You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
CITY SCHOOLS DIVISION OF BACOOR
BAYANAN ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. BAYANAN, BACOOR CITY, CAVITE

AUGUST 30, 2022 - Tuesday

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 6

TIME SECTION
9:50-10:20 PURITY
10:40-11:10 INTEGRITY

I. Layunin:
1. Naisasagawa ang mga tamang hakbang na makatutulong sa pagbuo ng isang desisyon na
makabubuti sa pamilya EsP6PKP Ia-i– 37
1.1. pagsusuri nang mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pangyayari
1.2. pagsang-ayon sa pasya ng nakararami kung nakabubuti ito
1.3. paggamit ng impormasyon

II. Paksang Aralin:


Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay na may kinalaman sa sarili at pagpapasya

III. Sanggunian:
PIVOT Module - CLMD4A_EsPG6 pahina 8-10
K-to-12-MELCS pahina 86
BOW in ESP pahina 239

IV. Kagamitan:
Powerpoint Presentation / Pivot Module / Activity Sheet

V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay:
Sa Linggong ito, ipahpapatuloy natin ang ating aralin tungkol sa Pagsusuri ng mabuti sa mga bagay
na may kinalaman sa sarili at pagpapasya.

Araw-araw ay nakikita mo ang iyong sarili sa salamin o ikaw ay madalas magselfie kaya’t pamilyar
ka na sa hugis ng iyong mukha, mga labi, ilong o maging ang kulay ng iyong mga mata, ng iyong
balat at ng iyong buhok. Pero, kilala mo ba talaga ang iyong sarili ng higit pa sa mga panlabas na
katangian lamang?

Higit sa mga pisikal mong katangian, mahalaga ring makilala mo at maunawaan ang iba mo pang
taglay na katangian sapagkat ito ay bahagi ng iyong sarili na makakaimpluwensiya sa mga gagawin
mong desisyon o kilos sa araw-araw. Dito mahalagang maunawaan mo ang kahalagahan ng
pagsusuri ng sarili o personal na pagsusuri (self-reflection) kung saan mas higit mong nauunawaan
kung sino ka talaga, ano ang iyong mga pagpapahalaga, at bakit ganyan ka mag-isip at kumilos.

Ngayon ay suriin natin ang ating mga sarili.


Sa iyong kwaderno, isulat ang mga katangian na iyong taglay (panlabas at panloob na katangian)
Humanda itong ibahagi sa klase.
2. Pagtalakay:

Ano ang ibig sabihin ng personal na pagsusuri?


Sa iyong mga nakaraang aralin, nalaman mo na ang mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan ng
taong gamitin ang kanyang isipan sa organisado at makatwirang paraan batay sa mga ebidensya
upang higit na maunawaan ang kaugnayan ng mga bagay, impormasyon at pangyayari sa isa’t isa
na makatutulong sa pagbuo ng isang konklusyon o desisyon.

Isang mahalagang bahagi ng proseso ng mapanuring pag-iisip ay ang kakayahan na kilalanin ang
iyong sarili at suriin ang mga bagay o pangyayari na may kinalaman sa iyong sarili sapagkat ang
mga ito ay makakaapekto sa iyong magiging aksyon o desisyon na ginagawa sa araw-araw at
mararanasan sa hinaharap.

Ang pagsusuring personal o pagsusuri ng sarili ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit
mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-
isip at kumilos. Ito ay isang paraan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais
mong mangyari na nangangailangan ng masusing obserbasyon at malalim na pagsusuri ng sarili
upang umunlad ka bilang tao.

3. Pang-isahang gawain: (Activity Sheet)


PSP (Pagsusuri ng Sarili at Pangyayari)

Panuto: Ikaw ay maglalakbay tungo sa pagtuklas ng iyong sarili gamit ang iyong kakayahang magsuri.
Sagutin ang bawat katanungan nang may katapatan at sundin ang hinihingi sa bawat kahon. Sa mga
katanungang may pamimilian, kulayan ang iyong kasagutan.

4. Pagtataya (Activity Sheet)


Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip,
may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o
desisyon.
A. malikhaing pag-iisip C. pagkabukas ng isipan
B. mapanuring pag-iisip D. pagsusuring personal
_______2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may
kinalaman sa kanyang sarili, maliban sa:
A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba
B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan
C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon
D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon
_______3. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka,
ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-
daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari.
A. pagsusuring personal C. mapanuring pagsusuri
B. malikhaing pag-iisip D. pagkabukas ng isipan
_______4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon?
A. Nakakatulog ka ng mahimbing
B. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga
C. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran.
D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala.
_______5. Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong
huminto dahil sa kakulangan ng pera?

I. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera.


II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan.
III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa
elementarya.
IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang
makatulong sa pamilya.
V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang
maipagpatuloy ang pag-aaral.
A. I, II, at III C. II, III, at V
B. II, IV, at V D. III, IV, at V

5. Pagtatapos:
Isulat ang iyong maikling repleksyon tungkol sa aralin:
Ang aking natutunan:
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
VI. Proficiency Level:

PROFICIENCY LEVEL
Purity Integrity
5 X = 5 X =
4 X = 4 X =
3 X = 3 X =
2 X = 2 X =
1 X = 1 X =

Reflection:

VI- Purity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

VI- Integrity
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Prepared by:

ZARAH MARISSE P. VALENZUELA


Teacher I

Checked by:

MARIBEL S. BANATANTO
Master Teacher I

You might also like