You are on page 1of 8

Learning Activity Worksheets

Edukasyon sa Pagpapakatao
Grade 10

Pangalan:_________________________ Petsa: _________Marka:____________

Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad/

Paninindigan Tungkol sa Pangangalaga ng Sarili Laban sa
Pang-aabusong Seksuwal Tungo sa Maayos na Pagtingin sa
Sarili at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Week 3
PAMAMARAAN
Natukoy natin at nasuri ang iba’t ibang isyu tungkol sa seksuwalidad. Nalaman
natin ang iba’t ibang epekto sa mga taong sangkot sa mga ito gayundin ang iba’t ibang
pananaw na kaugnay ng mga isyung ito. Mahihinuha rin natin sa mga paglalahad na ang
mga isyung seksuwal na mga ito ay hindi nararapat gawin lalo na ng kabataan pa lamang.

Ano ba ang katotohanang ipinapahayag ng mga isyung ito? Sa malalim na pagtingin,

ano ang epekto ng mga isyung nabanggit sa pagkatao ng tao o sa dignidad ng tao? Ang
pagpayag, pagsasagawa, at pagiging kaugnay sa mga isyung panseksuwalidad ay
nagsasawalang-bahala sa sumusunod na katotohanan:
1. Nilikha ng Diyos ang tao na mabuti at tumutungo sa sariling kaganapan, at ang
pagtungo sa kaganapang ito ay malaya at may kamalayan.

2. Ang tao ay may espiritwal na kaluluwa (porma) at katawan (materya) na kumikilos na

magkatugma tungo sa isang telos o layunin.

3. Upang marating ang kaniyang telos o layunin, kailangang gamitin ng tao ang kaniyang
isip at kilos-loob na siyang magpapasiya kung ang kilos at pamamaraan ay mabuti o
masama. Iugnay natin ngayon ang mga katotohanang ito sa mga isyung seksuwal na
ating tinukoy at inunawa.

Ang seksuwalidad ay kaloob sa atin ng Diyos. Ito ay mabuti at magdadala sa bawat isa
sa atin sa layuning makamit at madama ang tunay na pagmamahal na siya namang
dahilan kung bakit nilalang tayo ng Diyos. Ang Mahalagang maunawaan na ang
pakikipagtalik ay hindi lamang para makadama ng kaligayahang sensuwal. Hindi ito
isang paraan para makadama ng kaligayan, kundi ito ay isang paraan na naglalayong
pag-isahin ang isang babae at lalaki sa diwa ng pagmamahal.

Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal kabilang na ang katawan bilang ekspresyon
ng pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong gawin sa tamang panahon.

1
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

TANDAAN: Basahin at unawaing mabuti ang Rubrik na gagamitin sa pagwawasto ng

iyong mga sagot.

GAWAIN 1

PANUTO: Pag – isipan Mo

Suriin ang Moral Dillema na nasa loob ng kahon. Isulat ang iyong saloobin sakaling
malagay ka sa kaparehong sitwasyon.

Isa kang lider sa inyong paaralan. Mahalaga sa iyo ang pag-aaral dahil naniniwala
kang ito ang mag-aahon sa inyo sa kahirapan. Nagtutulong-tulong ang iyong pamilya
upang makapagtapos ka ng pag-aaral. Mayroon ka ring kasintahan na mahal na
mahal mo. Isang araw nagyaya siyang pumasok kayo sa hotel upang mapatunayan
ang pagmamahal na iyon. Sabi niya, iiwanan ka niya at magpapakamatay siya kung
hindi mo siya pagbibigyan. Ano ang iyong gagawin?

_________________________________________________________________________

GAWAIN 2

PANUTO: Pagkatapos mong maunawaan ang tunay na kahulugan ng Dignidad at

Sekswalidad, gumuhit o magdikit ng simbolo na nag papakita ng iyong pagkaunawa dito.
Ipaliwanag ang iyong napiling simbolo.

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Linggo
Napangangatwiranan na:
Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang
sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon

tungkol sa paggalang sa pagkatao ng tao.

(Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili

2 at personal na tungkulin na ginagampanan ng
tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu
tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

PANUTO: Suriin Mo
Suriin ang sumusunod na pahayag. kung ikaw ay sangayon o hindi sa mga pahayag na
nabanggit batay sa konseptong napapaloob sa aralin. Magbigay ng dahilan o paliwanag
kung bakit sang-ayon o hindi sang-ayon sa pahayag.

1. Ang pakikipagtalik ay normal para sa kabataang nagmamahalan.

________________________________________________________________

2. Ang pagtatalik ng magkasintahan ay kailangan upang makaranas ng kasiyahan.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

3. Ang paggamit ng ating katawan para sa seksuwal na gawain ay mabuti ngunit

maaari lamang gawin ng mga taong pinagbuklod ng kasal.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

4. Ang pagtingin sa mga malalaswang babasahin o larawan ay walang epekto sa

ikabubuti at ikasasama ng tao.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

5. Ang tao na nagiging kasangkapan ng pornograpiya ay nagiging isang bagay na

may mababang pagpapahalaga.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Linggo
Napangangatwiranan na:
Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang
sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon

tungkol sa paggalang sa pagkatao ng tao.

(Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili

3 at personal na tungkulin na ginagampanan ng
tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu
tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 4
PANUTO: Mula sa iyong nabasa, subukin natin ang iyong pagkaunawa sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong sa ibaba at isulat ito sa nakalaang espasyo.

1. Ano ang maling pananaw ng kabataan sa mga isyung seksuwalidad na kanilang

kinakaharap ngayon? Ipaliwanang ang iyong sagot
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

2. Bilang kabataan, anong posisyon o mabuting pasiya ang maaari mong gawin
bilang paggalang sa seksuwalidad
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto ng mga Gawain

Mga Sanggunian

• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag aaral, kagawaran ng

Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2015
• Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Gabay sa Pagtuturo Unang
Edisyon 2015
Inihanda ni:
Desiree D. Evangelista
Captain Albert Aguilar National High School

__________________________________________________________________________________________
Ikatlong Linggo
Napangangatwiranan na:
Makatutulong sa pagkakaroon ng posisyon tungkol sa kahalagahan ng paggalang
sa pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito ang kaalaman sa mga isyung may
kinalaman sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad ng tao.

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng posisyon

tungkol sa paggalang sa pagkatao ng tao.

(Ang seksuwalidad ay isang malayang pagpili

4 at personal na tungkulin na ginagampanan ng
tao gamit ang kaniyang katawan at espiritu
tungo sa kaniyang kaganapan kaisa ang Diyos.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

Mga Isyung Moral Tungkol sa Seksuwalidad/

Paninindigan Tungkol sa Pangangalaga ng Sarili Laban sa
Pang-aabusong Seksuwal Tungo sa Maayos na Pagtingin sa
Sarili at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Week 4
GAWAIN 1
PANUTO: Sagutin ang mga di-kumpletong pangungusap.

1. Ang seksuwalidad ay kaloob sa akin ng Diyos

kaya _________________________________
_____________________________________
_____________________________________
2. Maipamamalas ko ang pagpapahalaga sa
seksuwalidad ng aking kapwa sa pamamagitan ng
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________
3. Kung mayroon akong kakilalang may
pinagdadaanan tungkol sa usaping seksuwalidad,
matutulungan ko siya sa pamamagitan ng
_____________________________________
_____________________________________
_____________________________________

__________________________________________________________________________________________

Ikaapat na Linggo
Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang mga pamamaraan sa pagkakaroon ng malinaw

na posisyon tungkol sa isyu ng dignidad at seksuwalidad.
(Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal
kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng
5 pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 2

PANUTO: Basahin ang halimbawa sa ibaba at gumawa ng sariling maiksing diyalogo

tungkol sa seksuwalidad na nagpapahayag ng akma at tamang pananaw ukol dito.

Halimbawa:

__________________________________________________________________________________________

Ikaapat na Linggo
Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang mga pamamaraan sa pagkakaroon ng malinaw

na posisyon tungkol sa isyu ng dignidad at seksuwalidad.
(Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal
kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng
6 pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 3

PANUTO: Lumikha ng isang poster slogan tungkol sa seksuwalidad na naglalayong

ipahayag sa mga kabataang katulad mo ang kahalagahan at layunin nito. Maaari ring
gumamit ng mga pangkulay bilang pangdisenyo.

Halimbawa:

__________________________________________________________________________________________

Ikaapat na Linggo
Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang mga pamamaraan sa pagkakaroon ng malinaw

na posisyon tungkol sa isyu ng dignidad at seksuwalidad.
(Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal
kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng
7 pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon.)
Learning Activity Worksheets
GRADE 10- Edukasyon sa Pagpapakatao
__________________________________________________________________________________

GAWAIN 4

PANUTO: Sumulat ng isang liham para sa iyong sarili sampung taon mula ngayon na
nagpapahayag ng iyong tamang posisyon sa pagsasabuhay ng layunin at
pagpapahalaga sa iyong seksuwalidad.

Halimbawa:

Mga Sanggunian
• Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Modyul para sa Mag aaral, kagawaran ng
Edukasyon, Republika ng Pilipinas, 2015
• Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang Gabay sa Pagtuturo Unang
Edisyon 2015

Inihanda ni:
Tracy Ruth A. Alcala - Olivar
Captain Albert Aguilar National High School

__________________________________________________________________________________________

Ikaapat na Linggo
Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng
paggalang sa dignidad at seksuwalidad

Note to the Teacher: Ipaliwanag ang mga pamamaraan sa pagkakaroon ng malinaw

na posisyon tungkol sa isyu ng dignidad at seksuwalidad.
(Ang paggamit sa mga kakayahang seksuwal
kabilang na ang katawan bilang ekspresyon ng
8 pagmamahal ay mabuti, ngunit nararapat itong
gawin sa tamang panahon.)

You might also like