You are on page 1of 9

GARRY P.

DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

GRADE 8
Mga Inaasahan
Sa araling ito mauunawaan mo ang kahalagahan ng pagkakaroon ng bukas na kaisipan
sa nangyayari sa iyong kapaligiran upang masiguro ang iyong kaligtasan sa mga ibat-ibang
karahasan na maaaring mangyari maging sa paaralan. Mahalagang matutuhan natin ang
kahalagahan ng pagmamahal sa sarili at sa ating kapwa upang maiwasan ang anomang
karahasan sa paaralan.

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan at pag-unawa:

1. Nakikilala ang mga uri, sanhi at epekto ng mga umiiral na karahasan sa paaralan;
2. Nasusuri ang mga aspekto ng pagmamahal sa sarili at kapwa na kailangan upang
maiwasan at matugunan ang karahasan sa paaralan;
3. Naipaliliwanag na:
a. Ang pag-iwas sa anomang uri ng karahasan sa paaralan (tulad ng pagsali sa
fraternity at gang at pambubulas) at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito
ay patunay ng pagmamahal sa sarili at kapwa at paggalang sa buhay. Ang
pagmamahal na ito sa kapwa ay may kaakibat na katarungan – ang pagbibigay sa
kapwa ng nararapat sa kanya.
b. May tungkulin ang tao kaugnay sa buhay- ang ingatan ang kanyang sarili at umiwas
sa kamatayan o sitwasyong maglalagay sa kanya sa panganib. Kung minamahal
niya ang kanyang kapwa tulad ng sarili, iingatan din niya ang buhay nito.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang maiwasan at masupil ang mga karahasan sa
kanyang paaralan.

Bago tayo magsimula, ay sasagutin mo muna ang mga nakalaang paunang


pagsubok upang mataya ang iyong kakayahan

Paunang Pagsubok
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at MALI naman kung hindi.

_________1. Upang magkaroon ng paggalang sa iyong kapwa, kailangang magkaroon ka ng


paggalang sa iyong sarili.
_________2. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
_________3. Ang disiplina ay naguumpisa sa iyong kapwa bago sa sarili.
_________4. Walang epekto ang pambubulas sa isang mag-aaral.
_________5. Ang gawaing bandalismo ay maituturing na karahasan sa paaralan.
_________6. Nakalulugod sa mga nambubulas na maramdaman ang kanilang kalakasan at
kontrolin ang ibang tao.
_________7. Madalas na hindi nakakaranas ng pambubulas sa paaralan ang mga may
kapansanan.
_________8. Upang maiwasan ang karahasan sa paaralan ibigay ang atensiyon sa pag-aaral
kaysa sa mga walang kabuluhang bagay.
_________9. Karuwagan ang pag-iwas sa away o gulo.
_________10. Ang kawalan ng seguridad sa sarili ay simbolo ng kahinaan.

Bago tayo magpatuloy, sagutan mo muna ang pagsasanay na inihanda upang


magbalik tanaw sa nakaraang paksa.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

Balik Tanaw

Panuto: Gamit ang graphic organizer sa ibaba, sagutin ang mahalagang tanong. Bakit
mahalaga ang tamang pananaw sa sekswalidad?

Ang pagmamahal
ay…

Tamang pananaw sa sekswalidad

Mga gabay na tanong:


1. Bakit mahalaga na magkaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad para sa paghahanda sa
susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at nagbibinata?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Magbigay ng mga tamang kilos tungo sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang bokasyon na magmahal?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Matapos na pag-aralan ang tamang pananaw sa sekswalidad sa pamamagitan ng


pagmamahal, Handa ka na bang pag-aralan ang iyong bagong aralin? Dito lubos mong
mauunawan ang kahalagahan ng pamamahal sa sarili at sa kapwa. Simulan na natin!

Pagpapakilala sa Aralin
Ang pambubulas o bullying ay isang sadyang pagtatangka ng isang tao o pangkat na
saktan ang pisikal at damdamin ng isang biktima sa paaralan.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

May mga pag-aaral na ang mga nabibiktima ng pambubulas ay maaring posibleng


magkaroon ng labis na pagkabalisa, sobrang kalungkutan, suliranin sa pagtulog (sleep
difficulties), mababang tingin at tiwala sa sarili, madalas na kakaunti ang kaibigan o minsan
maaaring walang kaibigan at posibilidad na sila mismo ay maging marahas, maaaring sa
panahon ng pambubulas o sa hinaharap.

Isang gawain ang inihanda para sa iyo upang lalong mas mapalawak pa ang
iyong kaalaman sa paksa

Gawain 1 (Kasanayan #1)

Panuto: Sa iyong mga napapanood o nababasa sa balita at naobserbahan sa paaralan, isulat


mo ang maaaring sanhi at epekto ng pagkakaroon ng karahasan sa paaralan.

SANHI NG PAGKAKAROON NG EPEKTO NG PAGKAKAROON NG


KARAHASAN SA PAARALAN KARAHASAN SA PAARALAN

Pamprosesong tanong:
1. Sa iyong palagay, bakit kaya may bully o nambubulas? Bakit may binubulas? Ipaliwanag.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________

2. Bakit kaya may ganitong sitwasyon sa paaralan maging sa ating bansa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

GAWAIN # 2 (Kasanayan #2)


Panuto: Tukuyin ang mga epektibong paraan upang maiwasan ang pambubulas (bullying).
Buoin ang mga salita gamit ang mga numero bilang gabay.

GABAY

Pamprosesong tanong:
1. Sa iyong palagay, paano pa maiiwasan ang pambubulas sa paaralan?
____________________________________________________________________________
2. Paano mo maiiwasan ang mga taong nambubulas?
____________________________________________________________________________
3. Sa mga pagkakataong hindi maiiwasan ang mga nambubulas, paano mo sila dapat harapin?
____________________________________________________________________________
Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Gawain 3 (Kasanayan #3)


Panuto: Ilahad ang mga pamamaraan upang maipadama ang pagmamahal sa iyong kapwa
upang hindi makasama sa anomang karahasan sa paaralan. Isulat ito sa nakalaang hagdanan
sa ibaba.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Tandaan

Pagkatapos mong matutuhan ang aralin upang maiwasan ang karahasan sa paaralan,
narito ang mga dapat mong tandaan.
 Anomang uri ng pambubulas ay hindi makakabuti sa isang mag-aaral ito man ay
pasalitang pambubulas, sosyal o relasyonal na pambubulas o pisikal na pambubulas.
 Ang pagmamahal sa sarili ang isang pinakamahalagang katangian upang maiwasan na
makasama sa anumang karahasan sa paaralan.
 Igalang ang ating kapwa upang maging ganap ang pagmamahal na inilalaan. Hindi ito
hinihingi, ito ay kusang ibinibigay.
 Dapat nating igalang ang dignidad ng tao, magagawa lamang ito kung mamahalin natin
ang ating kapwa.
 Dapat nating mahalin ang ating kapwa sapagkat ito ay nangangahulugan din ng pag-
unawa sa kaniya. Kapag mahal mo ang isang tao nakahanda kang unawain at
tanggapin siya bilang siya. Ang pagmamahal sa kapwa ay may kaakibat na katarungan.
 Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat para sa kanya.

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

Pag-alam sa mga Natutuhan


Nauunawaan mo ba ang paksa? Upang masubok ang lalim ng iyong naunawaan sagutin ang
mahalagang tanong gamit ang graphic organizer: Bakit mahalaga ang pag-iwas sa anomang uri
ng karahasan sa paaralan at ang aktibong pakikisangkot upang masupil ito?

Ang pag-iwas sa
anomang uri ng may kaakibat na
karahasan sa
ay patunay ng ______________
paaralan

Ang aktibong
pakikisangkot
upang masupil
ito

Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Pangwakas na Pagsusulit
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat aytem. Isulat ang titik
ng wastong sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ang biktima ng pambubulas ay madalas na kakaunti ang kaibigan o ________________.


A. maaring maraming kaibigan C. minsan may kasama minsan wala
B. maaring walang kaibigan D. wala sa nabanggit

2. Ito ay pagsira sa reputasyon at ang pakikipag-ugnayan sa ibang tao.


A. Pisikal na pambubulas C. Rasyonal na pambubulas
B. Damdamin na pambubulas D. Sekswal na pambubulas

3. Ang sumusunod ay madalas na sanhi kung bakit nabubulas ang isang tao maliban sa:
A. Kaibahang pisikal C. Madaling makasundo
B. Oryentasyon sekswal D. Di panatag ang sarili

4. Ang sumusunod ay epekto ng pambubulas maliban sa:


A. Sobrang kalungkutan C. Suliranin sa pagtulog
B. Mababa ang tiwala sa sarili D. Laging mahinahon

5. Ang isang pinakamahalagang katangian upang maiwasan na makasama sa anomang


karahasan sa paaralan.
A. Palakaibigan C. Pagmamahal sa sarili
B. laging mahinahon D. Pagkakasundo

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

6. Ang isa sa sandata laban sa karahasan sa paaralan ay ang lahat dapat na ___________.
A. nagsisimula sa sarili C. unahin ang iba
B. lumaban ka D. maging mabait

7. Ang pagmamahal sa kapwa ay nangangahulugan din ng ____________.


A. pangunawa sa kapwa C. pagbibigay
B. paglimot sa masamang nagawa D. pagpapabaya

8. Ang paggalang sa kapwa ay kailangan upang maging ganap ang pagmamahal na inilalaan.
Hindi ito hinihingi, ito ay ________ ibinibigay.
A. boluntaryong C. unang
B. pwedeng D. kusang

9. Ang ___________________sa sarili, kapwa at buhay ay mga sandata laban sa karahasan sa


paaralan.
A. pagsunod C. kapanatagan
B. pagmamahal D. pagbibigay

10. Ang sumusunod ay mga dahilan kung bakit nambubulas ang isang bata maliban sa:
A. Napalaki at napabayaang gawin ang lahat ng kaniyang gustong gawin at hindi
napapaalalahanan.
B. Ginamitan ng pananakit bilang pagdisiplina.
C. Hindi napalago ang ugnayan sa loob ng pamilya.
D. Nakaramdam ng pagmamahal sa kanyang pamilya at kapwa.

Pagninilay

Panuto: Mula sa ating natutuhan, gumawa ka ng isang “Powerful Message” na nagpapakita


ng pagsuporta sa “anti-bullying” upang maiwasan ang karahasan sa paaralan.

Rubrik sa Pagwawasto

Mga katangian ng sagot: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:


√ Kumpleto ang ibinigay na sagot 5 – taglay ang 3 pamantayan
√ Mahusay ang pagpapaliwanag 3 – dalawang pamantayan lamang
√ Maayos ang pagbuo ng pangungusap 1 – isang pamantayan

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

ANSWER SHEET
MODYUL SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 8
IKA-APAT NA MARKAHAN-IKALIMA AT IKAANIM NA LINGGO
ARALIN 13: KARAHASAN SA PAARALAN

Pangalan: ______________________ Guro: ______________________


Baitang at pangkat _______________________ References: _____________________

Paunang pagsubok
1. _____________ 6. ___________
2. ____________ 7. ___________
3. _____________ 8. ___________
4. _____________ ` 9. ___________
5. _____________ 10. __________

Balik Tanaw

Mga gabay na tanong


1. _________________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________________
Gawain 1

Pamprosesong tanong
1. _________________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________________
Gawain 2

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo
GARRY P. DEVIS, Module Developer ESP 8 Q4 WK5-WK6

Pamprosesong tanong
1. _________________________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________________________

Gawain 3

Pagalam sa mga natutuhan

Ang pag-iwas sa
anomang uri ng may kaakibat na
karahasan sa
paaralan ay patunay ng ______________

Ang aktibong
pakikisangkot
upang masupil
ito

Pangwakas na pagsusulit
1. _____________ 6. ___________
2. ____________ 7. ___________
3. _____________ 8. ___________
4. _____________ ` 9. ___________
5. _____________ 10. __________

Pagninilay

Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8


Ika-apat na Markahan: Ikalima at Ikaanim na Linggo

You might also like