You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone VI, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
website: www.depedzambales.ph

Pangalan: ______________________________ Baitang/Seksyon: _______________


School: _________________________________ Date: __________________________

GAWAING PAGKATUTO
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

I. Panimula
“Ikaw ay isang obra-maestra ng Diyos sapagkat ikaw ay nilikhang
kawangis Niya. Ano ang pagkakaunawa mo sa pangungusap na ito? May
epekto ba ang katagang ito sa iyo?

Sa araling ito ay babalikan mong muli ang taglay mong kakayahan


bilang tao upang matugunan mo ang hamon ng pagpapakatao. Paano mo nga
ba gagamitin ang kakayahan na itinuturing ding isang kapangyarihan?

Tuklasin mo ang mahalagang perlas ng karunungang inihanda para sa


iyo sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral sa modyul na ito.

Inaasahang masasagot mo ang mahalagang tanong na: Paano dapat


gamitin ang isip at kilos-loob ng tao?

II. Kasanayang Pampagkatuto:


Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
(ESP10MP-1a-1.1)

Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa


ng mga kongkretong hakbang upamg malagpasan ang mga ito. (ESP10MP-
1a-1.2)

III. Layunin:
Pagkatapos ng gawaing pagkatuto ikaw ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.
2. Napahahalagahan ang isip at kilos-loob bilang biyaya na kaloob ng
Diyos sa tao.
3. Nakagagawa ng mga angkop na kilos upang maipakita kung paano
ginagamit ang isip at kilos-loob araw-araw.

IV. Pagtatalakay sa Paksa:


Basahin at unawain ang sumusunod na sanaysay.
Ang Tao ay isang Obra-maestra ng Diyos

Ang tao ay tinawag na “obra maestra” sapagkat ang tao ay nilikha ng


Diyos na kawangis niya, siya ay isang obra maestra. Sa pagiging obra maestro
ng Diyos ay pinagkalooban ang tao ng kakayahang mag – isip, pumili, at
gumusto. Sila ay nilalang na may likas na kaalaman ukol sa mabuti at
masama. Mayroon silang konsensya na siyang nagbibigay ng senyales o
palatandaan sa pagpili ng mabuti at masama. Gayunpaman, ang tao ay
nilikha ng hindi tapos. Ito ay sa kadahilanang ang tao ang siyang magtatakda
ng kanyang hantungan.

Sa pamamagitan ng panloob at panlabas na pandama at isip na


bumubuo sa pangkaalamang pakultad ng tao at ng emosyon at kilos – loob
na bumubuo naman sa pagkagustong pakultad ng tao, magkakaroon ang tao
ng kakayahang buuin ang kanyang sariling pagkatao. Ang pagkakaroon ng
tao ng pandama at isip ang siyang nakapagpapaiba sa tao mula sa iba pang
nilalang ng Diyos. Ang isip ng tao na ginagamit hindi lamang upang
makaalam kundi upang umunawa at humusga. Samantalang ang kanyang
kilos – loob naman ang kanyang gamit upang umayaw o sumang – ayon
maliban sa kanyang emosyon.

Masasabing ang hayop ay may kamalayan sa kaniyang kapaligiran


dahil sa may matalas siyang kakayahan upang kilalanin ang bagay na
nakikita, tunog o kaya’y amoy ng kaniyang paligid lalo na kung ito ay may
kaugnayan sa kaniyang buhay. Mayroon din itong pakiramdam sa kung ano
ang mabuti at masama para sa kanyang kabutihan o kapakanan. May
kakayahan din itong gumawa ng paraan upang makuha ang kaniyang
ninanais. Samakatwid, ang mga kakayahang ito ng hayop ay ginagamit nang
walang ibang kahulugan sa kaniya kundi upang kumilos para pangalagaan o
protektahan ang kaniyang sarili. Dito naiiba ang tao sa hayop dahil bukod sa
pandama, ang tao ay may isip hindi lamang upang makaalam kundi upang
makaunawa at maghusga.

Ang tao ay may kakayahang umunawa at kakayahang makakuha ng


buod ng karanasan at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan.

2
Sa pamamagitan ng kanyang malayang kilos-loob,magagawa niyang pigilin
ang pandama at emosyon at mailagay ang paggamit nito sa tamang
direksiyon. Maaaring piliin ng tao ang kanyang titingnan o kaya’y pakikinggan
at maaari niyang pigilin ang kaniyang emosyon upang hindi ito makasama sa
kanya at sa pakikitungo niya sa iba. Ito ang kakayahang taglay ng tao na
nagpapabukod-tangi sa kanya sa iba pang

Ang kaganapan ng ating pagkatao ay sa patuloy na pag-iral natin bilang


Kawangis ng Diyos na may Isip at Kilos-loob. Nilikha ang tao upang tuklasin
ang katotohanan (isip) at buuin ang kanyang pagkatao sa pamamagitan ng
pagmamahal at paglilingkod sa kapwa.

V. Gawain:
Gawain A.
Panuto: Pagmasdan at suriin mo ang mga sumusunod na larawan.
Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong:

a. Ano ang pagkakatulad ng tatlong nasa larawan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

b. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

c. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3
2. Ano ang kakayahang ng tatlong ito? Ating tuklasin sa pamamagitan ng
paggawa ng mga sumusunod:

MGA KAKAYAHAN
Halaman Hayop Tao

3.Ano ang naunawaan mong mahalagang konsepto sa gawaing ito?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Rubrics sa pagsasagawa ng Gawain A:


Kraytirya 10 7 3
Kaalaman/ Nakapagpapakita Nakapagpapakita Ang ipinahayag
Pag-unawa ng lubos na pag- ng pag-unawa sa ay malayo sa
unawa sa paksa paksa paksa.
Gamit ang isip at Ipinakita ang Ipinakita ang Hindi
kilos-loob mataas na gamit gamit at masyadong
ng isip at kilos- tunguhin ng isip nabigyang
loob at kilos-loob. nabigyang pokus
ang gamit at
tunguhin ng isip
at kilos-loob.
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan
malinaw ang maayos at ang pagkakabuo
pagkakabuo at malinaw ang at paglalahad ng
pagkakalahad ng pagkakabuo at reaksiyon.
reyalisasyon pagkakalahad ng
reyalisasyon

Gawain B.

Panuto: Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Ipagpalagay na isa ka sa


mga tauhan sa bawat sitwasyon.Sagutan ang mga sumusunod na tanong.

SITWASYON 1:
Magkakasamakayo ng mga kaklase mon a kumakain sa kantina.
Masaya kayong nagkukuwentuhan nang biglang napunta ang usapan
tungkol kay Liza, isa rin sa inyong kaklase.Wala siya sa grupo nang oras
na iyon. Ayon sa isa ninyong kasama, nakikipagrelasyon ito sa isang
lalaking may asawa. Kapitbahay ninyo si Liza.

4
Mga Tanong:
1.) Ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito? _______________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2.) Ano ang magiging epekto ng gagawin mo sa mga kaklase mong
nagkukuwentuhan tungkol kay Liza? _____________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3.) Ano ang magiging epekto kay Liza ng gagawin mo? _____________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4.) Ano ang magiging epekto sa iyo ng gagawin mo? ________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5.) Babaguhin mo ba ang naging pasiya mo? Bakit oo? Bakit Hindi? ________
___________________________________________________________________________

SITWASYON 2:
Sinisiraan ka ng iyong kaibigan sa crush mo. Natuklasan mo na kaya
niya ginawa ito ay dahil crush din pala niya ang crush mo.

Mga Tanong:
1. Ano ang mararamdaman mo sa pangyayaring ito? _______________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Ano ang gagawin mo sa kaibigan mo? May kaugnayan ba ito sa iyong
nararamdaman o emosyon? _______________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Ano ang magiging epekto nito sa kaibigan mo? __________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
4. Ano ang magiging epekto nito sa iyo? __________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Papalitan mo ba ang iyong piniling gawin? ______________________________
___________________________________________________________________________

Gawain C.
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon. Pagkatapos ay isulat ang iyong
mga katuwiran sa naging pasiya mo kaugnay ng iyong pag- aaral at ang
gagawing solusyon kaugnay nito.

5
Maganda ang performance mo sa iyong pag-aaral. Napatunayan mo
na ang iyong kakayahan mula pa noong ikaw ay nasa mababang taon ng
sekondarya. Subalit mula nang nakilala mo at naging barkada si Rolly na
mahilig sa internet gaming at walang interes sa pag-
aaral,naimpluwensiyahan ka niya.Napabayaan mo na rin ang iyong pag-
aaral. Nanganganib din na hindi mo matapos ang Junior High School sa
taong ito. Kinausap ka ang iyong ama, hinihingi niya sa iyo na sabihin sa
kaniya ang iyong katuwiran sa iyong naging pasiya at ang plano mong
gagawing solusyon kaugnay nito.

KATUWIRAN SA NAGING PASIYA SOLUSYONG GAGAWIN

Rubrics sa pagsasagawa ng Gawain B at C:


Kraytirya 10 7 7
Kaalaman/Pag- Malalim ang pag- Katamtaman ang Mababaw ang
unawa unawa sa lalim ng pag- pag-unawa sa
sitwasyon na unawa sa sitwasyon na
binibigyang sitwasyong binibigyang
reaksiyon binibigyang reaksiyon
reaksiyon
Gamit ng Isip at Ipinakita ang Ipnakita ang Hindi
Kilos-loob mataas na gamit gamit at masyadong
at tunguhin ng tunguhin ng isip nabigyang pokus
isip at kilos-loob. at kilos-loob. ang gamit at
tunguhin ng isip
at kilos-loob.
Organisasyon Maayos at Hindi gaanong May kalabuan
malinaw ang maayos at ang pagkakabuo
pagkakabuo at malinaw ang at pagkakalahad
pagkakabuo at ng reaksiyon.

6
pagkakalahad ng pagkakalahad ng
reaksiyon reaksiyon.
Gawain D:
Panuto: Huwag hayaan na matapos ang araw na ito na wala kang nagawa.
Gumawa ng dyornal ng iyong pang-araw-araw na gagawin sa pagmamahal
at paglilingkod sa kapwa. Gawing gabay ang talahanayan.

Pangalan ng taong
Petsa ginawan ng Sitwasyon Tugon/ginawa Resulta
paglilingkod

Rubrics sa pagsasagawa ng Gawain D:


10 7 5 3
Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagawa ng Nakagawa ng
sampu pataas na walong limang tatlong
pagkakataong pagkakataong pagkakataong pagkakataong
tumulong o tumulong o sa tumulong o sa tumulong o sa
tumugon sa namasdang namasdang namasdang
namasdang pangangailangan pangangailangan pangangailangan
pangangailangan ng kapuwa o ng kapuwa o ng kapuwa o
ng kapuwa o hinihingi ng hinihingi ng hinihingi ng
hinihingi ng sitwasyon sitwasyon sitwasyon
sitwasyon.
May naitalang May kulang sa May kulang na 2 May kulang na 3
petsa at oras ng naitalang petsa sa naitalang sa naitalang
bawat at oras ng bawat petsa at oras ng petsa at oras ng
pagsasagawa pagsasagawa bawat bawat
pagsasagawa pagsasagawa
May pangalan ng May pangalan ng May pangalan ng May pangalan ng
mga taong mga taong mga taong mga taong
natulungan at natulungan natulungan natulungan
lagda ngunit may 2 na ngunit may 4 na ngunit may 5 na
nila.Nailarawan walang lagda. walang lagda. walang lagda.
ng maayos ang Nailarawan ang Hindi malinaw Hindi nailarawan
sitwasyon na sitwasyon na ang ang sitwasyong
tinugunan. tinugunan. paglalarawan ng tinugunan.

7
sitwasyon na
tinugunan.

Malinaw at May kaunting Hindi Hindi malinaw


naipahayag ang kulang sa masyadong ang isinulat na
damdamin at paglalahad ng naipahayag ang resulta o
reyalisasyon sa damdamin at damdamin at pagninilay sa
resulta ng reyalisasyon sa reyalisasyon sa ginawa.
ginawa. resulta ng resulta ng
ginawa. ginawa.

Gawain E.
Panuto: Gumawa ng isang malikhaing presentasyon ng pangungusap na ito.
Maaaring gumuhit, sumulat ng tula o awit upang ipahayag ang katotohanan
ng pangungusap na ito.

“IKAW AY ISANG OBRA MAESTRA NG DIYOS”

Rubrics para sa Gawain E:

Kraytirya 15 10 7 4
Tugma ang Lahat ng May isang May May 3 o
mga ginamit simbolo na simbolo na dalawang mahigit
na simbolo sa ginamit ay hindi tugma simbolo na pang
paglalarawan tugma sa sa hindi tugma simbolo na
paglalarawan paglalarawan sa hindi
paglalarawan tugma sa
paglalaraw
an
Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita Hindi
pagkamalikh pagkamalikh pagkamalikh ang nakagawa
ain sa ain sa ain ngunit pagkamalikh ng
paglalarawan kabuuan ng hindi ain sa malikhaing
. paglalarawan gaanong ginawang paglalaraw
at tunay na paglalarawan an

8
nakapupuka nakapupuka
w ng pansin w ng pansin
ang kabuuan
ng
paglalarawan
May kalakip Maikli ngunit Hindi naging Hindi Walang
na maikling malinaw ang tuwiran ang naipaliwanag kalakip na
paliwanag paliwanag paliwanag nito ang paliwanag
nilalaman ng ang
malikhaing malikhaing
paglalarawan paglalaraw
an

VI. PAGSUSULIT
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang kakayahan ng isip na layong makakuha ng buod ng karanasan
at makabuo ng kataga upang bigyan ito ng kahulugan?
a) maghusga b) makaunawa c) mag-isip d) mangatwiran

2. Ito ay panloob na pandama na may kakayahang kilalanin ang nakalipas


na pangyayari o karanasan.
a) instinct b) imahinasyon c) kamalayan d) memorya

3. Ito ay itinuturing na pinakamataas na uri na nilikha ng Diyos na


binigyan ng isip at kilos-loob
a) halaman b) bagay c) tao d) hayop

4. Ano ang tawag kapag tumugon ang tao sa obhetibong hinihingi ng


sitwasyon?
a) respeto b) pagmamahal c) paglilingkod d) hustisya

5. Ang tao at hayop ay parehong may isip at kilos-loob.


a) Tama b) Mali

6. Ang pandama ang pumupukaw sa kaalaman ng tao


a) Tama b) Mali

7. Gaya ng tao, ang hayop ay may kakayahang magbigay kahulugan at


maghanap ng katotohanan.
a) Tama b) Mali

8. Sa pagmamahal nakabatay ang iba’t ibang pagkilos ng tao.


a) Tama b) Mali

9
9. Sinasabing ang tao ay nilikhang tapos sapagkat alam na niya ang
kaniyang kahihinatnan mula sa kaniyang kapanganakan.
a) Tama b) Mali

10. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos kaya’t tinatawag siya na


kaniyang obra maestro.
a) Tama b) Mali

VII. Pagwawakas:
Ipinanganak man ang taong hindi TAPOS, nilikha naman siyang
kawangis ng Diyos na may isip at kilos-loob upang tuklasin ang katotohanan
at buuin ang kaniyang pagkatao sa pamamagitan ng paagmamahal at
paglilingkod sa kaniyang kapwa.
Maaaring sabihin na ang ginawang paglikha ng Diyos ay hindi pa
tapos, nagpapatuloy ito sa kamay ng mga taong nagsisikap lilukin ang
kanilang kinabukasan, mga taong nagsisikap paunlarin ang kanilang sarili
at abutin ang pagka-sino ng kanilang pagiging tao.
Magagawa ng taong magpakatao at linangin ang mga katangian
ng kaniyang pagkatao dahil sa kaniyang isip at kilos-loob. Nagkakaroon ng
kabuluhan ang buhay ng tao kung inilalaan ito sa pagsasabuhay ng
katotohanan, sa pagmamahal, at sa paglilingkod sa kapuwa.

VIII. Mga Sanggunian:

Edukasyon Sa Pagpapakatao - Unang Baitang, Kagamitan Ng Mag-Aaral.


Pasig City, Philippines: Department of Education – Bureau of Learning
Resources.

Edukasyon Sa Pagpapakatao - Unang Baitang, Gabay ng Guro. Pasig City,


Philippines: Department of Education – Bureau of Learning Resources.

Inihanda ni:

Elsa Sardeña
Teacher III
San Antonio National High School
District of San Antonio

10

You might also like