You are on page 1of 32

6

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Pagmamalaki sa Anumang Natapos
na Gawain na Nakasusunod
sa Pamantayan at Kalidad
EsP6PPP-IIIg-38

1
ESP– Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagmamalaki sa Anumang Natapos na Gawain na
Nakasusunod sa Pamantayan at Kalidad
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Nancy J. Dacutanan, Bernadette GC. Romano, Belinda P. Orbe


Editor ng Nilalaman: Joerlin J. De Guzman
Editor ng Wika: Cristina M. Nicolas
Tagaguhit: Ma. Cristina L. Miano
Tagalapat: Mary Ann A. Dasalla
Tagasuri ng Nilalaman/Wika/Paglapat:
Maria Rowena C. Cababa
Tagapamahala: Gregorio C. Quinto Jr., Ed.D.
Rainelda M. Blanco, Ph.D.
Agnes R. Bernardo, Ph.D.
Glenda S. Constantino
Joannarie C. Garcia

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Schools Division of Bulacan
Office Address: Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan - Modyul 4
Pagmamalaki sa Anumang Natapos
na Gawain na Nakasusunod
sa Pamantayan at Kalidad
EsP6PPP-IIIg-38
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay inihanda para sa ating mag-aaral sa


kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.

Ang modyul na ito ay inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga


paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang
gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-
aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya
ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat
pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto
upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit.
Inaasahan naman na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit
pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila
ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa


kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

4
Alamin

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawain na makatutulong sa iyo upang


matutuhan ang pagmamalaki sa anumang natapos na gawain na nakasusunod sa
pamantayan at kalidad.

Sa katapusan ng modyul, ikaw ay inaasahan na:


 Nasusuri ang mga gawaing nagpapakita ng kalidad sa paggawa
 Natutukoy ang mga paraan upang maipakita ang kalidad sa paggawa sa
pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan
 Nahihikayat ang kapwa na magkaroon ng kalidad sa paggawa sa
pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan at magandang kalidad ng
serbisyo o produkto

Panuto: Suriin ang bawat sitwasyong isinasaad sa bawat pangungusap. Isulat ang
salitang PAGSUNOD kung ang pangungusap ay nagpapahiwatig ng pagmamalaki ng
anumang natapos na gawain ayon sa pamatayan at kalidad at DI-PAGSUNOD kung
hindi.

_____________1. Si Lito ay inatasang gumawa ng sanaysay, kinopya lamang niya


ang halimbawa sa libro upang makahabol sa oras ng pasahan.

_____________2. Isinulat ni Mila ang mga kinakailangan nila sa pagbuburda at pinag-


aralan naman ni Salud kung paano ito isasagawa upang matiyak na
tama at maayos ang kanilang proyektong ipapasa.

_____________3. Math-tinik kung ituring si Samuel ng kaniyang mga kaklase kung


kaya’t hindi nito kailangang maglaan ng oras sa paggawa ng mga
takdang-aralin at pag-aaral ng mga bagong aralin.

_____________4. Inis na inis si Tony sa tuwing nagbibigay ang kanyang


nakatatandang kapatid ng mga paalala at ideya sa paggawa ng
kanyang mga takdang-aralin at proyekto.

_____________5. Si Mildred ay madalas nakakakuha ng matataas na grado sa bawat


proyektong kaniyang ginagawa. Ipinapakita niya ang mga ito sa
kanyang mga kamag-aral at ibinabahagi ang mga pagpaplano at
istratehiyang ginagawa upang makapagbigay inspirasyon sa iba.

5
Subukin

Panuto: Iguhit ang sa iyong sagutang papel kung tama ang ipinapahayag ng
pangungusap at kung mali. Kung mali ang ipinapahayag sa pangungusap,
isulat sa katapat na bahagi kung ano ang dapat mong gawin upang makagawa ng
anumang gawaing naaayon sa tamang pamamaraan.

_____ 1. Ang gawaing may


______________________________
kalidad ay bunga ng pagsunod ______________________________
sa tamang pamamaraan. ______________________________
______________________________

_____ 2. Mas mainam na


magtanong sa mga nakakaalam ______________________________
kaysa bilisan ang gawain, subalit ______________________________
______________________________
mababa naman ang kalidad na ______________________________
kinalabasan nito.

6
_____3. Maipagmamalaki ang
anumang natapos na gawain na ______________________________
______________________________
may kalidad upang makapagbigay ______________________________
inspirasyon sa iba. ______________________________

_____ 4. Ang proyektong hindi pa


______________________________
kumpleto sa pamantayan ay ______________________________
maaari nang ipasa sa guro. ______________________________
______________________________

_____ 5. Ang pag-aaral ng paraan at ______________________________


paano gawin ang isang gawain ay ______________________________
______________________________
makalilikha ng maayos at magandang
______________________________
proyekto.

7
Balikan

Panuto: Magtala ng mga paraan upang mapanatiling ligtas at maayos ang ating
kalikasan.

__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________
__________________________________ __________________________________

__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________
__________________________________

8
Tuklasin

Proyektong Napagtagumpayan!
Ni: Belinda P. Orbe

Ang mga mag-aaral sa ika-anim na baitang sa pangunguna ng kanilang


butihing guro na si Bb. Pascual ay nagkaroon ng malayang talakayan tungkol sa
kanilang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Nagpalitan ang buong klase ng
kanilang kuro-kuro tungkol sa mga paraan kung paano mapangangalagaan ang ating
kapaligiran at kung ano ang kahalagahan nito sa pamumuhay ng mga tao. Natuwa
ang guro dahil sa murang edad ng kaniyang mga mag-aaral ay nakapagbibigay na
sila ng mga solusyon sa suliranin ukol dito. At higit sa lahat, bukas ang isipan ng mga
bata sa mga nangyayari sa kanilang kapaligiran.

Habang naglalakad pauwi si Margareth ay bumalik sa kanyang gunita ang


katatapos lamang nilang aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Tumatakbo sa
kaniyang isipan na bilang pinuno ng YES-O Club sa kanilang paaralan ay dapat na
mayroon silang maiambag ukol dito.

9
Kinabukasan ay tumawag siya ng pulong sa mga kasapi ng kanilang samahan.
“Mga kasama, nais ko sanang bumuo tayo ng proyekto kung paano tayo makatutulong
sa pagpapanatili ng kalinisan sa ating paaralan.”, wika niya. “Sumasang-ayon ba kayo
rito?”, ang tanong niya sa mga ito.

“Kung ako ang inyong tatanungin ay pabor ako riyan at makukuha mo ang buo
kong suporta Margareth.”, pagsang-ayon ni Beth.

“Maganda ang naisip mong iyan,


makatutulong tayo sa ating paaralan.”,
ang sabi naman ni Chris. “Ako rin ay
tutulong at makikiisa.”, dagdag pa ni
Jerome. “Ano sa tingin ninyo ang mga
dahilan kung bakit nagiging makalat at
madumi ang ating paaralan?”, tanong ni
Margareth sa mga kasamahan. “Ang
hindi tamang pagtatapon ng mga
basura sa tamang lalagyan.”, sagot ni
Beth. “Tama ka! Marami sa atin ay kung
saan-saan lang itinatapon ang mga
balat ng pagkain o maging ang mga
papel na pinaggamitan.”, dagdag ni
Jerome. “May nakikita akong mga bata na ipinupunas ang maruruming kamay sa
pader ng ating silid-aralan.”, malungkot na pagbabahagi ni Chris. “Magbigay kayo ng
mga programang gawain para sa ating kapwa mag-aaral upang mapanatili ang
kalinisan at kaayusan ng ating paaralan. Naisip ko na ang nagiging sanhi ng pagdumi
ng ating paligid ay ang mga basura na nagkalat sa ating paaralan.”

“Ano kaya ang maaari nating gawin para mabawasan ang mga ito?”, tanong ni
Margareth sa kaniyang mga kasama. “Turuan natin ang mga mag-aaral ng wastong
pagtatapon ng kanilang mga basura. Ituro natin sa kanila ang paghihiwalay sa mga
papel, plastik na bote at lalagyan, dahon at iba pa.”, tugon ni Jerome. “Tama
magandang ideya iyan.”, pagsang-ayon ni Margareth.

10
“Gumawa rin tayo ng mga
babala sa paligid ng ating paaralan
upang palagi silang mapaalalahanan
sa tamang pagtatapon ng kanilang
basura.”, dagdag naman ni Cris.

“At naisip ko rin na maaari


tayong magresikulo ng mga basura
para maibenta natin at ang mabubuo
nating produkto ay ibebenta natin at
gagawing pondo para sa ating
proyekto.”, wika ni Margareth.
“Ibebenta naman natin ang mga
boteng plastik at mga lumang papel na
makokolekta natin sa junk shop na
malapit sa ating paaralan.”, dagdag pa
ni Beth.

Matapos ang kanilang pagpupulong ay nagsadya ang pangkat ng YES-O Club


sa tanggapan ng kanilang punongguro na si Gng. Reyes upang ipagpaalam ang
kanilang nabuong proyekto. Matapos silang mabigyan ng pahintulot, kanila itong
naisagawa ng sumunod na araw at ipinatupad ang lahat ng kanilang paghahanda at
pagpaplanong ginawa.

Naging matagumpay ang kanilang programa dahil na rin sa pakikiisa ng lahat


ng mga kasapi ng pangkat at pagtutulungan ng mga mag-aaral sa paaralan. Labis ang
pasasalamat ng kanilang punongguro sa naisagawang proyeko ng YES-O na kung
saan ang kaayusan at kalinisan ng paaralan ay sama-samang naisagawa ng bawat
isa.

Ang pagkakaroon ng pagpapahalaga at disiplina sa tamang pagtatapon ng


basura ay natutuhan ng bawat mag-aaral. Bilang pagbibigay puri sa kanilang
ginawang proyekto ay ginawaran ang pangkat ng parangal na sertipiko at medalya sa
Araw ng Pagkilala.
11
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa kwento.

1. Ano ang naging proyekto ng mga mag-aaral?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Paano nabuo ni Margareth ang kanilang proyekto?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Ano ang naging batayan ng pangkat sa proyektong kanilang inilunsad?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

4. Paano kinilala ng kanilang punongguro ang natapos nilang gawain?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Bakit mahalaga ang pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

12
Suriin

Paggawa ng may Kalidad, Maipagmamalaki!

Ang kalidad ay kataga sa Wikang Filipino na hiram naman sa wikang Kastila


na tumutukoy sa antas ng kagalingan o kahusayan ng bagay o serbisyo. Ang
paggawa ng may kalidad ay nagpapakita ng kahusayan sa kaniyang gawain. Ito ay
bunga ng pagpapahalaga at pagiging responsable sa paggawa ng gawaing iniatas ng
may buong husay at kagalingan.

Sa paksa ng kagalingan sa paggawa, may mga mahahalagang aspeto na


dapat bigyang pansin. Ang matukoy at maunawaan kung ano ang bagay na gagawin
ay unang dapat malaman. Pangalawa, ang pamamaraan ng pagsasagawa ng isang
gawain na tumutukoy sa mga istratehiya na angkop sa isang gawain. Ang huli ay ang
pagkatuto pagkatapos ng gawain. Ipinapakita naman nito ang resulta o kinalabasan
ng iyong gawain kung napagtagumpayan mo ang iyong layunin.

Ang mga katangiang dapat taglayin ng isang tao sa isang gawain nang may
kahusayan at dekalidad ay ang pagtutuon ng oras at panahon sa pagsusuri at
pagpaplano kung paano ito isasagawa. Ang makagawa o makalikha ng anumang
proyekto na naaayon sa dapat matutuhan o maisagawa ay napakahalagang aspeto
sa paggawa na dapat laging tandaan. Ang mungkahi mula sa mga guro o
nakatatandang kasama sa bahay ay maaaring maging gabay upang
mapagtagumpayan ang isang gawain. Higit sa lahat, gumawa ng mga gawain nang
may kasiyahan at bukal sa loob.

Sa ganitong pamamaraan, ang gawaing may kalidad ay maipagmamalaki nang


may kababaang-loob. Ipagmalaki ang gawaing natapos hindi upang maipagyabang
ito. Bagkus, ang adhikaing makapagbigay inspirasyon sa iba sa pagsunod sa tamang
pamamaraan na may kahusayan sa pagganap.

13
Pagyamanin
Pang-isahang Gawain 1

Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na sitwasyon at bilugan ang letra ng
tamang sagot para sa ikauunlad ng isang gawain.

1. May proyektong pampaaralan ang grupo nila Ella. Sa group chat na ginawa ng
kanilang guro, nalaman niya na siya ang ginawang lider nito. Una niyang ginawa
ay alamin kung ang lahat ng kanyang kagrupo ay nabasa ang mensahe. Nagbigay
ang guro ng pamantayan na kanilang susundin para sa ikagaganda ng kalidad ng
proyektong pampaaralan na kanilang isasagawa. Bilang lider, ano ang dapat
niyang unang gawin?

a. Alamin ang mga pamantayang ibinigay ng guro at ipaliwanag isa-isa ito sa


mga miyembro. Maging bukas din para sa opinyon ng kagrupo upang higit
na maunawaan ito.
b. Hayaan ang mga miyembrong gumawa nang hindi nauunawaan ang mga
pamantayang dapat sundin.
c. Ayaing gumawa agad ang mga kagrupo nang hindi sinusunod ang
pamantayang ibinigay ng guro.
d. Maging istriktong lider, hayaan ang mga kagrupo na gumawa ng kanilang
mga bahagi sa proyekto na walang pagtutulungan.

2. Nagawa mo nang maayos at mas maaga sa itinakdang oras ang proyektong


ibinigay sa iyo ng inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao. Tinanong ka ng
guro kung ano ang iyong ginawa at kung naisakatuparan mo ito nang may kalidad?

a. Ipagyayabang mo sa iyong guro na nagawa mo ang proyekto nang maayos


at may kalidad dahil ikaw ang pinakamagaling sa lahat.
b. Buong pagmamalaki mong sasabihin sa iyong guro na may kababaang
loob na nagawa mo ang proyektong naiatang sa iyo nang may kalidad dahil
sinunod mo ang pamantayang ibinigay niya sa inyo.
c. Sasabihin sa gurong maayos ang iyong gawa kaya dapat ay bigyan ito ng
pinakamataas na grado.
d. Sasabihin sa gurong lahat ay madali para sa iyo.

14
3. Sa proyektong pampaaralan na inyong gagawin, ang bahaging napunta sa iyo ay
madali mong nagawa sapagkat sumunod ka sa pamantayan. Nalaman mong ang
iyong kagrupo ay nahihirapan sa bahaging napunta sa kanya. Ano ang dapat mong
gawin?

a. Tutulong sa kasama na tapusin ang bahagi nito sa proyektong ginagawa at


ipaliliwanag upang mapadali ito kung susunod sa pamantayan ng guro.
b. Maglaro na lamang habang hindi pa tapos gumawa ng proyekto ang mga
kasamahan.
c. Pintasan ang kagrupo sapagka’t ikaw ay tapos na sa iyong bahagi.
d. Pagalitan ang kasamang hindi pa tapos sa proyekto.

4. May isa kang kagrupo na basta na lamang ginawa ang bahagi niya sa proyekto na
walang sinusunod na pamantayan. Dahilan niya ay kahit anong kalabasan ng
kaniyang ginawa ay ayos lang basta makapagpasa lamang siya. Bilang kaibigan
niya, paano mo siya mahihikayat na gumawa nang maayos at may kalidad?

a. Hahayaan mo na lamang siya dahil baka ito ang maging dahilan ng inyong
pag-aaway.
b. Sasang-ayon ka sa kanyang gusto na basta na lamang magpasa na walang
sinusunod na pamantayan.
c. Pagtatawanan ang kaibigan kahit magalit ito sa iyo.
d. Kakausapin siya nang mahinahon at ipaliliwanag ang mabuting maidudulot
nang may maayos na gawain at may kalidad.

5. Dahil sa pagsunod sa pamantayang ibinigay ng guro sa kooperasyon ng bawat


miyembro at sa malasakit sa bawat isa natapos ninyo nang maaga, maayos at may
kalidad ang proyektong pampaaralan na ipinagawa sa inyo ng guro. Bilang lider ng
grupo, ano ang iyong mararamdaman.

a. Buong-pusong ipagmamalaki ang proyektong nagawa sapagkat natapos


ito nang may kalidad at sumunod sa pamantayang ibinigay ng guro.
b. Ipaunawa sa kanila na maayos ang kinalabasan ng proyekto dahil sa
kagalingan niya bilang lider nito.
c. Sabihin sa mga kasamahan na magpasalamat sa kaniya dahil siya ang
dahilan kung kaya’t maganda ang kinalabasan ng kanilang proyekto.
d. Pintasan ang mga miyembrong nahirapang gawin ang kanilang bahagi.
15
Pang-isahang Pagtataya 1

Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na mga pahayag.

1. Ang tagumpay _________________________________


ng gawain ay _________________________________
_________________________________
may kaakibat
_________________________________
na paghihirap _________________________________
at pagsisikap. _________________________________
_________________________________
____

2. _________________________________
Ang sumusunod
_________________________________
sa pamantayan
_________________________________
ay may kalidad _________________________________
ang _________________________________
_________________________________
kinalalabasan. _________________________________
____

_________________________________
3.
Bago makamit ang _________________________________
_________________________________
tagumpay ay may
_________________________________
pagsubok na _________________________________
mararanasan. _________________________________
_________________________________
____

16
4. _________________________________
Ang paghingi ng
_________________________________
gabay ay _________________________________
makatutulong sa _________________________________
_________________________________
pag-unlad ng
_________________________________
gawain. _________________________________
____

_________________________________
5. Ang gawaing may _________________________________
kalidad ay _________________________________
_________________________________
maipagmamalaki. _________________________________
_________________________________
_________________________________
____

17
Pang-isahang Gawain 2

Panuto: Kopyahin sa kwaderno ang nakalarawan sa ibaba at lagyan ng tsek (✓) ang
mga kahong nagpapakita ng gawaing may kalidad.

pabago-bago ng pag-uukol ng oras nakasusunod sa


gawain at panahon tamang direksyon

Pamantayan
sa Paggawa
nang may
Kalidad

pinaplano ang buong kahusayang hindi tinatapos ang


gawain bago ginagawa ang sinimulang gawain
simulan gawain

18
Pang-isahang Pagtataya 2

Panuto: Sumulat ng limang pamamaraan upang maipakita mo na ikaw ay sumusunod


sa iba’t ibang pamantayan sa paggawa ng isang proyekto.

Pamantayan sa Paggawa ng Isang Proyekto

1. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

2. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

3. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

4. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

5. ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________

19
Pang-isahang Gawain 3

Panuto: Ano-ano ang mga katangian ng isang gawain o proyektong dapat


ipagmalaki? Kopyahin sa sagutang papel ang iyong sagot.

Gawaing Proyektong natapos


pinagtulungan at kaagad dahil ginawa
napagkasunduan ng nang hindi inuunawa
lahat

Proyektong natapos
nang may kalidad
sapagkat sumunod sa
pamantayan

Gawaing natapos nang Gawaing natapos


madali at hindi sumunod nang maaga dahil
sa pamantayan inunawa muna ang
mga pamantayan

20
Pang-isahang Pagtataya 3

Panuto: Buuin ang salita. Punan ang kahon ng tamang titik upang mabuo ang salitang
inilalarawan sa bawat pangungusap.

1. Tagal o oras na inilaan sa isang gawain

P N H

2. Batayang ibinibigay para sa proyekto o gawain

A M N Y N

3. Kailangan ng panggrupong gawain upang maisakatuparan ito nang may kalidad.

P A G I S

4. Uri ng proyekto o gawain na karapat-dapat na ipagmalaki.

M A Y A D A D

5. Dapat gawin sa proyekto na natapos nang may kalidad dahil sumunod sa

pamantayan.

I M A A K I

21
Pang-isahang Gawain 4

Panuto: Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita o maisasagawa ang mga


gawain o proyektong may kalidad? Isulat ang iyong sagot sa loob ng puso.

22
Pang-isahang Pagtataya 4

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng
isang gawain o proyektong napagtagumpayan at isulat ang salitang MALI kung hindi.

________________1. Gawaing may kalidad dahil sa pagkakaisa ng isang pangkat.

________________2. Gawaing minadali at walang kalidad.

________________3. Proyektong natapos nang may kalidad sapagkat sumunod sa


mga pamantayan.

________________4. Proyektong hindi tinapos dahil sa hindi pagtutulungan ng


miyembro sa isang pangkat.

________________5. Gawaing natapos kaagad dahil hindi inunawa ang mga


pamantayang dapat sundin.

Isaisip

Panuto: Paano mo mapatutunayan na mahalaga ang pagsunod sa pamantayan


upang magkaroon ng kalidad ang isang gawain? Punan nang wastong salita ang
bawat patlang para mabuo ang kaisipang ipinapahayag. Piliin ang mga sagot sa loob
ng kahon.

miyembro kooperasyon pagmamalasakit


pamantayan kalidad

Ang anumang gawaing ginawa nang sumusunod sa


_____________________________ ay magkakaroon ng ____________________ .

Sabayan pa ito ng _______________________ at _____________________ ng


bawat miyembro ay magiging magaan ang paggawa nito. Dapat mong malaman na
ang bawat _________________ ng grupo, maliit man o malaki ang ambag nito sa
pagtatapos ng gawain ay mahalaga. Mapagtatagumpayan ang isang gawain nang
may kasiyahan sa puso ng bawat isa.

23
Isagawa

Panuto: Isulat sa loob ng kahon kung ano ang nararapat mong gawin sa mga
sumusunod na sitwasyon.

1. Napansin mong nahihirapan ang ilan sa inyong mga miyembro sa paggawa ng


inyong proyekto sa Edukasyon sa Pagpapakatao.

2. Sinabihan kayo ng inyong guro na magkakaroon kayo ng Proyekto sa Araling


Panlipunan, at ikaw ang naatasan bilang lider sa inyong pangkat. Napansin mo na
ilang araw nang hindi pumapasok ang dalawa sa iyong kagrupo.

3. Nakita mong nakikipagkwentuhan lang ang isa sa mga kagrupo ninyo habang kayo
ay abala sa paggawa ng mga dekorasyong gagamitin sa palatuntunan.

24
4. Magkakaroon ng dance contest sa inyong barangay para sa nalalapit na
kapistahan. Nagkataong magkalaban ang inyong pangkat at ng matalik mong
kaibigan.

5. Lahat ng miyembro sa inyong pangkat ay nakikiisa at nagbibigay ng kanilang ideya


sa paggawa ng inyong proyekto.

25
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat sa kwaderno


ang maaaring gawin upang matapos ang isang gawain nang naaayon sa pamantayan
at may kalidad.

1. Naatasan ang inyong pangkat na gumawa ng isang maikling kuwento tungkol sa


pag-aalaga ng kapaligiran. Napansin mo na ilan sa iyong mga kagrupo ay hindi
nakikibahagi o nagbibigay ng kanilang mga ideya o saloobin tungkol sa paksang
naiatas sa inyo ng inyong guro.

2. Sa paggawa ng proyekto ay may mga pamantayang dapat sundin at isaalang-


alang. Napansin mo na ang iyong lider ay hindi sumunod sa mga pamantayang
binahagi ng inyong guro sa inyong pangkat.

26
3. Minadali ng inyong pangkat ang paggawa ng proyekto sa Edukasyon sa
Pagpapakatao. Maraming nakitang dapat iwasto dahil hindi nakasunod sa
pamantayan.

4. Hindi nagbahagi ang bawat isang miyembro ng inyong pangkat ng kanilang


ideya at kaalaman sa inyong pangkatang gawain.

5. Naiatas sa iyo ng iyong lider ang pagsasaliksik tungkol sa kalikasan. Ngunit


batid mo sa iyong isipan na kayang-kaya mo ang iniatas na gawain at naglaro
ka na lamang ng Mobile Legend.

27
Karagdagang Gawain

Panuto: Sagutin ang crossword puzzle batay sa mga nakatala sa ibaba.

3 5

I
L
2
L P D
4
P G U T

1
S A T A
W

Pahalang Patayo
1. paraan o pamamaraan 2. trabaho o gawain
4. paglinang ng kaalaman 3. resulta
5. antas ng kagalingan ng isang
bagay

28
29
Pang-isahang Pang-isahang Gawain 2 SUBUKIN
Gawain 3
/ pag-uukol ng oras at panahon 1.
* gawaing / nakasusunod sa tamang
pinagtulungan at direksyon 2.
napagkasunduan / pinaplano ang gawain bago
ng lahat simulan 3.
* proyektong / buong kahusayang ginagawa
natapos ng may ang gawain 4.
kalidad
sapagkat Pang-isahang Pagtataya 2 5.
sumunod sa *Inaasahan ang
pamantayan *Inaasahan ang pagkakaiba ng pagkakaiba ng
* gawaing sagot sa pagpapaliwanag sagot sa
natapos ng pagpapaliwanag
maaga
dahil inunawa
ang mga
pamantayan
Pang-isahang Gawain 1
1. a
2. b
Pang-isahang
Pagtataya 3 3. a
4. d
1. panahon 5. a
Pang-isahang Pagtataya 1
2. pamantayan
3. pagkakaisa
*Inaasahan ang pagkakaiba
4. may kalidad
ng sagot sa
5. ipagmalaki
pagpapaliwanag
Susi sa Pagwawasto
30
ISAISIP
pamantayan kalidad kooperasyon pagmamalasakit miyembro
TAYAHIN
*Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba batay sa nalalaman ng mag-aaral
ISAGAWA
*Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba batay sa nalalaman ng mag-aaral
TUKLASIN
*Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba batay sa nalalaman ng mag-aaral
BALIKAN
Ang mga sagot ay maaaring magkakaiba batay sa nalalaman ng mag-aaral
KARAGDAGANG GAWAIN
Pang-isahang
Gawain 4
*Inaasahan ang
pagkakaiba ng sagot
sa pagpapaliwanag
Pang-isahang
Pagtataya 4
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Mali
5. Tama
Sanggunian
Curriculum, Edukasyon sa Pagpapakatao 6
Department of Education, Most Essential Learning Competencies Matrix
K to 12 Kagamitan ng Mag-aaral
Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Teacher’s Guide

31
Para sa mga katanungan o puna, sumulat sa:

Department of Education, Schools Division of Bulacan


Curriculum Implementation Division
Learning Resource Management and Development System (LRMDS)
Capitol Compound, Guinhawa St., City of Malolos, Bulacan
Email Address: lrmdsbulacan@deped.gov.ph

32

You might also like