Linao
Tagaguhit: Juna B. Brazas
Tagalapat: Liezl M. Evangelista at Alma N. Dimapilis
Tagapamahala: Maria Magdalena M. Lim, CESO V
Tagapamahalang Pansangay ng mga Paaralang Panlungsod
Aida H. Rondilla, Puno ng CID
Lucky S. Carpio, EPS na naktalaga sa LRM at Tagapag-ugnay sa ADM

17
SUSI NG PAGWAWASTO

ARALIN 7.1

UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

1.B 1. A
2. C
2.C
3. D
3.D
4. B
4.C
5. C
5.B

ARALIN 7.2

1.B
1.A
2.A
2.C
3.D
3.A
4.C
4.B
5.B
5.D

18

You might also like